"Aray ko naman chelle! Kailangan mo ba talaga akong ihulog sa kama? Pwede mo naman akong gisingin nalang ah hindi naman ako mahirap gisingin eh." Sabi sa akin ni Hendrix habang hinihimas yung pwet nya.
"Bakit masakit ulo ko?! Saka bakit katabi kita matulog?! Akala ko ba ayaw mo na may katabing babae kung matulog?!" Sigaw ko sa kanya.
Nung magising ako sobrang sakit ng ulo ko pero nung nakita ko sya na katabi ko tapos nakayakap pa sya bigla ko sya natulak kaya ayun nahulog sa kama.
"May hangover ka kaya masakit ulo mo! Uminom ka,remember?" Oo nga pala pinilit ko sya na pumunta kaming bar. Kaso bakit magkatabi kami?
Tatanungin ko pa sana sya ang kaso kumirot yung ulo ko parang biglang pinukpok. Umusog ako at sumandal nalang sa headboard ng kama. Mamaya ko nalang awayin asawa ko.
Charot!
Narinig ko sya na nag 'tsk' tapos lumabas sya ng kwarto. Maya-maya bumalik sya na may hawak na baso na may laman na tubig at isang piraso ng Advil.
"Inumin mo yan para mawala ang sakit ng ulo mo." Malamang alangan inumin ko para mawala yung ulo ko. Sya talaga yung adik hindi ako.Tsk tsk!
Kinuha ko nalang yung baso at gamot at ininom. Pagtapos ko uminom binigay ko na sa kanya at sumandal kaagad sa sandalan. Lumabas ulit sya medyo matagal bago sya bumalik. Nung makabalik sya basa na yung buhok nya.
Nadulas ba sya at natapon sa ulo nya yung tubig?Tanga naman!
"Naligo muna ako bago dumiretso dito. Nilutuan na din kita baka nagugutom ka na." Sabi nya sa akin habang lumalapit sa akin. Sayang akala ko nadulas sya tawanan ko sana.
"Ikaw bakit hindi ka pa kumain?" Tanong ko sa kanya nang maipatong nya sa kama yung silver tray kung saan nakalagay yung almusal ko na 2 piraso na bacon at fried rice.
"Kulang pa nga sayo yan eh." Kung hindi lang matatapon ang pagkain baka binato ko na sya. Baka nga din naghahabulan na kami eh. Buti nalang talaga at nanghihinayang ako sa matatapon na pagkain.
"Pasalamat ka nanghihinayang ako sa pagkain nato kung hindi may bukol ka na siguro." Tinawanan lang ako ni Hendrix saka sya naupo sa tabi ko.
"Naalala mo ba kung ano-ano ang ginawa mo kagabi?" Kaagad naman akong napatingin sa kanya. Syempre sino ba naman hindi mapapatingin diba? Marinig mo nga lang sa kaibigan mo na may nalaman syang sikreto nanginginig ka na eh.
Wala naman siguro akong ginawang kababalaghan kagabi diba?
"B-bakit? May ginawa ba ako kagabi na dapat ko pagsisihan ngayon?" Anak ng tinapa! Kinikilabutan ako! Mamaya nyan may nagawa ako na ikagagalit nila mama at papa. Kahit naman pasaway ako kila mama hindi ako gagawa ng bagay na baka maging dahilan kung bakit papalayasin ako ng bahay.
"Wala ka ba talagang naalala?" Anak ng tinapa naman oh! Nambibitin pa eh! Ayan yung pinaka ayaw ko sa ugali nya eh! Apaka hilig nya mambitin nakakabwisit!
"Nakakainis ka naman eh!" Sigaw ko saka sya sinipa ulit dahilan kung bakit sya nalaglag ulit ng kama. Nanainis eh. Hindi nalang sabihin kaagad.
"Aray ko naman Reachelle! Sasabihin ko naman talaga sa iyo eh! Hindi mo naman ako kailangan sipain! Ang sakit mo kaya manipa!" Reklamo nya sa akin habang hinihimas yung pwet at tagiliran nya.
"Ang hilig mo kasi mambitin eh! Pwede mo naman sabihin kaagad pero nambibitin kapa!" Adik kasi! Alam naman nya na ayaw ko ng nabibitin nanakit talaga ako eh.
"Edi lalong hindi ko sasabihin sa iyo! Inaaway mo na naman ako!" Napababa kaagad ako ng kama dahil dun sa sinabi natapon tuloy yung pagkain. Hindi ko na tuloy alam kung ano yung uunahin ko.
Hahabulin ko ba sya o ililigpit yung pagkain?
Nakita ko sa peripheral vision ko na napahinto din sya. Anak ng tinapa naman kasi talaga eh! Kasalanan lahat ni Hendrix ito eh.
"Bakit mo hinulog?!" Bigla Kong nailagay yung kamay ko sa dibdib ko. Nakakashocked naman! Ako pa may kasalanan?
"Ikaw kaya may kasalanan! Kung hindi ka nagpahabol edi hindi sana nahulog yung plato!" Totoo naman eh sya naman talaga ang may kasalanan hindi ako! May pa alis alis pa kasi syang nalalaman ayan tuloy napahabol ako sa kanya.
"Anong ako?! Eh ikaw naghabol dyan?!" Eh sa gusto ko malaman kung ano yung ginawa ko kagabi eh. Wala naman akong ibang mapapagtanungan dahil sya lang naman ang kasama ko kagabi.
Naupo nalang ulit ako sa kama at yumuko para damputin yung nakalat na pagkain. Sayang yung pagkain! Nagugutom pa man din ako! Pagtapos ko magligpit uuwi na ako at doon nalang kakain.
Nung matapos ako tumayo ako at hinanap yung pouch ko kung nasaan nakalagay yung cellphone ko. Nung mahanap ko kinuha ko agad yung cellphone at binuksan. May isang message doon na tinanggal ko muna sa screen ng phone ko. Sa bahay ko nalang basahin baka may makabasa pa mapeligro pa ako.
"Teka saan ka pupunta?" Biglang tanong sa akin ni Hendrix nang makita nya na palabas na ako ng kwarto nya habang inilalagay ang cellphone ko pabalaik sa pouch ko.
"Uuwi. Problema ka?" Tanong ko sa kanya. Nagtuloy-tuloy ako palabas ng kwarto nya pero nung pababa na sana ako ng hagdan hinila nya ang braso ko para mapaharap ako sa kanya.
"Antayin mo ako ihahatid na kita." Sabi nya sa akin at saka ako hinila ng marahan papasok ulit ng kwarto nya. Pinaupo nya ako sa kama nya at hinanap yung susi nya. Nung lumabas sya para pumunta sa kwarto nya lumabas na ako at dali-daling bumaba at lumabas ng condo nya.
Nung makababa ako agad akong pumara ng taxi at sumakay dito. Habang umaandar ang taxi binasa ko muna ang message sa akin kanina at nireplayan. Ibabalik ko na sana ang phone ko sa looob ng pouch ko pero biglang may tumawag kaya naantala. Nang tignan ko 'Hendrix ko' ang nakalagay. Ngumiwi muna ako at binalik ang cellphone sa pouch.
Hindi mo kasi dapat inaaway ang asawa mo yan tuloy naiwanan ka mag-isa sa condo mo. Charot! Gusto ko lang talaga magpalambing kay crush!