Arzee's POV
Hinatid ako ni Zander sa bahay na kasalukuyan naming tinitirhan ni Akira. Galit na galit siya nang dahil sa ginawa kong pakikialam sa mga gamit niya ngunit natuwa pa ako nang makitang bwisit siya. Sinabi rin niya na si Akira na alng ang kakausapin niya at ayaw na niya akong makita pa ulit. Hindi naman na ako umimik pa.
Bumalik tuloy ulit sa normal ang buhay ko rito. Wala akong pakialam sa misyon at naghihintay lang ako ng updates at instructions ni Akira. Kaagad din naman nawala ang magiging libangan ko sana na si Zander.
Pagtapak ko sa Lauren High, ang paaralang pinapasukan namin, ramdam ko na ang kamatayan ko dahil sa sobrang bagot. Paano na ako ngayon? Baka rito na matuloy ang hatol nila sa 'king kamatayan.
Kaasar naman! Hindi ako malayang makakagalaw rito dahil nga kailangan ko ring ingatan ang identity ko! At sana lang hindi na kami magtagal dito; sana matapos na ang misyon namin dito. Hindi ko kakayanin 'yon kung sakali!
Dahil sa pagmamasid ko sa lugar, may isang bata akong nakilala na ang pangalan ay Jack. Nakita ko siya sa playground malapit sa Lauren High at simula noon ay parati na niya akong sinusundan. Naging interesado rin ako sa pagsama-sama sa kanya dahil nakakakuha ako ng impormasyon sa tuwing isinasama niya ako sa kindergarten school niya hindi kalayuan sa school ko.
Hinatid ko na muna si Jack sa classroom niya. Asar na asar kaya iyan dahil mas gusto niya na maglaro sa playground.
"Jack Cain, four years old, huh," bulong ko sa sarili ko. Narinig naman ako nito at tinanguan ako upang kumpirmahin ang mga sinabi ko. "Sorry, Jack, ha. Hindi muna kita masasamahan sa playground ngayon. Ayoko na mag-skip ka ng school, okay?"
Umiling naman siya sa akin. "Ikaw, ayaw mo na ba sa akin? Ayaw mo na bang makipaglaro?"
Kiniss ko siya sa cheeks para mahinto siya. I was somehow reminded of my little brother. "Buh-bye, little Jack. Maging mabait ka. "Ngumiti ako sa kanya. "Hindi sa ayaw ko sa 'yo. Gusto ko ngang alagaan ka, eh. Puntahan kita after class."
Ngumiti rin siya. "Thank you, Arzee."
Itinapat ko ang palad ko sa mukha niya, inilapat naman niya ang palad niya sa palad ko.
Kumiss siya sa cheek ko at pumasok na sa classroom. Tumayo naman ako kaagad at naglakad na palayo.
Sa labas ay may mga nanay rin na naghatid sa mga anak nila. Nginitian ko sila nang makitang napatingin sila sa akin, mukhang nawi-weirdo-han sa akin. Don't tell me iniisip nila na anak ko si Jack? Hinuhusgahan na nila malamang ako sa kanilang mga isip!
"Balita ko nawawala yung nag-iisang anak ng mga Hamilton?" rinig kong bulong ng isang nanay sa kapwa nanay.
Nabigla ang isa sa tumpok nila. "Talaga ba?"
"Oo, balita sa school ng panganay ko na nag-drop out bigla. Ibinenta na yata kay Satanas!" natatawa-tawa pang sabi ng isa.
Hamilton...? Wait, hindi ba yun ang founder ng church sa sentro?
"Grabe ka, mare, huwag kang maingay! Baka ipapakasal na sa malayo," bulong din ng isa kaya mas pasimple pa akong lumapit upang makinig. "O kaya sa patay? Hindi ba't gano'n ang ginagawa sa church nila?"
Nangunot ang noo ko. "Sino pong ikakasal sa patay?" singit ko dahilan upang mabigla ang tatlo at sabay-sabay na napatingin sa akin. Bahagya pang namutla ang kanilang mga mukha.
"Ginulat mo kami, hija!" sabi ng isa at saka ako mahinang hinampas sa braso. Lumapit sila sa akin nang bahagya at muli siyang bumulong. "Hindi ba't ang mga babae na naglilingkod sa church ay ipinapakasal sa mga bangkay? Iyon ang practice nila. Baka turn na ng anak ng mga Hamilton!" bulong niya pa sa 'kin na ikinabigla ko.
Ang church na iyon, practice ang pagpapakasal sa mga babae sa mga patay? Kailangan kong mag-imbestiga pa tungkol dito! Kailangan kong ipaalam kay Akira ito!
"Nakakagulat nga na pati sarili pala nilang anak ay kaya nilang ipasok sa kalokohan nila, ano? Kawawang dalaga, napaka-ganda pa naman!" segunda pa ng isa.
"Pero balita ko pati lalaki e ipinapakasal na rin sa mga patay! Mga baliw na sila! Sino namang diyos ang magsasabi na magpakasal ang mga tao sa patay? Nahihibang na talaga ang naniniwala pa sa kulto na iyon!" galit na sabi pa ng isang nanay.
Napatulala na lamang ako at pilit na ina-absorb ang mga sinasabi nila tungkol sa church. Bakit ngayon ko lang narinig ang tungkol dito? I should look into this bago pa mahuli ang lahat.
Sino ang anak ni Hamilton? Kailangan ko siyang hanapin. Kailangan namin siyang iligtas!
Wala sa sarili akong nagtungo sa Lauren High. Kanina ko pa tinatawagan si Akira pero hindi niya sinasagot ang cellphone niya kaya habang nag-iisip pa ay dumiretso muna ako sa klase namin. Wala rin akong magawa. Hindi ko alam kung saan magsisimula.
Pumasok ako sa classroom namin. Sinabihan naman ako nung teacher na magpakilala.
"I'm Arzee," pakilala ko. "Hello, classmates."
Wala akong alam na sabihin kaya pinaupo na lang din ako kaagad ni teacher. In fairness naman sa school na ito, walang mga tsismosa. Walang nagbubulungan. Walang mga papansin. Siguro nga, okay ang school na 'to. Pero masyadong occupied ang utak ko para i-compliment pa ang mga kaklase ko.
"And I'm Mrs. Guevarra, your Math instructor."
Mahina akong napamura. Math kaagad? Duh, seryoso 'to? First subject palang, tuyo na utak namin, gano'n?
Nakatingin lang ako nang diretso sa nagsasalita sa harapan. Hindi pa naman siya nagdi-discuss ng Math. Sinasabihan niya lang kami na kung bagsak daw kami talaga, walang magagawa ang pera para mabawi ito. Ay, weh?
Natigilan kaming lahat nang pabalibag na bumukas ang pinto. Lahat ng atensyon namin, nandoon na! Aba, nagkamali ata ako. May mga papansin pala!
Unang pumasok ang hindi pamilyar na lalaki. Binabalutan talaga ito ng itim na aura. Parang anytime ay masasapok ka niya. Scary!
Umupo ito sa harapan kong upuan. Ako kasi yung nasa pinaka-last na row. So, sa second to the last row siya umupo.
Pangalawa ay isang pamilyar na lalaki. Kilala ko 'to! Sa kanyang nakasimangot na mukha, sa kanyang matalas na tingin, sa naka-spike niyang buhok. Hah! Hindi nagbago ng style! Kilala ko siya. Si Kenzo! Siya ay nakikita ko lang na pakalat-kalat sa campus at napaka-yabang.
Pangatlong pumasok ay ang may pambabaeng mukha! Walang iba kung hindi si Royce. Yung seductive smile niya hindi nawawala. Tss! Manwhore! Naiirita pa man din ako sa mga ganitong asta.
Umupo silang dalawa ni Kenzo sa tabi nung kasama nilang lalaki na nakakatakot. Lumingon pa sa 'kin si Royce at kinindatan ako. Eww.
Galit na nagpatuloy sa pagsasalita si Mrs. Guevarra. Wala naman na siyang magagawa sa bayolenteng entrance ng tatlong estudyante niya.
Nang matapos ang Math hours, may pumasok na namang teacher. Isa itong matandang lalaki. Nagpakilala ito bilang Mr. Chua. At tulad nung naunang teacher, nagsalita lang siya sa harap tungkol sa mga grades namin. Kesyo, attendance daw dapat kumpleto. Mga gano'n ba. I don't care, damn it. Kailangan kong mag-isip kung saan ako magsisimula. Ang attendance ko ay hindi naman importante dahil aalis din naman kami ni Akira sa probinsyang ito.
Nang mag-break time na, nagpalipas muna ako ng ilang minuto sa classroom. Wait, si Jack pala! Nangako ako na susunduin ko siya.
"Hey." Napaangat ako ng ulo. Si Royce. "Arzee, right?"
Umupo siya sa upuan sa harapan ko at iniharap ito sa akin. Ano na namang problema ng isang 'to? Hindi ako sumagot.
"Hindi ako nakatulog kagabi kaiisip sa 'yo, alam mo ba yun?" I rolled my eyes. Binabanatan niya ba ako? Kadiri siya! "De, 'di ba ikaw yung babae kahapon? Para kasing pamilyar ka eh. Nagkita na ba tayo?"
Hindi ulit ako sumagot. Shet, hindi niya ako dapat maalala! Darn! Akala ko madali lang niya akong makakalimutan! We bumped into each other kasi kahapon sa campus lang din at hindi masyadong maganda ang encounter namin.
"K-Kailangan ko nang umalis." Tumayo na ako pero pinigilan niya ako. "What?" singhal ko sa kanya sa pagkakabigla ko.
Nakatitig lang siya sa mukha ko habang hawak ang braso ko. Tsk! Itinulak ko siya. Hindi niya sabi ako pwedeng makilala!
"s**t, ikaw yun!" naibulalas niya. Tumakbo na ako palabas. Pero bago ako nakalabas nang tuluyan, may narinig akong sinabi niya. "Ikaw yung hindi babae! Tsaka masakit sumipa! At higit sa lahat, yung maganda na crush ni--"
Hindi ko na narinig yung iba pa niyang sinabi. Takbo lang ako nang takbo. Damn, nakilala niya ako! Now, I'm a dead meat! Bakit ba kasi kaklase ko pa sila?
Nakarating ako sa classroom nina Jack. Sakto naman na palabas ito. Sinalubong ko kaagad siya.
"Nakabusangot ka?"
"Inaasar kasi nila ako na pandak," inis na sabi nito. Natawa naman ako sa sinabi niya. "Tumatawa ka?"
"Truth hurts nga naman!" pagtawa ko sa kanya. Pero kaagad din akong tumigil nang sinamaan niya ako ng tingin. "Tara, kain na tayo. Konti lang ang oras."
"Mukhang pagod ka," sabi nito na hindi pinansin ang sinabi ko. "Tumakbo ka ba? Nagmamadali?"
"Dami mong tanong."
Hinila ko na siya sa cafeteria. Punong-puno ng tao ang cafeteria nila sa kindergarten kaya idinala ko na lang siya sa cafeteria ng Lauren High upang doon kami kumain. Si Jack kasi ay parang ulila na sa magulang, although hindi naman niya sinasabi 'yon. Sinasabi lang niya na maghapon siyang mag-isa kaya kailangan ko siyang samahan.
Ngunit pagdating namin sa cafeteria namin ay puno rin ng mga estudyante.
"Oy, liit. Sa restaurant na lang tayo," bulong ko sa kanya. Hindi naman niya ako pinansin. Hinila na rin niya ang kamay ko. "May nakita kang pwesto? Nasaan?"
"Si Royce yun, hindi ba?" Hinila niya pa ako. At dahil nagulat ako, hindi ako kaagad naka-react. Nabigla na lamang ako nang makalapit kami sa lamesa nina Royce. "Pwede ba kaming maki-share?" tanong ni Jack sa kanya.
Napatingin na lang ako sa table. Si Royce, Kenzo at yung lalaking may sama ata ng loob sa mundo. Nakatingin sila sa akin at parang nagulat sila.
Ngumiti naman si Royce kahit medyo nagulat siya. "Sure, sure. Pwede naman. Halina kayo." Hipokrito!
"Ah, hindi. Hindi kami makiki-share," pagbawi ko at hinarap ko si Jack. "Sa Restaurant tayo. Pasaway ka."
"Restaurant? I'm starving!" Umirap pa siya. "Matatapos na nga ang oras eh. Gutom na gutom na ako kaya tara na."
Lalo siyang lumapit sa table nung tatlo. Nanatili lang naman silang nakatingin sa amin. Walang reaksyon. Tss! I'm really dead!
"Royce, 'di ba? Ikaw 'yung kaibigan ng--" Kaagad akong nakalapit kay Jack at tinakpan ang bibig niya.
"Fine, fine. Makiki-share tayo. Just shut up." Tumango naman siya sa 'kin kaya inalis ko na ang kamay ko sa bibig niya. "Ah, classmates naman tayo, 'di ba? P-Pwedeng maki-share?"
Kumunot ang noo nung dalawa. Nakangiti lang naman sa 'kin si Royce. Nagulat ako nung biglang ngumisi si Kenzo.
"Sure. Aalis na rin kami."
Hindi man komportable pero umupo na kami ni Jack sa table.
"Siya ba, Arzee?" pagturo ni Jack kay Kenzo. Nanlaki ang mga mata ko at mahinang hinampas ang kamay niya. Ang bata talagang ito! "Hindi? Baka ito?" Yung lalaki namang nakakatakot ang aura ang itinuro niya. Ang sinasabi niya ay kung sino ang crush ko. Gumaganti dahil parati ko siyang inaasar!
Mukhang gulat ang huli. Namimilog ang mga mata niya habang nakatingin kay Jack.
"Arzee?" Sa unang pagkakataon ay narinig ko siyang nagsalita. Parang nawala yung itim na aura na bumabalot sa kanya. Hindi nakakatakot ang boses niya pero hindi rin nakakatuwa. "Tinawag mo siyang Arzee."
"Yes. It's her name," diretsong sagot ni Jack at tumingin sa 'kin. "Order ka na nga. Ayaw mo namang sabihin eh."
Nag-shrug lang ako. "Ano ba ang gusto mo?"
"Chocolate lasagna tsaka chocolate drink."
"Di ka naman mahilig sa chocolate, ano?"
"'Ge na, order ka na." Tinulak pa ako nito. Tss.
"Basta, behave ka lang diyan!"
"Yeah, yeah."
Akmang aalis na ako nang sabayan ako ni Kenzo. Medyo kinabahan naman ako. Duh, nakakatakot rin kaya 'to.
"Kaanu-ano mo yung bata?"
Natigilan ako. Ano ang sasabihin ko? Kapatid? Pamangkin? Pinsan? O... anak? Duh.
"Sa palagay mo?"
Napangiti naman siya at nagkibit balikat. Natigilan ako. Ngumiti siya! Pogi!
Pumila na ako. Nakipila rin naman siya.
"Hindi mo siya kamukha kaya nagtatanong ako," sabi niya nang hindi nakatingin sa akin. Nakita ko na lang nag-alisan na ang mga tao at pinauna kami ni Kenzo. Humarap siya sa counter. "Two chocolate lasagna and two chocolate drinks."
Nang iabot sa kanya yung tray, tiningnan naman niya ako at parang sinasabi na bumalik na kami sa table. Na-gets ko kaagad iyon kaya sumunod ako sa kanya.
"Interesado ka ba kay Jack?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "Curious."
"Curious? Interesado ka nga." Napatingin naman siya sa 'kin. Ako naman ang umiwas ng tingin.
"Gusto ko lang malaman," bigla niyang sinabi.
"Malaman?"
"Kung kaanu-ano mo si Jack."
Nag-shrug lang ako. Nasa tapat na rin kasi kami ng table namin. Umupo ako sa tabi ni Jack, nakangiti ito sa 'kin.
"Ba't nakangiti ka?"
"Bawal ba?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano nga? Anong kalokohan ang ginawa mo?"
"Wala, wala akong ginawa." Umiling pa siya nang ilang beses. "Pero alam ko na kung sino ang da--"
Tinakpan ko ang bibig niya. "'Wag mong babanggitin iyan sa harap ng iba," bulong ko sa kanya. "Kumain na tayo." Inaasar niya ako na crush ko ang isa sa mga ito!
Nang ma-meet ko ang mga ito kahapon, nandoon si Jack. He must have witnessed something kaya suspicious siya.
Kumain na kami ni Jack. Nakakailang lang kasi tatlong pares ng mga mata ang nanonood sa amin.
"Uhh, hindi pa ba kayo papasok? Kanina pa nag-rimg ang bell," sabi ko sa kanila. Hindi naman sila sumagot. Nakatingin lang sila sa amin. "O-Okay," tanging nasabi ko at umiwas ng tingin.
Nadi-distract na naman ako. Kailangan kong mag-focus sa misyon para matapos na kaagad! Kailangan kong contact-in si Akira... o hindi kaya ay si Zander, na galit sa akin. Gods!