Kabanata 26

1101 Words
Lahat sila ay masaya sa naging desisyon ko na bumalik sa pagiging isang ninja pagkatapos ng misyon nila rito. Mas lalo silang natuwa nang malaman nila na balak ko silang tulungan sa pagtapos nito. "Nasa 'yo pa ba ang singsing?" tanong ni Niklaus sa akin na tinanguan ko kaagad. "By tomorrow, sa tingin ko ay ipapatawag tayong dalawa sa Prefect para patawan ng parusa." "I understand," tanging sambit ko. Hinding-hindi ko isusuko ang singsing na iyon sa kanila. "Maiba ako. Can you tell me more about your mission? I need information in order to help," pag-iiba ko ng usapan. Gusto ko rin kasi na matapos na ang misyon as much as possible. Hindi maganda ang kutob ko rito. "We have no leads," mabilis na tugon ni Domino. "This place has nothing, based on my observation. Hindi ko alam kung bakit dito kami ipinadala, e sobrang peaceful naman dito," dagdag pa niya. Sumang-ayon ako kaagad. "Very peaceful! Nagtaka nga rin ako kung bakit kayo nandito. Wala ba silang binigay na impormasyon sa inyo beforehand?" nagtataka kong tanong. Umiling silang lima. "Maybe you are our mission?" nagniningning ang mga mata na sambit ni Tobi. Natahimik kaming lahat at hindi na lang pinansin ang kalokohan niya. Maya-maya ay biglang nagsalita si Alisson na kanina pa tahimik. "I think konektado yung singsing sa misyon na ito... and tama si Tobi, baka konektado rin si Akira dito," seryosong sambit ni Alisson dahilan upang matahimik kami lalo. Nagtinginan sila sa akin nang sabay-sabay, pinagmamasdan ako nang maigi na tila ba nasa akin ang sagot sa mga problema nila. "Then let's start sa singsing. Maybe we can get some leads if we dig dipper about the ring," suhestiyon ko at saka ko nilingon si Alisson. "I'll entrust you my ring. Can you get information about it?" tanong ko sa kanya. Si Niklaus dapat ang pakikiusapan ko no'n, pero we are both in trouble nang dahil sa ginawa namin sa museo. We stole an item—which happened to be my property. Alanganin na tumango si Alisson. "I'll fetch it to your house tomorrow morning," aniya matapos ang matagal na pag-iisip. Napangiti ako nang tipid dahil sa tugon niya. Isa-isa ko muli silang tiningnan na lima. "We should also start investigating by asking around the neighborhood, and also inside the campus, about the ring. We can also ask them if may suspicious na bagay silang napapansin sa ilang taon nilang pamumuhay rito. We should get a few more leads in order to conduct a proper investigation. Is that okay with you all?" I asked them. "You are such a good leader, Aki," komento ni Aero habang nagniningning ang kanyang mga mata. "You know exactly what to do, kahit wala tayong ni isang impormasyon about the mission." Sinapok siya nang mahina ni Tobi. "She is a Kawahara. On top of that, she is one of the Aces of Uzumaki," pangangaral niya sa kasama. I frowned. "That's not it. We were actually sent to different missions before without any single lead, so we had to do every possible way to get one, and as much information," wika ko sa kanila which is true. Parati kaming pinagti-tripan noon ng agency at kung anu-anong misyon ang ibinibigay sa amin. Kaya we once ended up sa isang delikadong misyon pala na hindi namin kakayanin, kaya we were pulled out din bago pa kami mapahamak. Naramdaman ko ang pagtapik ni Niklaus sa aking braso. "Thank you for your help. I was actually distracted about something, pero ibinalik mo ang pokus ko. I will also start investigating tomorrow. I will nitpick on everything," saad ni Niklaus dahilan upang lumakas din ang loob ng iba pa niyang kasamahan. "I'll also do my best," nakangiting sambit ni Domino na sinegundahan din nina Tobi at Aero. "Also... read as many cases as you can. Nakakatulong iyon sa pag-identify ng misyon," pahabol ko pa na kaagad nilang sinang-ayunan. "I think it will also help kung magshe-share ka ng cases sa missions mo before," suhestiyon ni Domino na sinang-ayunan ko. Good idea iyon dahil marami-rami na rin akong missions kahit pa kaagad akong umalis sa mundo ng mga ninja. Mapipilitan na naman tuloy akong mag-reminisce. Ito naman ay noong ipinadala kami sa isang pamilya sa probinsya dahil parte ito ng tradisyon ng isang ninja. Aampunin kami roon ng ilang araw sa hindi ko rin malamang dahilan kung ano ang purpose. It's been a week since I lived here. Naging close na kami ng tatlo kong mga kapatid na nadatnan ko rito sa pamilyang 'to. Sobrang komportable ako sa kanila. May kasama akong isa pang ninja na tumira dito. Walang alam ang pamilyang iyon tungkol sa tunay na pagkakakilanlan namin. Nagi-guilty ako dahil kailangan naming magsinungaling. Habang kumakain kami ng dinner nagpasya akong sabihin kay Mama, ang ilaw ng tahanan ng pamilyang nadatnan namin doon, ang pagbabalik na namin sa lugar ng mga ninja. "'Ma, balak na sana naming bumalik sa Manila. May kailangan lang kaming gawin. Babalik pa rin kami rito," saad ko sa harap ng hapag-kainan. Isang linggo na kasi kaming naka-tanga rito ni Arzee. Ni hindi namin alam kung bakit ba talaga kami ipinadala rito. Dahil lang ba talaga sa trasdisyon? "Ano ang gagawin mo sa Manila, anak?" malumanay na tanong ni Mama. Napatingin sa amin si Papa, pati na ang tatlo pang kapatid. "Yung mga friends ko, 'Ma. Kailangan ko silang i-meet." I lied. Kailangan ko lang ng impormasyon. Kailangan namin ng lead, or kahit kumpirmahin lang ang sitwasyon. We were lost. "Hindi ba delikado iyon?" nag-aalala niya pang tanong. "Hindi po, Mama. Trust me." Bigla namang nagsalita si Kuya Tristan. "Samahan ko kayo, Aki. Para hindi mag-alala si Mama." Napatingin sa akin at kay Arzee si Mama. Ang alam lang nila ay isa itong aktibidad sa church kung saan ipinapaampon ang mga batang simbahan for experience lang siguro. Hindi rin ako sigurado. "Kung okay lang kay Mama," sabi ni Arzee at tumingin kay Mama. "Okay lang ba, Mama? Uuwi rin kami kinabukasan." Nag-isip muna ng ilang minuto si Mama bago sumagot. "Sige, Tristan. Samahan mo ang mga kapatid mo. Siguraduhin mong makakauwi kayo rito kinabukasan." "Opo, 'Ma." Kinabukasan... "Ang daya! Hindi ba talaga ako pwedeng sumama? Gusto kong makapunta sa Manila, Mama," maktol ni Terrence. Siya ang bunsong kapatid nina Tristan. "Sa susunod, Terrence," tugon ko. I smiled at him pero yung mukha niya ay hindi pa rin maipinta. Suot ang nabili kong mumurahing jeans at t-shirt at cup para takpan ang mukha ko, nakapunta kami sa Manila. Nag-bus lang kami. Ilang oras na biyahe ay nakarating din kami. Nakaka-miss din pala ang simoy ng hangin dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD