Kabanata 19

2541 Words
Hindi ko alam kung bakit, pero pilit na sumisiksik sa isip ko ang mga memorya ko noon sa mga naunang misyon ko... mga panahong buhay pa si Collin. Kapag ganito, parang may gustong sabihin ang utak ko sa akin ngunit hindi ko pa maintindihan o makuha. Back when I was still a ninja, may mga misyon na kaming tinapos. Malaki ang pagkakaiba ng mga ordinaryong tao sa aming mga ninja. Sila, may iba't ibang purpose ang buhay nila. Nabubuhay sila para sa kanilang mga pamilya, pangarap, para sa darating nilang pag-ibig. Samantalang kami? Ang tanging purpose namin sa buhay ay mamatay—mamatay habang pinoprotektahan sila at ang buong bansa, at labanan ang mga masasamang gawain dito sa bansa, at ang mga gustong sumira dito. We will protect our home, even if it means putting our life on a line. That's why we're far from ordinary. Ang sakit lang isipin para sa akin na mabubuhay ako upang protektahan ang pangarap ng iba. What about mine? Iyon ang parating tumatakbo sa isip ko noon. We don't have super powers and we don't use unimaginable energies or supernatural energy to produce magic. We won't be evolving into a huge monster and hurt my comrades. Normal na tao pa rin kami. We're just dexterous than any other people. Pinagmasdan ko si Collin na papalapit sa akin. Nakakunot ang noo niya na para bang tinatanong ako kung anong nangyari sa akin. Nang nasa harapan ko na ito, yumuko diya para pantayan ang mukha ko. "Akira, you okay?" I nodded. "I'm fine. Don't worry about me, Collin." "Right. I'll be leaving now. Take care, okay? And don't do anything stupid. I won't be there to stop you." I rolled my eyes. "I know. Just go." I should've listened to him that day. Hindi ko sana siya hinayaang mapunta sa ibang team. Ngumiti siya. "Good luck to our very first mission. See you around." He even saluted before he left. Siraulo. Tumayo na ako pagkatapos ng limang minutong pagpapahinga. Pinagpagan ko ang suot kong tank top at itim na shorts, at inayos ang pagkakatali sa left thigh ko at sa wrist ko. Then ipinatong ko ang flannel long sleeves na kinuha ko sa bag ko. Hindi ko suot ang jersey shirt na ibinigay nila sa amin kanina, pero nag-desisyon ako na umikot na rin para maghanap ng groupmates ko. Kaunti na lang ang mga tao rito pero hirap pa rin akong maghanap ng kagrupo. Bwisit, saan na ba nagsususuot ang mga iyon? Nalibot ko na ang isang buong village pero wala akong nakitang naka-jersey na may numerong trese. Nakarating ako sa maliit na playground. Pabagsak akong umupo sa swing. Huwag niyong sabihing wala akong ka-group? Solo ako, gano'n ba? Ilang sandali pa, nakarinig ako ng ingay hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ko. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang mga boses at mga yabag. At nagmula ito sa isang bar. Patungo sila sa direksyon ko. "Who told you to not wear your jersey shirt?" rinig kong reklamo ng isang lalaki. Kunot ang noo niya at parang inis na inis. "Wow. Look who's talking!" sarcastic na sagot ng isang lalaki na masama rin ang tingin, sabay tingin sa shirt nung lalaki. "Sino kaya itong mas inuna ang pagkain sa kung saan kaysa maghanap ng kagrupo?" singit naman ng isa pang lalaki na chill lang, pero nababahiran pa rin ng inis ang boses nito. "Tumahimik na nga kayo. Ang babaho ng mga hininga ninyo!" bulyaw ng huling lalaki na may lollipop sa bibig. Tumingin yung tatlo sa kanya ng masama. "Sino ka sa inaakala mo?" Inirapan lang naman sila nung lalaki at nagpatuloy na sila sa paglalakad with their handsome pero busangot na mga mukha. I was like: Pfft, seriously? I think I already have an idea who they are. I mean, they're looking for their last groupmate, right? Isn't it me who they're looking for? Inayos ko ang pagkakasabit ng backpack ko sa magkabilang balikat ko at sinalubong ang apat. "Hey. I'm Akira, group thirteen." Inilahad ko ang kamay ko, trying to be friendly. "I think I'm your lost groupmate." Nagtinginan silang apat, tapos ay tiningnan ang kamay ko na nakalahad. Tapos ay tumingin sa akin na para bang lalamunin nila ako nang buhay. Bahagya akong napaatras. Wait, what? "Where have you been?" sabay-sabay nilang tanong. Ang hilig nilang mag-chorus talaga. Tapos ay isa-isa silang umiwas ng tingin sa 'kin. Aba! Inis na binawi ko ang kamay ko at inirapan silang apat. Mga bwisit. Nauna na rin akong maglakad sa kanila. "I really am unlucky to have these damned guys. What a shitty group," bulong ko pero may diin at talagang pinaparinig ko sa kanila. Unang meeting palang, hindi na kami magkakasundo, sa susunod pang mga buwan pa kaya? Na-uh. "You idiots!" Napapikit na lang ako nang hampasin ng Head Mistress nang malakas ang table niya. "Simpleng direksyon hindi niyo masunod! Gusto niyo bang bumalik sa academy, ha!" Tahimik lang kaming lima. Hindi kami makasagot. Sobrang katakot-takot ang salubong niya sa amin kanina. Batuhin ba kami ng mga punyal. Buti na lang ay naiwasan namin ang mga iyon. "Hindi nila nahanap kaagad ang isa't isa-" bulong ng assistant niya pero hindi niya ito pinatapos at binalingan kaagad kami. "That's because you didn't wear your jersey uniform, you fools!" sigaw na naman niya. I sighed. "Ang baduy kasi." Nagkatinginan kaming lima dahil nagkasabay-sabay kami sa pagsagot. Imbes na matawa, nag-irapan pa kami. Itinuon ng Head Mistress ang atensyon niya sa mga papel sa table niya tapos ay isa-isa kaming tiningnan. "Takashi Sebastian, Usume Tyrone, Mitobe Hiro, Asai Clyde, Kawahara Akira. Group thirteen." Ngumiti ang Mistress, isang nakakatakot na ngiti. "What a coincidence. Talagang nagsama-sama sa isang grupo ang limang maimpluwensiyang pamilya sa iba't ibang siyudad. Unang beses nangyari ito." Napahawak siya sa baba niya na para bang malalim na nag-iisip. Ngayon ko lang din na-realize. Takashi Clan, most powerful family sa Uz City, Mitobe naman sa Um City, Asai sa Aki City, Usume sa Ma City at Washima sa Naru City. So, kasali sila sa Top 5 Elite Families. "Kawahara," rinig kong bulong ni Sebastian. "Saan ko ba narinig iyon?" "Kawahara Clan, ang pinaka-maimpluwensiyang pamilya, hindi lang dito sa Uzumaki City, pati na sa mundo ng mga ordinaryong tao." Tumitig sa amin ang Mistress. "Kaya maswerte kayong apat dahil hindi na kayo mahihirapan sa magiging headquarters ninyo." Nganga yung apat sa sinabi ng Mistress. Ako naman ay nanatiling tahimik. Inip na inip na ako. Hindi rin naman nakakatuwa ang ganoong klaseng introduction sa pamilya ko. We're not just rich, okay. We're genetically skilled. "Since this is a special group, I'm going to give you an S-rank mission. So, listen carefully to what I'm about to say." O-kay. An S-rank mission? After she discussed what kind of mission it is, she handed us the infos and such, and sent us out of the office. We were just like, whoaa, seriously? I slumped down onto my bed as I locked my room. I'm tired and hungry at the same time. Like, how can I fill my empty stomach if I'm sleepy as f**k that I can't even move a single part of my body? I didn't know that the Mistress is this cruel. She's a heartless b***h! Would you care what she told us? For being late, bibigyan niya raw kami ng isang magaan na parusa for she is a kind-hearted woman daw. And you wanna know what is that magaan na punishment? She wouldn't let us ride a helicopter, o kahit lumang car man lang papunta rito sa Manila. Yes, ladies and gentlemen, naglakad lang kami. It took almost two weeks to get here. Ang layo ng lugar ng mga Ninjas dito sa lugar ng mga ordinaryong tao. Yes, sanay kaming maglakbay ng malalayong lugar without using cars. But this is way too much! Hindi lang iyon. She also gave us an S-rank mission. How absurd! HOW f*****g RIDICULOUS! "Akira! Dinner is ready!" rinig kong boses ni Clyde. Sa sobrang pagod ko, hindi ko na talaga maimulat ang mga mata ko at antok na antok na ako. Nang hindi ako sumagot, mukhang inutusan niya si Tyrone na umakyat dito sa kwarto at katukin ako dahil ilang sandali pa, narinig ko na ang boses nito. "Akir-!" "Shut up!" singhal ko. At dahil doon, parang biglang nawala lahat ng antok ko sa katawan dahilan para mainis nang sobra. All I need right now is sleep and now... Gahd, life is so cruel. No, these boys are! Huminga ako nang malalim upang maibsan ang inis ko sa mga ito at sinubukang bumangon. Ramdam ko talaga ang sakit ng mga binti ko sa sobrang paglalakad nitong mga nakaraang linggo. "We'll wait for you, Akira," rinig ko ulit na sabi ni Tyrone. Napabuntong-hininga na lamang ako. "Fine. Just a second," tinatamad kong sagot at dumiretso na sa banyo upang maghilamos ng mukha ko. I really am worn out. Hindi ko lang alam sa apat kung bakit hindi man lang sumakit ang katawan nila. Maybe I am too worked up sa pag-travel namin dahil siguro sa inis ko sa Mistress. Matapos kong maghilamos ay bumaba na ako na iinat-inat pa. Nakatingin lang ang mga ito sa akin habang pababa ako ng hagdan. Yung mga tinging nawi-weirdohan. "What?" iritable kong tanong at umayos ng tayo. Umirap ako sa kanila at umupo na para kumain. Pinagmasdan ko ang mga nakahandang pagkain sa mesa. Mga lamang dagat lahat. Paborito ng Dad ko ang seafoods kaya parating may ganito sa refrigerator. I missed you, Dad. Hindi naman ako naging emosyunal dahil wala naman kaming gaanong alaala rito ng family ko. Pumupunta lang naman sina Mum or Dad dito kapag hindi na sila makauwi sa bahay dahil malayo. Kaya laging may nakahandang pagkain dito. But since nandito na kami, Manang Olivia decided na lumipat sa house namin para doon magtrabaho. Hindi rin kasi pwedeng may ibang tao rito. Masyadong confidential ang misyon na ito. "May dumating na sulat mula sa Mistress. Sinabi rito na naipadala na thru e-mail ang information about sa academy na papasukan natin," anunsyo ni Sebastian habang subo ang malaking hipon. "Information din about us, para makilala na rin natin ang isa't isa." Tumango ako, "I'll get my laptop. Para ma-discuss na natin ang tungkol doon." Umakyat uli ako sa room ko at kinuha ang laptop ko. Sa totoo lang, parang ayaw ko na talagang lumakad, pero kaninang naalala ko ang misyon namin, parang na-excite ako bigla. It will be fun! Mission means adventures and adventures are dangerous, therefore, dangerous adventure means fun, right? Pagbaba ko, inilapag ko sa tabi ng plato ko ang laptop at kaagad na binuksan ang account na tinutukoy sa sulat. So, ginawan na rin pala kami ng user account. Ashton Academy. Isa itong art school na talaga namang sikat sa loob at labas ng bansang Pilipinas. Ito ay para lamang sa mga estudyanteng mahilig sa sports, sa painting, sa drawing, sa pag-awit, sa pagsayaw, etc. Matatalino rin ang mga estudyante dito at talagang may mga itsura na para bang kalahok ang lahat ng mga mag-aaral sa pageant. To make it short, ang mga mag-aaral dito ay halos- no, lahat ay beauty and brain, at required din ang pagiging talented ng mga ito sa iba't ibang larangan o sining. "Paano kung gwapo lang?" biro ni Tyrone. "Hah? Saan?" sarkastikong tugon ko rito. Sumimangot lang ito sa akin. Nagpatuloy ako sa pagbabasa tungkol sa Ashton Academy. Tahimik na nakikinig lang naman ang apat. Paminsan-minsan ay sumisingit sina Seb, Tyrone, at Clyde. Si Hiro naman ay tahimik lang na nagmamasid. Binasa ko na ang pinaka-dulong part which is yung iniwan na message ng Mistress para sa amin. "Kawahara, Takashi, Usume, Asai, Mitobe. I'm counting on you. Always remember, failure is not an option." Isinara ko ang laptop at tiningnan sila isa-isa. Tyrone gave Sebastian a high five, Clyde just smiled, and Hiro nodded. "Now, what is our plan? Any idea?" I asked them. Natigilan ang tatlo habang ngumiti lang sa akin si Hiro. I nodded at him. "Go ahead." "Feel free to ignore it, okay? My plan is," tila nahihiya nitong sabi, then nakinig kami sa plano niya. Sinabi niya ang mga dapat naming gawin at kung ano ang role namin. "There. Does it sounds good? Or..." "I think it'll work," Clyde answered and then looked at me. "What do you think, Akira?" I nodded. "But I do not agree about the last part." Tumaas ang kilay ni Sebastian, at kunot-noo akong nilingon ni Tyrone. "Which part?" "Good luck, Akira," nakangiting wika ni Hiro habang pinagmamasdan akong mabuti. "Watch your temper, alright?" "Go, Aki!" the three idiots said in unison. "Just do your part, and leave the rest to us!" I glared at them deadly. "Will you please shut up? Annoying." Tumingin ako kay Hiro at tinaasan siya ng kilay. "I'll try my best to stick on the plan, but I can't promise you that I'll succeed. Paki-ready na lang ng back-ups ko." I glanced at Tyrone and Sebastian. "..back-ups kong walang kwenta." "Wala namang ganyanan, Aki," reklamo ni Sebastian. Lakas ng loob tumutol doon sa walang kwenta na part, e totoo naman. Alam lang niyan ay kumain, eh. "Basta, good luck, Aki. Promise, araw-araw kitang ipagluluto ng dinner. Masarap na dinner," nakangiting wika ni Clyde. May magagawa ba ako? Wala naman akong choice kung hindi gawin ang ipinapagawa sa akin. Though masarap ngang magluto itong si Clyde. Medyo tempting yung offer, ha, kung hindi lang ito sapilitan. Naalala ko yung sinabing plano ni Hiro noong isang gabi. Why me, idiots? "And, Akira, you're the one to play the very important role on this plan. Ikaw ang magsisilbing spy sa loob ng school. Ikaw lang ang may kayang gawin iyon, since ikaw ang pinaka-magaling na spy at ninja sa siyudad ninyo. No, sa buong ninja world, actually." Talagang dinagdag yung 'magaling na ninja o spy sa buong ninja world' para lang sumang-ayon ako sa plano nila. Well, they got me there. "You're the first one to enter the said school. Kaya hangga't maaari, maintain your low profile. Para makagalaw ka rin nang maayos. If ever hindi umayon ang mga pangyayari sa plano natin, I'll be sending Tyrone or Sebastian as your back up. But for now, act like a real ninja. Remember, this is a rank S mission. It would be better if you stop being hasty." Napabuntong-hininga ako at tinignan silang apat. Nakangiti sila sa akin at parang suportadong-suportado. "Right. Alis na ako." Tinalikuran ko na sila at lumabas na ng gate. Malapit lang ang Ashton Academy dito sa bahay kaya I decided na takbuhin na lang. Habang tumatakbo, naalala ko yung profile ko na ipinadala ng Head mistress sa amin. Akira Kawahara. Isang mahusay na ninja sa Uzumaki Academy ng siyudad ng Naru. Ipinamalas nito ang katapangan sa kabila ng pagiging 'war orphan.' Tinawag itong Ace of the Uzumaki dahil sa hindi pangkaraniwan nitong abilidad. Sa limang estratehiya ng isang ninja, na-master niya ang Eye for Error. Mabilis ang mga mata nito at madali nitong malaman ang mga bagay na hindi madaling mapansin ng karamihan. To make it short, ang forte nito ay ang pagkalap at pag-analisa ng impormasyon. I scoffed. "At least you're good at acknowledging someone's ability," I murmured. "Not bad, Head mistress."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD