Lumipat ng upuan ang nerd na nakatabi namin dahil nasungitan yata siya sa 'kin. Lakas ng loob ko talagang mag-taray, e hindi naman na ako estudyante rito.
"Mukhang nagbago na siya, Kel," dinig kong bulong nung babaeng katabi ni Nerd habang tumitingin sa 'kin. Naiirita na talaga ako.
"M–Miles, hinaan mo ang boses mo," bulong nung nerd. Seriously? Maging siya ay dinig ko. Takot talaga siya sa 'kin? Pero dapat lang. Ayoko ng atensyon. Ayokong makisalamuha sa kahit na sino.
"Ako ang bahala. Hindi naman siya transferee," sagot pa nito. Nilingon ko silang dalawa. Yumuko yung nerd, nakatingin lang naman sa 'kin yung Miles. "Bakit? May problema?" inosenteng tanong nito.
Marahan na tumango ako. "Ikaw. Mukha kang pwet."
Umirap ako. Nakakatanga ang babaeng iyon. Sarap lumipat ng upuan eh. Ay, hindi pala, ng room! Para never ko na siyang makita. Tss. Again, hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo ko ngayon. Para akong singaw na hindi mahawakan, eh.
"Bakit ba ganyan ang ugali mo?" matapang na tanong nito. Sa huling pagkakataon, nilingon ko siya.
"Hindi kasi ako kumakausap ng pwet," kalmadong sagot ko.
"Alam mo? Ang pangit ng ugali mo. Siguro, walang nagmamahal sa 'yo ano? Kaya ka ganyan." Medyo natigilan ako. Nakatingin lang ako sa mukha ng weirdo na 'to.
"Wala akong pakialam."
Maya-maya pa ay nag-desisyon na kaming lumabas ng classroom upang magpalamig muna ako ng ulo. Naglakad lang kami papunta sa park. Nasa may gitna ito ng campus. Walang tao rito kaya naisipan naming umupo at tumambay muna rito.
Sumandal ako sa isang bench at bumuntong hininga.
"Siguro, walang nagmamahal sa 'yo ano? Kaya ka ganyan." Paulit-ulit sa ulo ko iyan. Masakit, yes. Truth hurts, sabi nga nila.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Narinig ko ang katotohanan mula sa weird na babaeng iyon. At sobrang sakit. Parang pinipiga ang puso ko.
"May problema ka ba?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Eunika na mukhang napansin din ang foul mood ko.
"Ano naman ngayon kung may problema ako?" inis na tanong ko saka ako napabuntong-hininga. Pinakalma ko ang sarili ko muna upang i-compose. "Mamaya na natin pag-usapan, pwede ba?" mas kalmado ko nang sabi.
"Hindi pwede, eh," sagot niya pa na nang-aasar. Ano ba'ng problema ng mga tao at iniinis ako?! "Sa tagal nating hindi nagkita, ayokong magsikreto ka uli sa 'kin tapos mawawala ka," aniya pa.
Napabuntong-hininga lang ako at hindi nakasagot. Tama siya, dapat ay nagsasabi ako sa kanya ng mga problema ko para alam niya if ever na bigla na naman akong mawala. Upang hindi siya mag-wonder why I had to leave.
Punong puno na ako ngayong araw na ito. Nakakaasar ang mga tao! Argh!
"Yes, but once we got home," puno ng pasensya na sagot ko.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago."
"Madaming nagbago," mahina at nanlulumong sagot ko.
Si Eunika at ang mga nakita ko sa classroom kanina ay mga kaklase ko before. Kaya lang, alam niyo naman na ang sitwasyon ko and I had to drop out sa school na 'to dahil gusto akong ipadala ng mga magulang ko sa probinsya kung nasaan ang church na kinabaliwan nila. Ni hindi ako sigurado kung church nga ba talaga iyon o isang cult. Kaya nag-enroll ako sa ibang school doon.
"Oo nga, madami nang nagbago," sang-ayon ni Eunika at tumingin sa 'kin. "H'wag mo na kasi akong iiwan nang walang pasabi. Kahit ano ang rason, just tell me. I will try to understand your situation, and wait for you to come back. Alam ko may dahilan, at mahirap iyon, pero kaibigan mo ako. You can trust me, hmm?" she assured me which made my heart soft.
Wala ako sa sarili habang naglalakad kami ni Eunika at mainit na sa lugar namin kanina at dumami na rin ang mga estudyante. Naghahanap kami ng pwedeng matambayan. Yung bang tahimik, walang epal. Kami lang.
Blanko ang utak ko. Hindi na rin ako naka-focus sa paligid. Buti nga walang mga estudyante rito na mababangga ko kasi abala ang lahat sa classrooms at sa lugar kung saan nagaganap ang events.
Hindi ko na alam kung saan kami dinala ng mga paa namin. Basta ang alam ko na lang, nandito na ako sa tapat ng isang puno.
Umupo ako sa damuhan at sumandal sa puno. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay ko na lang na lamunin ako ng antok. Mas mabuting itulog ko na lang ang mga walang kwentang sama ng loob na ito. Wala rin namang mangyayari kung mag-o-over think ako, eh.
Dahil doon, nagpaalam muna sa akin sandali itong si Eunika upang bumili ng maiinom at mangunguya namin sa canteen. Mukhang balak niyang mag-stay muna rito dahil malamig naman, payapa, at walang masyadong estudyante.
"Bakit malungkot ka? May problema?"
Napamulat ako ng mga mata at luminga-linga. Sino yung nagsalita?
Then, nakita ko na lang na may tumalon mula sa puno at nag-landing siya sa harapan ko mismo. Whoa! Ang taas ng puno but he just jumped na parang tumalon lang siya sa swimming pool. Amazing.
"Galing ko ano?" mayabang na sabi ng lalaki.
Sinimangutan ko siya. "Hindi kaya." Napahalakhak siya dahil sa tugon ko.
"Reese, hindi ba?" rinig kong sambit niya.
"How many times do I have to tell all of you that it's Paris and not Reese! You're all annoying! Ugh!"
I saw him smile. Inis na inis na ako tapos ngingitian niya lang ako? He's getting to my nerves, for Pete's sake!
"E 'di pinansin mo rin ako," aniya pa. Tss. "May itatanong lang sana ako, eh."
"Close ba tayo? Ngayon lang kita nakita, ah?" Taas kilay kong tanong.
Tumawa naman siya. "Hindi mo talaga ako natatandaan? May history kaya tayo.
Naningkit naman ang mga mata ko. "Ano?! Ginagago mo ba ako?"
"Ow, chill!" Tapos ngumiti siya. "So... hindi talaga?"
"Nang-aasar ka ba?" inis na tanong ko. "Wala naman palang kwenta 'yang tanong mo eh. Nagsayang lang ako ng ilang minuto."
Akmang magwo-walk out na ulit ako nang may tinanong siya na lalong dumagdag sa mga iisipin ko. "Pwede ba akong manligaw?"
Natigilan ako nang mga sandaling iyon. First, he claimed na may history kaming dalawa. About what? I have no idea! Ni hindi ko siya matandaan din kung sino siya. Parang ito pa lang ang una naming pagkikita.
Then now, he's dropping a bomb na alam kong hindi seryoso. Bakit naman niya ako liligawan kung unang beses pa lang naming pagkikita ito? Gusto ko siyang sampalin nang malakas pero na-estatwa lang ako roon for a minute dahil hindi ko alam ang sasabihin.