Kabanata 51

1172 Words
Paris' POV So because of the death of my brother, parang kinamuhian na ako ng mga magulang ko. Nawala sila sa kanilang sarili and they held into the book ng Hidden Forest na napulot ko lang noon. Hinayaan ko sila dahil doon sila humuhugot ng peace of mind nila, pero nilamon na sila nang tuluyan niyon. Nawala na sila sa katinuan. Hindi na nila alam ang ginagawa nila. Nagtungo na kami ni Eunika sa kusina dahil pinaghanda kami ng pagkain ng kanyang ina. "Paris, hija. Halika na rito at kumain na tayo!" pagtawag sa akin ng ina ni Eunika mula sa kusina. Nagmadali naman akong lumapit dahil gutom na rin ako. "Reese!" pagtawag pa sa 'kin ni Eunika at isa ring patay-gutom. "Heh. Stop giving me nicknames," suway ko sa kanya. Umupo na ako sa upuan at nagsimula nang kumain. Ang sarap talagang magluto ng mama niya! How I wish matikman ko muli ang luto ng aking ina. "Kung tapos ka na, Reese, hugasan mo ang pinagkainan mo," ani Eunika sa akin, ngunit sinuway siya ng kanyang ina na nagwawalis ng sahig. "Eunika, bisita 'yang kaibigan mo. Paris, hija, ako na ang bahala sa hugasin," ani ni Tita na nginitian ko lamang ngunit hindi siya pinansin ni Eunika dahil hindi sila close. "Aba, alangan naman ako! Ang tanda mo na, dapat marunong ka na sa ganyang gawain! Itong batang 'to, walang alam sa buhay. Mga kabataan nga naman!" parang matandang dalaga na sinabi ni Eunika, pero syempre pabiro lang din iyon. Sabi kanina, matanda na ako tapos bata na naman! Ano ba talaga? Hinugasan ko ang isang plato, kutsara at tinidor at isang baso na ginamit ko. Ganito lang talaga kami ni Eunika sa isa't isa, hindi na nagkakahiyaan. Ang ina naman niya ay nahihiya pa sa 'kin pero nginitian ko lang siya to assure na walang problema sa 'kin na maghugas ng plato, lalo na at pinagkainan ko naman 'to. Nakikitira pa ako sa kanila so I can do this much. Pinunasan ko ang mga ito at iniwan na roon. Si Tita na ang bahala rito. Nang bumalik na ako sa kwarto ni Eunika, nakahilata na siya roon at gumagamit ng cellphone. Nagpaalam naman na ako sa kanya na maliligo na at inutusan ko siya na maglagay na ng susuotin ko. "Bakit ganito yung mga dala mong damit?" reklamo ni Eunika sa akin. Palibhasa ay fashionista at hindi kami same taste sa mga damit. "Ayoko ng masyadong maiksi. Nakakadiring suotin!" babala ko sa kanya. "Ang arte mong bata ka!" Tinulak niya ako papasok sa banyo, nagpatulak lang ako. "Ipapahiram kita ng damit. Make sure na isuot mo." "Hindi naman ako lalabas ng bahay," bulong ko nang nakasimangot. "Alam mo, nevermind. Ako na ang kukuha ng damit ko!" pagbabago ko ng isip. "Basta isuot mo 'to, Reese. Kung ayaw mo, 'wag ka nang maligo!" "Aba't—" Siraulo ba siya? "Decent clothes, Eunika. Isasaksak ko sa baga mo mga damit kapag hindi ko nagustuhan," babala ko rin sa kanya at dumiretso na sa cr. Paglabas ko, nakahanda na ang mga damit ni Eunika na ipapahiram sa akin. Sinabing hindi naman ako lalabas, pero ano naman 'tong inihanda niya. Above the knee na cream colored skirt. I mean, super above the knee! Oa talaga ang pagka-above the knee niya! Pero cute naman siya. Yun nga lang ang problema. Ano kasi, nasanay ako na laging naka-pants kaya ayoko nito. Ugh. Ang pang-itaas naman ay isang cropped top na mayroong kaparehong kulay. Lumabas ako ng cr. Tiningnan naman ako ni Eunika mula sa brown sandals ko, sa taktak kong skirt, at sa cropped top ko, hanggang sa mukha. "Aba, bagay mo pala ang ganyan, Reese," manghang sabi ni Eunika. Feeling niya yata ay naglalaro siya ng dress-up dolls. Hinila niya ako palabas. "Teka, yung bag mo!" Mabilis na kinuha ko ang brown na sling bag at lumabas na ng bahay nila kasama siya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero sumama na lang ako dahil gusto ko na ring makita ang labas. Naglalakad kami ni Eunika sa campus ng kanyang pinapasukang school. Hindi ko alam kung bakit idinala niya ako rito, pero maayos naman din dahil malayo na ito sa mga tao sa probinsya. Ang ilan sa mga kakilala ko rito ay walang koneksyon sa pamilya ko. Normal na paglalakad lang naman ang ginagawa namin pero bakit pinagtitinginan nila kami? Argh! Ayoko ng sobrang atensyon! "Reese!" Sumabay sa paglalakad namin si Stacy, ang matalik na kaibigan namin ni Eunika, pinsan niya. Tiningnan ko siya nang masama. "Paris," pagtama ko. Pauso talaga 'tong dalawang mag-pinsan na 'to. Ayoko lang yung nickname na 'yon dahil tingin ko ay mas maganda ang name ko talaga. Ang arte. "Cute naman, ah. Reese." Tapos tumawa siya. Baliw. "Oh, kamusta naman kayo nitong si Eunika? Bati na kayo?" pang-aasar pa niya dahil alam niya kung ano ang nangyari sa amin before. "Okay lang naman, hindi ko siya na-miss." Sinapok nga ako ni Eunika. "Aray ko!" "I see, mukhang okay nga kayo," sarkastiko niyang sinabi sabay sundot niya sa tagiliran ko. "Na-miss kita, gagi ka. Bakit ka ba umalis? Madami pa namang gwapo rito. Sayang!" Pinalo ko ang kamay niya. "Ano ba'ng sinasabi mo? Wala akong pakialam sa mga guwapo, ano!" bulyaw ko sa kanya at baka may makarinig. "Kaya ayaw ka sa inyo at sa previous school mo eh." Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya nang ubod ng sama. "Kasi wala kang pakialam sa paligid mo. Kaya, Reese, matuto kang makialam sa mga bagay-bagay rito, para magustuhan ka nila!" nakangiting sabi niya. I rolled my eyes. "Hindi ko kailangan ng kaibigan." The two of them, na obviously naman na sobrang totoo sa 'kin, are enough. "Kami lang sapat na?" asar pa ni Eunika at tinawanan nila ako. "Ako ba, iniinis niyo talaga?" kalmado pero may pagbabantang tanong ko. "Ah, pasok na ako, cous! Tiyak na papagalitan ako ng Sir namin kapag na-late ako!" biglang paalam ni Stacy nang makitang gusto ko siyang sakalin sa sobrang pang-aasar niya. Mabilis siyang tumakbo palayo. Nang nasa may hagdan na siya, lumingon siya at nag-wave. "Babay!" Napabuntong hininga na lang ako. Kaibigan ko ba talaga 'yon? Sarap itakwil eh! Tss. Dumiretso na kami sa room ni Eunika. Wala naman daw silang klase, pero parang may event sa school kaya pupwede silang mag-stay rito sa classroom. Umupo kami sa pinakadulong chairs sa gitnang row. Iyon na lang kasi ang bakante. No choice. Sumandal ako sa upuan at napatingin sa katabi kong nerd. Mukhang hindi siya mapakali sa upuan niya, ah. Ang sakit sa mata. Tsk. Tinignan ko siya nang pamatay. "Ano ba'ng problema mo?" Nakakainis! "Galing siyang Lyndon High, pero nag-drop out siya kasi may nambu-bully sa kanya," singit ni Eunika bigla. "Kinakausap ba kita?" inis na tanong ko. Napaka naman kasi ng babaeng 'to! Pero hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo ko ngayon. "Tapos?" taas-kilay kong tanong. "Ang slow mo naman! Syempre, takot siyang makatabi ka at na-trauma na siya sa tao," singit muli ni Eunika. I rolled my eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD