LAMIAH'S POV Napaluhod ako sa narinig ko mula kay Freya. Ang kakambal ko, wala na? Hindi pwede! Yung luha ko, patuloy sa pagtulo. Hindi ko ito napigilan. Si Eya (Fuheya) naman, umiiyak na rin. Pinapatahan lang siya ni Zach. Yakap-yakap niya ito. Nakaub-ob yung ulo niya sa leeg ni Eya. Alam ko, umiiyak siya. Si Zeki, nakaupo sa couch. Nakayuko siya at sinasabunutan ang sarili. Habang si Doc naman na binugbog niya eh wala ng malay. Si Alex, lumapit sa 'kin. Niyakap niya ako nang mahigpit. Habang sina Xander at Luke naman nakatingin lang sa 'min. Yung mga mata nila, punong puno ng pag-aalala. "Kakakilala ko pa lang sa kanya, napahamak na siya nang dahil sa 'kin," pag-iyqk pa ni Eya. "W-wala kang kasalanan." Basag na rin ang boses na sabi ni Zach kay Eya at hinalikan niya ito sa noo.

