Kabanata 41

1155 Words
Selena Hilton. Nang iharap kong muli ang litrato nila na hawak ko, nakita ko ang pangalan ng lugar na kinaroroonan nila roon. Ang Banan Elementary School. Ibig sabihin, doon nila ginanap ang outreach program. Sa tapat niyon sila nagpakuha ng litrato upang i-doiumento ang aktibidad. "Nakita mo na bang bumisita rito si Selena?" tanong ko sa kanya na itinanggi niya kaagad. Sa larawan lang daw niya madalas makita ang mga iyon. Ibinalik ko ang litrato sa board at saka ko tiningnan ang iba pang mga larawan na nandoon si Selena Hilton. Ang iba ay sa barangay at iban school, pero lahat ay sa Bayan ng Banan. This only means na nakatira siya sa Banan... and she's not going anywhere farther. Tumango ako kay Aikelle at nagpasalamat. Nagpalitan kami ng numero upang matawagan namin ang isa't isa kung sakaling may update, saka na ako nagpaalam sa kanya. Malapit nang magkadugtong-dugtong ang mga impormasyon na hawak ko, but these are still not enough. Naglalakad ako sa kalsada. Maduming kalsada. Maraming basurang nagkalat sa paligid, may mga plastic akong natatapakan sa bawat paghakbang na gagawin ko. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa magkabilang strap ng backpack ko dahil hindi rin maganda ang pakiramdam ko rito sa lugar na ito. I should've taken Arzee with me. Ilang beses na akong napabuntong-hininga dahil nakakaramdam na ako ng nerbyos at napakatahimik dito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil wala akong makitang tao at mukhang puro walang nakatira ang mga bahay na nadadaanan ko, hanggang sa matanaw ko ang covered court. Lumipat ako ng daan at nagpunta sa Barangay Hall na nakadikit lang sa court. Kumatok ako sa makintab nitong pinto. Sa lahat ng nadaanan at nakita ko dito sa lugar na ito, ang pinto lang nila ang malinis pati na ang buong Hall. Sinubukan kong kumatok. Bumukas naman ito at bumungad sa akin ang isang matandang babae. Ngumiti ito sa akin- ngiting nakakataas ng balahibo. Joke lang. Di kaya 'to horror story! Matamis na ngiti ang ibinungad niya sa 'kin. "Pasok ka, hija." Kahit alangan ay pumasok ako. Nakita ko doon ang isa pang babaeng halos wala nang kulay ang mukha, sobrang putla. Para na siyang bangkay sa sobrang kapal ng foundation nito sa mukha. Sa tingin ko, isa ito sa may pinakamataas na pwesto sa lungsod na ito. "Galing ako sa pamilyang Hamilton," I lied. My plan is to pretend that I'm Paris Hamilton. Hindi mababakasan ng takot at pangamba ang boses ko. I said it with full of pride." May kamag-anak ako dito sabi ng mum ko. Baka pwede niyo akong matulungang hanapin ito?" "Kilala ko ang mga Hamilton. Sikat ang pamilyang ito sa Manila. Ikaw ba ang kaisa-isa nilang anak?" Nakisakay na lang ako sa sinabi niya at bumase sa mga nakalap kong impormasyon. "Yes. Magbabakasyon ako rito for some reason. Anyway, pwede niyo ba akong samahan sa mga Beckett? They're my family friend." It was my way to find out who the Beckets are, but... "Beckett? Matagal na silang umalis dito, kasama ang dalawa nilang mga anak. Kung kailan sila babalik, yun ang hindi ko pa alam." I sighed. I guess tuluyan na nilang binura ang existence nila rito at sa church. What happened to them? There must be some kind of a connection between the three families. Kailangan kong malaman kung ano iyon in order to solve the riddle. "Kung ganoon, sa mga Hitler na lang. Malayo namin silang kamag-anak. Sa tingin ko ay sila na nga ang sinasabi ng parents ko." Bahagyang natigilan ang babae. "Si Selena Hitler pala ang hinahanap mo. Malapit lang siya rito sa Barangay Hall." Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at naglakad papalapit sa akin. "Halika, hija, puntahan na natin ang mansyon ni Selena." Naglakad kami nung babae. Hindi gaanong malayo ito. Kumpara sa nilakad ko kanina, sobrang lapit na nito. Nadaanan namin ang ilang mga tao sa tindahan na nag-iinuman. Tanghaling tapat ay naglalasing sila. Uso ba yun dito? Nadaanan din namin ang isang pasugalan. May tatlong table doon at iba't ibang sugal ang ginagawa nila. Hindi tahimik sa parte na ito, hindi rin maingay. Ibang-iba sa lugar sa probinsya. Nakaka-suffocate ang hangin. Para bang hindi ito kayang tanggapin ng sistema ko. May ibang hangin akong hinahanap-hanap. Hindi ang sariwang hangin na ito. Huminto kami sa isang malaking bahay. Pinagmasdan ko ang masyon. Tahimik lang ito, malinis itong tingnan at luma. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na maganda. Alagang-alaga ito pero parang walang nakatira. Nag-doorbell ang babae. Sinamahan ito ng matandang babae na may hawak na payong upang protektahan sa init ang huli. Ilang beses nitong pinindot ang doorbell hanggang sa may nagbukas na ng gate. Isa itong matanda. Pamilyar. Napakurap ako nang bigla ako nitong sinalubong ng yakap. "Paris?" Nagulat ako. Hindi nila alam ang hitsura ni Paris? Pero mukhang inaasahan nila si Paris na darating ngayon. Ibig sabihin ba nito, hindi pa siya nagpupunta rito? Where is she? Nagulat ako nang makilala ko siya. Isa siya sa mga nasa larawan na nakita ko sa church. I think her name is Isabel... "Manang Isabel, bakit kayo nandito?" I asked. Humiwalay siya sa akin at pinagmasdan ang gulat kong mukha. Base sa kanyang suot, siya ay isang kasambahay. Ang akala ko ay isa lang siyang volunteer o kaya'y taga-church, pero kasambahay pala siya ni Selena Hilton. "Ipinadala ako rito ng iyong ina upang samahan si Ma'am Selena. Hindi ko alam na ngayon ka nila ipapadala rito." Napa-whut na lang ako. "Ang sabi sa akin ay kapag Senior High ka na, saka ka nila ipapadala-" Naputol ang sinasabi niya nang biglang may tumawag sa kanya mula sa loob. "Ma'am Selena, nandito na po ang pamangkin niyong si Paris. Nakarating na po siya." Sumilip si Selena rito sa labas at napangiti nang makita ako. Halos mapanganga ako. Inaasahan kong matanda na siya dahil matagal na ang litratong nakita ko, pero ganoon pa rin ang hitsura niya. Pero sa nakikita ko ngayon, nasa edad na tatlumpu lamang siya. Mukha pa siyang dalaga. "Paris, ikaw na ba iyan? Dalagang-dalaga ka na!" Excited niya akong niyakap. Hinawakan pa niya ang mukha ko na parang hindi siya makapaniwala. "Ang tagal kitang hinintay!" Hinila niya ako papasok ng bahay niya. Si Manang Isabel naman ang naiwan doon upang kausapin yung babae na naghatid sa akin. Pinaupo ako ni Tiya Selena sa sofa at pinaulanan ako ng tanong. Masyado pa akong nabibigla sa mga nangyayari kaya hindi ako makapagsalita. "Ang ganda-ganda mo, pati na ang balat mo. Halatang hindi ka taga-rito." Ngumiti siya nang matamis. "Ang sabi sa akin ni Ate Cynthia ay sakit ka sa ulo, pero hindi talaga halata sa itsura mo na pasaway ka!" Napatitig ako sa kanya. Hindi ganito ang inaasahan ko sa kanya. Ine-expect ko na istrikto ito at seryoso. Pero bakit iba ang nakikita ko ngayon? Kung titingnan siya, para lang siyang taga-Manila. Ang pananalita niya, ang ugali niya at ang itsura niya. Ibang-iba sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD