Kabanata 20

1103 Words
Natigilan ako sa pag-alala ko ng ninja days ko nang makitang papalapit sa akin si Grae. Ah, to be honest, Grae is not just anyone. Matapos kong umalis sa mundo ng mga ninja, nag-iimbestiga pa rin ako ng mga bagay o pangyayari na sa tingin ko ay kahina-hinala. Gumagawa ako ng sarili kong misyon nang hindi bumabalik sa mundo ko noon. And Grae was there to help me gaano man kadelikado ang ginagawa ko noon. Naalala ko na parang naging apprentice ko siya noon... Two and a half years ago... "May isang academy na tumawag sa atin upang humingi ng tulong. Ayon dito, may kumakalat na drugs sa paaralan nila. Ipinapainom ito sa mga estudyante nang hindi nila alam. Sa ngayon, may mga nasa hospital na at ginagamot. May iba naman na nawawala at kasalukuyan pang pinaghahanap. Unti-unti nang nasisira at bumabagsak ang paaralan dahil dito. Secured ang paaralan na ito kaya nagtataka sila kung paano naipapasok ang ipinagbabawal na gamot at paano ito naipapainom sa mga estudyante. Wala silang trace sa utak ng lahat ng ito," wika ni Grae habang nakaupo sa sofa ng aking bahay. Pasikreto siyang pumasok dito upang ibalita ang pangyayari sa katabing siyudad. "This is serious, Aki. I have to do something—we have to do something!" "Stay out of it," mabilis kong tugon sa kanya habang naghuhugas ako ng pinggan. Napatayo naman siya nang dahil sa sinabi ko at saka siya lumapit sa akin upang muli pang makipagtalo. Bahagya ko siyang nilingon at tiningnan diretso sa mga mata. "It's dangerous, Grae. Just let the police do their job." "You won't do anything? 'Di ba you've been investigating this case?" pangungulit pa niya. Napabuntong-hininga ako sa kanya at muling ibinalik ang tingin sa hinuhugasan kong mga plato. "Now that the police are there, my job is done. Yours, too. Hindi ka naman dapat involved in the first place," inis na sambit ko sa kanya nang hindi siya tinitingnan. Pero hindi pa rin tumigil si Grae. In-explain niya ang plano niya sa akin. Gusto kong mag-reklamo pero hindi siya nakikinig sa akin sa kahit anong pagbabawal ko sa kanya. Responsibilidad kong tumulong sa ibang tao, bilang isang ninja, but I already quit it. I need to quit my habit of investigating cases in other cities, too. Ipinangako ko sa sarili ko na gagamitin ko itong abilidad ko para protektahan ang mga tao sa paligid ko, but not anymore. And when I say abilidad, wala itong kinalaman sa magic powers. Lakas at diskarte ang puhunan ko rito. "Alam kong matatagalan bago maresolba ito kaya kailangan nating tumulong. One month will be enough, Aki," pakiusap niya pa. "If tutulong ka, I'm sure matatapos ito in 2 weeks," dagdag pa niya. Muli akong napabuntong-hininga. Pinatay ko ang gripo at pinunasan ang mga kamay ko sa suot kong apron. Hinarap ko na nang tuluyan si Grae at tiningnan muli nang diretso. "Inuulit ko, Grae. Delikado ang kaso na ito. Walang maiturong suspek ang mga pulis kakailanganin pa natin mag-imbestiga nang mabusisi at mangalap ng impormasyon," malumanay na sabi ko at alam kong alam naman niya iyon. Natahimik si Grae. "Failure will not be an option, if we push through this." Tahimik na tumango si Grae. "I know. Let's do it, please?" Wala akong nagawa kung hindi isama si Grae sa pag-iimbestiga. Plano ko naman talaga na gawin ito nang mag-isa, pero masyado siyang mapilit kahit ilan beses kong sinabing delikado. Pero kung sabagay, matagal naman na naming ginagawa ito nang magkasama kaya malakas ang loob niya. "Let's take a quick break," sambit ko kay Grae. Huminto kaming dalawa sa paglalakad at pansin ko na pagod na pagod na rin siya. Umupo muna ako sa sanga at naglabas ng apple sa backpack ko. Gamit ang kunai ay binalatan ko ito. "Ilang oras na lang ay makararating na tayo sa mismong siyudad. Magkaiba ang environment dito sa environment doon." "I understand," mahinang tugon ni Grae. Inubos ko ang mansanas ko then ibinato ko yung natira kay Grae na nasa baba ng puno, nakasandal, at natutulog na nang dahil sa pagod. Sapul ito sa bunganga niya. Sinubukan kong huwag tumawa, but I freaking can't. Napahalakhak ako habang hawak ang tiyan ko. Kita kong nagising si Grae sa tawa ko at biglang bumangon sabay kuha ng mansanas sa bibig niya sabay tingin ng masama sa 'kin. I bit my lower lip to supress my giggle but I failed. The f**k. Hagalpak ako ng tawa. "Damn!" rinig kong sigaw ni Grae. Sumilip ako sa baba at nakitang nakahiga na siya sa lupa. Hindi ko na naman napigilan, natawa na naman ako! "Damn you, Aki!" sigaw muli niya. Habang tawa ako nang tawa, naramdaman kong umakyat sa sangang kinauupuan ko si Grae. Masama ang tingin niya sa akin. Ipinatong niya ang kamay sa balikat ko. "What?" iritable kong tanong sa kanya. "We can't afford to waste a second. Come on," aniya. Palibhasa ay nakatulog na siya at nakapagpahinga. Nakalabas na kami ng gubat. Isang itim na limousine ang naghihintay sa amin doon. Grae is a rich kid, just so you know. He could pull stuff like this, kaya malaki ang tulong niya sa missions ko. Napaka-convenient talaga kapag madaming resources that you can use. "Isn't this car nice, Aki?" mayabang na tanong sa akin ni Grae kaya inirapan ko lang siya. Kami lang dalawa ang tao sa loob ng mahabang sasakyan. Nag-shrug lang ako sa kanya at tumanaw lang sa bintana hanggang sa makarating kami sa apartment na titirhan namin pansamantala. Grae had everything ready, so ang kailangan na lang naming gawin ay mangalap ng impormasyon nang hindi nahahalata ng mga tao roon. Sabay kaming bumaba at umalis din kaagad ang sasakyan. Si Grae ay nagmamadali pang pumasok sa titirhan namin upang i-tour ako. Medyo malaki kasi ang apartment at may second floor pa. At tulad ng sinabi ko kanina, ibang-iba talaga ang environment dito kompara sa Tapang. Malalaki ang mga bahay, maraming sasakyan, at mapolusyon dito. Wala nang presko at malinis na hangin. "Tatlo ang rooms," ani Grae na ngiting-ngiti. Hindi ko alam kung bakit kanina pa siya excited. "I know this is the first time na lalayo tayo sa Tapang nang matagal na panahon, but we're not here for fun," naiiritang wika ko dahilan upang mapasimangot si Grae. "Tsk. Fine," angal niya. Itinuro niya ang silid niya na una sa tatlong magkakatabing kwarto rito sa second floor. Binitbit na niya ang mga gamit niya at saka na siya pumasok doon upang mag-ayos na. Ako naman ay napabuntong-hininga na lang at pumasok na sa ikatlong silid upang makapag-ayos na rin ng mga gamit ko at makapag-pahinga na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD