Aikelle's POV
First day ko sa trabaho ko rito sa book shop at good shot naman ako kaagad kay ate Abi, ang may-ari ng shop, dahil fan siya ng love team daw namin ni Zander. Kung alam lang niya kung gaano kasungit ang lalaking 'yon. It just happened that I had to kiss him in public for some reason.
Wala naman nangyari noong unang araw ko sa shop dahil walang masyadong nagagawi roon. Bilang lang nga sa daliri ko sa kamay ang mga pumasok sa shop at nagtingin-tingin.
Pag-uwi ko sa bahay, nagulat ako nang mayroon akong nadatnan na tao sa labas. Napakurap ako nang maraming beses nang makita ang bunso naming kapatid na si Kelvin.
Pinapasok ko siya sa loob ng bahay at saka ako dumiretso sa sofa habang nakatingin pa rin sa kanya, nagtataka. Ilang araw pa lang akong wala sa bahay, huwag niyang sabihing na-miss na niya ako agad?
Nang hindi siya umimik, hindi ko na siya pinansin at binuksan na lamang ang TV. Nagtungo ako sa kusina upang mag-microwave ng isang supot ng popcorn at saka ako bumalik sa sofa upang manood.
“Ate." Naupo sa tabi ko si Vin at dumakot ng popcorn mula sa supot na hawak ko. Hindi na ako nag-abala pang lumingon dahil hindi ko maalis ang tingin sa pinapanood. “May sasabihin ako sa ‘yo.”
“Ano yun? Valedictorian ka?” balewala kong tanong sa kanya. Hindi naman sa hindi ako natutuwa. Sadyang matalino lang kasi ang batang ito at hindi talaga kagulat-gulat na nangunguna siya sa kanyang klase.
“Hindi ‘yun...” Alanganin na sagot niya. Nangunot ang noo ko nang dahil doon at nilingon siya na magkasalubong ang aking mga kilay.
“Ano, hindi ka valedictorian?”
Mukhang nahintakutan siya sa pagtaas ng boses ko, kaya naman tumayo na siya at nagpaalam na pupunta sa kwarto.
“Hoy, Kelvin! Kinakausap pa kita!” Ngunit hindi na siya natinag sa sigaw ko at tumuloy pa rin sa aking kwarto. Gosh.
Inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy na lamang sa panonoo. Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sa lakas niyon, halos mapatakbo pa sa palabas ng kwarto si Vin, tila ba may inaasahan siyang tawag. Pumasok lang uli siya sa kwarto nang makitang hawak ko na ang cellphone. Problema no’n?
Sinagot ko kaagad ang tawag. Binati ako ng isang mahinhin na boses ng isang babae. Mukhang kaedaran ko lang ang may-ari ng boses.
“Good afternoon. Mrs. Gordon?”
Ako, misis? Whut? “Sorry, pero sino ito?” tanong ko sa kabilang linya.
“Teacher ho ako sa Evans Highschool. Gusto ko sanang makausap ang parents ni Kelvin.”
“Kayo po ba ang adviser nina Vin? Ate po ako ni Kelvin. May problema po ba siya sa school? Hindi po ba siya pumapasok?”
“No, hindi gano’n, Miss Gordon. Wala ba ang parents ninyo? Gusto ko sanang makausap sila nang personal.”
Nakita kong bumukas nang bahagya ang pinto ng kwarto ni Vin. Nakasilip siya at tila ba pinapakinggan ang mga sagot ko. Sinamaan ko siya ng tingin at sinenyasan na humanda siya pagkatapos.
“Hello?”
“Sorry, pero hindi ninyo makakausap ang parents namin. Kung gusto niyo, hukayin niyo ang tatay namin sa sementeryo—” Natigilan ako nang ma-realize ko ang sinasabi ko. I saw Kelvin rolled his eyes, as if he’s embarrassed on what I just said. “I mean, hindi ho pupwede ang Mom namin ngayon. Busy siya sa kanyang trabaho. But I’m free. Pwede ko kayong kitain ngayon din," tuloy-tuloy na sabi ko.
“It’s fine with me, Miss. But make sure to discuss it with your parents, okay?”
“Okay ho."
“Ite-text ko na lang ang meeting place. I’ll meet you at five, pagkatapos ng klase.”
“Sige po. Salamat po, Ma’am," magalang kong saad.
“Thank you rin, Miss Gordon.”
Matapos kong kausapin si Kelvin—na wala akong napala dahil hindi siya nagsasalita—dumiretso na ako sa coffee shop na tinutukoy ni Teacher Heinna upang alamin ang problema. Nandoon na siya nang makarating ako. Sigurado akong seryoso ang pag-uusapan namin. Hindi naman siguro ito magsasayang ng oras para kitain ako kung hindi.
“Hi,” bati niya sa akin nang mapansing papalapit ako. Tila ba nakahinga siya nang maluwag nang makitang halos magka-edad lang kami. “Maupo ka.”
“Thanks." Naupo ako sa upuan na katapat niya. "By the way, I’m Aikelle Gordon. Sa ngayon, ako na muna ang magsisilbing guardian ni Viniel.” Iniabot ko ang kamay ko para makipag-shake hands. Tinitigan muna niya iyon bago nangiti at inabot ito.
“I’m Heinna Peres.” Dali-dali rin itong bumitaw, tila ba napapaso sa kamay ko. "Call me Heinna na lang, since ilang taon lang ang tanda ko sa ‘yo.”
I nodded. "Sure, Miss Heinna.”
Matapos ang maiksing pagpapakilala namin sa isa’t isa—to break the ice—ay tinumbok na niya ang gusto niyang sabihin.
“Malapit sa akin ang mga estudyante ko. Ayoko na nagiging pabaya ang mga ito sa kanilang pag-aaral. Ayoko rin na naaagarabyado ang mga ito. Gusto ko ay makuha nila kung ano ang deserve nila,” panimula niya sa akin. “Walang issue sa grades si Kevin. Masipag siyang mag-aral at parating perfect ang kanyang exam.”
Nangunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan. “So... anong problema?”
She took a sip on her coffee and looked at me, as if she’s about to say something that will crushed my dull world.
“Kelvin told me that...” Bumuntong-hininga pa siya na lalong nagpadagdag ng kaba ko. “..he won’t go to college.”
“What?”
“Gamit ang utak niyang iyon, kayang-kaya niyang makapasok sa isang sikat na paaralan at matupad lahat ng pangarap niya," tila nanghihinayang na wika niya. Pero hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin nang dahil sa naunang sinabi niya.
“What... what did you just say?” hindi makapaniwala kong tanong. Para akong nabingi.
“Kaya nga gusto kong makausap ang parents niyo. Baka may family issues pala kayo. Sayang naman," nanghihinayang niya pang saad.
Halos hindi na kami magkaintindihan nang mga oras na iyon. Tila ba ayaw nang tanggapin ng utak ko ang iba pang bagay. Gusto ko na lang marinig ang sasabihin ni Kelvin, kung ano ang rason niya.
“No,” tila wala sa sariling nasambit ko. “Hindi siya dapat nagdesisyon ng gano’n.”
“Kaya please, kausapin mo siya. Baka may problema pala siya sa Mom niyo. O baka sa ‘yo,” aniya na ikinabigla ko.
Napabuga ako ng hangin, trying to compose myself.
“Don’t worry, Miss. I will talk to him," I assured her. "I’m pretty sure na hindi pamilya ang problema rito. Ako na ang bahala.” Kahit na nanginginig ang laman ko sa nalaman ko, I still managed to fake a smile.
“Thank you, Aikelle—”
Naputol ang pag-uusap namin ni Miss Heinna nang may isang lalaking umepal.
“Aikelle!” It’s Kelvin. Hinablot niya ang braso ko habang nakatingin sa kanyang guro. “Sorry, ma’am, pero hindi na po magbabago ang isip ko.”
Mabuti na lang at wala nang tao sa coffee shop na kinaroroonan namin dahil magdidilim na. Tanging ang mga crew ang makakasaksi sa eksena namin ng kapatid ko.
“Kelvin!” Tinabig ko ang kamay niya, umayos ng upo at hinarap muli si Miss Heinna. “Huwag ka nang mag-alala, Miss. Ako na ang bahala sa kapatid kong ito–”
Pinutol na naman ni Kelvin ang sasabihin ko.
“Gosh, Ate! Ano ba?” Pilit ako nitong hinihila patayo pero tinatabig ko lang palagi ang kamay nito. Sinamaan ko siya ng tingin, warning him. "I won’t go to college! Kahit ano pang gawin mo!”
Tila napanting ang tenga ko sa narinig. Nilingon ko si Kelvin at to tiningnan nang ubod ng sama.
“Why, Vin? Kung kailangan kong ibenta ang dignidad ko, gagawin ko! Kaya ko rin isuko ang pag-aaral ko, mapagtapos lang kita. Tingin mo ba papasukan ko lahat ng trabaho ko ngayon kung hindi dahil sa ‘yo?" nagagalit kong wika. Alam kong ayaw niya rin na paaralin na siya ni Mom nang dahil sa ginawa nito, kaya nga kinailangan kong mag-trabaho upang ako na lang ang magtaguyod sa kanya. Ayaw ko na ring kulitin si Kuya Maykel tungkol dito. However, exaggerated lang din naman ako dahil isa lang ang trabaho ko at kakapasok ko lang. What did I mean hirap na hirap? Papunta palang tayo sa exciting part, ano!
Natigilan si Kelvin, pero mukhang hindi na magbabago ang isip niya kahit na ano pang sabihin ko.
“Gusto kong tumulong muna sa ‘yo. Hindi mo alam kung gaano kasakit makita kang nahihirapan magtrabaho dahil hindi ka naman sanay," malungkot na saad niya. Kahit na medyo loko-loko siya at mapang-asar sa akin, may ginintuang puso naman pala ang kapatid naming ito.
I shook my head. “You don’t have to, Vin. Tapusin mo lang ang pag-aaral mo. Iyon lang ang hinihingi ko. Please,” pagmamakawa ko sa kanya. I saw a glint of guilt flickered on his eyes. Inabot ko ang mga kamay niya at pinisil. "'Yun ang pinaka-magandang paraan para makatulong ka sa ‘kin.”
Matapos ang eksenang iyon, umalis na si Kelvin na maiiyak na. Nahihiya ko namang hinarap si Heinna.
“Pasensya ka na, Miss Heinna. Sobrang matured na kasi mag-isip ng kapatid kong iyon, hindi tulad ng ibang kaedaran niya.”
Nangiti siya. "It’s fine. Naiintindihan ko na ngayon si Kelvin.”
“Salamat po, Miss."
“Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kailangan mong magtrabaho para sa tuition ni Viniel? How about Mrs. Gordon?” Lalong nangunot ang noo niya nang makita ang naging reaksyon ko. “Kilala kayo sa siyudad bilang isa sa mga maimpluwensiyang pamilya, hindi ba?”
Natigilan ako. "Uh, about that...”
Umiling siya. “It’s okay, Aikelle. Kahit huwag mo nang sabihin. Naitanong ko lang naman."
Tumango ako sa kanya. “Thank you, Miss Heinna. Anyway, kailangan ko nang mauna. Kakausapin ko pa si Kelvin sa bahay.” Nauna na akong tumayo. Gano’n din naman si Heinna.
“Thank you rin sa pakikinig, Aikelle. Huwag mong masyadong pagsabihan si Vin. Kailangan niya ng makikinig sa kanya ngayon,” she advised. Nangiti na naman siya. Mukha siyang isang anghel sa tuwing nangingiti. “See you around.”
Nagmadali akong lumabas ng coffee shop. Kailangan kong kausapin si Kelvin nang masinsinan.
Ilang beses na ring gumuho ang mundo ko. Pero nagpupumilit pa rin.. Nagpupumilit pa ring bumangon. Simula nang mamatay si Dad at nakahanap ng ibang lalaki si Mum, si Viniel na ang naging mundo ko. At hindi ako papayag na magunaw siya, tulad ng nangyari noon. Hangga’t maaari, aalagaan at poprotektahan ko siya. Dahil sa buhay kong ito, he's the only person whom I treasure the most.