Kabanata 9

1130 Words
"Akira..." Narinig ko ang malumanay na boses na tumatawag sa pangalan ko kaya dahan-dahan akong napamulat ng aking mga mata. Nakatulog pala ako habang nagbabasa ng libro. "Akira? Gising ka na ba?" Malabo pa ang mga imaheng nakikita ko kaya napakusot pa ako ng mga mata upang makapag-adjust ang aking paningin. Nang muli akong humarap sa taong kumakausap sa akin, halos mapasigaw ako nang makilala ko siya. Napaatras ako mula sa pagkakaupo ko ngunit tumama lamang ang aking likod sa pader sapagkat nakasandal na pala ako roon. Napamura ako nang marahan. "What are you doing here?" pabulong na singhal ko kay Domino sapagkat hindi ko pa rin nakakalimutan na nasa library kami at bawal mag-ingay at sumigaw rito. Nangunot ang kanyang noo. "Bakit parang nakakita ka ng multo?" nagtatakang tanong niya ngunit hindi naman siya mukhang nainsulto nang dahil sa naging reaksyon ko. Pinakalma ko ang sarili ko. It's no big deal. Ang pagkausap sa ninja na tulad niya ay hindi naman nakakamatay... at pupwede naman siguro paminsan-minsan. "Nagulat lang ako," tugon ko at saka ko pinulot ang mga librong nalaglag sa sahig. Inilibot ko ang aking tingin at kaagad hinanap ang malaking orasan na nakadikit sa pader na kinasasandalan ko. Muli akong napamura nang makitang alas otso na. "Kaya kita ginigising. It's already eight o' clock at baka may klase ka pa," malumanay niyang wika sa akin habang pinagmamasdan ang panic sa mukha ko. Kaagad akong tumayo at halos patakbo na ipinagbabalik ang mga libro sa shelves. Hindi ko na muling nilingon si Domino at nagmadali na akong lumabas ng library upang magtungo na sa klase ko. Fortunately, same floor lang ang klase ko para sa oras na 'yon. At nasaktuhan ko na nag-a-attendance pa lang ang aming propesor. "Akira Kawahara," pagtawag ng propesor sa pangalan ko upang i-check ang attendance. "Present," hinihingal kong tugon bago ako umupo sa isang bakanteng upuan sa harapan. Nakita kong napangisi ang propesor naming babae na si Miss Falcon dahil saktong-sakto ang pagpasok ko at nakaabot ako sa attendance. Nag-klase kami kaagad matapos ang attendance na iyon. Literature ang subject namin sa kanya at dahil interesado ako roon sapagkat nahiligan ko na noon pa ang pagbabasa, fully attentive ako sa kanyang klase. Nakikilala ko rin ang ilang mga titulo na binanggit niya sa klase. Kaya naman confident ako nang bigla siyang magpa-quiz tungkol sa lesson namin ng mismong klase na iyon. Nang kukuha na ako ng papel at ballpen mula sa bag ko, halos huminto ang mundo ko nang maalalang iniwan ko pala sa library ang bag ko at nakalimutan kong kunin nang dahil sa pagmamadali ko. Paglingon ko sa mga kaklase ko, lahat sila ay handa na sa quiz. At dahil loner pa man din ako, walang nag-abalang magbigay at magpahiram sa akin ng papel at panulat. Hindi ko rin malunok ang pride ko na humingi dahil madalas kong balewalain ang mga kaklase ko na siyang dahilan ng pagkainis nila sa akin. "Okay, let's start," anunsiyo ni Miss Falcon kaya naman lalo akong nag-panic dahil wala akong kahit na anong hawak. Muli akong lumingon sa mga kaklase ko at lahat sila ay naka-focus sa kanya-kanya nilang mga papel. Magtataas na sana ako ng aking kamay upang ipaalam kay Miss Falcon ang sitwasyon ko, nang biglang may kumatok sa pinto ng klasrum at bumukas iyon. Muli ko na namang nakita ang kalmadong mukha ni Domino Allegro. "Sorry, Miss, I'm late." Saka siya naglakad papasok dahilan upang mahinto si Miss Falcon sa kanyang pagsasalita at natuon ang atensyon kay Domino. "Oh... malapit nang matapos ang klase. Are you the new student of this block?" tanong ni Miss Falcon sa kanya. Hindi naman siya nagalit dahil bago sa paningin niya si Domino. Tumango si Domino at ngumiti nang tipid. "Yes, Miss. Nalito kasi ako sa schedule ko, I apologize," sinserong sagot niya. Tumango nang marahan si Miss Falcon. "Alright. Since hindi mo naabutan ang lesson namin for today, I advise na humingi ka na lang ng notes sa classmates mo. I'll also postpone the quiz for today," aniya at saka ngumiti kay Domino. Nakahinga nang maluwag ang mga kaklase namin, pati na rin ako na walang papel at panulat. "Before you find your seat, please introduce yourself to the class." Tumango si Domino at humarap sa buong klase, ngunit nahinto ang tingin niya sa 'kin. Yumuko siya nang bahagya bago nagpakilala. "I am Domino Allegro. I hope we can all be good friends," nakangiti niyang sabi. Ngumiti rin si Miss Falcon sa klase. "Oh, girls? Hold your drools dahil willing naman palang makipag-friends sa lahat si Mr. Allegro," biro ng aming propesor dahilan upang mapatawa ang buong klase, lalo na ang mga kaklase naming babae na guilty sa sinabi nito. Muling lumingon si propesor kay Domino. "You may take your seat now. I hope this doesn't happen again, alright?" malumanay na wika ni Miss Falcon. Domino bowed to her bilang paggalang at saka na umupo sa katabi kong upuan. Nagulat pa ako dahil doon siya umupo, pero nagulat ako nang hubarin niya ang suot niyang backpack at saka inabot iyon sa akin. Saka ko lamang napansin na bag ko pala iyon. "T-Thank you," tanging nasabi ko na lang although nagtataka pa rin ako kung paanong napunta iyon sa kanya. Paano niya nalaman na nalimutan ko ang bag ko sa labas ng library? Naghintay lang kami ng ilang minuto habang nakikinig sa mga kuwento ni Miss Falcon na wala naman nang kinalaman sa aming klase. Ine-entertain niya lang kami hanggang sa maubos ang oras namin. Panay rin ang pagbibiro niya sa mga kaklase namin na mukhang type si Domino. "May nanalo na ba, Mr. Allegro?" biglang tanong ni Miss Falcon kay Domino nang mapansin niya ang pagbigay nito sa akin ng bag. Hindi pa kaagad iyon nakuha ni Domino kaya nagtataka siyang napatingin sa aming propesor. "Saan po?" inosenteng tanong niya dahilan upang mapangiti si Miss Falcon habang ang mga kaklase naman naming babae ay ipit ang tili, pinagbubulungan na kung gaano ka-cute si Domino sa kainosentihan niya. Napailing na lang din si Miss Falcon sa inasta na mga kaklase ko. "Time na. I'll see you next week, class," paalam niya at saka niya binitbit ang mga dala niyang libro palabas ng classroom. Isinuot ko na rin ang backpack ko at saka ako nagmadaling lumabas ng silid bago pa kuyugin ng mga kaklase namin si Domino na nakaupo lang doon. Nang makalabas ako, sumulyap ako sandali sa loob upang tingnan ang sitwasyon niya at hindi nga ako nagkamali. Sinimulan na siyang lapitan ng mga kaklase naming babae upang tanungin siya ng kung anu-ano. Nakita kong napatingin siya sa akin at mukhang gusto niya akong sundan, ngunit wala siyang pagkakataon na makaalis sa pwesto niya. Napatawa na lang ako nang mahina bago ko tuluyang nilisan ang lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD