Paris' POV
"May iba siyang babae, Par. Kita ko sa dalawang mata ko na naghahalikan sila nung higad na yun!" Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya kaya minabuti kong tumahimik. "Nilapitan ko siya, pero alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin? Isa lang daw ako sa mga babae niya! Ni minsan daw hindi niya ako sineryoso! Paris, sa loob ng ilang buwan, laruan kang pala ako sa kanya!"
Pinagmasdan ko siya. May luhang umaagos sa pisngi niya habang nakatingin sa tubig na parang may malalim na iniisip. Ilang sandali pa, tinungga niya ulit ang beer na hawak niya. Napakurap ako. Hindi ganito si Eunika. Siguro, talagang nasaktan siya sa ginawa nung boyfriend niya.
"Ang sakit dito, eh." Sinapak niya nang mahina ang dibdib niya at nag-iiyak na naman. "Ibinigay ko naman lahat, pero nakuha pa niya akong lokohin!"
Akmang iinumin na naman niya ang beer nang hawakan ko ito at ilayo sa kanya. "Madaling araw na. Tara na sa kwarto mo."
Hindi siya nakinig. "Hayaan mo akong maglasing! Pabayaan mo ako sa gusto kong gawin!"
Nagbukas ulit siya ng isang bote ng beer at tinungga ito. Napabuntong-hininga ako sa katigasan ng ulo niya. Hinablot ko ang bote mula sa kamay niya.
"Pabayaan mo ko sabi, eh!" sigaw niya pa sa 'kin.
Pinagmasdan ko siya. Namumula na ang mukha niya sa sobrang kalasingan. Nababaliw na siya.
"Titigil ka o ihuhulog kita sa pool nang malunod ka na?" banta ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niyang tumingin sa akin na para bang sinasabing, whoa, grabe siya! I rolled my eyes at tumayo na. "I thought you'd be thrilled to see me again, pero busy ka pala magmukmok sa jowa mo na ilang buwan mo lang kakilala. Samantalang noong nawala ako, parang wala lang sa 'yo?" angal ko sa kanya kaya natigilan siya at napaismid sa akin. "You should have called Tris, baka sakaling mabigyan ka niya ng advice. Not me. Alam mo naman na kung ano lang ang masasabi ko: You're f*cking stupid for wasting your tears to a wrong guy. Trust me, it's bullsh*t."
Tinalikuran ko na siya pero bago ako tuluyang umalis doon, nilingon ko siya muli. "Fix yourself, Eunika. Gusto kong makita ka bukas nang maayos. Makikitulog nga pala ako sa room mo dahil wala na ako iba pang mapuntahan. Good night."
Nilapitan kaagad ako ni Tita Brenda na walang magawa sa paglalasing ng anak. Si Eunika kasi ay lumaki kasama ang mga katulong nila, at hindi ang mommy niya. Nasa ibang bansa kasi ito at nagta-trabaho. Ngayong matanda na si Eunika, doon palang siya umuwi. Pero malayo ang loob ng anak sa kanya kaya naman hindi niya mapagalitan ito dahil bumabawi pa siya sa anak. Ayaw niyang madagdagan pa ang sama ng loob nito sa kanya.
"Napagsabihan ko na siya, Tita. Mapapagod din yun sa kaiiyak at babalik na lang sa kwarto niya," paniniguro ko kay Tita Brenda. Medyo nakahinga naman siya nang maluwag nang dahil doon. "Pero tingin ko, hindi ako ang kailangan niya ngayon. Ikaw, Tita. Kailangan niya ng ina." Natigilan si Tita Brenda sa sinabi ko. I smiled. "Mauna na ako sa room ni Eunika, Tita."
"S-Sige. Salamat sa 'yo, hija. Mukhang pagod ka kaya bukas na lang tayo magkumustahan." Sumang-ayon naman ako sa kanya dahil pagod at antok na ako. Mukhang bukas na rin ako magkukwento sa kanila pati na kay Eunika.
"Sige. Salamat, Paris, hija. Buti na lang at dumating ka, kung hindi baka hindi ko alam ang dapat na gawin."
Isang ngiti lang ang itinugon ko sa kanya bago nagtungo sa kwarto ni Eunika na tila ba pag-aari ko iyon. Napabuntong-hininga pa ako bago biniksan ang silid at saka pabagsak na humiga sa kama.
Kasabay nun ang pagtunog ng phone ko. Nakita kong si Makki ang tumatawag. Sinagot ko ito kaagad.
Bumungad sa akin ang antok niyang boses. "Tinawagan ako ng Kuya mo. Wala ka daw sa bahay niyo. Hoy, Paris, anong oras na kaya." Makki is my close cousin's friend.
"He didn't know?" inaantok kong tanong. Hindi niya alam na balak akong itapon ng mga magulang ko sa malayo?
"Saan ka galing? Gumala kang mag-isa mo?"
"Bukas na tayo mag-usap, Makki. I'm sleepy as fuck."
"Wow. Kasalanan ko?"
I frowned. "Bukas ka na magpa-kwento."
Napapapikit na rin ako habang kausap siya. Totoong inaantok na ako at gusto ko nang matulog.
"No. Bumalik ka na ba sa bar? Tutugtog ka na ulit?" pangungulit pa ni Makki. I remember na mayroon siyang kapatid na tumutugtog din.
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Makki. Kapag hindi ko pa sinabi, baka kung ano pang ungkatin nito.
"Never. Hindi ako galing sa bar." Bumuntong-hininga muna ako bago nagkwento. "Nandito ako sa bahay nina Eunika. It's been months since I last saw her."
"What? Didn't your parents forbid you to see her again?" hindi makapaniwala niyang tanong.
"Her boyfriend dumped her," pag-iiba ko ng usapan. I don't want to talk about how my parents control every single thing about me, including the people whom I want to spend my time with.
"What?"
"Nakita niyang may kahalikang iba." Kinwento ko sa kanya lahat ng sinabi sa akin ni Eunika kanina. Halos mapamura si Makki sa mga narinig. "Iniwan ko siya roon sa pool para makatulog na ako. Kung tumalon man siya sa pool para magpakalunod, well, choice niya yun."
Napahalakhak si Makki. "What a friend!"
Napabuntong-hininga ulit ako. "Alam niyang hindi ko siya matutulungan sa problema niya pero I came here to spend my time with her. Don't tell my cousin," pag-amin ko.
"Right. Asa pa siya sa isang Paris Hamilton. Dapat si Tris ang tinawagan niya!" See? Pareho kami ng sinabi. Tris Abuelos is a friend of Eunika na mahilig sa boys. Hindi ba naisip ni Eunika na ito ang makakatulong sa kanya?
Iminulat ko ang mga mata ko at napatitig sa kisame.
"Sige na, matulog ka na. Inaantok na talaga ako," paalam ko sa kanya sa inaantok na boses. "See you na lang soon. Good night." Then I ended the call.
Naalala ko ang usapan namin ng pinsan kong iyon noong isang araw. Umupo siya sa isang upuan at pinagmasdan ako. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit parang hindi ka apektado sa mga nangyayari sa pamilya natin? Bakit parang wala lang sa 'yo ang ginagawa sa 'yo nina Tita?" naalala kong tinanong niya ako noon tungkol doon.
Natigilan ako. Pinagmasdan ko ang naka-frown niyang mukha. Malaki ang galit niya sa mga magulang namin. Ngumiti ako na siyang ikinabigla niya. Pero behind this smile, may nakatagong pait. Hindi porke hindi niya ako nakitang malungkot, hindi na ako naaapektuhan at nasasaktan. Masakit sa akin lahat ng nangyayari, pero pinili kong tanggapin na lang.
"I have no choice." Wala sa sarili kong tinitigan ang ice cream na para bang gusto kong tunawin ito. "Sinubukan kong mag-rebelde, pero anong nangyari? Kinamuhian lang nila ako." Pinaglaruan ko ang ice cream gamit ang hawak kong kutsara. Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ko. "I was rejected by everyone, Kuya." Inangat ko ang tingin ko sa pinsan ko. Nakatitig siya sa akin at hinihintay na magsalita ulit ako. "At hindi na ako magbabago." Sinubukan kong ngumiti sa kanya. Ngiting hindi masaya. "Ayokong magbago."
"Paris-"
Umiling ako. "Naging mabuti akong anak. Alam mo 'yan. Pero ano? Hindi nila nakita iyon. Pero ngayon? I want them to hate me. But one thing is for sure. I don't give a damn. Not again."
Tumayo ako at idinala sa sink ang natunaw nang ice cream. Naghugas ako ng kamay bago ko siya hinarap ulit na sinundan ako ng tingin. Ngumiti ako.