Kabanata 25

1306 Words
Nakarating kami sa mall. Ayokong bumaba pero kinaladkad nila akong tatlo. Nakakahiya! Simple lang naman ang mga suot nila, pero nagmumukha talaga akong chimay nila! Bwisit naman o. Pero dahil maganda ako, tinanggal ko ang pagkakahawak sa akin ng kapatid at mga pinsan ko pagkapasok namin at chin up akong naglakad. Pinagtitinginan kami ng mga tao. First time kaya naming magsama-samang apat na ganito. Mukha raw kaming models at artista. Yung iba nga, gusto pang magpa-picture sa amin! Oh, 'di ba? Partida, wala pa akong bihis niyan. Nako. Sabi na nga ba eh. Kahit basahan ang suot ko, kayang-kaya kong dalhin. "Gwapo ko raw," ngiting-ngiting sabi ni Rocky. Yabang tol. Pamilya siguro kami ng mahahangin. Pinaka-magandang example talaga sa mga mayayabang itong si Rocky eh. "Mukha raw akong mabango. Pfft. Mabango kaya talaga ako." Isa pa 'tong Jack na 'to. Akala mo totoo. Eh mga duling at malalabo ang mga mata naman ang nakatingin sa kanila. Malamang magagwapuhan ang mga yun. "Ako raw cute," ani Jace at tiningnan ako. "E ikaw, Akira?" "Dyosa raw ako," I answered him with my sweetest smile. Kaya naman nagkagulo lalo ang mga tao. Ngiti palang yun, a! Akala nitong tatlong 'to, porke hindi ako nakabihis e matatalbugan na nila ako. Asa pa kaya sila. Ako kaya ang pinaka-magandang nilalang sa balat ng lupa. Kidding. Hindi na namin pinansin ang mga tao. Dumiretso kami sa favorite place namin dito. Arcades. Sportzone. Name it. Ito lang yata ang nag-iisang bagay sa mundo na napapagkasunduan naming apat, well, bukod sa pagkain. Napangiti ako habang inaalala ang mga iyon. Yun ang mga bagay na nami-miss ko. Tinatanong ko nga minsan sa sarili ko kung pinagsisisihan ko ba na umalis ako sa Manila at ni-pursue ang pagiging ninja, pero wala akong maisagot kahit sa sarili ko. "You also had a brother?" hindi makapaniwalang tanong ni Domino. Lumingon ako sa kanya at nginitian siya nang malapad saka napatango. Kahit pa lagi akong binu-bully ng lalaking 'yon, mahal na mahal ko 'yon at habambuhay kong dadalhin ang alaala niya rito sa puso ko kasama ang mga magulang namin. "Then how did he... and what war..." Hindi maidiretso ni Domino ang mga gusto niyang itanong sa takot na ma-offend niya ako pero nginitian ko lang siya. "My parents were secretly working as ninjas... and were caught off in a war," mabilis na paliwanag ko at ayoko sanang i-detalye pa as much as possible. Mukhang naintindihan naman ni Domino iyon at tumango-tango siya. "Sakto na idinala nila kami ni Rocky roon para bumisita, not knowing na nagkakagulo na. In the end, they forgot that they have kids na maiiwan... and chose to be heroes," mapait na sambit ko. Iyon ang pinaka-ayaw kong parte ng kwento, ang pagiging bayani nilang dalawa na parati kong wini-wish na sana hindi na lang; na sana inisip man lang nila kami ni Rocky bago nila ginawa iyon. Rocky, however, also died in a war as he was held as hostage by one of the enemies. Ayoko nang maalala pa. Mukhang naintindihan naman na ni Domino ang nangyari at kung ano ang nararamdaman ko habang inaalala ang mga masasamang memorya, kaya he stopped asking na rin. Ngumiti siya sa 'kin at saka ginulo ang buhok ko. "I'm actually glad to hear that you have such a nice family and life before all those happened," aniya habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. Sinsero ang kanyang mga mata at napatango na lamang as I shrugged the unnecessary emotions off my shoulders. "Can you tell me more about the good memories?" Napangiti muli ako kay Domino at mabilis na tumango. "Isa pang memorya na hindi ko makakalimutan ay noong birthday niya. He was a bully, but he definitely has a good heart for his sister." Birthday na kinabukasan ni Rocky noon at hindi ko pa alam ang ibibigay sa kanya. Muntik ko na ngang makalimutan ang araw na 'yon noon. Gusto ko na lang na bigyan siya ng sama ng loob. "Rocky, kilala mo si Femi, 'di ba?" tanong ko kay Kuya. Napapansin ko kasi na wala siyang girlfriend nang dahil sa sama ng ugali niya. Noong edad kong iyon, naririnig ko na uso na ang pagkakaroon ng nobya at nobyo noon sa mga nakatatanda sa amin. Ang akala ko noon ay nasa tamang edad na siya upang magkaroon, although first year high school pa lang siya noon. "Yung kaibigan mong mahirap?" tugon niya nang hindi tumitingin sa akin. Umupo ako sa tabi niya habang sinasamaan ko siya ng tingin. "I mean, yung masipag. Working student 'yon, 'di ba?" Tumango ako. "O, ano naman meron doon?" "Magpapa-party ka, hindi ba? Gusto ko kasing maging girlfriend mo siya," sagot ko. Napatingin siya kaagad sa akin at unti-unti iyong sumasama. "Ayaw mo ba sa kanya? She's pretty." Pinigilan ni Rocky ang asar niya sa sinabi ko at ibinalik ang tingin niya sa librong binabasa. "Tigilan mo 'ko, Kiray," aniya pa na hindi ko na lang pinansin. "Bakit ba ayaw mo? May iba ka bang crush? Si Nami kaya, yung classmate mo?" pangungulit ko pa sa kanya. "Tigilan mo 'ko, Kiray. Namumuro ka na sa 'kin," muli niyang sinabi nang hindi tumitingin sa akin. "E sino ba ang gusto mo?" naiinis na rin na tanong ko sa kanya. "Wala," aniya at saka na niya ako tinulak palayo. "Lumayas ka rito. Napaka-ingay mo." Napabuntong-hininga na lamang ako at saka na ako umakyat sa kwarto ko upang mag-isip ng ireregalo ko kay Rocky. Gusto ko kasi na memorable iyon, na hindi niya talaga makakalimutan. Taon-taon kasi ay memorable ang regalo ko sa kanya, so hindi pwedeng hindi ngayon. Tinawagan ko si Femi gamit ang telepono na nasa side table. "Femi, ayaw mo ba sa Kuya Rocky ko?" bungad ko sa kanya na tinawanan niya kaagad. Mas matanda kasi sa akin itong si Femi at sa pagkakaalam ko ay mas matanda siya kay Rocky. "Sira! Ano na naman ba 'yan?" natatawa niyang sambit. "Ano sa tingin mo ang magandang regalo sa salbaheng kapatid?" tanong kong muli. "Alam ko naman na mahal mo 'yang Kuya mo kahit sinasabi mong bully siya. Anything na galing sa puso, Aki," sambit ni Femi na malabo pa sa malabo. As if naman maiintindihan ko iyon sa edad kong iyon. Nagkwentuhan at tawanan lang kami hanggang sa antukin na kami. Kinabukasan, inihanda ko na ang regalo ko para kay Rocky at excited ako na makita niya iyon. Nagpa-party siya sa bahay dahil kagustuhan iyon ng mga magulang namin, pero kaagad din namang natapos iyon dahil kami-kami lang din pati na ang mga malalapit na kamag-anak na iilan lang din. Nang mag-uuwian na ang mga pinsan namin at ibang bisita ng mga magulang namin, lumapit ako kay Rocky at saka ko ibinigay ang isang portrait niya na iginuhit ko mismo. Nilagay ko iyon sa frame at inabot sa kanya nang wala nang balot. Wala pa man akong sinasabi, nabigla ako nang makita ang kauna-unahang sinserong ngiti niya at saka ako niyakap nang mahigpit. "Happy birthday, Rocky," sambit ko at tuwang-tuwa dahil nagustuhan niya ang regalo ko. "Thank you, Kiray," pang-asar pa niyang sinabi at saka humiwalay sa akin. Kinurot niya ang magkabila kong mga pisngi habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "You've grown well, Akira. I didn't even notice... but you're still my little princess, okay? Don't go around searching for a girlfriend as your gift for me when you are only eight. Act your age, huh, little kid?" natatawa niya pang sambit. Ang kanyang mga mata ay kumikinang. That was when I realized that my brother Rocky was not really the bully brother that I always view him as. Hindi man niya ipinapakita madalas, pero nakita ko noon how lovely and caring he was as a brother; he made me feel that I meant the world to him. Naiiyak na naman tuloy ako. I missed him so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD