Arzee's POV
"Wait. Teka nga?" pag-awat ko sa kanila dahil sa naguguluhan na rin ako. I swear I heard them say Hilton... pero wala namang Hilton dito.
Kinalma ko ang sarili ko at hinimay-himay ko ang isipan ko. I remember asking Royce about the Hiltons, kamag-anak ng mga Hamiltons, na founder ng Hidden Paradise Church. Bago ako pumasok dito, nakausap ko si Royce at sinabi niyang nandito ang mga hinahanap ko.
Tumingin ako isa-isa sa apat na kalalakihan na prenteng nakaupo sa sala. "Are you, by any chance, the Hiltons?" tanong ko sa kanila pero natigilan lang sila at tiningnan ako na para bang ang tanga-tanga kong tao.
"We aren't related, sister. We are not Hiltons," malumanay na sagot sa akin ni quiffed hair boy. Si Penguin boy. "Taga rito ka ba talaga? What are you doing in here? Hiltons don't like strangers in and out of their residence," dagdag pa niya at mukhang concern lang siya.
Napaawang ang aking mga labi nang dahil sa sinabi niya. I heard it right... right? He just claimed that this house is the Hilton's Residence?
"This is not the Hilton's," pabulong lang na sambit ko. Tila naubusan ako ng lakas upang ipagduldulan sa maaarteng nilalang na tulad nila ang mga salitang iyon. Nanghihina ako pero hinugot ko lahat ng lakas ng loob ko at mataman silang tiningnan. "Who are you?" I asked them.
At salamat naman, yung Kulot sa kanila ay sumagot nang maayos kaysa mag-inarte. "I am Ashton Beckett. We are here to see the Hilton couple to discuss an important matter, but it seemed like they are not here. Are you their daughter?" puno ng respesto na tanong niya sa akin this time.
Beckett... wait? That's right! We have Hamilton, Hilton, and the Becketts who suddenly disappeared a few years back! They are here to see the Hiltons?
At ang Hiltons ay ang pamilyang tinitirhan namin ni Akira? They are Hiltons pretending to be someone else?
So all along, ang misyon pala namin ay ang pamilyang nagpatira sa amin while we are on a mission.
Parang guguho ang mundo ko sa rebelasyon na iyon. Gusto ko mang ibuka ang aking mga labi upang magsalita pero walang lumalabas na boses. Hanggang sa dumating na si Kuya Tristan na tila ba nagmamadaling pumasok upang batiin ang apat na bisita, ngunit natigilan siya nang makita ako. Mukhang hindi niya inaasahan na maaga akong uuwi sa bahay.
"Labas lang ako, Kuya," paalam ko sa kanya at saka ako nagmadaling lumabas ng bahay.
Paglabas na paglabas ko, hindi ko na nakayanan at napatakbo ako sa pader at doon ako naduwal. Sa sobrang kaba ko, namamawis ang aking mga kamay at pinagpapawisan ako nang malamig. Para akong masusuka kaya nanatili ako roon upang ilabas lahat ng frustrations ko.
Naramdaman ko na lamang ang kamay ni Royce na humagod sa likod ko. Kailangang malaman ni Akira ang lahat ng ito... but where the hell is she?
Sinamahan lang ako ni Royce nang tahimik at napadpad kami sa sauna na siyang kaagad kong pinasok. Alam ko hindi ito ang tamang panahon para pumunta rito, but my emotions got the best of me. You see, I am not cut out to be a ninja. Hindi ako katulad ni Akira na kahit ilang beses niyang sabihin na ayaw niya, magaling pa rin siya and she does the job well and almost perfectly.
Pagkatapos naming magpalit ng damit ay nagpunta ako sa isang pool kung saan mayroong mga naliligong matatanda at mga bata. Umupo ako roon sa gilid at ibinabad ang aking mga paa sa tubig.
Maya-maya pa ay dumating din si Royce at umupo siya sa tabi ko saka ibinabad din ang mga paa niya sa tubig. Ilang minutong katahimikan.
Sigurado ay nagtataka na siya kung bakit gano'n na lang ako ka-interesado sa tatlong pamilya na konektado sa Hidden Paradise Church, at kung bakit ganito na lang ako ka-apektado pero hindi niya in-open ang tungkol doon.
Nagkwentuhan lang kami nang kung ano upang maalis ang awkwardness since we both didn't start off as friends, kundi the opposite pa nga. But I could say that Royce is funny talaga. Well, silang lahat naman ng mga kabarkada niya dahil sa masayang mga kwento niya. Dinedeny niya na siya ang pinaka-makulit sa kanila. Feeling cool talaga 'to, eh.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang maalala kong wala palang laman ang aking tiyan at bigla akong nakaramdam ng gutom. Kaya matapos naming kumain sa sauna ay nagpaalam na rin ako sa kanya na uuwi na. Hindi dapat ako magpadala sa emosyon at manatili akong maging kapamilya nina Kuya Tristan hanggang sa kahuli-hulian ng misyon namin. Besides, wala naman silang ginawa at ipinakitang masama sa amin ni Akira.
Ngunit nagpumilit na sumama sa akin si Royce. Naidala ko tuloy siya sa wet market para mamili ng fresh na gulay at karne. Kailangan ko munang umuwi at tantiyahin ang sitwasyon. Kailangan kong magpanggap na wala akong alam at okay ako. Ito ay para maging okay rin si Akira, kung sakaling nandoon na siya sa destinasyon niya, na posibleng konektado ang tatlong pamilya.
Buti na lang at sumama rin si Royce para may taga-bitbit ako ng mga pinamili. Hindi naman siya tumanggi.
Inikot namin ang buong palengke. Pareho kaming hindi sanay sa ganitong lugar, pero push lang. Mas fresh kasi rito ang mga bilihin, mas mura pa. Bumili ako ng iba't ibang klase ng isda, gulay, at karne. Ang dami naming pinamili. Kahit anong makita ko, binibili ko.
"Ang dami naman nito," reklamo ni Royce dahil sa bigat na ng bitbit niya.
"Sino ba ang nagsabing sumama ka?" natatawa kong tugon sa kanya.
Nagpahinga kami sa malapit na supermarket. Bumili ako ng maiinom namin at mangunguya na rin.
"Nacho cheese. My favorite," parang bata na sabi ni Royce.
"Home-made?" I asked him.
"Yeah." So ipagluluto ko pa pala siya?
Hinayaan ko na lang si Royce na kumuha ng gusto niya. Tutal, siya naman ang nakakaalam noon. Bilang pasasalamat ko na rin sa kanya sa pagtulong niya. Siya na rin ang pinapunta ko sa cashier para magbayad. Lumabas na muna ako at naglakad-lakad nang makakita ako ng stuff toys! May penguin akong nakita kaya unang pumasok sa isip ko ay si Luke, ang mga Beckett na nagtungo sa bahay kanina.
Akmang babalikan ko na si Royce para ipakita ang mga ito nang makita kong palabas na siya. Tinawanan lang naman niya ako na para akong isang bata at saka niya ako binilhan ng isang maliit na penguin na stuff toy. Nagagalak kong tinanggap iyon.
Nag-ikot pa kami para makahanap ng kung ano pang mabibili, pero sumuko na rin kami at sumakit na ang aming mga binti.
Pauwi na dapat kami nang makakita ako ng isang stuff toy na monkey. "It looks like you," pagtawa ko at lumapit kaagad ako sa tindera upang bilhin na yung unggoy at ibigay naman iyon kay Royce.
He just rolled his eyes jokingly at naghanap na ng masasakyan namin pauwi.
Alas nuebe na nang makauwi kami. Kahit na nag-jeep lang kami at napakainit, hindi nagrereklamo si Royce. Nakakapanibago.
Pagdating sa bahay ay sinalubong kami ni Kuya Tristan na pupungas-pungas pa. "Are you okay?" bungad niya sa 'kin sa nag-aalalang boses at tingin. Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit na nagwawala ang aking dibdib ngayon sa kaba. "You don't look okay kanina," dagdag pa niya.
"I'm okay, Kuya. Namalengke lang ako at magluluto ako ngayon," nakangiti kong sinabi sa kanya at saka ako lumingon sa likuran ko kung saan nakatayo si Royce. Mukhang hindi niya pa napapansin. "I'm with Royce, my schoolmate."
Tumango-tango si Kuya Tristan. "Alright. I'll help. You should wash up first," aniya sa akin na sinang-ayunan ko na rin dahil pawis na pawis ang hitsura ko.
Nagtungo ako sa kwarto ko mag-shower at magpalit ng damit. Ang putik kasi sa palengke at pinagpawisan din ako. Nang bumaba ako, nadatnan ko yung dalawa sa kusina na nag-uusap at naglalagay na ng mga pinalengke sa ref.
"Nacho cheese is ready!" Nabigla pa ako nang inanunsyo iyon ni Kuya Tristan, bitbit ang isang malaking bowl at idinala sa sala. Niluto na pala nila habang naglilinis ako ng katawan.
Nagtipon kami sa sala at pinagsaluhan ang Nacho Cheese na ipinabili ni Royce. Para siyang bata na sarap na sarap sa bawat pagkain no'n. Gano'n din naman si Kuya Tristan, although hindi ko narinig mula sa kanya na first time niyang kumain no'n.
He really is a Hilton... yes? Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Nasaan na yung mga bisita mo?" tanong ko sa kanya habang binabantayan ang reaksyon niya. Natigilan siya at napalingon sa 'kin kaya nangiti ako sa kanya nang pilit. "Halos mga foreigners sila at mukhang mga mayayaman. May friends ka pala na tulad nila?" dagdag ko pa.
Nakita ko ang pamumutla ni Kuya Tristan pero kaagad din siyang umiwas ng tingin sa akin. "Namali sila ng pinuntahan. It turned out na dito nakatira noon ang mga hinahanap nila, ang kaso lumipat na pala," tugon niya na ikinatigil ko naman.
He's lying, right?
Tumango na lamang ako sa kanya at hindi na inusisa pa ang tungkol doon because he clearly doesn't want me to ask any further.
Ngunit napansin ko na walang ibang tao ngayon dito sa bahay kahit na gabi na. "Sina Nanay at Tatay pala? At ang mga kapatid natin?" tanong ko sa kanya. "At si Akira, kuya? Bakit wala sila ngayon?"
Napalingon sa akin si Kuya Tristan. "They went on a vacation without us. Babalik din sila this weekend," aniya na tinanguan ko na lamang. "As for Akira, I'm not sure where she is. Didn't she contact you?"
Hindi ko alam kung bakit, pero kinilabutan ako sa sobrang kalmado niya. He wasn't even worried about Akira not going home? Alam ba niya kung nasaan siya?