Akira's POV Wala akong imik hanggang sa makarating ako sa bahay ko. Ang natatandaan ko na lang, nagpaalam ako kay Teacher Hiro at pumasok na ng bahay at nagkulong sa kwarto. Buong hapon akong natulog kaiiyak. Hindi ako maka-get over sa nangyari. Sinapak-sapak ko ang dibdib ko sa sobrang inis. Bakit ba ako nasasaktan? Ilang taon na ako noong huling humiwalay sa kanya, dapat ay sanay na ako. Pero bakit ganito... Narinig ko ang pagtunog ng phone ko. Kinuha ko ito at sinagot kaagad ang tawag. It's Tan. "Aki, otw na ako sa Grand Arena. Preparation day ngayon," Tan said over the phone. "Hindi ako makakapunta," walang gana kong tugon. "Why naman?" tanong niya na mababakasan ng pagkadismaya. "Masama ang pakiramdam ko." "Seryoso? Sige, sasabihin ko na lang kay Teacher Cholo at Zander. Punta

