Savannah's POV (new character unlocked) "Savannah, right?" Bumalik ako sa katinuan nang marinig kong magsalita si Andy, ang nag-iisang anak ng may-ari ng bar na pinagtatrabauhan ko. "Ipinapatawag ka ni daddy sa may office niya. I think may good news siya sa 'yo." I wish I could call him daddy, too. I nodded. "Pupunta na lang ako. Salamat." Niligpit ko yung mga kalat sa table at pagkatapos kong mag-ayos sa room ng mga staff, dumiretso na ako sa office ni Mr. Saviel Monteya. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. "Ikaw ba si Savannah Hayes?" tanong niya nang makita ako. Tanging tango lang ang naitugon ko. Pangalawang beses palang kami nagkausap sa buong buhay ko. Noong una ay matapos mailibing ang ina ko, pinuntahan ko siya para sabihin ang tungkol sa sulat na iniwan sa akin ni mama. Tu

