Nilingon ko siya. "A-Anong..." First time may nagtanong sa 'kin niyan! I was a loner kaya feeling ng lahat ay weird ako at walang naglalakas ng loob na magtanong niyan. Boset 'to! Ngayon ko lang siya nakita tapos... tapos... "Ako ba, niloloko mo?" singhal ko sa kanya finally.
Pero bago pa siya makasagot, may narinig kaming announcement sa buong school. "We will be holding the program for the commencement of the Foundation Week in the gym."
"Sa gym daw. Tara," sabi niya na tila ba wala siyang tinapon na bomba sa akin kanina. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?" nagtataka niyang tanong.
"I'm not going. I'm not even a student here."
Tumawa siya. "Of course I know that," tanging sinabi niya.
Tapos ay hinila na niya ako papunta sa gym. Tss. Hinihila ako ng isang lalaking hindi ko kilala. Nice. I totally forgot about Eunika na umalis lang para kumuha ng foods namin.
Nakarating kami sa gym at unti-unti nang nagdadagsaan ang mga tao rito. Nakikilala ko ang ibang mga mukha na galing sa Star Section, mga dati kong kaklase.
Nilingon ko yung lalaki na hindi ko kakilala. "Taga-Star Section ka?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.
"Syempre. Mayaman kaya ako," confident niyang sagot. Ang Star Section ay para sa mga VIP students na galing sa mga mararangyang pamilya.
Nagpunta sa harapan ang adviser nila at ang Principal. Mukhang galing ito sa iyak. Magre-resign na ba siya kaya pinapunta niya ang mga estudyante rito? Ano ba'ng pake ko rito at hindi naman ako kabilang sa mga estudyante rito?
"Alam niyo bang ang section ninyo ang pinaka-inaayawan ng mga teachers sa school na ito? Mga walang disiplina!" panimula ng Principal sa amin. Teka, akala ko ba may program dito pero bakit sermon pala ang ipinunta namin dito. Pero wala namang nakikinig sa kanya. Ilang beses ko ba dapat na ulitin na wala akong pake? "First day of school, may nag-aaway, nagc-cut ng klase at may sumasagot na sa teacher. Aba, baka nakakalimutan niyo, graduating na kayo."
Wala pa rin ako pake. Sus, wala namang kwenta. Kahit sermunan niya kami o ang mga estudyante rito maghapon, walang mangyayari eh.
"Kung ganyan lagi ang asta niyo sa paaralang ito, mapipilitan kaming sipain kayo palabas ng school na ito. At sisiguraduhin ko na hindi na kayo makakapasok sa iba pang school." Doon niya nakuha ang atensyon ko. Kung mangyayari 'yon, ano nang mangyayari sa kanila! Good thing pala at hindi na ako estudyante rito.
"Ayos ka lang?" Napatingin ako sa lalaking katabi ko.
"Mukha bang hindi?" pagtataray ko. Pero deep inside, sumisigaw na ako nang 'SOBRANG HINDI AYOS!' Tsk!
"Ma'am Aida, hindi naman po kami kasama sa gulo eh. Bakit pati kami, maki-kick out?" reklamo ng isa. Nagbulungan na ang lahat. May sumang-ayon. Meron ding tumahimik na lang.
"Hindi ba dapat isang grupo kayo? Pero ayan! Nagkakawat-watak kayo ng dahil sa mga simpleng bagay. You must learn a lesson! Bukas na bukas, hindi na kayo pwedeng pumasok. Magpapadala ako ng letter sa mga parents niyo." Mukhang seryoso siya sa gagawin niya. At ano raw, sa parents? Wait, bakit ako apektado e hindi na nga ako estudyante rito.
"No way," biglang lumabas sa bibig ko dahil affected ako so much.
Tumahimik ang lahat. Lahat sila nakatingin sa 'kin
"Uhh, I mean, wala na bang ibang paraan para turuan kami ng leksyon? You know, masisira ang mga buhay namin. Future namin ang pinag-uusapan dito." I spoke as if kasama ako sa mga apektado.
Nakita kong ngumiti yung principal.
"Good question." Ugh. I shouldn't care less. "Kung interesado kayo, bibigyan namin kayo ng option." Tumango yung principal sa adviser namin na parang sinasabing ituloy niya ang sinasabi niya.
"It's either expulsion or recollection."
Napatanga naman daw ang lahat.
"Recollection?!" react ng mga OA, "Ang baduy!"
"Pangalawang araw niyo pa lang, mag-retreat na kayo kaagad? Ano, magbubulakbol ka na namang bata ka? At nagpa-print ka pa nito, ha?"
Ibinalik ni Tita kay Eunika yung letter na ipinadala nung Principal sa kanila.
"Mama naman, may signature na nga nung principal eh. Pagdududahan mo pa ba ako?" inis na reklamo ni Eunika sa kanyang ina.
Inilapag niya sa mesa yung letter at kinuha na yung bagahe niya.
"Tinext ko na si Stacy. Sasama siya."
"Ano? Mama, guguluhin lang nun ang buhay ko eh!" 'Di naman siya sumagot. "Also, sasama sa akin itong si Reese kahit pa hindi siya bonafide student."
"Okay, anak. Ingat ka roon. Tawagan mo 'ko, ha."
"Oo, 'Ma. Bye," walang ganang tugon ni Eunika.
And yes, sasama ako sa recollection nitong Star Section na 'to dahil sa mga kalokohang pinaggagagawa nila. Naisip ko naman na wala rin akong gagawin sa bahay nila kaya okay lang na sumama ako, as long as hindi ako kasali sa parusa dahil wala naman akong kasalanan.
Nandito na kami sa isang camp. Ang daming nag-i-inarte. 'Di naman sila magaganda. Tsk.
"Reese, nandito ka lang pala." Bumuntong hininga ako at hinarap siya, ang lalaking hindi ko kakilala na lumapit sa akin upang batiin ako.
"It's Paris, okay? Just Paris," inis na sabi ko. "Ano'ng kailangan mo this time?"
Ngumiti siya. Okay, he smiled. Nakakainis pero gustong gusto ko yung ngiti niya.
"Ah, 'dun sa sinabi ko kahapon..." Kinabahan ako bigla. He was obviously referring sa pagtatanong niya sa 'kin if pupwedeng manligaw.
"Ano, joke lang 'yon? Alam ko!" inis na sabi ko. "Ano pa ba ang sasabihin mo? Kung wala na, lumayo ka na sa 'kin," pagsusungit ko pa at gusto ko na siyang talikuran dahil baka mapansin kami ni Eunika at aasarin talaga ako nun.
"Hindi, mali ka. Seryoso ako roon sa sinabi ko. Gusto talaga kitang ligawan." Tapos tumitig siya sa mga mata ko. Ang mga mata niyang nangungusap. Ugh.
"Ayoko. Hindi pwede." Inirapan ko siya. If I know, nanti-trip lang siya! Nakakaasar.
"'Yun nga sana ang sasabihin ko, eh," sabi niya. Kumunot ang noo ko. "Paris..." Bumuntong hininga siya. "Hindi ko alam na mas mahirap pala 'to sa personal," bulong niya sa sarili niya na lalong ikinakunot ng noo ko. "Ano, gusto kita. At liligawan kita, sa ayaw at sa gusto mo."
Haa? Laglag panga. Napaawang ang aking mga labi sa pagkabigla.
"Nababaliw ka na ba?" naibulalas ko. Instead of answering my nonsense question, he just smiled at me. Tss! Nababaliw na nga talaga siya.
"Hindi kayo nagpunta rito para maparusahan. Nandito kayo para mag-enjoy." Isang lalaki ang nasa harapan ngayon at kinakausap kami. But, what? Nandito kami para mag-enjoy? Is he insane? Parusa nga 'di ba? "Hindi gusto ng school na pahirapan kayo. Gusto lang nilang maituwid ang mga landas ninyo, pero gagawin namin iyon sa maayos at payapa na paraan."
Tumahimik lang ako. Okay na rin 'to. Sana lang, mag-enjoy talaga ako tulad ng sinasabi ng lalaking nasa harapan.
"At dahil dalawampu't walo kayong lahat, magkakaroon tayo ng apat na group. Pitong katao sa isang grupo. Count off!"
Nagsimula nang magbilang ang mga kaklase ko. Nagpaalam naman sakin si... sino nga ulit 'yon? Basta! Yung stranger na ewan. Nagpaalam siya na lalayo raw sa 'kin para magkagrupo kami.
"Six," sabi nung katabi ko.
"Seven," sabi ko and so on. Nasaan na ba si Eunika? Dapat magka-grupo kami.
Natapos ang bilangan. "Lahat ng magkakagrupo, magsama-sama."
Kaya eto ako ngayon, nagpunta sa group seven.
"Reese!" Napatingin ako roon kay stranger. "Magka-group tayo!"
Inirapan ko siya. Sinadya naman talaga niya eh.
"Reese, group seven ka rin pala." Napalingon ako sa nagsalita.
"J-Jigs?"
Parang gusto ko na lang umuwi sa bahay. Tsk. Si Jigs ay isang kaklase ko noon sa school nila na may matinding history kasama ko, at 'yung stranger, magiging ka-grupo ko? Hah! I'd rather die!
"Hoy, Jigs, akin siya," sabi naman ni stranger at inakbayan ako. "Tigilan mo na siya."
"Tarantado ka, Seb, gusto mo 'tong sadistang 'to?" Tatawa-tawang sabi ni Jigs.
"Wala kang pakialam!" Inis na sabi nito. "Pero 'tol, seryoso ako rito, walang talo-talo." Si Seb daw. Nagtaas naman ng kamay si Jigs na parang sumusuko.
"Oo, Seb. Wala akong balak mang-agaw ng chick sa ka-tropa ko."
Tapos ayun, nag-hand shake sila. Parang tanga kaya! Nakakainis kaya. Dito pa sila nagkwentuhan. Ang ingay nila.
"Ang mga ka-grupo niyo ngayon ang makakasama niyo hanggang sa matapos ang Recollection na ito." What? No way. Gusto ba nila akong ma-highblood?! "Okay, ang una niyong gagawin ay maghanap ng tent na tutulugan niyo. Bibigyan ko kayo ng ilang oras." Tapos ngumiti siya sa 'min. "Goodluck."
Nag-go signal siya at kanya kanya naman kami ng takbo. Ayoko ng adventure, boset.