❤️CHAPTER 8❤️

1042 Words
It's been 2 weeks since I started running away from Hendrix. Sa tuwing pumupunta sya sa bahay bumababa kaagad ako sa secret elevator ng bahay namin na pamilya lang namin ang nakakaalam para makapunta ako sa labas ng bahay ng hindi dumadaan sa front door ng bahay. Maybe you think that it's because of what happen 2 weeks ago but its not. Sa sobrang gwapo ng bespren ko at sobrang ganda ko. Tatlo sa mga EX nya ang dinumog ako sa condo ko last week eksaktong araw kung kailan ako makikipagbati sa bespren ko. *Ding Dong* *Ding Dong* *Ding Dong* Anak ka ng tinapa! Grabe naman yung animal sa labas! Mukhang may balak sirain yung doorbell ng condo ko. Pinuntahan ko yung pinto at binuksan iyon. Balak ko sana sumigaw pero hindi ko nalang ginawa. Sisigaw ka pa ba kung may makita kang tatlong toro na umuusok ang mga Ilong at tenga? Baka mapasabi ka nalang ng 'No,thanks'! "What do you need from me?" Dapat kalmado. Mamaya sigawan ko itong mga toh lumipad pa ako. "Alam mo pasimple ka ding lumandi eh! May pa sabi-sabi ka pa dati na 'You're not going to fall in love with your best friend' tapos ngayon makikita namin na mas malandi ka pa pala sa amin!" Sigaw ni Nhoella, isa sa mga Ex ni pareng Hendrix. Anak ng tinapa naman! Ito yung hirap eh yung magkaroon ka ng boy best friend na maraming ex eh. Bakit ba kasi ang landi ni Hendrix eh? Ako nalang dapat nilandi nya! "Uhm excuse me, im not flirting with my best friend." Sabi ko sa kanya habang binubuksan ng malaki yung pinto ng condo ko. "At isa pa hindi ako malandi tulad nyo." Sabi ko sa kanya pagkatapos ko humarap sa kanya. *flip hair* "Kung hindi ka malandi eh bakit kung makalingkis ka sa boyfriend ko eh tinalo mo pa ang bulate? Ha?!" Bulate? Lumilingkis? Saan naman nakakita ang babaeng ito ng bulate na lumilingkis? "Nhoella, you're not Hendrix girlfriend na kaya! You're his ex na! Are you still nanaginip ng gising ba?! Wake-up na nga!" Sabat ni Ashley. Sya yung naging gf ni Hendrix na everytime na uuwi sya nagrereklamo sya na masakit daw ulo nya kasi hindi nya naiintindihan. Sa pagiging conyo nya 1 week lang tuloy sila. Yan conyo pa more! "Oo nga! Pare-pareho na tayong ex dito!" Natakpan ko kaagad yung tenga ko dahil biglang sumigaw yung ex ni Hendrix na nakalunok ng Megaphone. Sa lahat ng ex ng bespren ko sya yung ayaw na ayaw ko tabihan. Yung tipong katabi nalang nya ang may bakanteng upuan pero mas pipiliin mong tumayo nalang. Akala mo laging nasa malayo ang kausap nya eh. "Shut up nga! Looks like you make lunok every megaphone na makikita mo! You can be a tanod na because of your boses!" Sabat ni Ashley 'the conyo'. Parang duduguin ako sa kanya dahil sa lenggwahe nya na alien lang ata ang nakakaintindi. "Shut up!" Napaatras yung mukha ko ng bigla along duruin ni Nhoella. " Tigilan mo ang paglandi kay Hendrix kung hindi pupunta ako ng Italy para lang sunugin yung mga alaga mo!" Sabi nya habang dinuduro ako. Maputol sana daliri mo! "Oo na! Lalayo na!" Ok lang sa akin na pumunta sya ng Italy dahil hindi naman nya magagalaw ang mga alaga ko doon. Baka sya pa ang masunog kesa sa mga alaga ko. Pagtapos nilang magsisigaw sa condo ko umalis din sila kaagad. Sinundan ko nalang sila ng tingin hanggang makasakay sila sa elevator. Masyado na silang obsessed sa bespren ko. Buti nalang a akin obsessed si Hendrix. *Flip hair* Hindi ako natatakot sa kanila eh. Ang kinatatakutan ko eh yung gambalain nila ang mga alaga ko. Baka mamaya nyan eh imbis na sila ang ipakulong ko dahil sa pagiging stalker ako pa ang makulong eh. Mamaya nyan dahil sa paggambala nya kay Crooky at Lyonn ako talaga ang maghimas ng rehas. Pangalan palang alam mo na kung anong klase ang alaga ko kaya nakakapagtaka na ganun kalakas ang loob ng Nhoella na iyon. "Kausapin mo nalang baka may nasabi ka talaga na hindi nya nagustuhan kaya ka nya iniiwasan." Boses ni Papa yun ah. Tatlong tao lang naman ang kilala ko na kinakausap ni Papa ng mahinhin.Ako,si mama at si Hendrix. Imposibleng ako diba?Eh nandito ako sa kwarto ko diba. Sa tingin ko impossible din na si mama dahil wala naman kami napag-awayan so isa lang ang ibig sabihin nito...... "Sige po.Handa naman po ako suyuin si Reachelle eh. Ayaw ko po na hindi nya ako pinapansin. Hindi po ako sanay na hindi nya ako pinapansin." Takte ! Nandito si Hendrix! Sinabi ko na nga ba eh! May ibig sabihin ang ngiti ni kanina eh. Sa tuwing magkakasalubong kami nagugulat ako dahil sobrang laki ng ngiti nya sa akin! Takte akala ko may kasalanan lang sya na nagawa na hindi ko alam kaya hindi ko nalang pinansin. Takte! Saan ako magtatago nito?!! Luminga linga pa ako pero bukod sa walk in closet ko sa cr lang ang nakikita kong pwede kong pagtaguan. Tumakbo ako papunta sa walk in closet ko dahil no choice na ako. Ayoko kaya sa cr magtago mamaya biglang may kamay na biglang lumabas dun eh! *door opens* Nakita ko si Hendrix na nakapasok na ng kwarto ko at mukhang hinahanap ako dahil nakita ko sya na palinga-linga sya. Nakita ko rin na kumunot ang noo nya habang palingon lingon sa paligid. "Asan na ba yung batang iyon?! Maisara nga ulit ang credit non! Tumatakas na naman ng wala ng paalam!" Rinig kong sigaw ni papa. Dahil dun sa sinabi nya napalabas tuloy ako kaagad! Muntik pa ako madapa! Eto na hindi na nga magtatago eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD