X.

2353 Words
CHAPTER TEN “HINDI ba magagalit ang nanay mo na dito mo `ko patutulugin?” tanong ni Keith Clark nang nasa hagdan na sila. Nakasunod ito kay Sanya. “Icing, sa edad nating `to talaga?” natawang tanong niya nang lingunin ito. Natawa na lang din ito. “Nay, si Keith Clark ho,” sabi ni Sanya kay Nanay Suzette na nadatnan nilang nanonood pa ng TV sa sala sa taas. “Magandang gabi ho.” “`Oy.” Halatang gulat na gulat ang nanay niya pagkakita kay Keith Clark. Itinabi nito ang hawak na popcorn at tumayo. “Senator, kayo pala. Magandang gabi rin.” “Dito na po magpapalipas ng gabi si Kit kasi masama po ang panahon.” “Oo, walang problema. Delikado na ngang magmaneho sa labas. Gusto n’yo bang magkape? Ipagtitimpla ko kayo.” Nagkatinginan sila ni Keith Clark. Pareho silang nakangiti. “Opo. Thank you po,” tugon ni Keith Clark. “Salamat po, `Nay.” Hinawakan niya sa braso si Keith Clark. “Bibigyan ko lang ho siya ng pamalit.” “Sige, walang problema. Basta ikaw, Senator.” Nginitian siya nang makahulugan ni Nanay Suzette. Napatikhim si Sanya. Alam niya ang iniisip nito. Tinanong na siya nito minsan kung opisyal na ba ang relasyon nila ni Keith Clark. Hindi naman niya masabing wala pa silang label kasi baka hindi nito maintindihan. Ang sabi na lang niya, sakaling maging sila na nga, ipapaalam naman nila. Bukod do’n, ayaw mag-expect ni Sanya. Masaya siya kung anong meron sa kanila ni Keith Clark ngayon. She wanted to treasure him. Ayaw niyang pilitin si Keith Clark sa hindi pa nito kayang ibigay sa ngayon. She will wait for him. She knew he will be worth it. “Gusto mo `to?” Bahagyang naningkit ang mga mata niya habang hawak ang malaking puting T-shirt na may print ng mukha mata, ilong at bibig ni Ice Bear. “Whoa,” manghang anas ni Keith Clark at natawa. Nahubad na nito ang T-shirt nito kaya kitang-kita niya ang abs nito. “Paarbor naman niya, cupcake.” “Hmm...” Kunwari ay nag-isip siya habang hinahagod ng tingin ang katawan nito. “Parang mas bagay sa`yong walang suot. Ganyan ka na lang. Ganda ng view, e.” “Cupcake!” Niyakap ni Keith Clark ang sarili at pinalaki ang mga mata. “Hindi por que nasa loob tayo ng kwarto mo, pwede mo na `kong i-take advantage.” “Asus,” salubong ang kilay na pakli niya. “E, pa’no kung may ‘please’?” “Well...” Tumaas-baba ang kilay ni Keith Clark at saka napangisi. “Mahina ang puso ko para sa mga magagandang babae.” “Mga magagandang babae pala, ha.” Tumango-tango si Sanya habang nakataas ang isang kilay. Walang sabi-sabing ibinato niya ang T-shirt dito. Sapul ito sa mukha. “Cupcake, naman,” reklamo nito nang masalo ang damit at natawa. “Isa ka ring marupok diyan, e.” “Nagselos ka naman agad.” “Tse!” Keith Clark threw his head back laughing. Napamaywang ito kaya naman na-distract siya sa abs nitong nang-aano. Ang lakas talagang mang-ano. “Takpan mo na `yang abs mo, hindi kami bati niyan.” “Sabi mo, magandang view `to.” “Nagbago isip ko.” Muling napadako ang mga mata niya sa abs nito. Grabe, ang lakas talagang mang-ano! “Isawsaw ko sa kape `yan, e.” “SALAMAT nga pala sa padala mong bagoong na isda noong nakaraan, Senator, ha? Ang sarap. Lumalabas ang katakawan ng mga anak ko.” “`Nay,” kunwari ay saway ni Sanya. “Maliit na bagay.” “Sabi kasi ni Sanya, paborito niya, e.” Nakangiting sinulyapan siya ni Keith Clark. Napapagitnaan nila ito ng nanay niya. “Saka tawagin n’yo na lang ho ako sa pangalan ko, para hindi na po ako mailang.” Napasunod ang tingin ni Sanya sa braso nitong napunta sa kinasasandalan niya. Pasimple, ha. Napabungisngis ang nanay niya. “E, kasi naman. Hindi lang ako makapaniwala na nakakausap ko ngayon ang pinakagwapong senador sa kasaysayan ng Republika ng Pilipinas.” Napa-high five si Keith Clark sa nanay niya. Tuwang-tuwa naman ang mokong. Pasalamat ito at totoo iyon. “Sa inyo nga nagmana si Sanya, Tita.” Napabungisngis na naman ang nanay niya. “Nahihiya akong tawagin kang ‘Keith Clark’, ano ba `yan?” “Pwede n’yo naman po akong tawaging ‘Kitkat’ para mas madali. `Yon din kasi ang tawag ni Mommy sa `kin, e.” “Alam mo, Kitkat, lahat ng teleserye ng mommy mo, sinusubaybayan ko talaga. Kahit lumipat na siya ng TV station noon.” “Oh. Siguradong matutuwa si Mom kapag narinig niya `yan. Iimbitahan ko siyang mag-coffee rito one of these days. Matutuwa `yong makilala kayo.” “Ginagawan nga raw siya ni Sanya ng painting pero ayaw namang ipasilip sa `kin.” “Saka ko na lang po ipapakita kung tapos ko na,” sabi naman ni Sanya. “Hindi ka ba nahihirapan sa demands ni Mom?” tanong naman sa kanya ni Keith Clark. Nakangiting umiling siya. “Nag-e-enjoy nga ako, e. Parang gusto ko ring puntahan ang mga napuntahan nila ng daddy mo.” “Pa’no, mga bata? Matutulog na `ko, ha? Kayo na ang bahala rito.” Napatingin sila kay Nanay Suzette nang tumayo na ito. “Good night po, Tita.” “Good night, `Nay.” Tumayo pa si Sanya at hinalikan ito sa pisngi. “Good night, Kitkat. Good night, Sanya. Bagay na bagay kayong dalawa,” napabungisngis pang sabi ng nanay niya sa kanila bago tumalikod. “Narinig mo `yon, cupcake?” nakangising tanong ni Keith Clark. “Dinig na dinig ko, Icing. Matutulog na raw si Nanay.” “HINDI mo na ba babalikan `yong pagpipinta mo?” Nag-aayos ng higaan si Sanya nang lingunin niya si Keith Clark. Nakalabas na pala ito ng banyo niya. “Hindi na. Bukas na lang. Inaantok na rin kasi ako, e. Halika na, alam ko pagod ka na.” “Tabi tayo?” parang batang tanong nito. “H-hmm?” Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kama niya at sa mukha nito. Hindi napigilang mag-init ng mukha niya. “Maliit lang `tong kama ko. Baka hindi tayo kumasya.” “Problema ba `yon?” Lumapit si Keith Clark sa kama niya at nahiga. Umunan pa ito sa mga palad nito. “Kasya tayong dalawa.” Pinagkrus ni Sanya ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. Oo nga, kasya silang dalawa. Hindi naman sila malikot matulog, e. Ang sarap din nitong pagmasdan habang nakahiga. Natutukso na nga siyang tabihan ito. “Para siguradong kasya tayo, pumatong ka na lang sa `kin.” Nalaglag ang pangang napamaywang si Sanya. “Ano’ng sabi mo?” matabang na tanong niya. “Patong ka sa `kin,” napangising ulit nito. Nanlaki ang mga mata niya. Inulit talaga! “Daganan kita diyan, e!” nag-init ang buong mukhang pakli niya. “Bakit? Hihiga ka lang naman, ah? Ano bang patong ang naiisip mo?” Nanulis ang ngusong pinaningkitan ito ni Sanya. Gusto pa nitong palabasing malisyosa siya. Hindi nga ba, Sanya? pakli ng isang bahagi ng isip niya. Tumagilid si Keith Clark at umunan sa isang palad nito. “`Lika na, cupcake.” Kinindatan pa siya nito. Alam niyang inaakit lang siya nito. At dahil marupok siya, siyempre, nagpaakit siya. Pagapang siyang humiga sa tabi nito. “Huwag kang magkakamali riyan, ha,” kunwari ay banta niya rito. Tumango-tango naman ito. “Kung ikaw ang magkakamali, cupcake, walang problema.” Napatihaya ito sa kama nang kurutin niya ito sa tagiliran. “Cupcake, naman!” napahalakhak na sabi nito. “Ang ingay mo,” natawang saway niya. “Cupcake.” “Ano?” “Ang lamig, `no?” Nagtaas-baba ng kilay si Keith Clark. “Oo nga, Icing, e. Tara.” Nginisihan niya ito. Ngumisi rin si Keith Clark. Kinuha niya ang kumot na nahigaan niya at binuksan iyon. “Magkumot tayo. Malamig pala, e.” Nawala ang ngisi nito. “MOM, good morning.” Napalingon si Sanya nang marinig ang boses ni Keith Clark. Naghahanda siya ng almusal dahil siya ang naunang magising. Gising na pala ito. Tulog pa ito nang iwan niya. Sina Sannie at Nanay Suzette naman ay naglilinis sa shop bago sila magbukas. Maulan pa rin nang umagang iyon pero tuloy ang negosyo. “Oo. Kagigising ko lang. I’m okay, I’m safe...” Napasinghap si Sanya nang yakapin siya ng isang braso ni Keith Clark sa baywang. “And I’m with Sanya. Okay.” Ipinatong ni Keith Clark ang cellphone sa mesa. “Hi, Sanya, dear,” ang masiglang boses ni Mrs. Escudero. “T-Tita...” Dalawang braso na ni Keith Clark ang ipinangyakap nito sa kanya. Sinikap niyang huwag ma-distract sa masarap na yakap nito. “G-good morning po.” “Thank goodness! Nag-alala ako nang hindi ko madatnan ang batang `yan sa kwarto niya kaninang umaga. `Tapos sabi ni Manang Duday, hindi raw siya umuwi. Akala ko kung napa’no na `yang batang `yan.” “Okay lang po si Keith Clark, Tita. Huwag na po kayong mag-alala,” masiglang tugon niya. “Nag-breakfast na ho kayo?” “Hindi pa nga, e. Hindi ako makakakain hangga’t hindi ako nakakasiguro na okay lang siya.” “Mom, uuwi ako mamaya. Huwag na kayong mag-alala ni Dad. Nag-e-enjoy pa `kong kayakap si Sanya.” Napasinghap si Sanya nang halikan ni Keith Clark ang leeg niya. “Ang harot mo!” hindi napigilang anas niya. Ang lakas naman ng tawa ng mommy ni Keith Clark sa kabilang linya. “Oo nga. Masarap magharutan kapag ganitong malamig,” sabi nito at humagikhik. Pasimpleng siniko ni Sanya si Keith Clark. Napaubo naman ito. “Cupcake...” “Yes, Icing?” pasakalye niya. “Enjoy kayong dalawa diyan, ha. I’ll see you later, son. I love you.” “I love you, too, Mom.” “BATA,” natawang sambit ni Sanya nang ibulsa na ni Keith Clark ang cellphone nito. “Ang cute talaga ng mommy mo. Bata pa rin ang tingin niya sa`yo.” “Lagi ko ngang sinasabi sa kanya na hindi na `ko bata.” Pinaharap siya ni Keith Clark. Itinukod nito ang magkabilang braso sa mesa kung saan siya napasandal. “Marunong na nga `kong gumawa ng bata, e.” Pinamulahan na naman si Sanya. “Senator...” “Hmm?” tugon ni Keith Clark pero sa mga labi niya nakatingin. “M-maaga pa para mang-akit,” napalunok na tugon niya. “E, ano naman ngayon?” Lalong napaatras sa mesa si Sanya nang idikit ni Keith Clark ang katawan nito sa kanya. Napasinghap siya nang maramdaman ang pagdantay ng matigas na bagay sa bandang puson niya. Parang bato iyon. “Ano `yon?” nanlalaki ang mga matang tanong niya. “`Yon?” He lowered his face and gently brushed his lips against hers. Natameme si Sanya nang biglang magising lahat ng himaymay sa kanyang katawan. “E di `yong maliit na senador. Gising na rin.” “Maliit? I don’t think so.” Ngumisi pa ito bago tuluyang sinakop ang mga labi niya para sa isang mapusok na halik. “SIS, meron akong tanong sa`yo,” ani Sanya. Kausap niya si Sonja sa kabilang linya. Nasa harap siya ng computer niya nang mga sandaling iyon dahil sa trabaho. Nagpahinga lang siya at naisip niyang kausapin ang kapatid. “Parang seryoso `yan, Ate, a. Gusto mo bang pumunta ako riyan mamaya?” “Hindi. Huwag na. Masama ang panahon ngayon. Diyan ka na lang. Magkasakit ka pa. Pwede naman nating pag-usapan `to sa phone.” “Tungkol saan ba `yan?” “Kay Keith Clark.” “Uy.” Bumungisngis ang kapatid niya. “Ano na? Nag-level up na kayo? Buti naman!” “Hindi, hindi pa,” natawang pakli niya. “Iyon na nga sana. Alam kong maiintindihan mo `ko. Ano ang naramdaman mo no’ng kayo na parang hindi ni Jared? Dumating ka ba sa point na gusto mo na siyang komprontahin at linawin kung ano ka ba talaga sa buhay niya?” Sandaling natahimik ang kapatid sa kabilang linya. “`Yong totoo?” anito ilang sandali pa. “Oo, ilang beses nang pumasok sa isip ko `yon. `Yong mas mahirap pa ro’n, napakadaming sekreto ni Jared at takot siyang sabihin sa `kin. Minsan, binabangungot siya dahil do’n. Ang akala ko, wala lang akong halaga sa kanya. `Yon pala, hindi pa rin niya magawang mag-move on sa nangyari sa kanya kaya hindi niya masabi kung ano ba talaga ang meron kami. “Pero mahal ko, Ate, e. Naghintay ako hanggang sa maging handa na siya. At mahal niya `ko kaya hinarap niya uli `yong bagay na ayaw na sana niyang maalala.” “Gano’n pala `yon, `no? `Pag mahal mo, gusto mo agad i-define kung ano kayo. Pero kapag mahal mo rin, handa ka ring maghintay. Ang labo rin talaga ng pag-ibig.” “Sinabi mo pa,” sang-ayon ng kapatid niya. “Hindi naman siguro masama kung ako ang maunang mag-‘I love you’ kay Keith Clark, `di ba?” tanong pa niya. “Hindi. Sa pagkakatanda ko, ako naman ang naunang mag-‘I love you’ kay Jared. Ate, kapag mahal mo, mahal mo talaga. Walang babae o lalaki. Saka, hello, ang tatanda n’yo na kaya ni Senator.” “Hindi kaya niya `ko layuan?” nag-aalalang tanong pa ni Sanya. “Bakit naman niya gagawin `yon?” “Kapag hindi kami pareho ng nararamdaman?” “Hindi naman siguro niya gagawin `yon. Matured na kayo para diyan.” Sabagay, may point nga naman ang kapatid niya. Napabuntong-hininga siya. Sinabi na niya sa sariling hindi siya mag-e-expect. “Sige. Sasabihin ko na lang, I love you, no pressure.” Ang lakas ng naging tawa ni Sonja sa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD