Zander's POV Pagpasok ko sa loob ng detention room, nadatnan ko roon si Akira na nakaupo lang sa sahig sa pinaka-sulok, nakasandal sa walang pinturang dingding, at mukhang tulala pa. Iyon ang unang beses ko siyang makita nang personal kahit pa madalas kong marinig ang pangalan niya. Ngunit hindi ko pa alam noon na siya pala ang popular sa buong ninja world na si Akira Kawahara. Nang mapagmasdan ko ang kabuuan ng kanyang maliit na mukha, napaka-amo ngunit walang bakas na emosyon, e natulala talaga ako at tila nawala sa sarili. Sa pagkakataong iyon, yung pagbilis ng t***k ng puso ko ay alam kong may ibig sabihin. Na-attract ako sa kanya kaagad. Siya ang tunay na mukhang diyosa! That was our first meeting na naging maayos naman at hindi nauwi sa violence. Natuklasan ko kasi noon na may pa

