Kyzo's P.O.V
I gazed at my three white chess pieces placed over my Tablero de Ahedres while holding a canned beer.
Three consecutive nights… Iyan ang bilang ng mga gabi na ipinanalo ko sa laro. Mga gabi masayang ipagbunyi ng may kasama pero heto't mag-isa ako ngayon.
I get sentimental when it comes to my achievements and failures but since wala akong karamay na mag-celebrate ay idinaan ko na lang sa pag-inom at pagmukmok ng mag-isa.
Nanalo ako sa mga laro ko pero bakit pakiramdam ko ay talo ako?
Nilagok ko ang natitirang laman ng canned beer na hawak ko. Matapos ko itong ubusin ay inabot ko naman ang isa na nakalagay sa ibabaw ng mesa. Binuksan ko ito ngunit nabitin sa ere ang pag-inom ko nang makarinig ako ng nagmamadaling katok.
Napakunot-noo ako sa pagtataka.
Wala akong inaasahan na bisita, lalo’t ngayong madaling araw na.
Sino kaya ito? Is it Auxiliar? Maybe. Baka may nakalimutan siyang sabihin sa akin kanina.
Tumayo ako at tinungo ang pinto. Ngunit laking gulat ko nang may biglang pumasok sa kwarto ko.
Napakurap-kurap ako habang sinusundan nang tingin ang hindi inaasahan na bisita.
"What are you doing here?" Tanong ko at isinara ang pinto.
Sinundan ko siya papunta sa living room. Umupo siya sa sofa at napailing nang makita ang nagkalat na canned beers sa mesa. Ramdam ko na ang kalasingan pero sinubukan ko pa rin na maging maayos ang pagtayo ko sa harapan niya at pumameywang.
"Binibisita ka. Hindi ba't iyon ang sinabi mo sa akin? Nakalimutan mo na ba?" Sabi niya at inabot ang canned beer na iinumin ko sana kanina at kumain siya ng pulutan.
She is wearing her usual get-up, jeans and a plain gray t-shirt. Napangiti ako nang makita ang suot niyang rubber shoes na regalo ko sa kaniya noong birthday niya last year.
Umupo ako sa tabi niya.
"Why are you drinking alone? Sana ay nag-text ka sa akin, hindi iyong nagsosolo ka rito. Ang daya mo." Tila may pagtatampo sa sinabi niya habang ngumunguya.
"Pampatulog lang yan."
"Talaga? Pero sa itsura mo ngayon hindi mukhang pampatulog ang dahilan mo sa pag-inom," Nilingon niya ako at kumunot ang noo. "Sabihin mo nga, brokenhearted ka ba?"
Natawa ako sa sinabi niya.
"I'm not."
Tumikwas ang kilay niya.
"Are you sure? Baka nahihiya ka lang na magsabi sa akin. Sige na. Aminin mo na. Sino ang malas na babaeng 'yan? Para mabalaan ko na huwag kang i-busted dahil wala ka pang experience sa panliligaw."
I don't know if I should laugh at what she said or just let her think that I'm brokenhearted pero naaaliw ako na makita ang kuryosidad niya. If she only know who's that 'unlucky' girl.
Napailing ako.
Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat dahil ramdam ko na ang epekto ng apat na beer na ininom ko kanina. Napapikit ako nang manuot sa aking ilong ang matamis na amoy ng kaniyang perfume.
She's boyish but her scent is feminine.
"Bakit naman siya magiging malas sa akin? Ang swerte niya kaya sa akin. She will become my queen forever, plus point na ang kagwapuhan ko."
Tinapik niya ako sa noo dahilan para mapaigik ako at himasin ang noo ko sa sakit. Pansamantalang nawala ang kalasingan ko sa ginawa niya.
Ang bigat talaga ng kamay ng tomboy na ito.
"Hindi iyon plus point, minus point iyon. Ang yabang mo. Saka tumigil ka sa kayabangan mo, Kyzo. Alam nating pareho na hindi ka marunong manligaw. Wala akong maalala na may nililigawan ka mula nang lumaki tayo. Baka mas magaling pa ako sa'yo pagdating sa ligawan." She proudly said.
She's right. I know how to be friendly but I don't know how to court a girl. I don't know how to court a boyish girl like her.
Sinubukan ko noon na ligawan si Aina ngunit tila isa akong pako na binabaon ng martilyo sa lupa. Hindi naman sa natatakot akong ma-busted niya pero natatakot ako na baka lumayo siya sa akin kapag nagtapat ako nang nararamdaman ko para sa kaniya. Ayokong mangyari iyon.
Inalis ko mula sa pagkakasandal ang ulo ko sa kaniyang balikat at ipinatong ang aking baba sa kaniyang balikat. Naramdaman ko ang pagkabigla niya sa ginawa ko.
Muli kong naramdaman ang epekto ng alak dahil unti-unti nitong nilulukob ang katinuan ko. Kahit na kalahating bahagi lang ng kaniyang mukha ang nakikita ko ay hindi maawat sa bilis ang t***k ng puso ko.
She's simply beautiful. Walang arte, walang katumbas. The only girl that makes my heart beats faster since we were young.
Malamlam ang mga mata na tinitigan ko ang mata niyang sa harap ng tv nakatutok. "Really? Then, why don't you teach me how to court you?"
Hindi ko alam pero hindi ko napigilan ang bibig ko na sabihin iyon sa kaniya. Parang may sariling amo ang bibig ko sa pagbigkas sa tanong na iyon.
Ramdam ko ang sandaling pagtigil niya ng paghinga.
Alam kong nabigla siya sa sinabi ko dahil never akong naging vocal sa totoong nararamdaman ko para sa kaniya. Never. Ngayon lang.
"L-lasing ka na, Kyzo. Mali-mali na ang grammar mo. Matulog ka na nga sa kwarto mo. Ako na ang maglilinis ng kalat dito. Alis na."
Bahagya niyang itinulak ang pisngi ko paalis sa kaniyang balikat pero maagap na hinawakan ko ang kamay niya. Our eyes met and I heard my heartbeat went wild just by seeing her brown eyes. Every part of her face was tattooed to my mind and heart. Kaya hindi siya maalis sa sistema ko.
Pasimpleng lumunok ako dahil sa kabang nararamdaman ko.
"Hindi ako wrong grammar.” Bahagyang dumistansya ako sa kaniya at hinawakan ko ang pisngi niya para mabaling ang atensyon niya sa akin. “Ever since mga bata pa lang tayo, I already have a crush on you. Sobrang tuwa ko na kapag pumupunta ka noon sa bahay para makipaglaro sa akin. Kapag may bago akong coloring books, sabay nating kinukulayan iyon. By that simple happiness, my feelings for you deepen as we got older. Hindi ko na maalis ang tingin ko sa’yo. I tried to divert my feelings for you, but in the end, it always pull me back to you. I didn’t try to confess because I can’t bear the pain of you being distant to me.”
After years of holding back, I finally said it. Being drunk gave me the courage to say my hidden feelings for her.
“Ikaw lang ang nakikita ko, ikaw lang ang gusto ko. It’s you that I only love, Aina." Dagdag ko.
Higit bilang isang kaibigan, mahal na mahal ko siya.
Sinubukan kong basahin ang reaksyon sa maganda niyang mukha ngunit blangkong reaksyon lamang ang nakikita ko. Hanggang sa tanggalin niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang pisngi at hinaplos ito.
"Matulog ka na. Lasing ka lang kaya kung ano-ano ang sinasabi mo."
Hinawakan ko ang kamay niya at nilapat ito sa dibdib ko kung saan mararamdaman niya kung gaano kabilis ang t***k nito.
“Lasing ako pero ang puso ko,” umiling ako. ”nasa huwisyo pa kaya nasasabi ko ito sa'yo. I love you, Aina. Mahal na mahal kita. Matagal na."
Sinubukan niyang tanggalin ang kamay niya pero hindi ako pumayag na maalis ito.
"Kyzo…”
“Please.” I pleaded.
She stared at me with a strange emotion. “We're f-friends, Kyzo."
"I know but I want more than that. I want you to be my girl, Aina."
Huminga siya nang malalim at diretsong tumingin sa mga mata ko bago nagsalita.
"No. A-ayoko."
Pakiramdam ko ay pansamantalang nawalan ako ng pandinig sa sinabi niya. Those words made my heart torn into pieces, slowly.
Ayaw niya sa akin?
"W-why n-not? May hindi ka ba gusto sa ugali ko? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" Tanong ko.
Sa tagal naming magkakilala ay siguradong may ugali ako na hindi niya nagustuhan. Kung sasabihin niya ang ugaling iyon, then, I will change it. I do everything... for her.
"H-hindi sa ganoon, Kyzo." Sabi niya at yumuko. "Wala kasi akong nararamdaman para sa'yo... kahit katiting."
She whispered the last sentence she said but enough for me to hear it and echo in my mind.
Kahit katiting... Kahit katiting wala siyang nararamdaman sa akin.
Bumalik ang tingin niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"I like you as a friend, Kyzo. But not as much as you like me. I am sorry."
Pakiramdam ko ay namanhid ang pandinig ko sa sinabi niya.
Hindi niya ako gusto. Iyan ang paulit-ulit na ume-echo sa utak ko.
Ang alak sa katawan ko ay unti-unting nawawala. Parang pinabayaan ako na lasapin ang sakit ng rejection ni Aina imbes na pamanhirin ang sakit nito.
Napayuko ako at ininda ang sakit.
Masakit. Sobra.
"Kyzo, you're a great man. Lahat nasa sa iyo na. Makakatagpo ka ng babaeng para sa iyo and I am sorry kung hindi ako iyon. I'm sorry."
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at kasabay niyon ang pagdaloy ng aking luha. Hindi ko napigilan na yakapin siya nang mahigpit. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad habang yakap ako.
Lahat nang pag-iingat at pagpipigil ko na hindi mag-confess sa kaniya noon ay sa ganito lang pala mauuwi. Sadyang tinulak ng alak ang lakas ng loob ko na maging ganito ang mangyari, ang ma-busted ako.
Humiwalay ako ng yakap sa kaniya at tumingin sa kaniya.
She's also crying.
Inangat ko ang aking kamay para punasan ang luha sa kaniyang pisngi. Kahit na nadudurog ang puso ko sa rejection niya, masakit din sa akin na makita siyang umiiyak.
"Don't cry. It's not your fault."
It's my fault. Hinayaan ko na lumalim ang nararamdaman ko para sa kaniya at naghangad na tatanggapin niya ako at magiging akin siya.
"I'm sorry."
Umiling ako at huminga nang malalim. "Ngayon, alam na natin kung ano ang magiging kalalabasan kapag nanligaw ako sa'yo, mas maganda na ngayon ko nalaman ang sagot. Kaya wag ka nang umiyak."
"Kyzo..."
Sinubukan ko na ngumiti. "Umuwi ka na. Matutulog na ako. Pakisara na lang ng pinto kapag lumabas ka."
May sasabihin pa sana siya pero hindi ko na hinayaan na marinig at umalis sa tabi niya at tinungo ang kwarto ko. Nang maisara ko ang pinto ay napatingin ako sa kawalan.
My first confession and my first rejection.
Susuray-suray na tinungo ko ang kama at nahiga na kalahati lang ng aking katawan ang nakalapat dito habang ang mga paa ay nasa sahig. Ipinatong ko ang kanang braso ko sa ibabaw ng aking mga mata.
"Aina..." Bulong ko at hinayaan na umagos ang masaganang luha.
Hanggang sa maramdaman ko ang paghila ng antok at tuluyan akong natulog.
NAGISING ako na sobrang bigat ng katawan ko, mabigat ang talukap ng mga mata at masakit ang ulo. Ngunit bigla akong nakaramdam nang paghalukay ng sikmura. Kaya agad na bumangon ako at nagsuka sa banyo. Nang wala nang maisuka ay nag-toothbrush ako at napatingin sa salamin sa aking harapan.
I look wasted. Magulo ang buhok, namumugto ang mga mata at parang walang buhay.
Matapos mag-toothbrush ay naghanap ako ng first-aid kit sa wall cabinet. Nang makuha ang pakay ay hinalughog ko ito. Binuksan ko ang takip nito at inilagay sa kili-kili ko. Ilang segundo lamang ay tumunog ito at tinignan ko.
"38°c." Bigkas ko sa aking temperatura.
Nilalagnat ako.
Napabuga ako at binalik sa kit ang thermometer.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at tinungo ang kusina para magluto ng makakain ko. Ngunit nahinto ako sa paglalakad nang mapansin sa peripheral vision ko ang bulto na nakahiga sa sofa sa living room.
Pinihit ko ang direksyon ng katawan ko sa living room. Sandaling nag-alangan ako na puntahan siya pero sadyang taksil ang paa ko at lumakad papunta sa living room. Lumuhod ako sa tapat niya at pinakatitigan ang natutulog na si Aina.
Hindi siya umuwi.
Inangat ko ang kamay ko para sana haplusin ang pisngi niya ngunit natigil ako nang maalala ang nangyari kaninang madaling araw. Kaya inilipat ko ito sa kaniyang balikat.
"Aina, wake up. Tanghali na." Yugyog ko sa balikat niya.
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at tumitig ng diretso sa akin. Nabakasan ko sa kaniyang mugtong mga mata ang lungkot.
"Why are you still here?" Tanong ko.
Knowing she's still here, parang nakonsensya ako sa pagpapaalis ko sa kaniya. Hindi ko siya naihatid dahil sa rejection na natanggap ko mula sa kaniya.
Hindi siya sumagot. Nanatiling malungkot ang kaniyang mga mata. Umangat ang isang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko. Dinama ko ang haplos ng kaniyang kamay. Kahit sa ganoong paraan ay maibsan man lang ang sakit na nararamdaman ko.
Hanggang sa gumalaw ang kamay niya. Mula sa aking pisngi ay naramdaman ko ang kamay niya papunta sa aking batok at napadilat ako dahil sa hindi ko inaasahan na ginawa niya.
Because she placed her soft lips over mine.