Paris' POV
Gamit ang sasakyan ng aking mga magulang, papunta na ako ngayon sa malayong bayan kung saan ako gustong itapon ng aking mga magulang. Doon muna raw ako kay Tiya Selena Hilton pansamantala. Hindi ko alam kung bakit. Sinusunod ko naman ang lahat ng gusto nila, kahit pa ang pumasok sa simbahan na itinayo ng mga elders sa pamilya namin.
However, sa kalagitnaan ng aking biyahe ay bigla akong nakaramdam ng ihi. Hininto ng driver ang kotse sa isang gasoline station upang mabilis akong magbawas. Halos patakbo pa akong pumasok sa kotse dahil ayokong ma-late kami sa pupuntahan namin. Tiyak na magagalit na naman sa akin ang mga magulang ko.
Akmang aalis na ang kotse nang biglang mayroong kumatok sa kabilang bintana rito sa passenger seat. Bumukas iyon na ikinabigla ng driver at pumasok ang isang babae na tila ba pag-aari niya ang sasakyan.
Lalabas pa sana ang driver upang palabasin ang babae nang pigilan ko siya. Mukha namang matino ang babae at walang gagawing masama, kaya hinayaan ko na lamang siya na magsalita dahil mukhang may gusto siyang sabihin sa akin.
"Are you, by any chance, Paris Hamilton?" malumanay niyang tanong sa akin.
Natigilan ako sandali at pinagmasdan siya nang bahagya. Mukha siyang pamilyar ngunit hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Sigurado naman ako na hindi ko alam ang pangalan niya at never ko siyang nakausap.
Bahagya akong tumango. "Who are you?"
Ngumiti siya sa akin nang tipid. "I am Akira Kawahara. May I ask you a few things?"
Nagtataka man ay napatango ako. "Ano iyon?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
Nagtanong lang naman siya ng tungkol sa pamilya ko, sa church, at sa araw-araw kong pamumuhay. Nawi-weirdo-han man ako sa kanya pero I took the chance to vent my frustrations sa lahat sa kanya, and it helped. Gumaan ang pakiramdam ko, although I was not sure if it was okay to tell her those information about me and my family. Wala kasi akong ibang mapagsabihan.
Tiningnan niya ako na tila ba sinasabing naiintindihan niya ang sitwasyon ko.
"How about the Beckets? Do you know them?" she asked.
Mabilis akong umiling. "I just know that they are a family friend, but they just vanished from thin air," tugon ko na totoo naman. Iyon lang ang alam ko sa kanila pero natatandaan ko na madalas silang kasama ng mga magulang ko sa outing noong bata pa ako. Naaalala kong may mga bata mula sa pamilyang Becket na nakakalaro ako.
Tumango-tango si Akira. "Actually, I am your classmate from Lauren. I'll tell you the reason why I asked all this after I'm done with what I have to do. Don't worry, this is not something illegal," she assured me. Mukha naman siyang mapapagkatiwalaan, pero syempre mahirap pa ring magtiwala sa taong hindi ko kakilala. Nakatulong iyong sinabi niya na kaklase ko siya, though. "After this, you wouldn't have to live far away from our province. You'll go back to Lauren and we'll be classmates again," dagdag pa niya dahilan upang kumirot ang puso ko. I wanted to hear those things from others, matagal na, but it seemed like humans are dangerous.
May mga kaklase ako na nakakasama, pero ramdam ko na ayaw nila akong kasama. Ramdam ko na nawi-weirdo-han sila sa tahimik kong personality. Ang iba naman ay lumalayo sa akin kapag nalalaman nila na nakatira ako sa church sa sentro, o 'di kaya'y kaanak ko ang nagtayo noon.
Tumango na lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Ngumiti siya sa 'kin at tinapik ang aking balikat.
Nang magpaalam na siya at lalabas na sana, bigla siyang may naalala at muling lumingon sa akin. "It is okay if you go somewhere else today? I'll go to your Tiya Selena's place and see things there. Please give me three days to look around," pakiusap niya pa na ikinabigla ko. Ang unang tanong ko ay, why? Pero yung mga mata niya ay parang desperado na. "If you will give me the address, I'll go there and pretend as you. Is that okay with you? Just three days, Paris," dagdag pa niya.
Naisip ko na hindi naman ako talo sa offer niya. Ayokong pumunta roon in the first place, at ang sinabi niya ay kapag nagtagumpay siya sa ginagawa niya ay hindi ko na kakailanganin pang tumira doon. But can I trust this woman?
Nag-isip ako nang matagal bago ko kinalkal ang aking bag at kumuha ng papel at ballpen. Isinulat ko roon ang address ng Tiya Selena ko at saka ko iyon inabot sa kanya. "Please don't harm them. I don't know what you are up to, but I'll trust that you'll help me..." pakiusap ko sa kanya.
Kinuha niya ang papel na inaabot ko sa kanya at ngumiti sa akin. "Keep this as a secret. Give me three days and everything will be okay."
Tumango ako sa kanya dahil desperado na rin ako, saka ko siya pinagmasdan na lumabas ng kotse at halos patakbo na sumakay sa isang taxi.
"Manong, let's go back to Manila. I'll visit Eunika," utos ko kay driver na tahimik niyang sinunod.
Eunika is my best friend back in Manila, pero ipinalayo ako ng mga magulang ko sa kanya just because she doesn't like her. I don't know what's not likable about this friend of mine, pero bigla kaming pinaglayo for some unknown reason. Kaya napilitan akong manatili sa probinsya at tumira sa church.
Noon sa probinsya lang ako tinapon, ngayon sa Tiya ko naman. Ano ba'ng akala sa 'kin ng mga magulang ko, basura? Ayaw ba nila akong maging masaya?
Kaya nandito ako ngayon sa bahay nina Eunika, sa pool area nila. Nakababad ang mga paa ko sa tubig at nilalaro ang mga iyon doon. Madaling araw na pero napasugod pa ako rito para lang puntahan siya at makitira for three days.
Imbes na yakap ang madadatnan ko mula sa kanya dahil matagal kaming hindi nagkita, ang mga magulang niya ang sumalubong sa akin at isinumbong siya sa 'kin. Nasa pool daw siya at nagpapakalasing.
Ni hindi galit ang sumalubong sa akin, drama na kaagad sa nagloko niyang boyfriend. Nabalitaan ko naman noon na dahil malungkot at galit siya sa biglang pag-iwas ko sa kanya at pagkawala ko sa Manila, nagkulong siya sa kanyang kwarto nang matagal. Pagkatapos ay nang bigla siyang lumabas, may ipinakilala naman siyang boyfriend sa iba niyang mga kaibigan at sa mommy niya. Hindi namin alam kung saan niya iyon nakilala o kung ano man ang nagustuhan niya roon, pero nabaliw raw siya roon.
Hindi naman makapagtanong si Tita Brenda at baka magalit. Anyway, it's my fault kaya susubukan kong bumawi sa kanya.