Kabanata 55

1129 Words
Akira's POV Land of Ninjas (flashback) Pinapanood ko ang training ng mga estudyante sa Uzumaki Academy mula rito sa ilalim ng puno nang lumapit sa akin si Kendrick. "Captain," bati ko rito. Ginulo nito ang buhok ko at natawa na lamang. "Hindi mo na ako captain, ano," aniya pa. Umupo ito sa tabi ko at pinanood din ang duel sa pagitan ng dalawang estudyanteng lalaki. "Nakakainggit. Hindi ako nabigyan ng pagkakataong mag-aral sa academy." Pinagmasdan ko ang mga bata. Nagsisigawan ang mga ito. Isinisigaw nila ang pangalan ng gusto nilang manalo. I shrugged. "Magaling naman ang teacher mo." Tumango-tango siya. "Ang ibig kong sabihin, normal sa mga bata sa bayan na pumasok sa academy. At hindi ko naranasan iyon." It was because he was talented enough. Tapos ay umakbay siya sa akin, "Ikaw, balita ko ikaw ang pinaka-magaling na estudyante sa academy, ah?" Natigilan ako pero kaagad ding umiling. "Hindi ako cut out para maging isang ninja." Humalakhak siya at inalis ang pagkakaakbay sa akin at pagkatapos ay tumayo na. "Ipinapatawag ka nga pala ng adviser ninyo, si Teacher Hiro. Mukhang may importanteng sasabihin." Napalingon ako kaagad sa kanya. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" "Nawala sa isip ko," sagot niya habang napapakamot na lang sa batok. I frowned at napatakbo kaagad. "Pasensya ka na, Akira." "Whatever, Captain!" Nang makarating ako sa opisina ni Teacher Hiro, kumatok muna ako nang tatlong beses bago tumuloy sa loob. Nadatnan ko roon ang tatlong miyembro ng temporary team namin. May teams kasi kami sa aming klase para madali na lang kapag mayroong physical activities. "Captain." Bati ng mga ito sakin at sinesenyasan ako na para bang sinasabing 'patay ka.' Mga siraulo talaga 'tong mga 'to. Lumapit ako sa kanila at hinarap Teacher Hiro. May ilang mga guro din dito kaya kinailangan kong magbigay ng galang dahil may mga matang nakatingin. Close naman kami ng adviser namin na 'to kaya no need na sana. Yumuko ako at bumati bilang paggalang sa kanya. "Siya ba ang tinutukoy mo, Teacher Hiro?" tanong ng isang guro na kasama ni Teacher Hiro sa opisina habang pinagmamasdan ako nang mabuti. "Sigurado ka ba?" "Kailan ba ako nagkamali?" condident na sagot ni Teacher Hiro na siyang ikinangisi na lamang namin ng mga teammates ko. Ako ba ang pinag-uusapan nila? Ano naman kaya ang sinabi ni Teacher Hiro sa mga kapwa niya guro? Matapos magbulungan ng dalawa, sa wakas ay humarap na sila sa amin at nginitian kaming apat. "Dylan, Maki, Clyde, at Akira. Isa kayo sa mga mahuhusay na team sa inyong jlase kaya kayo ang napili namin para gampanan ang isa sa mga importanteng misyon na kailangan isagawa para sa bayan ng Halak." "Thank you, Teacher Hiro!" masayang sambit ni Maki. Siniko ko na lamang siya at binulungan na umayos siya dahil hindi lang kung sino ang kausap namin ngayon, kung hindi ang mga guro ng iba't ibang years. "Isa itong S-rank mission. Ngayon lamang kami magbibigay ng ganito kadelikadong misyon sa mga kaedad ninyo. Kaya hinihiling ko na gawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo at mag-iingat kayo." "Yes, sir." Tumango ang guro kay Teacher Hiro at ito na ang nagpaliwanag sa amin ng misyon na gagawin namin. Matapos itong magsalita, tiningnan niya kami isa-isa. "Any violent reaction?" Isa-isa namang nag-react ang tatlong miyembro ko sa team na hawak ko. "Gosh, hindi ko kinakaya!" "What the heck?" "Adventure! Adventure!" Napa-facepalm na lamang ako at dali-daling humingi ng paumanhin sa mga guro. "Dylan, Maki and Clyde," tawag pansin ni Teacher Hiro sa tatlo. Sumeryoso naman kaagad ang mga mukha ng mga ito. "Kayong tatlo ang pupunta sa mismong bayan ng Halak." Tumikhim naman ang katabing guro ni Teacher Hiro kaya nabaling sa kanya ang atensyon naming apat. "At ikaw, Akira, ang papasok sa Halak Academy." Alangan akong tumango. "Y-Yes, sir." Sumingit naman kaagad si Maki. "Hindi ba delikado para kay Captain na magtungo roon nang mag-isa?" Umiling ang guro na nakilala namin bilang si Teacher Tenzo. "Kayong tatlo, babalik rito ang dalawa sa inyo pagkatapos ng dalawang linggo upang ihatid ang mga impormasyon na inyong nakalap." "Yes, sir!" "At Akira, bibigyan ka namin ng tatlo hanggang limang buwan upang isagawa ang iyong misyon. Lagi mong tatandaan, failure is never an option." "I understand, Sir." Matapos ang ilang habilin, pinaalis na rin kami ni Teacher Hiro at Teacher Tenzo upang mag-ayos na ng gamit, dahil aalis na rin kami mamayang madaling araw. Pero bago pa ako nakalabas, narinig ko ang huling paalala sa akin ni Master. "Bukod sa pagiging ninja, may pangalan ka na hindi nila pwedeng malaman, Akira. Kailangan mong matuklasan kung ano iyon, bago ka nila maunahan." Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang marinig ko iyon. Anong ibig mong sabihin, Teacher Tenzo? Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto ng bahay at ang mga yabag papalapit dito sa kwarto. Napailing na lang ako. Walang hiya talaga ang tatlong yun! Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang tatlong lalaki na malaki ang mga ngiti. "Ang tagal mo, Captain!" reklamo ni Maki habang naglalakad papunta sa backpack ko. Kinuha niya ito at binitbit. "Tara na!" Hindi ko alam kung bakit sobra silang nagagalak sa misyon na 'to. Ano ba ang hindi nila maintindihan sa salitang delikado? Rank S mission na puro teachers o may matataas na ranks lang ang ipinapadala. Kung sabagay, it doesn't matter to me naman if delikado at mamatay ako roon. I am more than ready. Tinapos ko na ang ginagawa ko at sinamaan na lang ng tingin si Maki na dire-diretsong lumabas ng pinto. Lumapit naman sa akin sina Clyde at Dylan. "Captain, seryoso ba si Teacher Tenzo sa misyon mo?" usisa ni Clyde habang nangungunot ang noo. "Sobrang delikado talaga, eh." I shrugged, "Part 'to ng pagiging ninja natin. Besides, I'm willing to put my life on a line para maibangon muli ang bayan natin..." that was what I said before. But all were lies—or half lies, maybe. Hindi ako ganoon ka-dedicated noon sa pagiging ninja pero gusto ko yung part na mawawala na lang ako. Napangisi si Dylan sa sinabi ko. "That's our captain!" Umakbay siya sa akin at hinila na ako palabas ng room ko. "Tara na!" "Teka, sandali!" Habol sa amin ni Clyde. Si Maki naman ay mabilis na nakalabas ng bahay. Halatang excited ang loko. Noon e napupuno ako ng takot at galit, pero masasabi ko na ngayon sa sarili ko na, kaya ko na. Sa mga kamay ko nakasalalay ang hustisya ng pagkamatay ng pamilya ko, pati na ang kinabukasan ng aming bayan. At bakit ko naalala ang specific na misyon na iyon? Well... dahil nasa harapan ko ngayon si Teacher Tenzo. Hindi ko makakalimutan ang intimidating na hitsura niya. Isa siyang bisita ngayon dito sa bahay ng Tita Selena Hitler ni Paris Hamilton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD