Nang dahil sa pag-iimbestiga namin sa siyudad na hindi namin lubos na kilala, which was a huge mistake on our part, at napahamak na nga kami. Habang naglalakad-lakad ako sa campus noong isang gabi dahil parang napansin ko na may kakaiba noong araw na iyon, isang taong hindi ko matukoy ang gender ang bumangga sa akin—and stabbed me on my stomach.
Wala ako masyadong matandaan dahil madilim na ang paligid, purong itim na leather ang suot ng sumaksak sa akin na kaagad ding nakaalis. Napahawak ako sa aking tiyan upang pigilan ang pag-agos ng napakaraming dugo roon. Nanghihina na rin ang aking katawan ngunit nagawa ko pang tumakbo upang hanapin ang taong mag gawa noon sa akin, ngunit naramdaman ko na may humablot sa braso ko.
"It's already dark. Why don't we go home?" aya ni Grae sa akin dahilan upang makahinga ako nang maluwag.
Humawak ako sa kanyang braso nang mahigpit habang ang isang palad ko ay nasa tiyan ko pa rin. "I was attacked," mahinang sambit ko.
Nangunot ang noo ni Grae at saka pa lamang niya napansin ang sitwasyon ko. Hindi siya nagdalawang-isip na buhatin ako at itinakbo niya ako palabas ng paaralan, hindi sa infirmary dahil baka maging suspicious pa kami sa tingin nila. At baka makarating pa sa mga nanunungkulan sa academy.
"Hang in there, Aki," bulong sa akin ni Grae habang ako nama'y napapakagat na lang sa labi upang pigilan ang pagdaing sa kumikirot kong sugat. Hindi pa rin humihinto ang pag-agos ng dugo roon. Kahit pa ang sakit noon at inaantok ako, pilit kong pinigilan na makatulog.
Saka ko na lamang naramdaman ang paghiga ni Grae sa kama. Nakarating na pala kami sa bahay, at base sa itim na theme ng silid, nandito kami sa kwarto niya.
Kagaad na pinunit ni Grae ang suot kong puting T-shirt na aming PE uniform doon sa parte na nasaksak. Inangat ko ang ulo ko at pinanood siya sa kung ano ang gagawin niya.
"Damn it." Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ang hapdi ng sugat ko sa aking tiyan, sa bandang tagiliran, matapos buhusan ni Grae iyon ng isang bote ng beer. "Tangina." Halos mapunit ang kanyang damit at mahubaran nang humigpit ang pagkakahawak ko rito. Ramdam ko ang pagtaas-baba ng aking dibdib dahil sa aking paghingal. Damn!
"Relax ka lang, Aki." Nagawa pa ako nitong ngisihan sa kabila ng kalagayan ko ngayon. Kung hindi lang masakit ang tagiliran ko, baka nasapak ko na ito! Nakatingin siya sa mukha ko habang sinimulan nang nilinis ang sugat ko. "Can you remember what happened? Who did this to you?"
I rolled my eyes at ibinalik ang atensyon ko sa kanyang ginagawa. "It was so dark I could not see anything. I can't remember anything..." hinihingal kong sambit.
Napabuntong-hininga si Grae at mukhang dismayado na malungkot. "This is my fault, right? I put you into this danger," puno ng pagsisisi na sambit niya.
Tumitig ako sa kanyang mga mata habang naka-frown naman ang mukha ko. "Idiot. How is it your fault if hindi naman ikaw yung attacker? I'm going to investigate anyway, kahit pa hindi mo ako pinakiusapan noon," wika ko sa kanya upang mawala na ang guilt niya. Pansin ko na iyon kasi ang nagpapabigat sa nararamdaman niya. "Also, you literally saved my life, stupid. Kung hindi mo ako pinuntahan, malamang bangkay na ako," pagbibiro ko pa kahit na nararamdaman ko pa rin ang pagkirot ng aking tagiliran.
"So you're saying na dapat pa akong pasalamatan?" natutuwa niyang sinabi. Ang bilis ding magbago ng mood niya.
"Yeah, thanks." I shrugged. "Huwag ka nang magpaka-sad boy riyan at hindi ako maaawa sa 'yo. I'm just saying yung totoo," dagdag ko pa at baka lumaki ang ulo niya.
"Ah! Ewan ko nga sa 'yo." Inalis niya ang tingin sa akin at inihanda na lamang ang isang puting tela bago niya ako tinulungang umupo nang maayos. "Are you feeling better now?"
"Nah," hirap kong sagot. "Tapusin mo na. Gusto ko nang magpahinga."
"Alright."
Binendahan muna niya ang sugat ko bago binalot ang buong bewang ko ng puting tela. Matapos ay inalalayan pa niya ako sa aking paghiga.
"Rest, Aki. Huwag matigas ang ulo mo, okay?" Kinindatan pa niya ako bago lumabas ng aking kwarto. Although nakakairita madalas itong si Grae, masasabi k na I'm glad that he's here; that he came all the way here with me to investigate the city dahil trip lang namin, despite the dangers it might bring.
Nakatayo ako sa tapat ng salamin. Malinaw kong nakikita ang aking repleksyon—kung gaano kaputla ang aking balat at kung gaano nakakaagaw ng atensyon ang halos wala ko nang dugong mga labi nang dahil sa dugong nawala sa akin kagabi.
Nalaglag ang towel na bumabalot sa aking katawan. Unang nakapukaw ng atensyon ko ay ang sugat na natamo ko kagabi sa aking tagiliran. Tinakpan ko iyon gamit ang aking palad habang pinagmamasdan ang repleksyon ko.
"Ha, what a nuisance," mariin na sabi ko at tinitigan ang mga mata ko sa salamin. Kita ko ang inis sa sarili ko dahil sa mga desisyon ko sa buhay. I left my ninja life, pero bakit ganito pa rin ang buhay na tinatahak ko? Napangiti ako, tila nagpapanggap na masaya sa harap ng repleksyon ko—ng sarili ko.
Inalis ko ang kamay ko sa sugat ko at lumapit sa aking kama kung saan nakalatag ang puting tela. Bumalik muli ako sa salamin at binalot na ng tela ang sugat ko paikot sa bewang ko. Nang masiguro kong mahigpit ang pagkakatali nito, nagbihis na rin ako ng aking school uniform. Nangiti sa harap ng salamin, sinasanay ang sarili ko na magmukhang mabait sa harap ng ibang tao.
Before I left the mirror, I pulled my hair into a messy bun and put something on my face dahil masyadong maputla ang balat ko. Bumaba na rin ako sa kusina pagkatapos. Nakahanda na ang aking almusal. Grae was sitting there, facing his laptop.
"Morning, Aki," he greeted without even looking at me. Masyado siyang abala sa pagtipa. "You're finally awake."
"Morning," I greeted back, bago ako umupo nang dahan-dahan sa upuan na nasa tapat lamang niya. Masakit pa rin kasi ang tagiliran ko at ayoko pa sanang pumasok ngunit kailangan ko ring tapusin ito nang mabilis. Sinimulan ko na ang pagkain ng aking almusal habang paminsan-minsan siyang sinusulyapan. Ngunit parang wala siyang pakiramdam at patuloy lamang ito sa pagtipa sa kanyang keyboard.
Napabuntong-hininga ako at binitawan ang hawak kong kubyertos. Uminom muna ako ng tubig bago siya tuluyang pinagmasdan. "Ano ba 'yang pinagkaka-abalahan mo?"
Nahinto siya sa pagtipa at sa wakas ay napatingin na siya sa akin na may kasama pang pag-ngiti. "I'm doing a research about the place. Iyon ang pagkakamali natin, hindi ba?"
"Oh." Dinampot ko ulit ang mga kubyertos na ginagamit ko at nagpatuloy sa pagkain. "That's good."
"Whoa!" Hindi makapaniwala niya akong tiningnan. "Why are you on your uniform? Papasok ka na? Sa ganyang sitwasyon?" hindi niya makapaniwalang sinabi.
"Yes. E ano ba ang ipinunta ko rito? I'll end this investigation today, once and for all," nangingiti kong sabi na may pagturo pa ng tinidor sa kanya. He just frowned at me, at bumalik na sa kanyang ginagawa.
Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Grae na papasok na. Pero bago ako makaalis, may sinabi niya na ikinaganda ng mood ko.
"But you should still rest," nag-aalalang saad ni Grae ngunit napagtanto niya na hindi niya ako mapipigilan. "Be careful. I'll fetch you later."
Tumango ako sa kanya. Easy as pie. "See you." I smiled at him and patted his head. "Thanks for your hard work, Grae."
Proud na proud naman siyang lumingon sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ulo niya at pinisil iyon.
"What about a dinner date after ng klase mo? Deal?"
I rolled my eyes at mabilis na binawi ang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak. Napasimangot naman siya sa akin, tila nagtatampo sa akin.
"Pag-isipan mo." Tumalikod na siya sa akin at ibinalik ang atensyon sa screen ng laptop. "Susunduin kita mamaya."
I shrugged. "May magagawa pa ba ako?" Bago ako tuluyang umalis, nasilip ko pa ang screen ng gamit niyang laptop. Nakita ko ang isang larawan doon ng isang binata. Nangunot ang noo ko. "Parang ka-edad mo lang, Grae."
Tumango siya. "Twenty. But he's not a suspect," sagot niya bago isinara ang laptop. Lumingon siya sa akin at nangiti. "You may go now, Aki. Sigurado akong ayaw mong mahuli sa klase."
"Right. Pero kailangan ko ng copy ng research and conclusions mo. Please make it as short as possible," pakiusap ko sa kanya dahil ayokong magbasa ng pagkahaba-habang paper.
He nodded. "Sure. I'll send it right away."
Umalis na ako nang makumbinsi ko ang sarili ko na wala na akong dapat na itanong kay Grae. Since hindi kalayuan ang school mula sa tinitirhan namin, pinahatid na lang ako ni Grae sa isang pedicab dahil hindi kakayaning maglakad nang malayo sa sitwasyon ko.
Isang ngiti ang ibinigay ko sa driver ng pedicab nang makababa na ako. "Salamat, manong." Sabay abot ko ng isang daan sa matanda. "Ingat kayo sa pagmamaneho."
Bago ako makarating sa mismong school, nadaanan ko ang tatlong babae na naka-uniporme na may kinakausap na isang lalaki. Nakapalibot sila rito at base sa itsura ng lalaki ay may ginagawa o sinasabi ang mga ito na hindi niya nagugustuhan, ngunit wala itong magawa.
Napatingin siya sa akin, tila humihingi ng saklolo. Kung kaya't umiwas kaagad ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad na para bang walang nakita. Not my business.
Nagmadali akong pumasok sa klase ko. Muntik na akong ma-late, na ni minsan ay hindi pa nangyari sa akin. Although pansamantala lang ang stay namin dito, ayoko pa ring masira ang record ko.