Kabanata 47

1064 Words
Paris' POV "Ikaw, Paris? Ba't sumama ka pa rito? Bonding 'to ng mga Kuya mo," tanong niya sa akin na ikinasimangot ko. Hindi ba sila masaya na nandito ako kasama nila? "Papa naman. Ayaw niyo ba akong makasama?" pag-angal ko. Tumawa lang naman sila. "Hindi, anak. Kasi magtatagal sila dito eh. Kaya mo ba?" nangingiting tugon ni Mama. "Oo naman, 'Ma. Ako pa!" mayabang na sabi ko kahit na bagot na kaagad ako. "Sus! Duwag ka naman eh!" singit ni Kuya Pierce. Inirapan ko lang siya. Natapos kaming kumain at kanya-kanyang balik na kami sa mga kwarto namin para matulog. Si Kuya Pierce, ka-share si Kuya Kevin sa isang kwarto. Habang sina Kuya Felix at Jan naman ay sa isa pang kwarto. Nandito kami ngayon sa living room. Nakahiga ako sa sofa habang nakapatong naman ang mga paa ko sa lap ni Kuya Pierce. Nakaupo kasi siya sa paanan ko. Pinapanood namin yung Divergent. Nabasa ko na kasi yung libro nito at mukha namang magandang panoorin. "Ang gwapo ni Four..." Hindi ko mapigilang ma-amaze. "Tris is gorgeous. Ano'ng name niyan? In real life, ha." Bago pa ako makasagot, bumaba na ang tatlong binatang mga bagong ligo. "Dude, tara na! Marami atang mga pasyalan dito eh," nakangiting sabi ni Kuya Tevin. "Oo, dude. Adventurous ang pamamasyal dito," natatawang sagot nan ni Kuya Pierce at tumayo na. Patuloy naman ako sa panonood. "Paris, sama ka?" tanong ni Kuya Pierce. Pang-asar lang. "Nah," mabilis pa sa alas cuatro na sagot ko. "Ingat." Ayoko sa mga adventurous chenes na iyan. Nakakatamad. Seriously, lahat kinatatamaran ko. Magbabasa na lang ako ng mga libro than to meet some unknown creatures o mga bagay na ikamamatay ko pa. No, please. Umalis na sila at naiwan akong mag-isa rito. Yeah, ako na lang mag-isa sa bahay. Sina mama at papa kasi umalis na. May mga trabaho pa kasi. Natapos ang movie at nabitin lang ako. Ugh. Sa susunod na lang yung Insurgent. Nagugutom na 'ko. Tumayo ako at kumuha ng makakain sa ref. Apple and grapes will do. Pero may naamoy ako mabango sa labas. Hmm. Idinala ako ng mga paa ko sa isang malawak na espasyo na may mga nakatanim na gulay. May mga prutas din. May iilang taong nag-haharvest doon. "Ma'am Paris." Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Isang matandang lalaki. "Bakit po?" "Wala naman. Masaya ako at napunta ka rito." "Salamat po. Pero pwede po ba akong tumulong sa kanila?" Kumunot ang noo niya. "Gusto ko pong i-try. Mukhang masaya eh." "Kung iyon po ang makakapag-pasaya sa inyo, sige lang po." Nagpasalamat ako nang marami at tumakbo na papalapit sa mga tao roon. Pumitas ako ng mga prutas. Fresh. Nang mapagod ako ay nagpaalam na rin ako sa kanila, pati na sa matanda na bumati sa akin kanina. Nagtanong pa ako sa kanya kung saan ako pupwedeng maglibot-libot dito dahil bagot na bagot ako. Hindi ko naman gustong manatili sa aking silid nang mag-isa buong bakasyon. "Pag-aari po ninyo ang hekta-hektaryong lupa na nakapalibot sa bakuran ninyo. Pupwede po kayong umikot-ikot sa lugar. Marami pong magagandang puntahan dito sa atin," masiglang sambit ng matandang lalaki. "Bata pa kasi kayo noong huli kayong nagpunta rito," dagdag pa niya. Ngumiti ako. "Maraming salamat po! Mag-iikot lang po ako," paalam ko sa kanila. Ngunit isang kamay ng matandang babae ang humawak sa aking kamay dahilan upang mapalingon ako sa kanya. Nag-aalala ang mga tingin niya. "Huwag lang ho kayong pumasok sa kagubatan, Ma'am Paris. Delikado po ang lugar na iyon," paalala niya sa akin. Kaagad akong sumang-ayon sa kanya at nagpasalamat muli bago nagmamadaling maglakad-lakad. Puro mga puno at baku-bakong lupa ang nakikita ko sapagkat pinapalibutan kami ng kabukiran. I wonder kung saan nagpunta ang mga kampon ni Kuya Pierce. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid habang palayo ako nang palayo sa bahay namin. Natatanaw ko ang isang malaking puno na mayroong benches sa ibaba. Sa palibot noon ay mga bulaklak na mayroong iba't ibang kulay na nagmistulang hardin doon. I guess inaalagaan din nila ang lugar na iyon bukod sa mga gulay at prutas sa bakuran namin. Nakita ko rin sa kanang parte ang daan palabas ng aming lupa. Siguradong lumabas dito sina Kuya Pierce and friends sakaya ang kolong-kolong. Nagsisisi akong hindi ako sumama! Siguradong maraming pasyalan sa labas. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa paglakad-lakad habang sinisipa-sipa ang maliliit na d**o na nadadanaan ko. Bukas na lang ako sasama sa kanila at matagal pa naman kami rito. Sobrang nakakabagot pala talaga! Maglalakad na nasa ako pabalik nang mapatingin ako sa harapan ko naman. May mga alambre na nakaharang doon na nagsilbing bakod o division sa kabilang lupa. Napaawang ang aking mga labi nang mapagtantong kagubatan na pala ang naroon sa kabilang lupa. Dahan-dahan akong lumapit doon pero wala naman akong balak na lumipat doon, o suwayin ang paalala ng mga matatanda kanina. Lumapit lang ako out of curiosity at sinipat-sipat ang loob ng kagubatan. Gusto ko lang malaman kung bakit nasabi nilang delikado ang lugar na ito. Hindi ako adventurous na tao kaya hindi ako sumama kina Kuya Pierce and friends, pero parang na-curious naman ako bigla sa gubat na 'to. May mga mababangis na hayop ba na naninirahan dito? If so, hindi kaya'y delikado rin ang buong lugar na ito kung sakaling malagi sila rito? Ang scary naman! It's not like my super sealing powers ang mga alambre para protektahan kami mula sa mga mababangis na hayop. Sa kasisipat ko, mayroon akong nakitang nakadikit na karatula sa ikatlong puno na nakahanay sa harapan ko. Namilog ang aking mga mata nang mabasa iyon. "The Hidden Forest?" naibulalas ko. It sounded familiar! I know I've heard those words somewhere. Then it hit me! Iyon yung titulo ng librong dala-dala ko rito. The Hidden Forest. Posible kayang isang tourist spot ito na nai-feature pa sa libro? O 'di kaya'y itong gubat na 'to ang inspirasyon sa librong iyon? Hindi ako nagdalawang-isip na bumalik sa bahay at sa kwarto ko upang tingnan ang libro. Hindi ko masyadong naiintindihan pa ang libro kung tungkol saan iyon, pero ang alam ko ay isa iyong fiction book. Mga litrato pa lamang ang nakita ko, at mga salitang hindi ko maintindihan. What's going on now? Punong-puno ng kaba at excitement ang dibdib ko. Baka may something na maganda sa loob ng gubat. I have to tell my Kuya Pierce this dahil he loves adventures!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD