Flashback before the circle went on a long vacation... Aliah's POV Nasa itaas lang ako ng puno dito sa garden. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Ewan ko ba, nakakainis. Habang nagmumuni-muni ako rito, napatingin ako sa ibaba. At biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa nakita ko. Si Lisa. Nakatayo siya roon sa ilalim ng puno na may tatlo pang puno na pagitan sa punong kinauupuan ko. Kahit malayo, kitang-kita ko ang pagngisi niya habang nakatingin sa 'kin. At napansin ko na lang na may dart na lumilipad papunta sa 'kin. At alam kong galing kay Lisa 'yon. At dahil sa nakita ko, mabilis na nag-react ang katawan ko. Biglaan akong napatalon pababa ng punong 'to. "Aray!" daing nung tangang nadaganan ko. Leche, ba't kasi may tao pa rito? Tss. Tumayo ako nang maayos at pinagpag yung

