Kabanata 44

1509 Words
Arzee's POV Nakaupo ako sa isang bench sa park, pinagmamasdan ang ilang taong naglalakad at dinadaanan lamang ako. Karamihan sa mga ito ay mga estudyanteng may suot na uniporme na kulay asul. Nagtatawanan ang mga ito habang kinakain ang kanilang mga hawak na icecream. Napakurap ako nang maraming beses nang makita ang isang pamilyar na babae. Hindi ko matukoy kung sino ito, ngunit alam kong nakita ko na ito noon. Mukhang naramdaman nito ang mga titig ko, kung kaya't napalingon ito sa gawi ko. Natigilan ito at mabilis na nawala ang ngiti sa kanyang labi. Tama ako. Kilala niya nga ako. Pumorma ang ngiti sa aking labi upang ipaalam sa kanya na kilala ko siya. Ngunit nagulat ako nang bigla itong umiwas ng tingin at nagmadaling naglakad. Sinadya pa nitong iwanan ang kanyang mga kaibigan, makawala lang siya sa paningin ko. "Elise!" dinig kong tawag sa kanya ng mga kaibigan niya, ngunit hindi ito nag-abalang lumingon. Hindi ko alam kung bakit naging gano'n ang reaksyon niya. Natakot ba siya sa 'kin? Hindi naman ako hihingi ng pera sa kanya. Napailing na lamang ako. Kung sabagay, magkaklase lang naman kami kaya sa labas ay wala nang pakialaman. Naatasan kasi ako ni Akira na magmasid-masid sa campus at sa palibot noon kaya tumambay ako rito. Dahil may nakuhang lead ang babaeng 'yon, siguradong magiging unstoppable siya. Napabuntong-hininga na lamang ako, kasabay ng pagtunog ng tiyan ko. Naghihikaos na sa kasisigaw ang mga anaconda ko sa tiyan. Nang biglang may isang bisikletang huminto sa aking harapan. Nakatingin sa akin ang lalaking nakasakay rito habang may ngisi sa kanyang mga labi. Base sa suot nitong asul na uniporme, nag-aaral ito sa kaparehong school ng mga babaeng dumaan dito kanina. Kaparehong school na pinapasukan namin nina Akira at Kuya Tristan. "Sakay ka na." Maangas ang kanyang pagkakasabi kaya naman kinunutan ko lamang ito ng noo dahil hindi ko naman siya kilala... wait, he is an old acquaintance! "May pagkain sa bahay. Pakakainin kita." Napakurap ako nang maraming beses, kasabay nito ang muling pag-iingay ng tiyan ko. Nagmamakaawa sa akin ang aking mga alaga sa tiyan na tanggapin ang alok sa akin ng lalaki, si Zander Clarkson Thomas. Isa rin siyang ninja na katulad namin. Ano ang ginagawa niya rito? Paano kung may masama siyang binabalak? Sabi ng utak ko na gustong-gustong tumanggi. Lahat ng tao ay ipinanganak na mabuti. Tila may isang anghel na bumulong sa tenga ko niyan. Kilala ko naman si Zander, hindi siya maloko. Pero mahirap pagkatiwalaan ang mga kapwa ko ninja dahil karamihan sa kanila ay pranksters! Napailing ako nang maraming beses. Nasisiraan na ata ako ng ulo. Kung anu-anong naririnig ko. Natawa nang mahina yung lalaki. "Walang karapatang tumanggi ang tulad mong pulubi." Nilingon nito ang bandang likuran ng bike at tinap ang angkasan nito. Did he say pulubi? Aba! "Here. Maswerte ka, pupwede kang yumakap sa 'kin kung pakiramdam mo ay mahuhulog ka." Kahit na nakakaramdam ako ng inis sa mga salitang binibitawan niya ay nagpasya akong umangkas sa kanyang bisikleta. Wala pa kasi akong kain mula kahapon, paggising ko, kaya gutom na gutom talaga ako. Wala akong gana pero hindi ko na kakayaning hindi lumamon ngayon. Gusto ko nang umuwi! Naupo ako sa angkasan ng bike at bahagyang yumakap sa waist niya. Nagsimula na rin itong pumedal kaya naramdaman ko ang dahan-dahang pag-andar ng bisikleta. "Mabuti ka ba o masama? Ininsulto mo ang pagkatao ko ngunit tinulungan mo pa rin ako," pagtatanong ko rito na hindi niya pinansin, kaya nagpatuloy ako. Hindi kami close ni Zander kaya itinanong ko iyan. "Naniniwala akong may mabuti kang kalooban." Narinig ko ang sarkastiko nitong tawa, tila ba isang nakakatawang biro ang kanyang narinig. "Walang duda, isa ka nga sa kanila," bulong niya sa sarili na hindi ko malaman kung ano ang ibig sabihin. Kaya minabuti ko na lamang na tumahimik, hanggang sa huminto ang bisikleta sa tapat ng isang two-storey house. "Nandito na tayo...uh, what's your name again?" Kaagad akong bumaba at lumapit sa itim na gate ng bahay na hinintuan namin. "Arzee." Nilingon ko ito at nginitian nang matamis. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulungan, siguro dahil kapwa ninja niya ako? "Ikaw si Zander the Great, hindi ba?" Tumango lamang siya. Itinuro pa nito ang gate nang hindi tumitingin sa akin. "Buksan mo na iyan, nang maipasok ko na itong bike ko." Dali-dali ko namang inilusot ang kamay ko sa makikipot na siwang ng mga designs ng gate at binuksan ito upang makapasok na si Zander at ang kanyang bisikleta. Sumunod na rin ako sa kanya matapos kong isara ulit ang gate. "That's what happened," ani ko kay Zander pagkatapos ng napakaikling kwento ko. Sinabi ko sa kanya lahat since nabanggit niya sa 'kin na nagkita na sila ni Akira. Nakaupo kami sa kanyang kulay abong sofa set dito sa kanyang living room. Ilang pulgada ang layo niya sa akin, tila ba may nakakahawa akong sakit. Naka-krus ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib habang nakikinig sa akin. Ngunit hindi nito inaasahan na ganoon kaiksi ang kwento ko kung kaya't napalingon ito sa akin habang binabato ako ng masamang tingin. "It's true! Wala talaga kaming ideya kung bakit kami ipinadala rito!" natataranta kong sabi at napabuntong-hininga. "Huwag ka na lang kayang magtanong kung hindi ka maniniwala?" Inirapan lamang ako nito at sumandal habang marahang ipinupukpok ang kanyang ulo sa pader, para bang sumasakit ang ulo nito kakaisip. Tumahimik na lamang ako, kinuha ang remote sa center table at binuksan ang tv na lumikha ng ingay dahilan upang mainis si Zander. Inagaw nito sa akin ang remote at pinatay ang tv saka ako masamang tiningnan. Para bang any moment ay matutusta ako sa mga galit niyang tingin. "A-Anong problema mo?" Maayos naman ang trato nito sa akin kanina kahit na may pagka-mayabang ito, pero parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Mas sumama ang trato nito sa akin. "Ikaw! Umalis ka na rito." Itinuro pa nito ang pinto. "Nakakain ka na, hindi ba? Umalis ka na." Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. "Bakit mo ako pinapaalis?" mangiyak-ngiyak na tanong ko rito, "Nagdesisyon na akong mag-stay muna rito. I can't stand this mission anymore." Nangunot ang kanyang noo at napatawa nang sarkastiko. "Pinakain lang kita, hindi kita pinapatira rito. Masyado kang sinuswerte." "Hindi mo 'ko pwedeng paalisin," umiiking na sabi ko sa kanya. Natigilan ito at nagtataka akong tiningnan. Nginitian ko ito nang matamis. "Hayaan mo muna ako ng mga ilang minuto." Sandali itong natulala, bago umiwas ng tingin sa akin. Napansin ko ang paglambot ng ekspresyon nito sa mukha. "At bakit naman kasi hindi ka umuwi sa tinitirhan niyo?" Dahan-dahan akong gumapang papalapit sa kanya at inakbayan siya, dahilan para magulat ito at itulak ako pero mas lalo ko lamang hinigpitan ang pagyakap ko. "Dahil alam kong tutulungan mo kami sa misyon namin. Hindi ka si Zander the Great dahil lang sa wala." Malapad ang aking ngiti nang sabihin iyon. "Napaka-bait mo talaga, Zander!" "Aray ko- bitawan mo nga ako!" Nagpumiglas pa siya sa pagyakap ko sa kanyang leeg. Nangingiti akong bumitaw at patalon na bumaba sa sofa. "Dahan-dahan at baka masira 'yan!" Nag-bow ako sa kanya. "Salamat talaga, Zander. Patawarin mo ako kung pinag-isipan kita ng masama kanina. Pangako, mananahimik ako kung tutulungan mo ako." At saka ako tumakbo paakyat sa hagdan. "Teka, hindi ako um-oo!" Iwinagayway ko ang kamay ko, "Okay lang!" At patakbong pumasok sa isang kwarto sa itaas. Rinig ko pa ang pagsigaw nito ngunit hindi ko na maintindihan. Ni-lock ko rin kaagad ang pinto para hindi siya makasunod. Bumungad sa akin ang mabangong amoy ni Zander kasabay ng malamig na hangin na binubuga ng aircon. Walang gaanong gamit dito. Bukod sa ilang librong nakakalat sa sahig, magulong higaan nito, at ang sirang alarm clock na nasa ibabaw ng kanyang kama, malinis namang tingnan ang kwarto. In-scan ko ang kabuuan ng kwarto. Computer, study table na mayroong frame ng larawan nilang dalawa ni Akira, king-sized bed, isang garapon ng iba't ibang klase ng candy, couch, drawer and... closet. "Ayun," mahinang sabi ko nang mahinto ang tingin ko sa kanyang closet. Nilapitan ko ito at binuksan. Napangiti ako nang makita ang mga damit ni Zander na maayos na nakatupi. "Hoy! Buksan mo 'to! Lumabas ka riyan!" Napalingon ako sa pinto nang marinig ang sigaw ni Zander kasabay ng pagkatok nito. Oh no. "Sandali lang naman, Zander." "Bubuksan mo o wawasakin ko 'to?" "Ikaw ang bahala. Iyo naman iyan, eh." "Siraulo! Buksan mo 'to! Bilis!" Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi ni Zander. Binilisan ko na lang ang aking pagkilos. Nagwawala na siya sa labas nang matapos ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang inis na inis niyang mukha. Nawala na ang kanina'y kalmado niyang mukha. "Anong ginawa mo-" Natigilan siya nang mapagmasdan ako nang husto. Mula ulo hanggang paa. Ngumiti ako rito nang malapad sa pag-aakalang nagustuhan nito ang ginawa ko. "Ano sa tingin mo?" Ngiting-ngiti ko pang tanong rito. Pero para itong maestatwa, namumutla ang mukha habang nanlalaki ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. "Oh my, lollipop- what the f**k!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD