XII.

2212 Words
CHAPTER TWELVE UMINOM ng maraming tubig si Sanya. Kumuha siya ng inumin para sa kanilang dalawa ni Mrs. Escudero bago nila itinuloy ang pag-uusap. Nate-tense siya nang mga sandaling iyon. “Do you love my son, Sanya?” “Tita—” “Of course, you love my son. It’s not that hard to tell. Alam ko kung gaano ka ka-understanding sa kanya dahil meron siyang katungkulan sa taong-bayan. Alam kong hindi pa uli kayo nagkakaroon ng desenteng date pagkatapos ng blind date n’yo dahil nagkikita lang kayo kung kailan siya may libreng oras.” Lihim na natigilan si Sanya sa sinabi nito. Tama si Tita Kristina. Nagkakasama lang sila ni Keith Clark tuwing may okasyon at tuwing pinupuntahan siya nito, biglaan man o hindi, para lang makasama siyang magkape. Pero pagkatapos ng blind date nila, wala na silang matatawag na ‘date’ talaga. Pero wala namang kaso iyon kay Sanya. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay nakakasama niya si Keith Clark at nakakapag-usap sila. Alam naman niya ang mga responsibilidad nito bilang public official. At hindi nito kasalanan na mas masipag ito kaysa sa ibang politiko. Bukod pa ro’n, mahal lang talaga niya ito. “Isa `yan sa mga rason kung bakit hindi pa nagkakaroon ng nagtatagal na relasyon ang anak kong `yon,” patuloy nito. “Those women don’t want to be associated with him. Unless, of course, wala na siya sa panunungkulan. At hindi pa `yon kayang ibigay ng anak ko sa ngayon.” Inabot ni Mrs. Esudero ang nanlalamig niyang kamay. “Kaya nang makilala kita, alam kong ikaw na nga ang tamang babae para sa anak ko.” “N-natutuwa po akong marinig `yon, Tita, pero... hindi ko po alam kung iyon din ang tingin ni Keith Clark sa `kin... kung ako nga ba ang tamang babae para sa kanya,” puno ng pag-aalangang sabi niya. “Hinihintay mo siyang sabihin ang three magic words, tama?” “O-opo,” namulang pag-amin niya. “Then you have to make him say those words to you.” Hindi niya alam kung ano ang itutugon. Gustuhin man niya, paano niya gagawin `yon? “Napanood mo ba iyong balita?” tanong pa nito. Hindi na mahirap hulaan kung anong balita ang tinutukoy nito. “O-opo.” “Did that make you feel jealous?” “T-Tita—” “Naiintindihan kita.” Talaga? Ni hindi man lang siya nito pinatapos gaya kanina. “Of course, those photos could mean anything. Pwedeng bigyan ng kahit na sino ng kahulugan ang mga larawang `yon para pumabor sa gusto nilang mangyari. Pero hindi gano’n kababaw ang anak ko. He knows what he wants. Hindi `yon sumisira sa pangako.” Tumango siya. Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala niya. Sinadya pa talaga siyang puntahan ni Mrs. Escudero. Nakaka-overwhelm iyon, sa totoo lang. Nasa kanya pa rin ang ‘boto’ nito kahit pa maraming nagsi-ship kina Keith Clark at Pretzel. “Alam ko naman po `yon. Pumunta ro’n si Keith Clark para tumulong sa mga tao ro’n. Mag-uusap naman kami pagbalik niya.” “Bakit hihintayin mo pa ang pagbalik niya?” Naguguluhang napatitig dito si Sanya. “H-ho?” “If you really love him, dapat lang na ikaw ang nando’n para sa kanya at hindi ang kung sinong babae. Hindi na kayo bumabatang dalawa ni Kitkat. Your love story doesn’t have to be like in the movies to get your happily ever-after. Sumama ka sa `kin. Aalis tayo habang maganda pa ang panahon.” Napamaang si Sanya. “Seryoso ho kayo, Tita?” “Oo naman!” anito at pinanlakihan siya ng mga mata. “S-sa’n ho tayo sasakay?” “May kaibigan akong nagmamay-ari ng chopper. Magpapahatid tayo. Ako nang bahala. Magdala ka ng sapat na damit at personal na gamit. We’ll get your man!” HINDI pa rin makapaniwala si Sanya nang mga sandaling iyon kahit sakay na sila ng kotse ni Mrs. Escudero para ihatid sila sa naghihintay na chopper kung saan man iyon. Ang daming gumugulo sa utak niya nang mga sandaling iyon. Nakalimutan na nga niya kung paano siyang nagpaalam kina Sannie at sa nanay niyang na-starstruck dito. “Sanya, dear, huwag kang kabahan. I’m your back up,” sabi ng ginang sa kanyang tabi. Hinawakan pa nito nang mahigpit ang kamay niya. “S-sorry, Tita. First time ko ho kasing sasakay ng chopper, e,” sabi niya. “Oh.” Hindi naman napigilan ni Mrs. Escudero ang matawa. NAKABABA na ng chopper sina Mrs. Escudero at Sanya pero nalulula pa rin siya. Lumapag sila sa bakanteng lote na malapit sa evacuation center. Saktong-sakto lang ang dating nila dahil nagsimula nang magdilim ang kalangitan at lumalakas na ang ihip ng hangin. Sinundo sila ng isang itim na sasakyan. Sa evacuation pinili ni Mrs. Escudero na dumeretso dahil nandoon pa raw si Keith Clark sabi ng isang tauhan ni Mayor Bello. Hindi mapigilang magwala ng puso ni Sanya nang marinig ang pangalan ni Keith Clark. Sana ay okay lang ito. Sana hindi niya ito madatnan na kasama ang Pretzel iyon. Mas natatakot siya doon kaysa sa paparating na bagyo. Nang huminto na ang sasakyan sa malaking multi-purpose gym ay lalo siyang kinabahan. “Gusto n’yo ho bang iwan na lang muna ang mga gamit n’yo, Ma’am? Ako na lang po ang magbabantay. Dito rin naman sasakay si Senator papunta sa mansiyon,” sabi ng tauhan. “Magandang idea,” tugon ni Mrs. Escudero. Mas malaki kasi ang dala nitong bag kaysa kay Sanya kaya may-kabigatan. “Maraming salamat, Arnold. Si Kitkat ba, nakakain na?” “Hindi pa nga po, Ma’am, e.” Hindi napigilang mag-alala ni Sanay sa narinig. Ang lalaking `yon talaga! “Sige. Ako na lang ang bahala sa anak ko. Let’s go, Sanya.” “Opo, Tita,” wala sa sariling tugon naman niya matapos iwan ang backpack niya sa kotse. PINAGKISKIS ni Sanya ang mga palad para mabawasan ang panlalamig niyon. Hindi niya mapigilang mamangha sa mga nakikita niyang nakatayong tent sa loob ng gym. Napaka-organize. Halos mapuno ng tents ang gym pero hindi masikip dahil may sapat na pagitan ang mga ito para madaanan. Dahil sa mga tent ay nagkaroon ng privacy ang mga evacuee. Maiiwasan din ang paghawa ng sakit kapag nagkataon, na huwag naman sanang mangyari. Kamuntikan pang mabangga si Sanya ng mga batang lumabas sa isang tent at naghahabulan. Napahinto ang isa sa mga bata at napatitig sa kanya. “S-sorry po, Ate,” sabi ng batang lalaki. “Ayos lang. Ingat kayo, ha,” nakangiting tugon naman niya. Hinabol ng bata ang mga kalaro nito. Napangiti na lang siya habang sinusundan ang mga ito ng tingin. Hindi niya namalayan na nakalayo na pala si Mrs. Escudero sa kanya. Nakahinto na ito sa unahan at merong kausap na isang may-edad nang lalaki. Nakilala niya ito bilang secretary ng Department of Health. Nagmadali siyang lumapit. Pero agad din siyang napahinto nang makita ang biglang pagsulpot ni Keith Clark sa likod ng kausap ni Mrs. Escudero. Humalik ito kay Mrs. Escudero. Napatingin siya sa damit nito. Kung hindi siya nagkakamali, kahapon pa nito suot ang damit na iyon. Anong oras na? Hindi pa ito nakakain at hindi pa rin naliligo? Lalo siyang pinag-aalala ng lalaking ito. Lagot talaga ito sa kanya! Nagsimula siyang lumapit dito. At napatingin sa gawi niya si Keith Clark. Lumukso ang puso niya. Halatang natigilan ito at hindi makapaniwala pagkakita sa kanya. Napalingon sa kanya si Mrs. Escudero at binigyan siya ng makahulugang ngiti. Ilang sandali pa ay umalis ito at ang kausap nito at lumapit sa pila ng mga tao sa bandang likuran. “Cupcake...” tawag nito nang ilang metro na lang ang layo nila sa isa’t isa. Napalunok siya. Her Keith Clark. Her superman. Her icing. “Diyan ka lang. Huwag kang lalapit.” Natigilan siya. “B-bakit?” takang tanong niya. Lalo siyang lumapit dito pero umatras si Keith Clark at iniharang ang mga kamay nito para senyasan siyang huwag lumapit. “Cupcake, diyan ka lang.” Parang sinipa ang dibdib ni Sanya. Here she was, worried to death for him. Sumama-sama siya kay Mrs. Escudero para samahan ito `tapos ito ang madadatnan niya? Sasabihan siya nitong huwag lalapit? Hindi niya sinubukan man lang na itago ang sakit sa mga mata niya. Mukhang may katotohanan nga ang mga nakikita niya sa internet at napapanood niya sa balita. “Gusto kitang halikan ngayon, cupcake, pero...” Ngumiti ito nang alanganin. “Hindi pa `ko naliligo.” Napakurap-kurap si Sanya sa sunod nitong sinabi. “Hindi ko alam na darating ka. Pero maniwala ka, nami-miss na talaga kita. Kung alam mo lang...” Ang pagdaramdam ni Sanya ay napalitan ng pagpiga ng puso habang nakatingin sa mga mata nito—his sincere, expressive eyes. Sanya knew it only has to take one look and her heart would easily melt away. This man... what is she gonna do with him? Napabuga siya ng hangin at saka marahang natawa. Hindi siya nakinig dito. Tinawid niya ang distansiya nila. Walang salitang hinablot niya ang kwelyo nito at mariing hinalikan ang mga labi nito. HINDI napigilang muling makaramdam ng munting selos si Sanya nang makarating na sila sa mansiyon ni Mayor Patrick Bello. Nalaman niya na dito pala tumutuloy si Keith Clark simula nang dumating ito sa Leyte. Kaya naman pala naging ‘closed’ ito at si Pretzel. “Bakit ganyan ka makatingin, cupcake?” tanong sa kanya ni Keith Clark habang papasok na sila sa mansiyon. “Bakit? Bawal ba?” matabang ang tonong tanong din niya. “Kanina lang, hinahalikan mo `ko na parang wala nang bukas. Ngayon naman, parang may nagawa akong hindi mo nagustuhan.” Tumaas ang isang kilay niya. “Meron nga ba?” “Cupcake,” hindi makapaniwalang anito. “Nasa city hall pa po si Mayor at naipaalam ko na nandito na kayo. Ako na raw po ang bahalang mag-asikaso sa inyo. Nangako si Mayor na uuwi nang maaga. Kung meron kayong kailangan pa, magsabi lang kayo sa `kin,” sabi ng mayordoma sa kanila. “Maraming salamat, Milou. Hindi na ako makapaghintay na makapagpasalamat nang personal kay Patrick,” tugon naman ni Mrs. Escudero. “Nasaan nga pala si Pretzel at si Anika?” “Magkakasama po silang tatlo ni Mayor. Tara na po sa dining room.” “Mom, maliligo lang muna ako,” sabi naman ni Keith Clark. “Okay, son. Sasamahan ka na lang ni Sanya dahil sigurado akong marami kayong kailangang pag-usapan.” Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa at huminto kay Sanya. Ngumiti ito nang makahulugan. “Take your time talking, children.” Kumindat pa ito bago sumama kay Milou. Napatikhim na lang si Sanya para itago ang pag-init ng kanyang mukha. “Sigurado kang sasama ka sa `kin, cupcake?” tanong ni Keith Clark. Hinarap ito ni Sanya at pinagkrus ang kanyang mga braso sa tapat ng dibdib niya. “Meron naman talaga tayong pag-uusapan, `di ba?” napataas ang kilay na tanong niya. “Natatakot na ako kapag tinitingnan mo na `ko nang ganyan,” napahawak sa dibdib na sabi nito. “Nasa’n ang kwarto mo rito?” “Nasa taas. Halika na, but first, let me carry your backpack.” Painosente pa siya nitong nginitian habang kinukuha ang bag niya. INILAGAY ni Keith Clark ang backpack niya sa ibabaw ng kama. Inilibot naman ni Sanya ang tingin sa guest room. Malaki iyon at simple lang ang pagkakaayos. “Akala ko, magkasama lang kayo ng Pretzel na `yon sa pagtulong sa mga tao rito. Sa iisang bahay lang din pala kayo nakatira. Hulaan ko, sabay rin kayo kumakain, `no?” “Cupcake... nagseselos ka ba?” he teased. Hindi makapaniwalang itinuro niya ang sarili. “Ako? Magseselos? Sini-ship lang naman kayo ng mga tao sa social media. Bagay na bagay raw kayo.” Napakumpas siya sa hangin. “Wala. Wala akong rason para magselos.” Parang gusto niyang sapakin si Keith Clark nang lalong lumapad ang ngisi nito. Nagseselos na nga siya, tuwang-tuwa pa ito. “`Yan ba ang gusto mong pag-usapan?” tanong nito nang maghubad ng pang-itaas. Ah, his abs. How she missed them. Nagpatay-malisya si Sanya. Baka makalimutan niya ang rason ng pagpunta niya rito kung magpapa-distract siya. Ang rupok niya pa man din. “Maligo ka na muna. Magpapahinga lang ako.” “I’ll turn on the aircon for you.” Kumilos ito at pinuntahan sa sulok ng kwarto ang aircon. “Thanks, Icing.” Nahiga siya sa kama at huminga nang malalim. “Cupcake?” “Hmm?” Nang tingnan niya si Keith Clark ay nakahubad na rin ito ng pantalon. Napatingin siya sa umbok sa pagitan ng mga hita nito. Bago pa mapatingin sa kanya si Keith Clark ay nagbawi na siya ng tingin. Ang rupok niya nga. “I’m really happy you’re here,” nakangiting sabi nito. “Humanda ka kapag nakaligo na `ko.” Kinindatan pa siya nito. Natatawang sumandal siya sa headboard ng kama. “Ikaw rin. Humanda ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD