Nag-taxi kami papunta sa mansyon. Mansyon ang tawag namin sa isang malaking headquarters ng ninjas sa Manila. Dahil malayo ang mga siyudad na para lamang sa amin, nagtayo sila rito sa Maynila ng lugar na pupwede naming puntahan at lapitan kung may concerns kami. Sinadya ko talagang umagang pumunta para wala masyadong tao, at para wala pa yung mga opisyales na matataas ang ranggo.
"Kuya, ready ka na ba?" tanong ko kay Tristan. Katabi niya si Arzee na pinagmamasdan lang ang buong lugar, mukhang iyon ang unang beses niyang puntahan ang HQ.
"Saan?" nagtatakang tanong ni Tristan. Hindi ko naman mini-mean na ibulatlat sa kanya ang mundo ng mga ninja, pero pinaghahanda ko lang siya sa posibleng mangyari. Pero dito sa loob ng HQ, safe naman at walang kahina-hinala. Para lang itong ordinaryong opisina.
"Sa impyerno," I murmured. Mukhang hindi naman niya narinig. Nagbayad na ako sa taxi driver at bumaba na 'di kalayuan sa mansyon. Kaagad ko namang in-orient si Kuya. "Nakikita mo ba ang palabas na kotse na iyan? Haharangan ko iyan at patutulugin yung driver para makapasok tayo. Marunong ka namang mag-drive, 'di ba?"
"Oo. Pero bakit mo patutulugin?" nagtatakang tanong niya. Iyon ay upang hindi kami harangin papasok, lalo na at may kasama kami na outsider.
"Basta, Kuya. Trust your little sister." I winked at him. "Tara?" aya ko sa kanya at kay Arzee.
"Pero Aki, hindi tama—"
"Nakalabas na siya!" I exclaimed. Hinayaan kong makalapit sa amin ang kotse bago ako tumalon papunta sa gitna. Napa-preno ito at mabilis na lumabas ng kotse.
"Hoy, bata! Ano ba'ng problema mo?" singhal ng driver sa akin. I smirked. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Itinaas ko ang cup ko at nginitian siya. "Miss Kawahara?"
"Hi! Sleep ka muna, ah." Then sinuntok ko siya sa ilong para mawalan siya ng malay. Nagpatulong naman ako kay Kuya at Arzee na ipasok siya sa may likuran sa lapag. Hindi na siya umangal pa. Sumakay ako sa shotgun seat at si Kuya naman ang nag-drive, kahit labag sa loob niya. Si Arzee ang nagbantay sa driver sa passenger seat.
Pumasok kami sa mansyon. Hindi naman na chineck ng ilang mga guards doon ang loob ng kotse dahil kilala naman nila ang plate number nito. Itinuro ko kay Kuya ang garahe at sabay na kaming bumaba.
"Aki, ano bang gagawin natin dito? 'Wag mong sabihing... magnanakaw ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Tristan.
"Shh," tanging sinabi ko at pinasok na namin ang loob ng mansyon. Busy naman ang mga maids sa paggawa ng mga gawaing bahay. Ni hindi nila napansin ang pagdating ko. Yung iba naman ay bumati sa akin, mukhang hindi ako namukhaan.
Umakyat kami nina Kuya at Arzee sa ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang mga kwarto na nagsisilbing mga opisina ng ninjas. At dahil alam ko ang silid na pupuntahan, dire-diretso akong pumasok sa unang silid.
"Akira? Arzee? Ano'ng gagawin natin dito?"
"Shh."
Pumasok kami sa silid nang makita kong walang tao. Ni-lock ko kaagad iyon. Lumapit kaagad ako sa lamesa kung saan naroroon ang mga papeles na tungkol sa mga misyon namin. Kinalkal ko ang drawers at tables upang hanapin ang pangalan namin ni Arzee, ngunit wala.
"Kuya, punta ako sa kabilang kwarto. Babalik ako. 'Wag na 'wag mong bubuksan itong pinto, ha," pakiusap ko sa kanya at tumingin kay Arzee. "Samahan mo si Kuya rito. I'll be back."
Nagtungo kaagad ako sa katabing kwarto dahil alam kong naka-store lahat doon ng importanteng dokumento. Nadatnan ko ang isang maid na naglilinis doon. Mukhang bago lang siya.
"Hi, nasaan yung nagbabantay?" kunwaring tanong ko.
"May meeting lang po sila sandali," tugon ng maid.
"Talaga? Pwede mo ba akong ipangkuha ng malamig na malamig na tubig?" utos ko sa kanya.
"Sige po."
I smirked. Mukhang hindi niya alam ang mukha ko. Nangingiti akong pumasok sa kwarto at ni-lock iyon. How reckless. Bakit nila iniiwan ang silid na ito nang walang bantay.
Kinalkal ko lahat ng drawers at cabinets sa loob pero wala akong makita. Chineck ko rin ang table na nandoon pero wala. Nawawalan na ako ng pag-asa. Umupo na lang ako sa bed niya at nag-isip. Saan ko makikita?
Bigla namang may kumatok, "Ma'am, ito na po ang water ninyo."
Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya. Kinuha ko ang isang baso ng tubig na dala niya at ininom. Bigla namang may isang maid na patakbong pumasok dito. Mabilis naman akong tumalikod sa may pinto.
"Ma'am, nandito po pala kayo. Good morning po."
"Good morning. Sige, tuloy ka," sagot ko nang hindi lumilingon sa kanila.
"Silvia, paki-lock na lang daw 'yang silid matapos mong maglinis. Nakalimutan daw ihabilin sa 'yo," sabi nito na tinanguan ng una.
Nang makaalis ang isang maid, napangisi ulit ako. Kung sinuswerte ka nga naman, o.
"Ah, Silvia, ako na ang magsasara ng pinto. May hahanapin lang ako," sabi ko sa kanya na kaagad niyang tinanguan. Tiwala siya sa 'kin dahil alam niyang mahigpit ang security, na mapagkakatiwalaan ang mga nakakapasok dito.
"Salamat, ma'am," nakangiting tugon niya at saka na siya lumabas ng silid.
Pagkaalis niya, patakbo rin akong bumalik sa kwarto na kinaroroonan nina Arzee at Tristan. Bumungad sa akin si Kuya na nakaupo sa table ko at nakataas ang isang kilay.
"Ipaliwanag mo ito." Hawak niya ang malaking picture frame kung saan kasama namin sa larawan ang ilang staff doon. "Bakit nandito ka? Dito ka ba nakatira?"
Akala ko ay nabisto na. Nakahinga ako nang maluwag at napatingin kay Arzee. "Yes. I am allowed to come here. Wala tayong nilalabag," malumanay na tugon ko.
"Bakit hindi mo sinabi kaagad? At bakit kailangan mong magtago?" tanong niyang muli.
"Mag-e-explain kami mamaya, Kuya. 'Wag ngayon at baka maabutan nila tayo. Come on," singit ni Arzee kaya nakaiwas na rin.
Binuksan ko ang bintana. "Dito tayo dadaan para diretso garahe. Sigurado akong nalaman na nilang nandito tayo."
Tinulungan nila akong lumabas sa bintana. Hindi naman kataasan ang room na iyon dahil ikalawang palapag lang. Sakto lang na mababali ang mga buto ko kapag tumalon ako. Nagpatali na lang ako ng kumot sa bewang ko since magaan lang naman ako tapos ay tumalon ako pababa. Nag-land naman ako nang maayos sa lupa. Amazing! Ganoon din ang ginawa ng dalawa na sumunod sa akin. Saka ako tumakbo papunta sa sinakyan naming kotse. Nang lingunin ko ang dalawa, nakita ko na natumba pa si Tristan sa pagtalon niya. Medyo na-injure si Kuya nang makababa siya. Naalis ata ang pagkakatali ng kumot sa may bintana.
Pinasakay ko sina Arzee at Kuya sa car at ako na ang nag-drive. Mabilis na pinaharurot ko ang kotse ko paalis ng garahe. Sinalubong naman ako ng mga drivers na nagtatangkang habulin kami. Mas lalo kong binilisan. I'm Akira Kahawara, at magaling ako sa pagpapatakbo ng sasakyan. Lagi kaya akong wagi sa mga car racing.
Nagawa kong takasan ang mga drivers. Pati mga maids ay hinahabol na ang kotse. Mga sira. Sa tingin nila, mahahabol nila ang kotse kung tatakbo lang sila? Tss.
Akmang isasara ng mga guards ang gate, pero huli na sila. Naka-full speed ako at tuluyan na talaga akong nakalabas ng gate. Sinubukan pa nila akong habulin pero wala, eh. Nakalayo na kami. Nilingon ko si Kuya. Nakahawak siya sa upuan at nanlalaki ang mga mata.
"You okay?"
"Aki, papatayin mo ba ako?!"
"Kinailangan kong bilisan para hindi tayo mahuli," tugon ko at nagkibit-balikat ako.
"Aki, may kotseng sumusunod sa atin!" sabi naman ni Arzee sa likod. "At nandito pa yung driver!"
Mas lalo kong binilisan. Kung saan-saan na akong sumuot para lang mailigaw sila. Hanggang sa madaanan ko ang isang bar. Umaga palang ay bukas na ito para sa mga may vip pass.
"Anong gagawin mo riyan?" tanong ni Arzee.
"Imi-meet ko mga friends ko, 'di ba?" makahulugan kong tugon.
Ipinark ko ang sasakyan malayo sa bar tapos ay nilakad na lang namin ang pagpunta roon. Kinuha ko ang vip pass ko sa wallet ko at pinapasok naman kami. Madilim dito sa loob ng bar. Maingay at mausok. May kumakanta sa stage, may mga umiinom, may mga nagyo-yosi, may gumagawa ng milagro. May mga nag-aaway rin. Magulo.
Nang pumasok ako, natigilan ang lahat. "Akala ko bang nawawala siya?"
"Hindi ba, pinaghahanap siya last year?"
"May kasama siyang lalaki!"
"Akira Kawahara."