Shantrelle's POV To cut the long story short, isinama ako ng mga estranghero sa hindi ko malaman kung anong lugar. It looked like a camp, pero mayroong mga bahay... markets and an academy also. Saka ko nalaman na lupa pala iyon ng mga ninja... at ang mga estrangherong iyon ay guro at mga estudyante sa academy. Gusto nila akong gawing isang ganap na ninja. Upang protektahan ako, kailangan kong manatili muna sa lugar na ito at saka magsanay na makipaglaban upang kapag naging adult na ako, kaya ko na ang sarili ko. Gusto ko tuloy maiyak. That would mean na nag-iisa na lang talaga ako. Kailangan kong gumalaw at may gawin upang mabuhay. Ganito pala ang pakiramdam nang mamuhay sa dahas. Ganito ba ang naramdaman ng aking ina noon? I guess it was much worse since bata pa siya noong unang namula

