Arzee's POV (past story)
Available balance: P2.25
Inis na nilukot ko ang resibo na mula sa withdrawal bank at pabalang na itinapon ito sa malapit na basurahan.
Binunot ko sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko habang mabilis na naglakad palayo sa banko. I pressed key number one, it automatically dialed a number.
"Francis, what the hell-" bungad ko kaagad nang sagutin niya ang tawag ngunit natigilan ako nang maramdamang may mali sa sitwasyon. "Did she find out?"
"You really thought I wouldn't?" That's it. It's my mother's cold yet calm voice.
"Hi, mom," I greeted her, sheepishly. "You weren't supposed to answer this call, especially if it wasn't for you. Can I talk to Francis?"
"For what? For plan B?"
"No. Of course not," mabilis na sagot ko. "Come on, mom."
"Umuwi ka rito sa Manila. Ngayon din, Arzee."
"Mom, listen. Five minutes. I need to talk to Francis. Just give us five damn minutes."
"I am firing Francis," madiin na tugon nito.
"I am not going home."
"Good choice!" she exclaimed, as if iyon ang pinaka-magandang nagawa ko buong buhay ko. "No allowance, then."
"Mom!" inis na sambit ko. "Look. I'm broke, okay? I only have two pesos and twenty five centavo in my account."
"Then come home," sagot niya na para bang napaka-simple ng sinabi niya. "I'm kind of busy, Astrid. Here, talk to Francis."
"Mom, wait." Ngunit mukhang naipasa na niya ang cellphone kay Francis. "Mom!"
"What now, Arzee?" It's Francis. "I won't work with you anymore. Your mom gave me a good beating for your stupid actions. I had enough, okay? Just come home."
"Francis, listen."
"I won't."
"Damn you, I'll kill you when I see you."
"What is it?"
"Astin, my Astin."
"What about your cursed car?"
"Don't you ever call my Ashton Martin a curse!" I literally shouted. Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. "My Astin is thirsty as f**k — it is running out of gas. I can't go home."
"And?"
"Send me money."
"Pathetic," he muttered. "I will. Make sure to come home. Bye."
Isang buntong-hininga ang kumawala sa akin nang ibaba ni Francis ang tawag. Pumasok ako kay Astin — as how Francis described it, my cursed car. I spent all my money kasi to buy Astin: the money for my temporary house, my one whole year allowance, my food expenses and my enrollment fee sana sa isang prestigious na school dito (it was my mom's only wish, to have her kid graduate in the academy that she dreamed of when she was still a young lady, studying). Astin, my child, was really expensive. I have to endure my hunger like this just for him; I love him that much [as much as I love adventure].
Hinaplos ko ang manibela.
"We will have to retreat for now, boy." I showed Astin my best reassuring smile. "Don't worry, your granny may be a bit scary, but she won't hurt you. After all, it was her money that bought you."
Bumuntong-hininga na lamang ako at binuhay ang engine ni Astin — but fudge, mukhang tuyong-tuyo na ang lalamunan nito. Walang-wala na talagang gasolina.
Napasandal ako sa upuan ko sa inis. Pero kaagad din itong nawala nang tumunog ang phone ko. Dali-dali ko itong kinuha at sinagot ang tawag.
"Francis, okay na?" bungad ko.
"Astrid, it's me." Natigilan ako nang makilala ko kaagad ang boses, at dali-daling tinignan ang pangalan ng caller para i-confirm.
This is good. Thank gods.
"Oh my, gods, Hasper!" I blurted out. "How were you doing?"
"Fine, of course. Tracy said he missed you, so I tried to contact you. I'm glad you answered it." His voice sounded so sweet I would want to fly, like right now, to him—to them. Hug and kiss them. "I missed you, too, of course. But I guess you were a bit disappointed that it was me who called, and not Francis. Something going on between you two?"
Muntik akong mabulunan sa sarili kong laway sa narinig. "You got it all wrong, brother. I have stuff going on with Francis, yes, but never in a romantic way. Just . . . stuff."
"Are you sure you're telling me the truth? Trust me, I wasn't thinking of going home this summer just to bully him if something was up." Such an overprotective brother.
"Of course, it's the truth." I assured him. "Where's Tracey?"
"Play room." Naging seryoso ang boses ni Hasper noong mga sandaling iyon. "Spare me a few minutes before I give him the phone."
"Sure. I missed listening to your voice, anyway. Talk." I kid, lessening the tension that was about to engulf us.
"Such a sweet little thing," he mumbled, sweetly. "You see, I was a bit bothered by the fact that . . . " He sounded hesitant.
"You can tell me." My voice lowered, giving him a kind of assurance.
"You do not seem to know about your coming here to London. Tracey was so excited to see you that he wanted to speak with you, I just thought you should know."
"What?" naibulalas ko habang patuloy pa rin sa pag-absorb ang utak ko sa mga sinabi niya.
"I knew it. You were clueless." Magkahalong galit at panghihinayang ang boses niya dahil sa binabalak na gawin ng aming ina sa akin. "I heard from Mom, just yesterday, that you ran away with her money."
"I did not."
"And bought your dream car."
"That . . . yes," pagsuko ko.
"And you are about to come home today."
"Uh-huh," mahina kong sagot, hindi pa rin makasunod sa mga pangyayari.
"Then ito ang suspect ko: Mom will send you straight here in London the moment you come home. You will be forced to leave."
Sandaling katahimikan. Sapat na iyon upang pagtagpi-tagpiin ang halu-halong mga emosyon na naramdaman ko.
"I would love to. I always dream of living with you, Little Tracey, and Dad."
"Then it won't be a problem."
"But, Mom will be lonely. She is all alone without me." I smiled, as if nakikita niya ako ngayon. "Please say hi to Tracey and Dad for me. I will call you, guys, once I settled this thing with Mom."
"That is, undoubtedly, my little sister. I wish you all the luck!"
"Thanks." But before I hang up, I said: "Bantayan mong maigi si Dad. Tell him not to work too much, and to call me some other time, or you visit us home. I am pretty sure we can still revive this family, just you wait." I kind of whispered the last sentence which made him chuckle, and yeah, hope more.
Nang maibaba ang tawag, nagmadali kong tinawagan si Francis. Mabilis niya itong sinagot, tila ba inaasahan nito ang tawag ko.
"Francis, ipasundo niyo ako rito. I will send you the exact address," madiin na sambit ko. "Right now."
"But-"
"I want to talk to my mother. Pakibilisan, please."
"Copy. Give me ten minutes."
But those ten minutes became an hour—and an hour turned out to be half a day. Maiksi lang ang pasensya ko at kaagad akong nagagalit kapag pinaghihintay ako nang matagal, but noong panahon na iyon, I felt uneasy. No calls from them. Bigla na lamang may huminto na van dito sa kinaroroonan ko at pinapasok ako ni Francis doon... then a bad news had exploded.
Nakatanaw ako sa labas ng bintana ng van habang bumibiyahe papunta sa probinsya namin. Madilim na ang paligid. Tahimik. Puro puno at palayan ang nakikita ko.
Tuwing bakasyon ay ipinapadala ako ni Dad sa probinsya upang magpahinga at makalasap na rin ng sariwang hangin. Madalas hinahatid ako ng pamilya ko rito isang linggo pagkatapos ng semester, ngunit ang dahilan kung bakit ganitong oras kaming bumibiyahe ngayon ay dahil namatay ang isang lolo ko sa mother's side.
Pagpasok ko sa van ay nandoon na ang aking ina, tahimik na umiiyak. Nandoon din ang nakababata kong kapatid na mas bata nang kaunti kay Tracey, si Arley. Naluha na rin ako nang makita ko siyang iyak nang iyak. Kahit sa murang edad ay alam niya na hindi na namin kailan pa makakasama ang lolo.
Sobrang malapit ako kay Lolo Pasyo, kung kaya't sobrang sakit para sa akin ng pagkawala niya. Hindi man lang niya ako hinintay. Gusto kong magtampo ngunit mas gusto kong makita at mayakap siya.
"Hindi namin kaagad sinabi sa 'yo kasi ayaw naming mag-drive ka nang mag-isa papunta roon," paliwanag ni Mom habang hinahaplos ang likod ko. "Uuwi rito sina Tracey at Hasper. Mamaya ang flight nila."
Lumingon ako sa aking ina. Namumugto ang kanyang mata at yung boses niya rin ay halatang galing sa pag-iyak.
"I know, Mom. I'm fine," tugon ko na sinabayan pa ng isang ngiti.
Parang dinudurog ang puso ko sa bawat pekeng ngiti na ipinapakita ko. Lalong nagpapasikip sa dibdib ko ang hindi ko pagluha. Kahit tuluyang mawasak ang puso ko ngayon, mananatili pa ring tuyo ang mukha ko. Hindi ko mailabas ang sakit. Nakakasakal sa pakiramdam.
Nag-aalala ang mga tingin ni Mom pero wala siyang nagawa kung hindi maniwala sa kasinungalingan ko.
Buong biyahe ay mulat na mulat ang mga mata ko. Liblib ang lugar ng baryo namin kung kaya't umabot ng halos limang oras bago kami nakarating.
Dali-dali kong binuksan ang pinto ng van at lumabas. Hindi ko na alintana ang putik at ang mga tao na pinagtitinginan ang sasakyan namin. Tumakbo ako papunta sa nag-iisang bahay na bato rito sa baryo.
Pagkababa ko ay kaagad na yumakap sa akin si Arley habang humahagulgol ng iyak. Niyakap ko rin siya nang sobrang higpit. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko.
"Calm down, Pierre." masuyong bulong ko sa kanya. "Pupunta ako ngayon kay Lolo. Stop crying and come with me, okay?"
Tumango siya pero nagsimula naman itong sininok.
"You can save him, right?"
"Shh. Wipe your tears, kid. Huwag mong ipaparinig sa kanyang umiiyak ka. He'll be really, really sad." nakangiti kong sabi at pinindot ang mapula na niyang ilong. Pinunasan ko ang basang-basa niyang mukha gamit ang damit ko at magkayakap kaming naglakad papasok sa bahay ni Lolo.
Sa pintuan, sinalubong ako ni Dad ng isang malungkot na tingin. Pulang-pula ang kanyang mga mata, marahil sa kakaiyak.
Iniwan ko si Pierre kay Dad at nilapitan na ang kabaong ni Lolo. Sobrang liwanag ng paligid nito, tulad ng maaliwalas niyang mukha sa tuwing sinasalubong kami kapag bumibisita kami rito.
Bago ako tuluyang makalapit, sinalubong at niyakap muna ako ng mga tiya at tiyo ko, pati na ang mga pinsan ko. Gusto kong maiyak pero walang luhang lumalabas—walang kahit na anong emosyon na bumabakas sa mata ko.
Nang pakawalan nila ako mula sa mga yakap nila, tuluyan na akong lumapit kay Lolo. Halos hindi ako makagalaw nang makita ko ang maamo niyang mukha na payapang nakapikit, tila ba natutulog lang.
Hinawakan ko ang salamin ng kabaong sa kagustuhang mahawakan siya sa huling pagkakataon. Ramdam ko ang tuluyan nang pagkadurog ng puso ko. Nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi ako makahinga.
"Isang linggo na lang, magbabakasyon na sana ulit ako rito. Bakit hindi mo na ako hinintay, Lo," halos pabulong kong sabi.
Hindi na ako muling nakapagsalita pagkatapos no'n. Nanatili akong tahimik buong gabi, habang nakaupo sa tabi ng kabaong. Sa tabing upuan ko naman ay si Pierre na pumipikit na ang mga mata, pagod na kakaiyak. Nakasandal ang ulo niya sa akin habang nakatingin sa kabaong. Mukhang unti-unti na niyang natatanggap na wala na si Lolo.
"Pahinga ka na, Arley. Bukas naman ulit," masuyong sabi ko sa kanya. Hindi siya umimik.
Ilang oras pa ang lumipas bago tuluyang nakatulog si Arley. Tinawagan ko na lamang isa sa mga pinsan ko upang palitan ako sa pagbabantay sa kabaong bago ko binuhat ang kapatid ko at idinala sa kuwarto. Binantayan ko muna siya roon ng ilang minuto bago ako muling lumabas.
Sa pagkakataong iyon, nagdesisyon akong lumabas muna ng bahay upang magpahangin. Halos lahat ng mga nakakasalubong ko ay inaabutan ako ng pakikiramay na ginagantihan ko lang ng isang ngiti.
Sa labas ng bahay, mayroong mga pasugalan. Maliwanag dito at maingay sapagkat maraming tao ang nakikiramay at nakikisugal. Ang ilang mga pinsan ko ay umiikot din dito upang magbigay ng lugaw, juice, at butong-pakwan na may kasama ring mani at mga kendi.
Nagulat ako nang may umakbay sa akin.
"Okay ka na?" tanong nito. Balewala ko siyang nilingon at nakita ang malungkot niyang ngiti.
"Caspi," nasambit ko nang makilala ko siya.
Hinila niya ako sa isang lamesa at pinaupo sa isang upuan doon. Umupo rin siya sa tabi ko.
"Hinintay ka ni Lolo," nakangiti niyang sabi. Pakiramdam ko ay mayroong isang rumaragasang kutsilyo na sumaksak sa dibdib ko. "Ilang araw bago siya tuluyang namaalam, parati niyang tinatanong kung nasaan ka at kung kailan ka magbabakasyon ulit dito. Kayo nina Arley, Hasper, at Tracey."
"Alam niyo na malubha na ang sakit niya?" tanong ko. Umiling siya.
"Ang alam namin malakas pa siya. Iyon ang ipinapakita niya sa amin. Nakangiti siyang nawala, Arzee. Nakangiti, yung totoong ngiti." Yumuko si Caspi, tinatago ang paglungkot ng mukha niya. "Ayaw niya tayong mag-alala sa kanya."
Sa huli, ako na ang humagod sa likod ni Caspi. Kumikirot din ang puso ko pero hindi ko talaga maiiyak yung sakit.
"Ayaw ni Lolo na may umiiyak sa atin. Huwag mo naman masyadong lakasan," biro ko sa kanya dahilan upang matawa siya nang mahina.