Akira's POV (from Zander's flashback) Tumayo ako habang hawak ang braso ko. Tinulungan ko ring tumayo si Tofi at hinarap ang mga taong bayan. May iba na nilagpasan kami, pero ginawa ko ang makakaya ko para pigilan sila. "Don't bother. May lubid na nakatali sa bewang niya kaya malaya siyang makatawid sa mga puno." Kinuha ko ang bag ko at ipinakita ang lubid dito. "Isa pa, hindi siya nag-aaral dito. You can't just get him." Mukhang nauto ko sila. Hindi sila pwedeng manghinala sa amin kung paano namin nagagawang tumalon o tumawid sa mga puno. "I think we're doomed," bulong ni Tofi sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Yes, and it's all your fault." Nag-irapan kami at sumunod na sa mga faculty. Siguradong magiging laman kami ng school paper nito. "What exactly happened?" boses ni Teache

