"You have friends in Manila?" hindi makapaniwalang tanong ni Tobi. Inismiran ko lang siya.
Kung sabagay, wala naman talaga akong kaibigan at kinakausap noon kung hindi si Teacher Hiro at ang makulit na si Tobi. Hindi nga talaga kapani-paniwala na may mga kaibigan ako sa Manila.
Pero tulad ng sinabi ko, may minsan din sa buhay ko na naging isang normal na tao at estudyante lamang ako. May mga naging kaibigan ako.
"What did you do sa bar?" tanong naman ni Niklaus.
"Good point," tugon ko sa kanya dahilan upang mapakunot ang kanilang mga noo. "We did nothing. We had no lead and we didn't know why we were sent there in the first place, so we did nothing."
"Like what we are doing now?" singit ni Domino na mukhang na-gets na niya yung similarity ng kwento ko sa sitwasyon nila ngayon. "So you wasted your time, like what we are doing now..." sambit pa niya.
Ngumiti ako sa kanya. "Exactly. We wasted our time not knowing that our mission was just at the tip of our fingers," natatawa kong saad kaya parang napaisip silang lima. "That mission is similar to yours today. It was for you to find out kung ano talaga ang kailangang gawin."
Sumang-ayon si Domino. "So what happened next?"
Napangiti ako at muling inalala ang mga nangyari noon sa bar. We did nothing. We drank until we dropped. Ganoon din si Tristan na mukhang unang beses iyong gagawin.
Naisip ko noong mga oras na 'yon, we had no leads, no information, wala lahat. Kahit papel sa HQ ay wala akong nakita, so what can we possibly do? We literally have nothing!
Hindi ko na pinansin ang mga tao sa paligid. Dumiretso ako sa stage kung saan naroroon ang mga kaibigan ko na natulala nang makita ako. I smirked.
"Aki, is that you?" It's Aimee, ang pinaka-maingay sa grupo namin. Sumigaw pa talaga siya, to think na nakatutok sa bunganga biya ang microphone. Iba talaga ang babaeng ito. By the way, matagal na rin nang huli kaming nagkita-kita kaya natuwa ako nang maalala pa nila ako.
"You had friends?" bulong ni Arzee sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang insulto niyang iyon.
Umakyat ako sa stage at isinuot ang leather jacket na para talaga sa 'kin. Nagpunta ako sa may drums at nagsimulang tumugtog. Kumanta naman si Fritzie, ang lead vocalist. Nakatulala naman hanggang ngayon ang bass guitarist namin na si Reese.
Tumugtog kami ng dalawang kanta and people went wild nang dahil doon. Maging sina Arzee at Tristan ay nakisabay sa pag-awit namin matapos mawala yung pagkabigla nila sa biglang pagbabago ko ng personalidad.
Nang biglang bumukas ang pinto sa bar at nakita ko ang ilang tauhan mula sa HQ. Kaagad kong binitawan ang drumsticks at bumaba sa stage. Hinila ko sina Arzee at Kuya Tristan na naaliw sa pagtugtog namin. Nagpunta kami sa maraming tao para hindi kami makita ng mga tauhan sa HQ na mukhang hinahanap kami nang dahil sa pag-trespass namin sa mansyon. Nung nakapunta na sila sa harapan at nagtanung-tanong, hinila ko naman na palabas ng bar sina Arzee at Kuya. Tawa naman ako nang tawa nang makalabas kami.
"Magaling ka palang mag-drums," komento ni Kuya Tristan.
"Yeah," tugon ko. "Tara, umuwi na tayo. Tapos naman na ako rito sa Manila."
Sumakay kami ulit sa sasakyan na kinuha namin mula sa HQ. Don't worry, nandoon pa yung driver na pinatulog namin. I guess siya na lang ang magmamaneho pabalik sa HQ pagkagising niya. Kailangan lang muna naming makarating sa terminal pabalik sa probinsya.
Ako na ulit ang nag-drive pauwi sa probinsya. Tanong naman nang tanong sakin si Kuya Tristan tungkol sa mga nangyari kanina. Mukhang namamangha siya na naguguluhan. Nag-stop over pa kami sa isang fastfood para kumain. Ang saya lang ng adventure namin sa mansyon. Pinang-take out pa namin sina Mama at mga kapatid ni Tristan ng chicken. Lalo na at naghihintay ng pasalubong si Terrence.
Pagdating namin sa terminal, ipinarada ko na ang kotse sa isang fastfood dahil iiwanan na namin iyon doon. Iniwanan din namin ng pagkain ang driver kung sakaling magising na siya. Saka na kami nagtungo sa terminal at sumakay ng bus pabalik sa probinsya.
Pag-uwi naman namin, pinaulanan kami ng tanong ni Mama, lalo na at injured si Kuya Tristan. Ang tanging naisagot lang namin ay: "Nag-adventure kami, Mama. It was fun."
Naiiling naman si Mama at nakahinga nang maluwag dahil okay naman kaming lahat. Kaya naman binigay na namin ang pasalubong namin sa kanila para makapag-dinner na sila.
Habang naghuhugas ng plato si Mama sa kusina, pinuntahan ko siya at niyakap mula sa likuran niya.
"'Ma, okay lang ba na magtagal pa kami rito? Wala pa kasing update mula sa church," pakiusap ko sa kanya dahil wala yatang balak ang mga nagpadala sa amin dito na kuhanin kami pabalik. Wanted na rin ako sa HQ pero hindi ako papahuli sa kanila at paparusahan lang kami ni Arzee.
Lumingon siya sa akin at ngunitian ako. "Walang problema, anak. Gusto nga namin, pati ng mga kapatid mo, na manatili pa kayo ni Arzee rito nang mas matagal pa."
"Salamat po," nangingiti kong sambit at niyakap pa siya lalo nang mas mahigpit. "Thank you, ''Ma! I love you!"
Lumapit ako kay Kuya Tristan pagkatapos at nagpasalamat sa kanya sa pagsama niya sa amin.
"Sus! Wala iyon, ano," malumanay niyang tugon. Pinaliwanag ko na rin sa kanya ang dahilan ng lahat ng ginawa namin, although I left a few details na confidential... especially yung cover namin ni Arzee. He didn't ask any question naman na after that.
"Ang mabuti pa, ako na muna ang mag-duty sa 'yo sa coffee shop," sabi ko sa kanya bilang pambawi. Nagtatrabaho kasi siya sa isang coffee shop at ang pagsalo lang sa duty niya ang kaya kong ibigay sa kanya sa ngayon.
"Okay lang ako, Aki. Ikaw na lang ang mag-enroll sa atin sa may public school sa baryo natin. Hindi na aabot ang ipon ko para sa private school sa kabilang baryo," malambing na tugon ni Kuya Tristan. As always, lagi niyang iniintindi ang iba. Hindi niya masyadong iniisip ang pagod niya.
"May private school sa kabilang baryo?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam iyon.
"Oo. Mahal ang tuition kaya 'wag na lang," nanlulumo niyang sabi.
"Ah. Kailan ang deadline?" I asked.
"Bukas ng umaga. Pinaka-huli na yun." Saka siya bumuntong-hininga.
"What?" Naibulalas ko. "O sige, mag-o-overtime ako sa coffee shop. Pahinga ka na muna riyan." Akmang aalis na ako nang may maalala ako. "Akin na pala yung requirements mo sa enrollment, Kuya."
"Nasa may drawer ko. Paki-tingnan na lang yung enevelope doon," mahinahon niyang sabi na kaagad kong sinunod.
"Okay! Wait for me, a! Relax ka na lang muna riyan!"
Since I have nothing to do at home, at nandoon naman si Arzee to guard and protect the family since yun talaga ang task namin dito, e nagtungo na ako sa coffee shop na pinagtatrabauhan ni Kuya Tristan. Ako muna ang magdu-duty for today. Pero bago iyon, ipang-e-enroll ko muna siya. Gusto niya sana na pati kami ni Arzee ay mag-enroll, pero hindi kami sigurado kung hanggang kailan kami sa poder nila.
Nang pumasok ako sa coffee shop, sinalubong kaagad ako ng manager nila na na-meet ko na ng isang beses dahil minsan na kaming idinala rito ni Kuya Tristan at ipinakilala sa mga kasamahan niya.
"Nasaan si Tristan? Bakit wala siya kaninang umaga?" singhal ng manager.
"Kaya nga ako nandito ngayon, 'di ba? Papalitan ko siya." Medyo may pagka-pasmado ang bibig ko, pero hindi naman iyon pinansin ng manager.
"Sige. Pero siguraduhin mong aayusin mo ang trabaho mo," aniya na madali naman palang kausap.
Tumango ako. "Kapag ba over-time, madadagdagan ang sahod?" curious lang na tanong ko.
"Hindi. 'Wag kang assuming." Aba! Sarap sabunutan nitong babaeng 'to.
"K," tugon ko at pumasok na sa locker room nila. Binigyan naman ako ng ka-trabaho ni Kuya ng uniform ko. Ako si Akira Kawahara, at magiging waitress ako sa araw na ito. I have never imagined this my whole life, pero this is much better than being a ninja. Being a protector of people all your life.
"Twelve hours lang naman, Aki. Kayang kaya 'to!" bulong ko pa sa sarili ko upang palakasin ang loob ko.
Tiningnan ko ang oras. Mag-a-alas siete pa lang naman ng gabi. Matatapos ako ng alas siete ng umaga.
Kahit gabi na ay madami pa ring nagpupunta sa shop. Yung mga nagbi-biyahe, dito nag-i-stop over. Kaya naman sobra ang pagod ko nang matapos ang shift ko. Napasalampak na lang ako sa may locker room nang makabihis ako. I'm f*****g exhausted, but I'm happy. Na-clear din ang head ko dahil sa physical activity na ginawa ko. Pero sobra na yung antok ko dahil wala pa akong tulog. Magpapahinga na lang ako kaagad pag-uwi.
Ngunit bukod pa roon, may isa pang nagpapabuhay sa loob ko noong mga oras na iyon. May mga narinig ako na tsismis mula sa mga tao na tumatambay sa shop, mostly mga estudyante sa public school hindi kalayuan dito.
According to them, may misteryo na bumabalot sa baryo na ito at nagsisimula iyon sa simbahan na nasa sentro ng lugar.
Nagpaalam na ako sa mga tao sa shop pagkatapos kong magbihis. Nilagpasan ko lang naman yung masungit na manager. Ang sungit naman kasi, wala na sa lugar minsan.
Paglabas ko ng shop, sumakay kaagad ako ng taxi upang magtungo naman sa public school na papasukan ni Kuya Tristan upang i-enroll siya.