"Is this part of your mission?" tanong ko kaagad kay Niklaus nang papalapit na kami nang papalapit sa museo.
"That's right," tugon niya sa akin nang mabilis.
Kung gaano kabilis ang pagsagot niya noon, gano'n din kabilis ang paghinto ko sa paglalakad at pagharap ko sa kanya. "I said I don't want to get involved anymore. Ano ba'ng hindi mo maintindihan doon?" I snapped at him.
Humarap din siya sa 'kin at tiningnan ako sa aking mga mata. "I'm not trying to get you involved... but you can decide later whether or not you want to be. Trust me for now, okay?" aniya sa akin at ng mga nangungusap niyang mga mata.
Napabuntong-hininga ako at marahan na naipikit ang aking mga mata. Nang imulat ko, bumungad muli sa akin ang kanyang seryosong mukha. "Fine. But after this, can you all please leave me alone?" pakiusap ko sa kanya.
Huminga siya nang malalim. "I promise. I will also talk to the others so they won't bother you anymore," sinserong tugon niya na ikinabigla ko. I actually thought hindi siya papayag sa gano'n, pero ang dali niyang kausap. Maybe hindi gano'n ka-importante ang mga pinagsamahan namin para sa kanya?
Ugh... gusto kong sapukin ang sarili ko. I kept pushing them away, pero noong pumayag e parang kasalanan pa nila at ako pa ang victim. I hate myself at times.
Nagsimula na muli kaming maglakad. Hindi ko namalayan na hawak pa rin pala ni Niklaus ang kamay ko habang patungo kami sa museo. Mayroong mahabang pila roon at tanging student I.D. lamang ang kailangan upang papasukin kami. Also, kailangan ding iwanan ang lahat ng aming mga bag at gamit sa labas kung saan mayroong locker doon na binabantayan ng mga guwardiya.
So nagtungo muna kami sa locker upang iwanan ang backpack na dala ko habang siya nama'y walang kahit na anong bitbit kundi ang isang ballpen na nasa bulsa ng kanyang polo shirt.
Pumila na rin kami pagkatapos at pareho lang kaming tahimik. Mahaba-haba ang pila at napansin ko na halos mga estudyante na magkakaibigan, magkasintahan, at minsa'y mag-isa lang na pumunta ang mga nasa pila. As for me and Niklaus naman, siguro old acquaintances ang tamang tawag.
Matiyaga kaming naghintay ni Niklaus sa pila hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok. Sa dadaanan namin papasok, mayroon pang isang teknolohiya roon na nagche-check sa buo naming katawan kung may dala ba kaming weapons or matutulis na bahay, baril, o kung ano pa na pupwedeng makasakit sa iba. Mataas talaga ang security sa loob ng museo. Hindi posibleng makapagnakaw at makapanakit sa loob. Wala talagang magtatangka.
Napansin ko na walang pinagbago ang loob. Pareho pa rin ang mga lumang paintings na nakasabit sa pader, mga lumang kagamitan na ikinulong sa mga babasaging kahon na mayroon pang description kung ano iyon at ano ang kinalaman noon sa history ng bansa.
Naglakad-lakad lang kami ni Niklaus pero hindi upang magtingin-tingin ng mga naka-display. Alam kong may gusto siyang ipakita sa akin na sa tingin niya ay magpapabago sa isip ko about not getting involved. Pero alam ko naman sa sarili ko na there is nothing that would make me go back anymore. Wala na akong interes sa mga bagay na ginagawa namin noon... although minsan ay hindi ko maiwasan na magduda sa mga bagay. Nate-tempt ako na mag-investigate for my own satisfaction lang naman kasi hindi ako mapakali kapag may unsolved na bagay akong nakikita, pero buti na lamang ay napag-aralan kong balewalain ang mga gano'ng bagay.
And then I met these guys again. Mukhang unti-unti na naman akong hinihigop pabalik sa dati kong mundo... na pilit ko nang tinatakbuhan. Why would he make my life more complicated? Bakit ngayon pa when I am already confident that I have moved on.
"Trust me, Aki, I didn't want to do this. But I feel like you have to know... or you'll find out abou this eventually anyway, so why not make it earlier?" paliwanag ni Niklaus habang paikot na kami sa museo. Mukhang mayroon siyang hinahanap sa displays ngunit nakalimutan niya kung saan iyon banda, o 'di kaya'y inilipat iyon ng pwesto, o baka inalis na iyon dito sa museo. Isa sa tatlo ang dahilan kung bakit kanina pa kami umiikot-ikot dito sa loob.
"What is this about ba, Niklaus? Ayaw ko ng pa-suspense. I'm about to die na thinking what is it that you want to show me... pf which you believe will change my current life," dire-diretso kong wika nang dahil na rin sa nerbyos. Nang dahil sa mga sinasabi niya, pabilis nang pabilis ang pagtibok ng puso ko. I just hope na hindi niya ako pinagti-tripan lang kasi kanina pa kami paikot-ikot dito na tila ba wala naman talaga siyang hinahanap in the first place.
Naramdaman ko ang pagpisil ni Niklaus sa aking kamay. Saka ko lang napagtanto na magkahawak pa rin pala kami ng kamay sa buong pag-iikot namin sa loob. Hindi na ako nag-abala pang bawiin iyon dahil strangely, knowing na I have someone to hold onto when I am anxious feels great pala; it feels reassuring. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ito.
The last time that he held my hand like this, so tight as if he never wanted to let go of it anymore, was on our last day of seeing each other. It was the happiest day of my life...
Until one day, I broke up with him. Ang masakit pa roon, I have never given him any reason why we had to go separate ways. Until today.
And I was surprised na hindi siya nagtanong sa akin ng kahit na anong related doon hanggang ngayon.
"May ipapakita ka ba talaga—" Naputol ang sasabihin ko nang mayroon akong masagi na kung anong matigas na bagay sa paa ko dahilan upang matumba ako.
Kaagad na lumapit sa akin si Niklaus upang tulungan akong tumayo, ngunit ang atensyon ko ay nanatiling nasa harapan ko sapagkat may narinig akong magaspang na tunog. At hindi nga ako nagkamali sa narinig. Unti-unting bumukas ang maliit na parte ng sahig sa harapan ko at mayroong isang babasagin na kahon ang unti-unting umangat doon hanggang sa maging katulad iyon ng mga display sa museo.
No one noticed it but me and Niklaus. Parehong napaawang ang aming mga labi dahil hindi namin inaasahan na mayroon palang mga itinatago sa baba na displays, so baka hindi lang ang mga nakikita namin ngayon ang pupwede pa naming makita rito sa museo.
Nagkatinginan kami ni Niklaus at pareho kami ng naiisip. Ayoko mang maging involved pa sa misyon nila, but what I have witnessed fed my interest.