Fast forward, we failed the investigation miserably. Nang magkaroon na kami ng lead as to who was behind all the crimes, something unexpected happened.
Grae's family member got into an accident kaya kinailangan niyang umalis nang hindi nagpapaalam sa akin. Hindi ko alam kung ano exactly ang nangyari pero bigla na lang siyang nawala nang matagal na panahon. I was not even sure kung umuwi siya sa Tapang noon, o hindi na.
Dahil din doon, I had to withdrew and go back home sa Tapang dahil mukhang hindi matatapos sa pagsaksak sa 'kin at sa aksidenteng nangyari sa pamilya ni Grae ang mangyayari kung ipagpapatuloy ko ang kahibangan ko.
Simula noon, pinilit kong huwag nang makialam sa mga suspicious na bagay. Naging bulag, bingi, at nawalan na ako ng pakiramdam.
But even then, my senior citizens na mga kapit-bahay embraced me na tila ba pamilya nila ako. Simula noon, I swore to heavens na mananahimik na ako at pipiliin ko ang payapang buhay kasama sila.
Ngunit ngayong dumating sina Tobi, nagulo na naman muli ang buhay ko. Nagsisimula na naman akong bumalik sa dati kong habit na pilit ko nang inaalis sa sistema ko... and eventually, bumigay rin ako because I won't be Akira Kawahara if I'll continue to lead a peaceful yet bland life.
I guess I was born to protect the people, their homes and dreams, and even their peace; I was born to be a Ninja, after all.
"Aki, are you okay?" tanong sa akin ni Grae nang makalapit siya sa 'kin. Umupo siya sa tapat kong upuan at nagtataka niya akong pinagmasdan.
Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at saka ako biglang napatayo. Nahampas ko pa ang aking mga palad sa mesa dahilan upang magsagawa iyon ng ingay at mapunta sa akin ang atensyon ng ibang mga tao sa library, lalo na ang masungit na librarian na masama na ang titig sa akin mula sa kanyang mesa.
"I have decided, Grae," sambit ko sa kanya habang malayo pa rin ang tingin at iniisip ko. He had no idea what I was talking about pero nanatili siyang nakatingin sa akin at kunot ang noong nakikinig. "Once everything's over in this place, I'm going back to where I truly belong," dugtong ko at saka ko hinablot ang backpack sa upuan ko at tumakbo palabas ng library.
Ang una kong gustong puntahan ay si Niklaus. I wanted to tell him sa gusto kong mangyari... since iyon naman ang gusto niyang marinig sa akin noong magkita muli kami.
Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapangiti at alalahanin ang ninja days ko. Mas na-realize ko na magagandang alaala ang mga iyon ngayon na tinanggap ko na sa sarili ko na gusto ko nang bumalik, kahit pa matagal ko nang pinipigilan ang sarili ko.
But first, kailangan kong tumulong sa kanila na tapusin ang misyon dito sa Tapang College. Sa tingin ko ay may kinalaman ang misyon nila sa Ace of the Uzumaki na singsing ko na nakita namin sa museo. I must find out first kung paanong napadpad dito ang singsing na iyon. It was connected to Teacher Hiro's death, so of course I have to dig about it.
Mabalik tayo sa unang misyon ko noon kung saan pinagsama-sama ang aces ng iba't ibang siyudad. Ipinadala rin kami noon sa isang paaralan katulad ng ginawa nila kina Tobi and others ngayon. It was always like that... gano'n ang setup noong mga fresh graduates pa rin kami, still not worthy enough to be called ninjas nor rookies.
To prove our worth, we had to do our best sa unang misyon na iyon. Mataas ang expectations ng lahat dahil lahat ng miyembro sa grupo namin ay kilala sa indibidwal na kalakasan.
"You're really mean. You don't get along with your classmates, ano?" inis na sambit sa akin ni Sebastian habang pinupunasan ng tissue ang dumugo niyang ilong. Nasuntok ko kasi siya kaninang ginulat niya ako habang papauwi ako sa aming bahay, o hideout. Kasalanan naman niya iyon at tanging adrenaline rush ko ang may gawa sa kanya no'n. Kahit sino naman 'di ba?
"I get along well with our adviser, Teacher Hiro," nakasimangot na tugon ko sa kanya.
"I heard so much about that teacher. Sobrang bait, pero well-disciplined ang students niya. Respetado rin as a ninja," said Clyde na ikinangiti ko. Yup, that is our Teacher Hiro. He is really a good teacher. Kung hindi siguro dahil sa kanya, baka hindi ko na nagawang ituloy ang pag-aaral ko bilang isang ninja. "Whoa, you are one of his students? No wonder na you're also skilled, aside from the fact na isa kang Kawahara," dagdag pa niya na ikinamangha rin ng iba naming teammates, aside from Sebastian na sobrang bitter sa akin.
Sinimaan niya ako ng tingin bago muling nag-komento. "I knew it! So tama ako, isa kang teacher's pet kaya wala kang friends sa classmates mo," pang-iinsulto muli ni Sebastian sa akin ngunit sinimangutan ko na lamang siya. "Type AB ka siguro!" dugtong pa niya.
Kinunutan ko siya ng noo. Ano namang kinalaman noon sa mga pinagsasabi niya? Pero I was amazed na tama ang hula niya. "How did you guess it correctly?" tanong ko sa kanya dahilan upang mabigla rin siya at naitama niya ang hula niya, at mukhang proud pa siya sa sarili niya nang dahil doon.
He smirked. "Tama ako, 'di ba? Masasama ang ugali talaga ng mga may blood type na AB," diin pa niya na inirapan ko lamang.
"Type AB rin si Teacher Hiro, pero pang-anghel ang kabaitan niya. Baka ikaw ang may problema?" I snapped at him nang maalala ko ang tungkol sa impormasyon na iyon.
"Quiet," suway sa amin ng aming mga kasamahan na bigla na lang matahimik habang nakatingin sa laptop. "The Head Mistress sent a piece of information just now," sabi pa nila dahilan upang matahimik kami ni Sebastian sa pagtatalo.
"Okay... she sent us the profiles of the suspects based sa previous investigation. Kailangan lang nating i-shortlist ang mga ito then we can secretly investigate sa main suspect natin," sabi ni Clyde na sinang-ayunan namin.
Pumwesto kami ni Sebastian sa likuran nila upang tingnan ang mga hitsura ng mga suspek dahil kailangan naming tandaan ang mga iyon in case makasalubong namin sila sa loob ng campus.
Joel Thompson. Former Principal. Forty eight years old noong umalis sa paaralan upang magpahinga dahil mayroon siyang medical condition. Now fifty two. Blood Type O. He was off the list of suspects dahil wala na siya sa school matagal na. Although Principal pa rin siya noong nagsimulang mabuksan ang kaso, inalis pa rin namin siya sa listahan ng suspects dahil ayon sa pagkakakilala ng mga estudyante sa kanya e he was very aloof. Parati siyang mag-isa at hindi laging lumalabas ng opisina.
Jereco Arceo. Current Principal. Became the Principal four years ago. Forty five years old ngayon. He is good at his job, and some students said that he is kind. Malapit siya sa mga estudyante. Naiwan siya sa listahan dahil swak ang personalidad niya sa kaso na tinitingnan namin.
Human trafficking, forced s****l labours, illegal drugging, and sextortion ang mga kaso na haharapin nila, ngunit kailangan muna namin mag-imbestiga o makakuha ng ebidensya. Mas maganda kung mahuhuli namin sila on act.
Sunod sa listahan ay mga estudyante na graduating students na. Naomi Belle, Harold Gacson, Trevor Gacayan, at iba pa na itinuturo ng mga estudyante na most likely kayang gawin ang mga bagay na iyon, o kaisa sa paggawa ng mga nasabing operasyon o krimen, sapagkat sila ay bullies.
Ngunit kasali rin sa listahan ay ang miyembro ng student council. Malinis naman ang records ng mga iyon, pati ang mga estudyante ay walang masamang sinabi sa kanila. Wala ring kahina-hinala sa kanila, so balak na namin silang alisin sa listahan ng suspects.
But I refused to do so. "Leave the members of the Student Council to me," pakiusap ko sa kanila dahilan upang matigilan sila. Pero dahil ako si Akira Kahawara, a suicidal ninja and the Ace of the Uzumaki, pinagkatiwalaan na lamang nila ako sa task na iyon.
"I'll look into the bullies," sambit din ni Sebastian na nakakunot ang noo. When it comes to doing our job naman as a ninja, kahit pa pasaway kami at hindi magkakasundo, we work with our best shots, and syempre with sincerity. Kailangan iyon to solve cases.
"Alright. I'll take on the Principal then," suhestiyon ni Clyde. "As for the former, wala na siya rito sa siyudad at umuwi na sa kanyang hometown. Malayo mula rito ang lugar niya dahil baryo pa iyon, so we'll remove him from the list for now. We can't get to him anyway, unless the Mistress instructs as to come and find him," dagdag pa niya.
"I agree. Let's focus on what's in front of us for the time being," sang-ayon ko sa kanya and everyone agreed din naman.
Matapos iyon ay nag-brainstorm pa kami on how to approach our targets. Hindi nila dapat malaman na we are after them; na iniimbestigahan namin sila dahil suspects sila sa isang crime. Para kaming mga undercover detectives na mag-iimbestiga in secret. Iyon usually ang ginawa naming ninjas.
"It'll be hard, Aki," ani Clyde sa akin na sinang-ayunan ko lang muli. "I have a bad feeling that this mission is a lot dangerous than we think it is."
Bumuntong-hininga ako dahil doon, dahil alam kong tama siya. We were still at the tip of the iceberg... and once we dive and dig into it, malaki ang posibilidad na tuluyan kaming malunod.