Kabanata 48

1094 Words
Paris' POV Wala akong nakumpirma sa libro na Journey to the Hidden Forest dahil hindi ko maintindihan ang lenggwahe noon. However, may isang larawan doon na kaparehong-kapareho ng kagubatan na nakita ko kanina. Dahil sobra akong na-amuse sa pangyayaring iyon, sinalubong ko ang balitang iyon kina Kuya Pierce at ipinakita ang libro. Umupo sila sa sofa sa sala at lahat sila'y mukhang mga pagod. Malamang ay nag-hiking at naligo sa streams ang mga ito. "Totoo bang nandito ang Hidden Forest na tinutukoy sa librong ito?" Kuya Pierce asked at confident akong tumango. "Akala ko bang hidden, e ba't natagpuan mo?" korning biro ni Kuya Tevin. Inismiran ko lang siya. "Totoo nga, Kuya!" masigla kong sambit sa kanila at bakas sa mukha ko ang excitement. Did I just find a secret treasure? Bakit hindi man lang pinupuntahan ng mga tao iyon? Nakalimutan ko na ang babala ng mga matatanda sa akin na huwag magtungo roon kahit ano ang mangyari. Masyado akong nadala sa pagkakagalak ko. Binuklat-buklat pa ni Kuya Pierce ang libro at nakakita pa ng ilang mga larawan ng Hidden Forest na siyang nagkumbinsi sa kanya na pumunta bukas. Parang paraiso kasi ang loob ng Hidden Forest, ayon sa libro. Kaya naisip ni Kuya Pierce na kumpirmahin iyon. "Alright. Punta tayo rito bukas?" pag-aya niya sa mga kaibigan niya na pagod na pagod kaya mahina na ang energy, pero pumayag din naman dahil go lang sila lagi sa adventures. "I'm also in!" excited kong sabi. Hindi ako adventurous, pero gusto kong makita ang paraiso sa loob ng misteryosong kagubatan na iyon. Dumating na ang aming mga magulang na pagod din sa trabaho kaya nauna na sa kanilang silid at hindi na kumain. Kami na lamang ang nagsalu-salo sa hapunan noong gabing iyon. Pansin ko si Kuya Pierce na nakatuon pa rin ang atensyon sa librong hawak, hanggang sa bigla siyang mapahampas doon at nagagalak na napatingin sa amin isa-isa. Napakunot ang noo ko at nagtataka namin siyang tiningnan. "I found a map!" anunsyo niya sa amin dahilan upang mapatayo ako at lumapit sa kanya upang silipin. "It's from this land... our house. Paris is right!" excited din niyang sambit. Pinagmasdan ko ang isang pahina ng libro kung saan mayroon ngang mapa roon. Totoo ang sinabi ni Kuya Pierce na mula iyon sa aming bahay at mayroong nakalagay na steps bago makarating sa Hidden Forest. Sa kabilang pahina naman, nakalahad na roon ang lahat ng mga magagandang lugar sa loob ng Hidden Forest. Hindi kami maliligaw! Kaya final na ang desisyon namin na pasukin ang kagubatan na iyon bukas ng umaga. Hindi na kasi pupwede ngayon dahil madilim na at baka kung mapano pa kami. At least panatag kami na maliwanag na bukas at mayroon pa kaming mapa bilang gabay sa aming paglalakbay. Excited na talaga ako! Lingid sa kaalaman ko na iyon ang magiging dahilan ng pagbababago ng aking buhay. Maaga kaming gumayak kinabukasan at nagdala kami ng tubig at pagkain upang doon na kami sa kagubatan kumain kung matagpuan namin kaagad ang unang destinasyon namin, ang Hidden Falls. Pagkaalis ng mga magulang namin for work, umalis na rin kami for adventure. Good thing at wala na yung mga nagtatrabaho sa bakuran namin na mga magsasaka, walang magbabawal sa amin na magtungo sa kagubatan. Hindi ko na rin binanggit sa kanila ang babala ng mga matatanda sa akin kahapon dahil sa takot ko na hindi na kami matuloy. Matapang at walang takot na lumipat na sina Kuya Pierce and friends sa lupa ng gubat. Sumunod naman ako na inalalayan ni Kuya Tevin. So far, okay naman ang paglalakad-lakad namin. It was a typical forest na tahimik, tanging mga huni ng ibon lamang ang maririnig, at puro mga puno at maliliit na halaman ang makikita sa dadaanan. Sinusundan namin ang mapa na nasa libro papunta a Hidden Falls, and we actually found it. Naligo kami roon for a while at doon na rin kumain. Tuwang-tuwa kaming lahat kasi napaka-ganda nga naman sa lugar na iyon. Until Kuya Pierce suddenly disappeared. Hindi namin alam kung kailan at paano siya biglang nawala, but he was nowhere to be seen ng bandang tanghali na. Hinintay pa namin siya ng ilang oras at baka nag-ikot lang siya mag-isa, pero hindi siya dumating. Sobrang kinakabahan na ako ng mga oras na iyon, lalo na nang makita ko ang libro na Journey to the Hidden Forest na nakatapon lamang sa sahig. Siya ang may hawak noon dahil siya ang nagli-lead sa amin. Sinubukan namin siyang hanapin pa sa bilog na gubat, pero walang bakas na kahit anino niya. Ano ang nangyari sa kanya? Nang bandang hapon na at magdidilim na, napagpasyahan namin na lumabas na muna ng gubat bago pa kami abutan ng dilim. Naiiyak na ako at kinakabahan habang yakap ang libro ng Hidden Forest. Lahat kami ay tahimik at hindi makapagsalita. Sinalubong kami ng mga tauhan nina Mama at Papa nang makita kaming lumabas ng gubat. Lahat sila ay nag-aalala na tila ba sigurado sila na mayroong masamang nangyari sa amin. Sa likod nila ay sina Mama at Papa na nag-aalalang nilapitan ako. "Nasaan ang Kuya mo?" Iyon ang bungad sa akin ni Mama. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang dahil doon. Hindi ko alam. Paano ko sasabihin sa kanila na nawawala si Kuya Pierce? Na kasama pa lang namin siya sa talon, tapos bigla na lamang siyang naglaho? Nang makita ni Mama ang reaksyon ko at mukhang nabasa na niya ang iniisip ko, biglang mayroong tumulong mga luha sa kanyang mga pisngi. "Why did you go there, Paris? I heard binalaan ka nila not to go anywhere near this forest... so why?" aniya sa impit na boses nang dahil sa pag-iyak. Sa tono ng pananalita niya, it seemed like sinisisi niya ako sa pagkawala ng aking kapatid. Napayuko na lamang ako at tuluyan na ring naiyak. Ang mga kaibigan naman ni Kuya Pierce ay napayuko na lamang at hindi makapagsalita. Lahat sila ay nagi-guilty tulad ko, dahil hindi man lang namin alam kung ano ang nangyari. We were so busy having fun. Lumapit sa amin ang matandang lalaki na nagbigay ng babala sa akin kahapon. "May sumpa ang kagubatan na iyan, hija..." aniya sa malungkot na boses. Lalo akong naiyak. It was all my fault. Dapat ay nakinig ako sa kanila. Ano ba ang pumasok sa isip ko? Nang iangat ko ang ulo ko, nakita kong nakatingin si Mama sa libro na yakap-yakap ko. Namilog ang kanyang mga mata. Lumapit siya sa akin at hinablot iyon mula sa akin. Lalo siyang napahagulgol nang makita ang libro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD