“You look pretty today, Shan,” ngiting-ngiting bati sa akin ni Gray nang madako ang tingin ko sa kanya. Gusto kong tusukin ang mga mata niya dahil sa mga tingin niya na parang gusto akong hubaran. Kung alam ko lang na ganito siya noong unang beses kaming magkausap. Inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy sa pagkain. “Uy, bakit mas malaki ‘yang sa ‘yo?” Itinuro ni Levi ang fried chicken ni Mon at sinubukang tusukin ito gamit ang kanyang tinidor. “Shut up, Levi,” kalmadong sabi ni Mon at iwinaksi ang kamay ni Levi dahilan upang lumipad ang kanyang tinidor at mahulog sa sahig. Akmang makikipagtalo pa itong si Levi kay Mon, ngunit natigilan ito nang tumikhim si Farrah. Iniiwasan talaga namin na magalit itong si Farrah. Katakot-takot. “Oo nga pala, Shan,” pagbabago ni Gray sa nagdidilim n

