CHAPTER NINE
NAHIGIT ni Sanya ang paghinga nang sa isang iglap ay nakasandal na siya sa pader at ang mga braso ni Keith Clark ay nasa magkabilang gilid na niya.
“Sige, subukan mo `kong takbuhan uli.”
Tumayo ang mga balahibo niya sa batok nang tumama ang mainit na hininga nito sa kanyang mukha. Sanya felt like her heart was already in her throat.
Gustuhin man niyang tumakbo, ramdam naman niya ang panghihina ng kanyang mga tuhod para gawin iyon. Pero bakit kailangan pa niyang gawin iyon? She wanted to be with him since the beginning. She wanted to be with him, period. Mas lamang ang kagustuhang iyon kaysa sa tumakbo palayo rito.
“A-alam mo namang gusto na kita, umpisa pa lang, `di ba?” nautal na sabi niya.
“Gusto kong marinig uli na sabihin mo `yon.”
Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi naman sana problema iyon kung hindi lang sana sila ganoon kalapit sa isa’t isa.
“Okay,” pagkuwan ay sabi nito. Hinawakan nito ang baba niya at marahang inangat para magtagpo ang kanilang mga mata. “Alam kong nahihiya ka kaya ako na lang ang magsasabi. You like me and I don’t mind.”
May kakaibang kinang ang mga mata ni Keith Clark nang mga sandaling iyon. Malamig naman ang simoy ng hangin pero ano iyong kakaibang init na unti-unting gumagapang sa buong sistema ni Sanya?
Of course, you know what that heat meant! pakli ng baliw na bahagi ng utak niya.
Sa isang iglap ay muli niyang naramdaman ang mga labi ni Keith Clark sa mga labi niya. Napapikit siya dahil sa nakakakiliting sensasyong gumapang sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Hinalikan siya nito sa paraang banayad at masuyo.
Kung hindi lang siguro naging maagap si Keith Clark sa pagpulupot ng isang braso nito sa baywang niya, malamang ay nabuwal na siya. Humawak siya rito para kumuha ng lakas. At natagpuan ni Sanya ang sariling tinutugon ang mga halik nito sa paraang alam niya.
Kamuntikan na siyang magreklamo nang basta na lang nitong putulin ang halik na pinagsasaluhan nila. Walang salita at walang kahirap-hirap na binuksan ni Keith Clark ang pinto ng kwarto nito at ipinasok siya.
Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay isinandal siya doon ni Keith Clark at muling hinalikan ang mga labi niya. Sa pagkakataong iyon ay nagbago ang paraan ng paghalik nito sa kanya—mapusok, at mapaghanap. At walang reklamo doon si Sanya.
Ikinawit pa niya ang mga braso sa balikat nito at tinugon ang mga halik nito nang buong puso. She felt wanted. Nag-uumapaw ang saya sa puso niya nang mga sandaling iyon. Posible palang may lalaking magpaparamdam sa kanya nang ganoong pakiramdam. It felt glorious.
Napasinghap at napaungol si Sanya nang maramdaman ang mainit na kamay ni Keith Clark sa isang dibdib niya. Wala siyang suot na bra dahil hindi naman kailangan. Hindi niya inaasahan ang reaksiyon ng katawan niya. He pressed her breast and his thumb caressed her already engorged n****e.
Malakas na suminghap si Sanya nang maghiwalay ang kanilang mga labi para sumagap ng hangin. Pero hindi tumigil si Keith Clark. Sa isang iglap ay naramdaman niya ang mga labi nito sa kanyang leeg. Napakislot si Sanya dahil sa pagkakiliti.
DAHAN-DAHAN siyang inihiga ni Keith Clark sa kama at pinaimbabawan. Pinaulanan nito ng mga mumunting halik ang kanyang mukha, ang kanyang leeg, at magkabilang balikat. Mabilis ang paghinga nito at namumungay ang mga mata.
Sanya knew that moment that she wanted more from him and she had no plans of turning back. She loved him and she wanted to feel him inside her. She could feel it in her navel.
“What are you waiting for, Senator?” paanas na tanong niya.
Mariing hinalikan ni Keith Clark ang noo niya habang nakatukod sa magkabilang gilid niya ang mga braso nito.
“Ayaw kitang saktan, cupcake.”
“May kontrol ka pa pala sa lagay na `yan,” tukso niya rito.
“Don’t tease me,” he whispered grinning. “Or I’ll lose it.”
“Go ahead. Lose it. Make me feel lika a woman. Sabi nila, masama raw binibitin ang mga babae.”
“Parang narinig ko na rin `yon.”
Napabungisngis si Sanya habang si Keith Clark naman ay naghubad na ng T-shirt. Hindi niya napigilang humanga sa kakisigan nito. Hayan, wala nang ano mang nakaharang. Lagot ang abs nito sa kanya mamaya.
“Game na `ko, cupcake.”
ANG AKALA ni Sanya ay mahahati ang katawan niya dahil sa kirot sa simula ng pagiging isa nila ni Keith Clark. But as he continued to thrust his mighty manhood inside her, the pain eventually subsided and was replaced by an unexplainable pleasure.
Sanya snaked her legs around his waist and buried her nails on his back as he continued to drive her body into ecstasy. Her moans almost sounded like little cries. Hindi niya alam kung paano pipigilan ang sarili. At ayaw ni Keith Clark na pigilan niya ang pag-alpas ng mga ungol sa kanyang lalamunan.
It was heaven to feel her sensitive walls clenched his pulsing, rock-hard manhood inside her. Sanya found herself rocking her hips to meet his thrusts. He didn’t only fill the needs of her body. He also filled her soul.
“K-Keith!”
Napasabunot ang isang kamay niya sa buhok nito. Halos hindi na niya maimulat ang kanyang mga mata sa pagkaliyo. Naramdaman niya ang lalo nitong pagbilis sa loob niya. She knew he, too, was closed to reaching his climax.
She can’t help it anymore. He groaned in pleasure. Sanya reached her sweet climax and was met by Keith Clarks’ hot release of his own climax. She felt him convulsed on top of her. He buried his face in her neck and felt his ragged breathing against her still sensitive skin.
Sanya moaned and lick her lips as if savoring her orgasm in her mouth. Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyan nang mabawi ni Keith Clark ang lakas nito at humiga sa tabi niya. Agad siya nitong kinabig at isinubsob sa dibdib nito.
Agad na iniyakap ni Sanya ang kanyang braso sa baywang nito. Dinampian pa niya ng banayad na halik ang dibdib ni Keith Clark. Dinig na dinig niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito at hindi niya mapigilan ang mapangiti.
Nang maramdaman niya ang paghalik nito sa buhok niya ay napatingala siya rito.
“Beautiful,” he whispered, smiling.
“Ikaw rin,” nakangiting tugon niya.
MAHINANG napasinghap si Sanya nang makita sa labas ng pinto niya si Keith Clark. Nakasandal ito sa railings at halatang naghihintay sa kanya. Ang usapan kasi nila, sabay silang magbe-breakfast.
“Good morning, cupcake,” malapad ang ngiting bati nito at tumayo nang tuwid. Napansin niya ang hawak na pulang gumamela ni Keith Clark.
“`Morning,” kimi ang ngiting bati niya.
Lumapit ito sa kanya at inilagay sa kanyang tainga ang bulaklak. Nakagat na lang niya ang ibabang labi nang mag-init ang kanyang mukha.
“Mas lalong gumanda ang bulaklak.”
Pabiro niyang hinampas ang dibdib nito.
“Sa’n mo naman nakuha `to?”
“Diyan lang sa paligid. Pero huwag kang maalala. Wala nang mas gaganda pa sa bulaklak mo.” Tumaas-baba ang mga kilay ni Keith Clark.
Hinampas na naman niya ang dibdib nito at hindi na pabiro iyon. Hindi na magtataka si Sanya kung kulay-sili na siya nang mga sandaling iyon.
“Totoo naman, a?” nakangiwing ani Keith Clark.
“Tuktukan kita diyan, e.”
“Hindi mo `ko maaabot. Ang tangkad ko kaya.”
“Kanina ka pa ba diyan? Bakit hindi ka man lang kumatok? Baka nainip ka.”
“Kailangan pa ba? Lalabas ka pa rin naman kung handa ka na. Ayos lang maghintay.”
Hinawi nito ang buhok niyang basa pa at inilagay sa kanyang likod. Napakislot si Sanya sa simpleng pagdantay pa lang ng mga daliri nito. As the events of last night rushed through her mind, she can’t help but feel overwhelmed.
“How are you feeling?” malambing na tanong nito nang hindi siya tumugon.
She’s still sore but it’s bearable.
“Ayos lang ako,” napangiting sagot niya.
Hinawakan ni Keith Clark ang likuran ng kanyang ulo at mariin siyang hinalikan sa noo. Napapikit si Sanya. Wala siyang ibang maamoy kundi ang natural na amoy ng katawan at ang sabong ginamit ni Keith Clark, pero sapat na iyon para gustuhing makulong na naman sa mga bisig nito.
`Ala na, Sanya. May tama ka na.
“Halika na, baka nagugutom ka na,” sabi ni Keith Clark at kinuha ang kamay niya.
Oo, kanina pa nga siya gutom. Pero nakalimutan niya iyon nang makaharap na niya ito.
Naglakad na silang dalawa papunta sa restaurant. Malapit na sila nang bigla na lang umalingawngaw sa speaker na nakakalat sa buong resort ang isang pamilyar na kanta. Nagkatinginan sila ni Keith Clark.
You by the light is the greatest find...
In a world full of wrong,
You’re the thing that’s right...
Napahinto sila ni Keith Clark sa paglalakad at nagtatakang napatitig siya rito. Lumipat na naman ito sa harap niya.
Finally made it through the lonely
To the other side...
“Gusto mong sumayaw?”
Tawa lang ang naitugon niya nang hapitin siya ni Keith Clark sa kanyang baywang at ang kamay niyang hawak nito ay inilagay nito sa balikat nito.
You said it again
My heart’s in motion
Every word feels like a shooting star...
Weird man ang pakiramdam pero natagpuan ni Sanya ang sariling sumasabay sa paulit-ulit na paggalaw ni Keith Clark sa magkasalungat na direksiyon. May mga guest napapatingin sa kanila pero masyado siyang nadadala rito para makaramdam pa ng hiya.
I’m at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark...
Napasinghap siya nang dahan-dahan siyang pinaikot ni Keith Clark at sinalo ng kamay nito ang kanyang likod.
And I’m in love
And I’m, I’m terrified
And they found themselves laughing for no particular reason.
For the first time and the last time
In my only life...
Lord, mahal ko talaga ang taong `to. Akin na lang siya, please...
HALOS walang gustong kumibo sa isa sa kanila habang tinutulungang mag-empake ng mga gamit nito si Sonja. Lilipat na talaga ito ng bahay kasama ang bago nitong pamilya.
“Malapit lang naman dito ang bahay namin ni Red, e. Pwede naman tayong magkita araw-araw,” untag ni Sonja.
Nagkatinginan sina Sanya at Sannie.
“Oo nga,” wala sa sariling tugon ni Sannie.
“Saka nandito na si Nanay. Kompleto pa rin tayo.” Pero ilang sandali pa ay nagtubig na rin ang mga mata ng kapatid nila.
“Ang akala ko, naiiyak ko na lahat noong kasal mo,” sabi ni Sanya.
“Nakakatuwa kayo, alam n’yo ba `yon?”
Napalingon silang tatlo kay Nanay Suzette. Nakangiti ito pero halatang emosyonal din habang nakatingin sa kanila.
“Ang tagal kong nawala sa tabi n’yo pero hindi n’yo pinabayaan ang isa’t isa. Ang dami kong pagkukulang pero kayo ang pumuno n’on.”
“Ay, si Nanay, dumagdag pa talaga,” si Sannie na naiiyak na.
Natawa na lang sila.
“Naghihintay na `yong asawa mo sa baba,” ani Sanya na napasinghot. “Huwag n’yo `kong tingnan nang ganyan. Tears of joy `to.”
Ibinuka naman ni Nanay Suzette ang mga braso nito.
“Hali nga kayo ritong tatlo.”
“HI, CUPCAKE.”
Napangiti si Sanya sa bungad sa kanya ni Keith Clark nang sagutin niya ang tawag nito.
“Hello, Icing.”
It was past ten in the evening. Nasa workshop niya siya nang mga sandaling iyon. Gumagawa siya ng painting para kay Mrs. Escudero kaya inspirado siyang magtrabaho. Gusto niyang ma-impress pa ito lalo.
“I’m glad you’re still awake. What are you doing?”
Bahagya siyang napakunot-noo. Parang nilalamig ang tono ni Keith Clark. Kunsabagay, malakas ang ulan nang gabing iyon at sabi sa balita, baka sa weekend ay pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo. Sana lang ay hindi ito manalanta.
“Nandito ako sa workshop ko, Icing. Ginagawa ko iyong nire-request na painting ng mommy mo.”
“I hate to disturb you, cupcake, pero pwede mo ba `kong pagbuksan ng pinto? Nahihiya akong kumatok. Nandito ako sa labas ng bahay ninyo.”
“Nahihiyang kuma—” Saglit lang na natigilan si Sanya. Nasa labas ng bahay nila si Keith Clark!
Mabilis pa sa alas-kwatrong iniwan niya ang ginagawa at lumabas ng sala. Malakas ang kabog ng dibdib na binuksan niya ang pinto. At nang makita niya si Keith Clark na nakatayo at may hawak na payong, parang natunaw ang puso niya.
“Naistorbo kita, `no?” he asked, sheepishly.
Sinakop ng pag-aalala ang dibdib niya.
“Pumasok ka nga,” alalang sabi niya.
Kinuha niya ang payong ni Keith Clark at tiniklop iyon.
“Nasaan si Mang Domeng?” tukoy niya sa driver nito.
“Day off niya ngayon.”
Isinara na niya ang pinto.
“Pasensiya ka na. Hindi ako sigurado kung safe pang mag-drive hanggang sa bahay sa ganitong panahon kaya dito ko naisipang dumeretso.”
Inilagay ni Sanya ang payong nito sa paso ng fortune plant. Pagkatapos ay kinapa niya ang buhok at damit ni Keith Clark. Basa ito pero kaunti lang.
“Tama lang ang ginawa mo. Halika sa taas. Kailangan mong magpalit,” napangiting sabi niya.
“Thank you, cupcake.”
Tumiyad siya at binigyan ito ng malutong na halik sa pisngi. Halatang nagulat si Keith Clark pero napalitan din ng ngiti ang mukha nito.
“Hayan, bayad ka na. Halika na, baka magkasakit ka pa.” Pagkasabi ay kinuha niya ang kamay nitong nanlalamig.
Kawawa naman ang icing ko.