Kung minamalas-malas ka nga naman, isa na naman sa kanila ang nakasalubong ko habang nagmamadaling umalis ng gusali. Ala una pa kasi ang susunod kong schedule kaya may oras pa ako para kumain at maglibot-libot.
"Akira, can we talk?" seryoso niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero mukhang ako talaga ang sinadya niya sa palapag na 'to.
"Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Niklaus," tanging tugon ko at akmang lalagpasan ko na siya nang bigla niyang hawakan ang braso ko dahilan upang inis na mapalingon ako sa kanya. "Ano ba?" pabulong kong angal sa kanya.
"Mag-usap lang tayo," seryoso niyang sabi nang hindi pa rin binibitawan ang braso ko.
"Wala sabi tayong dapat na pag-usapan," pag-ulit ko at inalis ko ang kamay niya sa braso ko.
Tatalikuran ko na sana siya at tuluyan nang lilisanin nang muli siyang magsalita. "Marami tayong dapat na pag-usapan tungkol sa atin, ngunit isisintabi ko na muna iyon kahit pa marami akong katanungan."
Nahinto ako sa paglalakad nang dahil sa sinabi niya. Tunog desperado ang boses niya at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. About us? I'm sure there is nothing to talk about—at least that was what I wanted to believe.
Inis akong lumingon kay Niklaus. Ayoko man na kausapin siya ulit pero mukhang importante talaga para sa kanya ang gusto niyang sabihin sa akin. "What do you want from me?" seryoso ko ring tanong.
Nagsimula nang dumaan ang mga estudyante na kalalabas lamang sa kani-kanilang silid-aralan, ngunit tila kami lamang dalawa ang nandoon at hindi namin pareho alintana ang ingay sa paligid.
"I need you to stop being stubborn, and listen to me," mariin niyang sabi dahilan upang mapakunot ang aking noo. "I am finally done contemplating whether I'll tell you this or not... but I decided to tell you anyway, even though it will hurt a little."
Lalo akong nalito nang dahil sa sinasabi niya. Hindi pa kasi niya ako diretsuhin at mas marami pa ang paliguy-ligoy. Magkahalong irita at kaba ang naramdaman ko habang nakatitig ako sa kanyang seryosong mukha. "If you're going to be like that, then I don't want to hear it," angal ko sa kanya ngunit hindi niya iyon pinansin.
"If you want to hear it, follow me. I won't discuss such important and confidential issue in a hallway," sarkastiko niyang wika bago siya nagsimulang naglakad at nilagpasan ako.
Wala akong choice kung hindi sumunod sa kanya. Nanatili ang kaba sa aking dibdib, parang nanlalamig ang aking mga kamay at pinagpapawisan pa.
Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makalabas na kami ng gusali. "Saan ba tayo pupunta?" angal ko sa kanya. I swore to myself na hindi ko hahayaang magka-koneksyon ako sa mga ito. Ibig sabihin, hindi ko na sila kakausapin kahit pa kailan. Ginawa ko na ang lahat kanina upang maiwasan lang na makasalubong ang kahit sino sa kanila, but I failed. I failed this morning, and I failed again now. Ano ba 'tong ginagawa ko?
"Alam mo ba na mayroong mini museum dito, and it is surrounded with well-trained guards?" tanong niya nang hindi lumilingon sa akin hanggang sa bigla siyang huminto na hindi ko napansin. Nabangga tuloy ako sa kanya at nangudngod ang mukha ko sa kanyang likod. Lumingon siya sa akin at natatawang hinarap ako. Inayos ko kaagad ang sarili ko at bahagyang napatingala sa kanya sapagkat hanggang balikat niya lamang ako. "You do know, and you didn't even suspect how could an almost abandoned school in a remote barrio afford those elite guards?"
Tumitig ako sa kanyang hitsura na mukhang disappointed sa akin. Nag-shrug ako sa kanya. "Why would I suspect anything when I am just an ordinary college student here?" diretso kong tugon sa kanya nang hindi pinapatid ang pagtatama ng aming paningin.
"Akira," inis na sambit niya sa pangalan ko because he knew that I was being sarcastic.
"What? I'm no longer a ninja, Niklaus. It's not my job to investigate every little thing that seemed suspicious to me!" halos pasigaw na sabi ko sa kanya ngunit kino-kontrol ko pa rin ang boses ko. Of course, hindi ko malakas na sinabi ang tungkol sa pagiging ninja. Pigil pa rin ang boses ko and I'm sure not even yung mga estudyanteng nadaanan namin ay maiintindihan ang sinabi ko.
Bahagyang namilog ang mga mata ni Niklaus nang dahil sa sinabi ko. Siguro ay naisip niya na hindi na ako yung Akira Kawahara na nakilala niya noon; na I am already far from being the Ace of the Uzumaki na itinanghal nila noon. Ngayon pa lang siguro niya na-realize na tuluyan ko nang tinalikuran ang mundong noo'y sama-sama naming ginagalawan. He was suprised and disappointed, at hindi maitatago iyon ng kanyang reaksyon sa mukha.
"Akira..." tanging nasambit niya.
"This is the path that I chose, Niklaus. And I never regret leaving that world because I have finally understand now what peace is, and how it actually feels to have one," walang patid na sabi ko sa kanya at akmang iiwan ko na siya roon ngunit mukhang hindi pa rin siya sumusuko.
Hinawakan niya ang aking kamay upang pigilan ako sa pag-alis. "We're not done talking yet," aniya at saka niya ako hinila muli upang isabay sa paglalakad.
Kahit na napipikon ako sa kanya, hinayaan ko na lamang siya na isama ako sa kung saan niya ako dadalhin... pero kalaunan ay na-realize ko na sa mini museum pala ng campus kami patungo. Malayo pa kami pero natatanaw na namin ang lumang museo na pinalilibutan ng mga guwardiya.
"I was wrong, Aki. You suspected it, but you chose to look the other way," rinig kong sabi niyang muli habang pareho kaming nakatanaw sa museum. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "You already went here before, didn't you?" dagdag niya pa.
"Once, but only for a minute. Didn't get the chance to look around," I replied honestly.
It is true that I suspected the school dahil dito sa museo na ito. Wala naman akong napansin na out of ordinary noong sumilip ako sa loob at mga lumang paintings at kagamitan lang ang naka-display doon, but every single piece worth thousands for sure. Kaya siguro bantay na bantay ang mga guwardiya lalo na at all students are allowed to go inside and look around.
But yes, I did see something wrong dahil sa tindig pa lang ng mga guwardiya ay mapapansin mo na well-trained na sila. They were all calm and emotionless. Sa tingin ko ay they were also trained to suppress their emotions at kasama iyon sa trabaho nila.