Kabanata 23

1104 Words
"And what happened after that?" tanong ni Domino sa akin. Kung nagtataka kayo, nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain ng almusal. Nakasalubong ko kasi siya kanina at inaya niya akong kumain, libre niya. Dahil masyado akong masaya sa desisyon na ginawa ko finally sa araw na iyon, pumayag naman ako kaagad. Ikinwento ko rin sa kanya ang tungkol sa unang misyon ko na matiyaga at tahimik siyang nakinig. "We dug deeper and deeper... and we realized that we are still rookies, even with all the titles and recognitions at school," dismayado kong sambit sa kanya dahilan upang mapakunot ang noo niya. Mukhang interesado siya sa kung ano ang natuklasan namin sa paaralan at kung paano namin natapos ang misyon. "The deeper we dug, mas lalong naging komplikado. There were still so many questions left unanswered. Ang daming misteryo ng paaralan na iyon." "You mean... you didn't solve the case at all?" kunot-noong tanong niya at mukhang disappointed din siya base sa hitsura niya. Natawa ako nang mahina, ngunit nalalasahan ko ang pakla niyon sapagkat I felt the same. "We tried, Dom, trust me. Ang daming nangyari. We were there for like half a year..." "Half a year? For your first mission?" naibulalas niya habang nanlalaki ang mga mata. Inismiran ko siya at sinenyasan na kumalma dahil hindi lang kami ang tao sa cafeteria. Baka may iba pang makarinig sa kanya at paghinalaan pa kami. "Now I'm anxious. Baka umabot din kami nang ganoon katagal dito," dagdag pa niya. Tumango ako sa kanya. "Posible, but I'm willing to help. We can discuss about the mission later," sambit ko sa kanya at muling kumain. Siya nama'y parang hindi mapakali at ang dami pa niyang mga tanong sa akin. "Can you tell me more? What happened on your investigation? Nahuli niyo ba yung nasa likod ng krimen? May nakuha ba kayong ebidensya?" sunud-sunod niyang tanong sa akin. Natawa ako muli nang mahina. "Kalma ka lang. May kalahating taon ka pa rito para makinig," biro ko sa kanya na mukhang nagpakaba lalo sa kanya. "That's not funny, Aki," ninenerbyos niyang sabi. "Wala pa kaming kahit na anong lead, so it really is possible," bulong pa niya. "So do a good job," bulong ko rin sa kanya pabalik. Napakaraming nangyari sa unang misyon ko na iyon. We were put into danger after danger. Patung-patong na trauma ang natamo ko roon. I was a victim myself... but I had managed to escape and survive, luckily. That was when the Head Mistress realized that it was a mistake to send us in that hell of a place. Na masyado pa kaming inexperience para iharap sa mga naglalakihang kriminal na hindi namin kayang patumbahin. So bago pa kami tuluyang mawala sa sarili at mapahamak, the Agency pulled us out of the mission and sent another group of ninjas na much more experienced than us. Pagbalik namin sa kanya-kanya naming mga tirahan sa Ninja Wolrd, we underwent several therapy sessions because we were traumatized. Bumalik kami roon na halos wala kaming maalala kaya kinailangan pa naming pagdaanan ang mahahabang sessions na iyon upang unti-unting bumalik sa sarili. Hanggang ngayon ay sumasakit ang dibdib ko kapag naaalala ko ang mga memorya ko roon... na halos binaon ko na rin sa limot noon pa. Nang maka-recover kami, saka ko nalaman na wala na si Collin. It was really hard for me that I wanted to just disappear... and to escape from all the pain that the world had given me. I committed suicide a thousand times na kinailangan pa akong bantayan sa kwarto ko bente-kwatro oras upang pigilan ako sa balak kong gawin. Hanggang sa nag-desisyon ako na umalis na lang sa mundo ng mga ninja dahil sobrang sakit na. Gusto ko na lang na kalimutan at talikuran ang lahat; isinusumpa ko ang lahat-lahat sa mundong iyon nang dahil sa mga nangyari, kaya una kong pinuntahan ay si Teacher Hiro. Sa kanya ko unang sinabi at binalita dahil alam kong siya lang ang makakaintindi sa akin. Then after that, he also died. Kaya ako napadpad sa lugar na ito, upang tuluyan nang makawala sa masamang panaginip ko na iyon. "So are you okay now?" tanong muli ni Domino dahilan upang matigilan ako sa pagsubo ng burger ko at napatingin sa kanya. Ang mga mata niya ay sinsero at nakikisimpatya. Kahit hindi niya alam ang buong istorya, kahit pa hindi niya alam ang bawat detalye ng mga masasakit na alaala sa buhay ko, he felt my emotions. He understood what I had felt back then. Binitawan ko ang burger at ibinalik sa plato bago ko siya nginitian nang tipid. "It still haunts me, Dominic, but I realized now that that should also be the reason why I must stop running away—because it never ends and it never stops until I face it heads on." Dominic seemed amused nang dahil sa narinig mula sa akin. Siya ang sa tingin ko sa grupo na ayaw na akong bumalik sa pagiging isang ninja, at ayaw nang ipaalala sa akin ang nakaraan ko although nag-appear siya sa harapan ko the first time that we met na suot ang uniporme na pondo ng mga memorya kong iyon. Ang ironic lang. Hindi ko alam kung ano ang alam ni Dominic tungkol sa akin bago pa kami magkita at magkakilala rito, pero mukhang simula pa lamang ay nakiki-simpatya na siya sa akin. Naalala ko na siya ang pilit na pumipigil kay Niklaus na ipakita sa akin ang singsing na Ace of the Uzumaki na siyang magpapabalik muli sa akin sa nakaraan. Iyon ang iniiwasan niyang mangyari. But I think he now understands why I had to go back. Ngumiti siya sa akin habang nakatingin pa rin sa aking mga mata. "I am willing to listen to all the other parts of your story, Aki. Slowly... until we finally get to the end." Nabigla ako sa sinabi niya dahil ang dating sa akin ay willing niya akong samahan hanggang sa huling mga kabanata ng istorya ko; na isa siya sa mga sasama sa akin sa pagharap at pagkompronta ko sa nakaraan ko. Napangiti ako nang dahil doon. Para akong maluluha dahil someone had finally uttered the words that I've been longing to hear simula noong lisanin ko ang mundo ko noon. Hindi ko alam kung nakakapasok ba si Domino sa isip ko at nababasa niya ang mga naiisip at nararamdaman ko, pero iyon exactly ang kailangan kong marinig ngayon. Ngayon na naglakas-loob muli ako na bumalik at humarap sa katakot-takot na path na kailangan kong tahakin. "I am looking forward to working with you, Domino," saad ko at pareho kaming napangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD