Aikelle's POV
I will cut the story short of how I met Jay Ford nga pala. So to summarize it, una kaming nagkita sa bar and he was trying to flirt with me. Sunod ay noong papasok sa school dahil hindi niya alam ang daan. Twice akong sumakay sa car niya upang ituro at makisabay na rin sa pagpasok. Parati niya akong sinusungitan noong mga araw na iyon.
Then I met Zander, na siyang naging ka-love team ko sa maiksing panahon lang naman. Isa ring masungit... at naaalala kong magkaibigan sila ni Akira Kawahara, ang aking kaklase.
Isang araw, nabalitaan ko mula kay Kelvin na inuwi na ng aming ina ang kanyang boyfriend sa bahay kahit wala pang isang taon na namatay ang aming ama. Sa galit ko, I sent my mother a text message na sinasabing kalimutan na niya na anak niya ako at lalayo na ako sa kanila.
Umalis ako sa bahay na tinutuluyan ko na bigay ni Kuya Maykel at nag-iwan na lang ako ng message na paghahabilin kay Kelvin habang wala ako. Sa sobrang galit ko, I did all those, pero I never had the guts para lumayo.
So nanatili ako sa paaralan at sa probinsya, ngunit lumipat ako ng tirahan at trabaho. Nanahimik ako at tinaguan silang lahat.
Naalala ko pa noong tumatakas ako. Sumakay ako sa bus nang walang destinasyon sa aking isipan. Naupo ako sa bakanteng upuan at nangingising pinagmasdan ang mga humahabol sa akin mula sa bintana. I waved my middle finger pa sa kanila to say f**k you, goodbye. They were obviously sent by my mother upang pasundan ako o kaya'y pigilan ako sa pag-alis. Masyado kasi siyang naging kampante na kahit wala ako sa bahay e malapit lang ako sa kanya at pupwede niya akong masilip kung gugustuhin. Ngayon na nalaman niyang aalis na ako, mapuputol na ang koneksyon namin sa isa't isa at wala na siyang makukuhang balita tungkol sa akin. That must have scared her as a mother.
Talagang matatag ang mga lalaking nakabuntot sa bus, talagang humahabol pa. Ang bagal naman kasi ng bwisit na bus na 'to.
"Manong, bakit ang bagal niyong magpatakbo?" reklamo ko sa driver kasi sobrang kupad talaga! Mas mabilis pa ata ang pagong sa lintek na bus!
"Hija, may mga bagay kasi na hindi minamadali," sagot ba naman niya sa 'kin. Bwisit na buhay. Pati ba naman driver, humuhugot na rin?
"Can't you see? Hinahabol ako ng mga masasamang loob! Kailangan mong magmadali, manong! Kasi kung hindi, baka maiwan ka. Mas masakit yun!" wika ko.
Napalingon sa akin ang driver at natawa sa naging hugot ko.
"Sige, hija. Sino ba kasi 'yang mga humahabol sa 'yo?" tanong pa ni manong sa akin.
"I already told you. Mga masasamang loob."
"Hindi ako naniniwala, bata. Ano'ng ginawa mo sa mga mama na iyan at hinahabol ka nila?"
"I'm not lying. Mga kampon sila ni satanas. I won't let them catch me. Ayokong mabulok sa impyerno!"
"Mga kabataan talaga ngayon," naiiling na sabi nito. "Ikaw lang ang pasahero ko, hija. Saan ba ang punta mo?"
Lumingon-lingon ako sa mga upuan sa likod ko, bakante lahat! Ako lang nga ang nag-iisang pasahero. Demanding pa ako!
"Saan ba magandang pumunta?"
Tumaas ang kilay ni Manong. "Yung totoo, bata, naglayas ka ba sa inyo? Taga saan ka ba at ihahatid kita."
"N-No. Hindi ako naglayas. Uh.. nagbabakasyon lang ako rito ngayon kaya hindi pa ako pamilyar sa mga lugar."
Lalong tumaas ang kilay ni Manong. "Umamin ka na, bata. Taga saan ka?"
Napairap na lang ako. Kulit. "I'm from here, pero gusto ko sanang magpakalayo-layo muna."
"Magpakalayo?" nagtataka niyang tanong.
"Naglayas ako."
"Sinasabi ko na nga ba! Umuwi ka na, ngayon din!" utos niya sa akin na tila ba tatay ko siya.
Napasimangot ako. "Ayoko nga! Ang layo na ng narating nitong bus, ngayon pa ba ako aatras? Tsaka they don't need me naman in our house."
"E sino yung mga humahabol sa 'yo?"
"Tauhan ng Mom ko."
"Ibig sabihin, ayaw kang umalis ng mga magulang mo."
"Nope! Pinapahabol niya ako para lang masabi niyang may ginawa sila para hindi ako umalis. Pero sa totoo lang, wala naman talaga siyang pakialam." Napabuntong-hininga ako at napatingin na lamang sa bintana upang pagmasdan ang dinadaanan namin. It's the truth, though.
"Paano mo nasasabi ang bagay na iyan? Ilang taon ka na ba?"
"Hindi na ako fourteen." I smirked. "Nangako ako sa sarili ko na bago ako tumungtong sa legal age ko, makakalaya na ako sa impyernong iyon. And I did!"
Nailing si Manong. "Hija, walang magulang ang gustong mapahamak ang kanilang mga anak."
"Meron."
"Sino?"
"Mom ko!" Ang kulit ni Manong. Umirap ako. "Wala na talaga akong mapupuntahan. Kung gusto mong masira ang buhay ko, ihinto mo ang sasakyan at ibigay mo ako sa mga tauhan ni Mom."
Nakipag-sukatan muna ng tingin sa akin si Manong. Napabuntong-hininga siya nang mapagtanto niyang seryoso ako sa mga sinasabi ko. Sandali siyang tumahimik at nag-focus sa kanyang pagmamaneho dahil baka kaming dalawa ang maaksidente nang wala sa oras.
"Ganon ba talaga kasama ang mga magulang mo? Hindi ko kayang paniwalaan ang sinasabi mo," naiiling na sabi niya. Masyadong pure itong si Manong, mukhang tumanda siya na walang bahid na sakit sa mundo kundi kahirapan.
"Bakit, manong? Kasi hindi mo 'ko nakikitang umiiyak?" I laughed sarcastically. "Tatlong taon na akong umiiyak. At sa wakas, napagod din ako. Kaya ngayon? Asa silang iiyakan ko sila. Wala na silang halaga sa akin."
Kita kong naawa sa akin si Manong. Hindi ko kailangan ng awa niya. Pero tingin ko, nakatulong din iyon dahil hindi niya ako ibinigay sa mga tauhan ni Mom. Binilisan niya ang pagpapatakbo at nakarating kami sa kanyang destinasyon.
Bumaba siya kaya sumunod ako. Palinga-linga ako sa paligid habang hawak ang magkabilang strap ng bag ko. Maraming bus dito na naka-park. Dumiretso si Manong sa loob ng isang maliit na bahay. Pumasok din naman ako. Pagpasok ko, naramdaman ko kaagad ang pamilyar na lamig ng kwarto. Sosyal, naka-aircon!
Nakaupo sa isang swivel chair ang lalaking nadatnan namin doon. May ilang disenyo ang table nito at isang telepono sa right side. Mukhang binata pa yung lalaki kaya naman nagmano siya kay Manong.
Teka, isn't this Jay Ford—
"Lolo Lucio, napadalaw ka rito?"
"Balak ko sanang magpaalam sa 'yo, hijo. Hindi na muna ako makakapasok dahil may aasikasuhin muna ako."
"Wala pong problema, Lolo Lucio."
Lumapit naman sa akin si Manong at ipinakilala ako roon sa boss niya. "Iyan na po ba ang apo mo, Lolo Lucio?" Ngunit nang mapagmasdan ako nang mabuti ng binata, namilog nang bahagya ang kanyang mga mata at nakilala niya ako.
"Oo, galing ito sa kabilang baryo lang."
"Kaya naman pala." Tumango-tango si Jay, nagpapanggap na hindi ako namukhaan. Siguro ay nagtataka lang din siya kung paanong naging kamag-anak ako ng isang bus driver, ang anak ng mga Gordon. "You are?"
"Aikelle," matipid na tugon ko.
"Nice name, Aikelle. I am Jay Ford," aniya sa akin na mayroong diin. Inilahad niya ang kanyang palad na kahit alanganin ako ay kinuha ko na, pero kaagad ko ring binitawan.
"Ford," pag-ulit ko at nangiti. "Ikaw yung anak ni Mr. Charles Ford, hindi ba?" Hindi ako sure, pero sa pagkakaalam ko, isa lang ang anak ng mag-asawang Ford, lalaki ito at may kinalaman sa transportation ang business nito.
Nagulat siya. "Ganoon na ba ako ka-famous para makilala ng isang magandang babaeng tulad mo?" mapang-asar na sabi niya. If I know, nakapag-background check na rin siya sa 'kin!
Nagkibit balikat ako. "Hindi ikaw ang famous kundi ang mga magulang mo."
Sinenyasan ko si Manong na umalis na kami rito. Mahangin na kasi rito.
"Jay, hijo. Uuwi na muna kami ni Aikelle. Hinihintay na kami ng Lola Bhey mo."
"Sige, Lolo Lucio. And, Aikelle!" pahabol pa niyang tawag sa akin kaya nilingon ko siya. "Dalaw ka rito minsan, a?" makahulugan niyang saad.
"Whatever." Inirapan ko siya at saka na namin nilisan ang lugar na iyon.
Nag-commute na lang kami ni Manong. Hindi naman kalayuan ang bahay nila sa pinagta-trabauhan niya. Hindi naman hassle. Nang makarating kami, halos mapataas ang kilay ko.
"Seriously? Bahay niyo 'to?"
Hindi naman siya maliit. Sakto lang naman. Pero kung ikokompara naman kasi talaga ito sa bahay namin, baka cr lang namin 'to.
"Naliliitan ka ba?"
"Uh, sakto lang," tuton ko. "Naku-kyutan lang."
Tumawa lang si Manong at ginulo ang buhok ko. "Maliit man ang bahay namin, pero malinis iyan tsaka puno ng pagmamahal."
Nang dahil doon, na-excite akong pumasok sa loob. Nakaka-inggit. Okay lang sa akin na ganito kaliit ang bahay namin, basta nagmamahalan kami ng pamilya ko. Pero hindi, eh. Napaka-swerte ni Manong at ng pamilya niya.
Pagpasok namin, sinalubong kami ng isang matandang babae. Mukhang asawa ni Manong.
"Bhey, ito nga pala si Aikelle. Naglayas siya sa kanila. Ayaw niyang umuwi."
"Ano? Mga kabataan nga naman ngayon. Halika, Aikelle, mag-usap tayo rito." Umupo siya sa isang sofa kaya umupo rin ako sa isa pang bakante. "Bakit naisipan mong maglayas? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo niyan."
"Lola Bhey, hindi po. Wala po silang pakialam sa 'kin."
Hinampas niya ako ng hawak niyang pamaypay. "Hindi totoo 'yan! Puro kayo rebelde, hindi niyo alam ang hirap na dinadanas namin!"
"Lola, hindi ka katulad ng mama ko. Trust me, hindi siya mabuting ina!"
Hinampas niya ako ulit. "Bawiin mo ang sinabi mong bata ka!"
Sa huli, pumayag din siyang tumira ako dito. Ang bait nga talaga ng pamilya ni Manong or should I say Lolo Lucio. Pero eventually, nahiya na rin ako at humiwalay na sa kanila dahil natuklasan ko na mayroong palibreng tirahan sa isang simbahan malapit lang naman.
Ayaw pa nina Lola Bhey at Lolo Lucio na umalis ako, pero nahiya naman na ako sa mga apo nila na nakatira sa kanila. Aagawan ko pa sila ng espasyo at atensyon, pero paminsan-minsan ay bumibisita naman ako sa kanila.
Ilang buwan na rin akong nakatira sa simbahan at dahil abala ako sa trabaho, hindi ko napapansin ang mga nasa paligid ko. Although may naririnig ako noon na sabi-sabi na mayroong something weird daw na itinatago ang church namin e hindi ko na pansin iyon dahil wala naman akong nararamdaman.
Ngunit ngayong may trabaho na ako, under the mayabang na si Jay Ford, at malaki ang bigayan kaya hindi ko na muna kailangang magtrabaho sa ibang work ko e baka maparami ang oras ko sa tirahan ko. Means, mas mapapansin ko na ang mga nasa kapaligiran ko. At baka ako pa ang magpatotoo sa mga akusasyon nila sa church namin.
"Ano, payag ka ba sa offer sa 'yo ng bugtong na anak ng mga Ford?" tanong sa akin ni Sherry habang naka-duty ako sa book shop. Paalis na siya nang makita akong nakatulala sa kawalan.
"Susubukan ko. Gusto ko munang masubukang magpahinga," sambit ko at saka napabuntong-hininga.
Napangiti si Sherry nang dahil sa sinabi ko. "Tama 'yan. Basta ilibre mo na lang ako sa first sahod mo," biro niya sa 'kin kaya napangiti ako at tinanguan siya. Siya pa ba na nagdala sa akin sa trabahong iyon ang hindi ko ililibre sa laki ng offer sa 'kin? Although it was unfortunate that I will be working under that Jay Ford, inisip ko na lang na kailangan kong lunukin ang pride ko para mabuhay.
Besides, hindi naman gano'n kahirap ang pinapa-trabaho niya sa 'kin. Magmanman ng isang grupo ng mga lalaki? Not at all—damn it. Kahit gaano ko ipilit sa sarili ko na hindi mahirap iyon, it is. Delikado pa. Sino ba ang mga 'yon that he wanted me to spy on them? At willing pa siyang magbayad ng sixty-thousand pesos per month? I'll live a luxurious life with those!
Nagpaalam na si Sherry sa akin at saka na siya umalis ng shop. Naiwan naman ako na problemado at hindi alam kung tama ba ang magiging desisyon ko. May ilang oras pa naman ako para mag-isip at magpasa ng resignation ko.
Habang gusto kong sabunutan ang sarili ko sa inis, bigla akong nakarinig ng malakas na kalampag sa counter na kinaroroonan ko. Pag-angat ko ng ulo ko, isang lalaki pala ang padabog na naglapag ng libro dito sa harapan ko.
"I'll get this one," seryosong sambit niya.
Ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ko si Zander Clarkson Thomas, ang lalaking naka-love team ko noon dahil hinalikan ko. Ngayon ko lang siya muli nakita dahil lumipat na ako sa tagong mall at parati din akong nagtatago sa school.
Same face, same voice. Kumabog nang sobrang lakas ang dibdib ko... ngunit naudlot iyon nang may isang babaeng tumawag at lumapit sa kanya.
"Pasabay na rin ito," sabi ng babae at napatingin sa akin na napatulala sa kanilang dalawa.
It was my classmate, Akira Kawahara.