"b***h!" Sa sobrang inis nito sa akin, hinagisan niya ako ng walo o siyam na shurikens sa iba't ibang direksyon. Halos mapasigaw ako nang malakas at malutong na putangina! Buti na lang ay nakisama ang aking adrenaline at nasipa ko ang ilan, habang sinalo ko ang isa sa kamay ko dahilan para masugatan ang palad ko. Tarantado 'tong Henz na 'to!!!
Ramdam ko ang pamumuo ng dugo sa palad ko. Sa sobrang lakas ng pagkakahagis, talagang bumaon ang shuriken dito kahit na nababalutan ng wraps ang kamay ko.
Sumugod ako sa kanya, habang abala ito sa paghagis ng panibagong shurikens at kunai. Iniwasan ko lahat ng ibabato nito sa akin at sinangga gamit ang hawak kong shuriken, at nang makalapit ako rito ay sinipa ko siya nang ubod ng lakas. Bumagsak ito sa lupa at pilit na tumayo, pero mabilis akong nakalapit dito at kaagad na tinapakan ang dibdib niya. Umupo ako para matapatan ang mukha niya at kumuha ng isang punyal sa kanyang equipment bag. Itinutok ko ito sa leeg niya dahilan para manlaki ang mga mata niya.
Knowing Henz Mitobe, magaling siya sa long range battle. I studied his fighting skills, I watched his fights din kasi dati sa trainings nila, and pinag-aralan yung moves niya. Kaya madali lang sa akin na kalabanin siya. Plus, my fighting abilities are exceptional. Kidding!
Defense kasi talaga ang specialty ni Henz. Kahit na paulanan siya ng maraming kunai, he still manages to dodge them all. Pero ang pagkakamali niya ay nagpadala siya sa mga salita ko at inuna niya ang galit niya which is naaayon sa plano ko.
"Fine. You won!" inis na sabi nito kaya binitawan ko na siya. Tumayo ito at lumabas na ng battleground habang ako ay naiwan doon na humahalakhak.
Nilingon ko sina Tobi at Alisson. Tanging ang kalansing ng mga punyal nila ang maririnig. Mainit ang labanan nito dahil pareho silang sanay sa close combat kaya naman pareho silang gigil.
Ako naman ay pinapanood lang sila. Nagawa ko pang lumapit kay Teacher Hiro para humingi ng maiinom, at pagkatapos ay tumabi ako kay Henz na tahimik na nanonood.
"Ano ba iyan, hindi man lang ako pinagpawisan," bulong ko habang pinapanood si Tobi na pawis na pawis. I heard Henz growled na tahimik ko lang na tinawanan.
Kilala ko talaga si Henz Mitobe. Classmates kasi kami since grade school, pero hindi kami close, at mas lalong hindi kami nag-uusap.
Si Alisson Ayui naman ay kilala ko na rin dahil isa kami sa mga nakaligtas na mga bata sa nangyaring gyera dito sa aming bayan. Ilang buwan rin kaming nagkasama sa iisang bubong habang nire-retrieve pa ang mga nasirang mga bahay. Kapag nakikita ko siya, ang blanko niyang mukha, ang walang emosyon niyang mga mata... nakikita ko ang sarili ko sa kanya.
Simula noong nakarating kami rito, hindi na raw siya nagpagupit. Kaya naman yung buhok niya ay lagpas na sa braso niya. Hindi naman siya gay, pero mas mahaba pa ang buhok niya sa 'kin.
Napabuntong-hininga ako.
Hindi ko akalaing magkakaharap kami ngayon dito, sa huling araw namin dito sa academy. Dahil simula bukas, tatanggap na kami ng panibagong misyon mula sa pinakasentro ng bayan, ang siyudad ng Uzumaki.
"Akira, baka gusto mo akong tulungan?" Lumingon sa akin ni Tobi. Wrong move, dahil natutukan kaagad siya ni Alisson ng punyal sa leeg. Napatingala ito at sinimangutan si Alisson. "Hindi pwedeng taympers muna?"
"What an idiot." At pagkatapos ay sinipa niya ito sa where-it-hurts-the-most dahilan upang mamilipit sa sakit si Tobi.
"Pucha!" naibulalas na lamang nito habang sapo ang kanyang mini me. Ako naman ay hindi mapigilang matawa.
"So...?" tila bored na sabi ni Alisson.
"Hayup," impit na bulong ni Tobi. Mukhang hindi pa rin mawala ang sakit na nararamdaman nito kaya naman inalalayan siya ng mediator na lumabas ng battleground.
Tawanan at hiyawan lamang ang maririnig sa apat na sulok ng arena. Pati si Henz na badtrip sa madaling pagkatalo sa akin kanina ay ang lakas ngayon kung makatawa.
Tumayo na rin ako at lumapit kay Alisson matapos ang ilang minutong nakatayo lang siya roon. Pagkatapak na pagkatapak ko sa battleground, tumigil ang tawanan at sumeryoso na ulit.
Nakatitig sa akin si Alisson. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga titig niyang iyon, pero isa lang ang alam ko. Kailangan kong iwasang lumapit sa kanya. Mabilis kasi ang mga galaw nito at hirap makita ang mga atake nito dahil na rin sa wala itong ekspresyon sa mukha.
"Hindi ko inaasahang makakaharap kita rito," bulong nito na tila sarili ang kinakausap. Pero malinaw naman sa akin na ako ang kinakausap nito.
"Same here," mahinang tugon ko at nilabanan ang mga titig niya. "You're from the famous Ayui Clan, after all," dagdag ko. Nangunot ang noo ko nang makita kong nangiti ito. Hindi ko alam kung genuine ba 'yon o sarcastic.
Hindi na rin iyon importante. Inikot-ikot ko ang punyal sa palad ko at dahan-dahang lumapit sa kanya.
"Sandali," kalmadong sinabi niya dahilan upang mahinto ako sa paglapit. Sinenyasan ako nito na huminto tapos ay nagtaas ito ng kamay. "Hindi ako lalaban."
Nanlaki ang mga mata ko. "What?"
Ngumiti ito sa akin tapos ay lumapit na sa mediator. "Hindi ko kayang labanan si Akira."
Ako naman ay nakaramdam ng inis. Tingin niya ba hindi ko siya kayang talunin? Is he underestimating me?
"Hey, Alisson. Bumalik ka sa kinatatayuan mo," malumanay ngunit may tono ng pagbabanta na wika ko rito.
"Ayoko," tanging isinagot lang nito habang naglalakad palabas ng battleground.
Kaya naman habang ina-award sa akin ang singsing na mayroong pulang diyamante na bitbit ang titulo ng Ace of the Uzumaki e nanatili akong nakasimangot at masama ang tingin sa direksyon ni Alisson. He just crushed my pride, that moron!
Isa pa, it is futile to receive such award from our academia dahil hindi magtatagal ay sasabihin ko na rin kay Teacher Hiro ang plano kong talikuran ang pagiging isang ninja at mamumuhay na lamang bilang isang normal na teenager sa Maynila.
Being a ninja is literally sacrificing your own and whole life for the betterment of the country, ngunit hindi iyon malalaman ng mga tao because you will be working behind the shadows or curtains. Makakakuha ka ng mga misyon to protect the people and the country, at upang malabanan o maputol ang kasamaan na lumalaganap sa mundo. Ibig sabihin, hindi mo pag-aari ang buhay mo at maitatali iyon sa responsibilidad mo na gawing mabuti at ligtas ang mundo.
And these clueless people would only spit ungratefulness towards you. It sucks. And knowing myself, it is actually not my cup of tea to protect other people. Sa ganoong paraan namatay ang mga magulang ko, so hindi ko gugustuhing sumunod sa mga yapak nila.