Kabanata 24

1574 Words
"I heard you were sent to the ninja world at a young age..." sambit ni Domino habang sabay kaming naglalakad pauwi. Natigilan ako sandali nang dahil sa sinabi niya, pero kaagad din siyang nginitian. "I am a child of war, just like Alisson. Didn't he tell you? We lived under the same roof when they rescued us," malumanay kong sambit. Although masakit ang past na 'yon sa akin, where I became an orphan at a young age, e matagal ko naman nang tanggap at okay na sa akin na pag-usapan. "Really? What were you before becoming a ninja?" tanong niya pa. Bakit ba masyado siyang interesado sa childhood ko? I chuckled. "I lived in Manila with my parents. Well, everything's normal..." nakangiti kong sambit at muli na naman akong bumalik sa memory lane. I kept being flooded with memories today. Ngayon ko lang na-appreciate ang saya ng pag-reminisce. "Do you want to hear about my life when I was in grade school?" natatawa ko pang tanong kay Domino ngunit nanatili siyang nakatingin sa akin at tumango. Okay fine. Pasaway na bata ako noon. Walong taong gulang pa lamang ako ay puro sakit ng ulo na ang dala ko sa pamilya ko... because that was how I always get my father's attention na busy sa kung saan, pero nabibigyan pa rin niya kami ng sapat na oras so hindi ako actually nagre-rebelde. I just do things for fun. Pababa ako ng hagdan nang makita ko ang Dad ko na may hawak na mga larawan. Kaagad kong nakilala ang subject sa mga litratong iyon. The heck! Bakit hawak ni Dad ang mga pictures na iyon? Gusto kong umakyat pabalik ng room ko pero bigla na lang sumulpot ang epal kong kapatid sa tabi ko. "May ginawa ka na naman bang kalokohan, Akira?" I frowned. "Shut up, Rocky!" "Hey, mas matanda pa rin ako sa 'yo, Kiray!" "Don't call me Kiray!" Tss. Ang korni ng Kiray, parang gagi lang! "Kiray. Kiray. Kiray!" pang-asar pa niya sa akin lalo. Nakakaasar talaga siya! "Anyway, where's Jack? Ang sabi niya pupunta kami ng mall, a." "Wala akong pake sa inyo. Shut up!" "Sungit mo, Kiray. Akala mo ba maganda ka?" "Kumpara naman sa kapangitan mo, maganda talaga ako!" Padabog akong nagpunta sa living room at binati si Dad. "Good morning, daddy!" Kailangan kong harapin 'to. Fighting! "What's good in the morning, Akira?" nakataas ang isang kilay niyang tanong. Gusto ko sanang sumagot ng ME kaso baka lalong ma-bad shot. "Uh... about those pictures, Dad," panimula ko. Nakatingin lang naman siya sa akin na parang hinihintay ang paliwanag ko. Since wala naman akong kawala sa mga ebidensyang hawak niya e wala akong magagawa kung hindi mag-surrender. "Fine, I'm sorry," pagsuko ko. "Sa dami nito, sorry lang?" Ibinagsak ni Dad ang mga pictures sa small table. Pinagmasdan ko ang mga iyon at kinuha isa-isa. Ang tiyaga naman ng taong kumuha ng mga ito kasusunod sakin. Ang dami pa kaya nito. Tiningnan ko isa-isa. "Ano ang masasabi mo, Akira? All this time, akala ko nag-aaral ka nang mabuti! Ngayon, lumabas lahat ng kalokohan mo!" Napataas ang isang kilay ko sa ilang pictures. "Last year pa ang mga ito, ah." "Yes. Mga kuha iyan simula noong nalaman ko ang mga kalokohan mo. Iyan ang mga pinaggagagawa mo sa loob ng dalawang taon," naiinis na sambit ni Dad. Kahit na ganyan 'yan, sobrang soft niya at maya-maya ay bati na kami niyan. Sumimangot ako. "Dad naman, past is past. Ungkatin ba pati nung huling taon pa." Tindi naman ni Dad magpa-imbestiga sa 'kin. Wala na kasi siyang time para bantayan pa ako sa school e alam niyang interested ako sa mga bagay na labag sa social norms. "Hindi naman kakokohan yung iba rito, a. Nakatalikod lang naman ako rito. Bakit kasama 'to?" reklamo ko, pambawas sa kasalanan ko. Tiningnan ko si Dad pero mukhang may panlaban siya sa palusot ko. Yung ibang pictures kasi hindi naman talaga nakuhanan na may ginagawa akong kalokohan. Hindi yun counted sa mga kasalanan ko. Ipinakita ko kay Dad yung unang picture na naka-leather jacket ako at nakatalikod sa camera, pero halata namang ako yun dahil una, sa porma ko at huli, sa buhok kong blonde ombre na trip ko lang ipakulay noon dahil bawal sa school. Akong ako yun. Pero pwede ko namang sabihing ka-style ko lang yun. Ako pa! "Iyan yung nakipag-karera ka sa isang ilegal na bar sa kabilang bayan, hindi ba? Muntik kang mahuli non, kaso mabilis kang nakatakas. Ang bata mo pa para magmanaho," pigil ang galit na wika niya. Nagulat ako dahil alam niya pala 'yon. Totoong yun nga ang nangyari. "Kinuhanan 'yang picture na 'yan nung papasok ka sa kotse pagkatapos ng karera." "Paano mo nalaman yun, Daddy?" Ngumisi siya. "Ako pa ba?" Tamo, sa kanya ako nagmana sa pagiging mahangin. "Sige, ano pa?" Ipinakita ko naman yung picture kong may hawak akong paint brush at puno ng pintura ang damit at mukha ko. "Iyan, Dad. Hindi ba pwedeng may event lang sa school kaya ganyan ang itsura ko riyan?" tanong ko. Natigilan naman siya kaya napangisi ako. "Pinadalhan ako ng sulat ng principal noon na may ginawa ka raw na kalokohan. Nag-paint ka sa walls ng school ninyo. Vandalism iyon, Akira!" Bwisit. Wala pala akong kawala. Nagkibit-balikat ako kay Dad at nag-roll eyes. "Tinetest ko lang ang talent ko sa pagpinta." Tiningnan ako nang masama ni Dad pero nagpatuloy ako sa mga reklamo ko. "Ito pa, Dad! Ano naman ang ipanlalaban niyo rito? Nakasimangot lang naman ako dito. Anong problema niyo?" "May nakaaway ka riyan. Sinabi sa akin ni Rocky ang tungkol diyan. Hindi lang na-picture-an ang pakikipag-away mo, pero kung mapapansin mo, ang kamay mo riyan ay bahagyang nadugo at may galos ang mukha mo." Bwisit talaga si Rocky! "Ang linaw naman ng mata mo, Dad," sarkastiko na sabi ko at inilapag sa table yung mga litrato. Akmang may ipapakita na naman ako na reklamo ko nang pigilan na ako ni Dad. "Tama na. Alam ko lahat ng kalokohan na ginawa mo sa likod ng mga larawang iyan. Isa pa talaga, Akira. Ipipikit ko ang mga mata ko at paparusahan talaga kita," banta niya na ikinabahala ko kahit papaano. "Isa na lang talaga? Hindi ba pwedeng tatlo pa? Marami pa akong gustong gawin," reklamo ko pa kaya naman pamatay na tingin ang ibinigay niya sa akin. Sabi ko nga, tatahimik na ako. "Fine, fine. Isa na lang. Pero, Dad, 'wag mo naman na ako ipa-imbestiga. Masyado ka naman. 'Di ba, aalis ka naman papuntang London?" "Yes. Pero sisiguraduhin kong babantayan ka ng kapatid mo. Kapag may nabalitaan ako, ihanda mo na ang sarili mo." Sus. 'Di naman ako matitiis ng Dad ko. Nagiging monster lang naman 'yan kapag sobra na. Well, hindi pa naman ako sumosobra. Hindi ako dapat na kabahan. Kasing-haba kaya ng Edsa ang pasensya ng Daddy namin. "Siya ba, hindi mo ipababantay sa akin?" Tukoy ko sa kapatid ko. Hah. Humanda kayo sa akin. Sumimangot ako kay Dad. "Ganyan naman kayo, eh. Lagi na lang ako. Napaka-unfair." Hindi iyon pinansin ni Dad. Kainis. "Kumain ka na roon, Akira. Pina-move ko ang meeting ko sa oras na 'to para lang makausap ka tungkol sa mga larawang ito." "Wow, Dad. Dapat ba akong ma-flatter?" sarkastikong tanong ko sa kanya. "Anyway, ingat ka, Dad. See you later." Humalik ako sa pisngi niya bago ako nagpunta sa dining area para kumain. Sakto namang nandoon ang walang-hiya kong kapatid. Kumakain si Jacee, ang isa naming pinsan, habang nag-uusap naman si Jack na kapatid ni Jacee at Rocky roon na kumakain lang ng ice cream. Ang kakapal ng mukha. Akala ko bang pupunta silang mall? "Kain tayo, Aki," pag-aya sa akin ni Jacee. Hindi rin marunong tumawag ng ate at kuya tulad ko, e mas matanda ako riyan. Si Rocky talaga ang pasimuno sa hindi namin paggalang eh. Sira kasi ulo non. "Eat well, Kuya Jace," sarkastiko kong sabi. Inirapan ko siya. Napatingin naman sa akin ang dalawang ungas. "Hey, Akira, kumusta ang misa?" tanong ni Jack na inirapan ko lang. Mga siraulo kasi ang mga 'to at hindi dapat pinapansin. Tss. Dumiretso ako sa ref at kumuha ng milk. "Ayaw mong sumama sa amin? Bonding na rin natin 'tong magpipinsan at aalis na kami next week," tanong ni Rocky. "Ulol. Kayo na lang," bulong ko na hindi pa rin nakatakas sa pandinig ng bwisit na si Rocky. Nagsalin ako ng milk sa isang baso at bumalik sa table. "Hoy, Kiray, wala kang galang." I rolled my eyes. "Kala mo naman ikaw meron." Nagsimula na ang bangayan sa pagitan namin. "Pare-pareho lang naman kayo," hirit ng maliit na tao, si Jacee. Sinamaan namin siya ng tingin ni Rocky at ready na namin siyang i-wrestling nang suwayin na kami ng panganay sa aming magpipinsan na si Jack na kanina ay tawa-tawa lang. Mga abnormal 'tong mga 'to. Ako lang talaga ang ipinanganak dito na normal at maganda. Jusme. Matapos kong kumain, hinila na ako ng tatlo papunta sa car ni Jack. Pupunta raw kaming mall. Mga inutil! Hindi pa kaya ako nakabihis. Buti na lang at nakaligo na ako! Pero yung suot ko ay pambahay lang! Naka-tank top lang ako at short shorts. Nakakainis talaga ang tatlong 'to. "Ibaba niyo 'ko! Magbibihis lang ako sandali!" Ginawa ko na ang lahat. Sinabunutan ko si Jack na nagda-drive pero wala pa rin, wala silang pakialam sa akin at sa itsura ko! "Mga walang-hiya!Isusumbong ko kayo kay Dad!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD