Kabanata 49

1470 Words
Paris' POV Umuwi na kaming lahat sa bahay matapos ang eksenang iyon. Dumiretso ako sa kwarto ko at umiyak nang umiyak. Sobra-sobrang pagsisisi ang ginawa ko sa sarili ko. My parents also stopped talking to me as if hangin lang ako sa bahay. My brother's friends also did not stop searching for him day and night. Until one day, natagpuan na lang si Kuya Pierce sa bungad ng kagubatan na wala nang buhay... at doon na tuluyang gumuho ang buhay ko at ng mga magulang ko. Ilang buwan silang hindi nagtrabaho at wala sa sarili, which made my life a hell those whole months. I had to live in a house where my own parents point their fingers on me for leading my brother to his death. Until they totally lost their minds. Kung anu-ano na ang nakikita nila o pinaniniwalaan... saka sila kumapit sa relihiyon na binuo ng aming mga ninuno. Isa ang mga magulang ni Mama sa mga miyembro ng relihiyon na iyon na tinalikuran ni Mama para kay Papa. But because of what happened, they eventually believed on that religion. They relied on it and found their peace through it. Kung iyon ang magpapakasaya sa kanila, why not. So they forced me rin na maging miyembro ng relihiyon na iyon, all because gusto kong bumawi sa kanila... but I guess it won't happen. Bumalik ako sa reyalidad nang dambahin ako ni Eunika sa aking pagkakahiga sa kanyang kama. Tawang-tawa ang loko nang mabigla ako at mapamura. Malayung-malayo ang hitsura niya ngayon sa hitsura niya kagabi na miserable at broken. Don't tell me naka-move on siya kaagad overnight? "What brought you here, huh? Lagi akong nagri-reach out sa 'yo pero dedma ka, tapos ngayon ako pala ang takbuhan mo," sumbat niya sa 'kin at saka niya ako niyakap nang mas mahigpit. "I missed you, bish!" dagdag pa niya. Napangiti na lamang ako. I have already lost my brother and my parents, but I'm glad to know that I still have this best friend of mine. Arzee's POV "Galing ako sa bahay mo. May nagpapabigay sa 'yo nito." Inabot sa akin ni Jack ang paper bag at nag-indian seat sa tabi ko. Nandito ako ngayon sa playground at nakasalampak sa damuhan dahil hindi ako makapag-isip nang maayos. Tiningnan ko ang sticky note na nakadikit doon. It's from Royce. "Manliligaw mo?" Tinaasan ko ng kilay si Jack. "Umuwi ka na nga at matulog, para tumangkad ka." "Pero..." Siguradong gusto pa niyang maglaro pero parang wala ako sa mood ngayon at may malalim akong iniisip. "Sige na, Jack. Isasama kita bukas sa lakad ko kaya umuwi ka na at matulog ka na muna para may energy," pakiusap ko sa kanya. Nauto ko naman siya at mabilis pa sa alas cuatro na tumakbo siya palayo. Binuksan ko ang paper bag. May laman itong mga litrato at newspaper. Kumunot ang noo ko. Para saan 'to? Tiningnan ko yung mga larawan. Mukha ng iba't ibang lalaki. Aba naman, Royce, ano ito? Aanhin ko ang mga 'to? Sa huling larawan, sama-sama yung apat na lalaki sa isang picture. Hindi ko maitatangging gwapo ang mga ito. Yung unang lalaki ay may kulot na buhok at may pulang bandana na nakatali sa ulo. Nagpagwapo lalo sa kanya yung hazel eyes niya. Yung pangalawa naman, sa unang tingin, mukha itong adik, pero nang matitigan ko siya pati na ang mapupula nitong mga labi, guwapo rin ito. I like his green eyes. Pangatlo, isang lalaking may blond quiff hair, naka-lip piercing at may kulay asul na mga mata. I'm in love with his eyes! Seriously! Hindi ko alam kung cute ba siya o gwapo dahil sa wacky pose niya. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan siya. Whoa. Huli, ang isang lalaking mukhang simple lang na naka-cap. Mukhang tambay lang diyan sa kanto. Joke. Actually, siya talaga ang nakapukaw ng atensyon ko. Kakaiba kasi siya. Sa kanilang apat, siya yung mukhang pure filipino. Typical filipino guy. Kung titingnan naman kasi yung tatlo, mukhang mga half-half. This guy looks attractive, lalo na rito sa Pinas. Naaliw ako sa katitingin ng mga litrato. Hindi ko alam, magdidilim na pala. Yung newspaper naman ang tiningnan ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko yung apat na yun! Missing daw! Lakas din ng trip ni Royce, eh. Padalhan ba ako ng litrato ng mga mawawala. Ipapahanap pa ata sa akin ang mga taong ito. "Arzee, wala ka nang pasok?" Napalingon ako sa kinaroroonan ng nagtanong at nakita roon si Kuya Tristan. Napakamot ako sa batok ko habang binabalik sa paperbag yung mga litrato. "Wala na, Kuya. Naglilibang lang ako rito." "Pauwi na ako. Hindi ka pa ba sasabay sa 'kin?" tanong sa akin ni Kuya Tristan na hindi ko na tinanggihan. Tumayo na ako at nagpagpag ng palda ko saka na ako sumabay sa kanya sa paglalakad pauwi. Kumusta na kaya si Akira? Isang buong araw na siyang wala. Kinabukasan, maaga akong lumabas ng school dahil tinatamad na talaga ako at hindi rin ako makapag-focus dahil sa pag-aalala ko kay Akira. Mas mabuti na sa bahay na muna ako. Pagdating ko sa bahay, may apat na sasakyang naka-park sa tapat ng bahay. Syempre, nanlaki ang mga mata ko sa gulat, lalo na nang makita kong bukas ang gate ng bahay! Akmang papasok na ako nang biglang may humawak sa braso ko. Si Royce! "Ano'ng ginagawa mo rito?" I asked him. Bumuntong-hininga siya. "You asked for my help, remember?" aniya dahilan upang mapa-flashback ako. Saka ko naalala kahapon na nagbigay ako ng kaunting clue sa kung ano ang pino-problema ko. Sinabi ko ang tungkol sa church sa sentro na tinawag nilang Hidden Paradise Church, at ang tungkol sa mga Hilton. Wait—yung mga ipinadala ba niya sa akin kanina sa paper bag ay ang tulong niya? "Sila ang mga taong hinahanap mo," tanging sinabi niya at saka na niya ako binitawan. "You'll understand pagkapasok mo. Just scream kapag may ginawa silang hindi maganda sa 'yo, I'll be right here," sinabi pa niya. Wala na akong sinayang na panahon at pumasok na ako sa loob ng bahay. Halos mapasigaw ako nang makita kong may tao sa loob. "This place is such a mess," reklamo ng isa sa kanila habang pinagmamasdan ang buong bahay. "Pero okay na, bro. What if kumuha tayo ng maids para maglinis dito? Damn, this is a f*****g nightmare," komento ng isa. Ang kapal ng mukha niyang sabihang nightmare ang bahay namin! "Kung makakuha ng maids, akala mo naman may pera at kanya ang bahay," sabi naman ni quiff haired guy. Pupuriin ko na sana ang pambabara niya sa nanlait sa bahay ko pero napa-face palm ako sa itinanong niya. "Do they have penguins here?" "Ulol! Nag-iisip ka ba?" bulyaw ng isa pa kay Mr. Penguin. Nag-pout na lang ang huli. Kyut! "Anyway, is this a haunted house?" Natigilan ako at napakunot ang noo nang mapagtanto kung sino sila. Kinalkal ko muli ang paper bag at tiningnan ang mga larawang ipinadala sa akin kanina ni Royce. Hindi nga ako nagkamali. Sila ang mga nasa larawan! Bago pa nila masabi lahat ng pwedeng ilait sa bahay, lumapit na ako sa kanila. "Kayo! Ano'ng ginagawa niyo sa bahay namin?" tanong ko sa kanila. I mean, mission persons sila ayon sa newspaper, hindi ba? Bakit sila nandito? Napatingin silang apat sa akin. Halos matigilan ako sa kagwapuhan nila! Whoa, anong ginagawa nila rito? Kilala ba nila ang mga pamilyang kumupkop sa amin? "Who are you?" tanong ng isa sa kanila na tila ba wala rin silang ideya kung sino ako—o kung sino ang mga nakatira dito. "Visitors? Ni hindi ko kayo kilala!" sigaw ko sa kanila. Napataas ang mga kilay nila sa akin. "I thought Tito Eliot paid you na para lang patirahin kami rito? And, miss! Nagbabayad kami pero look at your house. Sino namang gugustuhing tumira dito? Kahit ipis ay mandidiri sa lugar mo," sagot ng isa pa sa kanila na blond ang buhok. "Aba naman!" Grabe manlait ang kulot salot na ito. Nakakainis! Pero teka? Ako, binabayaran nila? And who the hell is Tito Eliot? "What do you mean titira kayo rito?" Nahihibang na ba sila! Siksikan na nga kami rito. Napa-frown yung tatlo pero si kulot ang sumagot. "Yes. Hindi ba 'to bahay ng mga Hilton? Never kong na-imagine na ganito ang bahay ninyo. Where is even your mother?" angal pa niya. Lalong pumitik ang ulo ko dahil sa mga sinasabi nila na hindi ko na maintindihan. Hilton? What Hilton? Halos mahimatay talaga ako kanina sa kinatatayuan ko. Buti na lang at hindi natuloy! Grabe! Ang apat na lalaking ito? Makakasama ko sa bahay? And what Hilton? This is f*****g unbelievable! Mabilis na tumakbo ako papunta sa telepono at sumubok na tumawag kay Kuya Tristan ngunit hindi siya sumagot. Siguro ay nasa klase pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD