Kyzo's P.O.V
Nanlaki ang mga mata ko habang nakapikit si Aina at nanatiling magkalapat ang aming mga labi. Halos pigilin ko ang paghinga ko dahil sa lakas ng t***k ng puso ko at sa biglaan niyang ginawa.
Should I start kissing her? But I don't freaking know how to kiss! This is my first kiss at sa babaeng binusted ako kagabi!
Hinawakan ko si Aina sa magkabilang braso at dahan-dahan na inilayo ko ang sarili sa kaniya.
Naguguluhan na tinitigan ko siya.
"W-what are you doing, Aina?" Halos ibulong ko na ang sinabi dahil sa panghihina ng katawan ko.
Mapupungay ang mga mata na tumingin siya sa akin.
"Mainit..." Tila ibinulong niya ang sabi.
Bumuntong hininga ako. Itinuon ko ang tingin sa sahig.
"Don't do it again, please. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa’yo dahil alam ko kung hanggang saan lang ako. Kaya huwag mo sana akong paasahin sa ginawa mo, Aina. Masisira ang pagkakaibigan natin at ayokong umabot sa puntong hindi na kita makakausap at lalayo ka sa akin."
I clearly know. Alam ko kung hanggang saan lang ang relasyon namin. Kahit lasing ako kagabi ay naaalala ko pa rin ang sakit ng pangba-busted ni Aina.
Just like what she said last night, we are just friends. Just effin' friends.
"You should go home now. Baka hinahanap ka na ni Tita Fay." Sabi ko.
Akmang tatayo ako nang pigilan ako ni Aina sa kamay at napatingin ako sa kaniyang mga mata.
"Nilalagnat ka." May bahid ng pag-aalala sa kaniyang sinabi.
"I'll take care of myself."
"No." Sabi niya at tumayo para paupuin ako sa sofa. "Dito ka lang." at umalis siya sa harapan ko.
Maybe because of my weak body, I just let her do what she said. Hindi na ako nakipagtalo. Nasundan ko na lang siya nang tingin papunta sa kusina.
Huminga ako nang malalim at isinandal ang aking likod sa upuan.
Ramdam ko pa rin ang lakas ng t***k ng puso ko at nahihirapan ako na pakalmahin ito.
Mula sa living room ay tanaw ko ang pagiging abala ni Aina sa kusina. Hindi ko alam kung anong balak niyang lutuin pero nakuntento na lang ako na panoorin siya.
I don't know why she kissed me. Ngunit ang sandaling halik na iyon ay naghatid sa akin ng maraming isipin.
She has no reason to kiss me because she doesn't love me. Iyon ang sabi niya kagabi.
Pero may umaapaw na emosyon sa puso ko ngayon.
Ipinikit ko ang aking mga mata.
Dahil sa panghihina ng katawan ay naramdaman ko na unti-unting bumabagsak pahiga ang kalahati ng katawan ko ngunit hindi ko naramdaman ang lambot ng sofa dahil sa pagsalo sa ulo at braso ko. Dahan-dahan na ibinalik ako nito sa pag-upo.
"Kumain ka muna. Hindi p'wedeng matulog ka na walang laman ang tiyan mo." Sabi niya at inayos ako ng upo sa sofa.
Naramdaman ko ang malamig na bimpo sa aking noo dahilan para bahagya kong imulat ang aking mga mata. Nakita ko ang pagsandok ni Aina ng pagkain at iniumang sa aking labi.
"Nganga." Utos niya.
Sandaling tinitigan ko siya at unti-unti kong binuksan ang bibig ko para tanggapin ang pagkain na isusubo niya. Habang ngumunguya ako ay itinuon naman ni Aina ang pansin sa pagpunas sa aking mga kamay at paa.
"You don't have to do that." Nanghihina na sabi ko at sinubukan na pigilan siya sa pagpunas sa kabilang paa ko.
Bumalik ang tingin niya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Let me do this. Kasalanan ko kaya nagkakaganito ka. Alam kong nasaktan ka sa sinabi ko last night. Kaya hayaan mo ako na bumawi sa iyo ngayon."
"Then, why did you kiss me?" Nanghihina kong tanong.
The way I asked those questions, alam kong umaasa ako na may iba siyang dahilan.
But she didn't say a word. Yumuko lang siya at nagpatuloy sa pagpunas sa kamay ko.
Muling isinandal ko ang aking ulo sa sofa at pumikit. "It's not your fault. Alam kong nabigla kita sa sinabi ko kagabi."
Alcohol brought out the hidden feelings I've been keeping for years at hindi ko napigilan ang sarili ko.
I don't have a reason to be upset with Aina.
Besides, I still love her. Siya pa rin ang bumabaliw sa puso ko kahit gaano kasakit ang sinabi niya kagabi, mahal ko pa rin siya.
"I'm sorry." Rinig kong sabi ni Aina.
Inalis ko ang bimpo na nasa noo ko at inilagay sa maliit na palanggana na nasa center table. Itinukod ko ang mga kamay ko sa sofa bilang suporta sa katawan ko at tumingin sa kaniya.
"Let's just forget what happened last night and the k-kiss."
Ang i-suggest na kalimutan ang nangyari sa pagitan namin ni Aina ay alam kong mahirap na desisyon para sa akin dahil sa bawat araw na sasagi sa isip ko ang nangyari ay mag-iiwan ng mapait na alaala sa akin.
But it is the best option that we have. Ito lang ang paraan para hindi maging awkward sa pagitan namin ni Aina. Ito lang ang paraan para makasama ko pa rin siya kahit kaibigan nalang.
Tumango si Aina bilang pagsang-ayon.
Napangiti ako at inangat ang aking kaliwang kamay para haplusin ang kaniyang buhok.
"Kumain ka pa. Kailangan mo magpalakas. Saka may ginawa pala akong ice cream kagabi kaya lang mukhang hindi mo makakain ngayon dahil may lagnat ka."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Gumawa ka ng ice cream?"
Hindi makapaniwala na tinitigan niya ako. "Nakalimutan mo?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
May nakalimutan ba akong event ngayon? Birthday niya ba? Pero next month pa iyon. Saka impossible naman na may makalimutan ako dahil bago ako pumunta rito sa hotel ay siniguro ko na wala akong makakalimutan, maging sa office at sa studio.
"Ano 'yon? Wala akong matandaan." Takang tanong ko nang walang maalala.
"Ano ka ba! Death anniversary ngayon ni Tito Onyx." Sagot ni Aina.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Oo nga pala. Death anniversary ngayon ni Tito Onyx.
Noong bata pa ako, lagi akong dinadala ni Mama sa bahay nila Tito Onyx. Gumagawa noon ng turon si Lola Wanda at si Tito Onyx naman ay tinutulungan kong gumawa ng mano-manong ice cream. Sobrang bait nilang dalawa sa akin at sobrang close namin ni Tito Onyx, to the point na akala ko ay siya ang Papa ko dahil hindi ko pa noon nakikilala ang tunay kong ama.
Kaya sobrang nalungkot ako nang mamatay si Tito Onyx. Sabi ni Mama, pinatay si Tito Onyx ng kapatid ni Papa dahil sa obsession nito sa Mama ko.
Mula noon ay nakasanayan ko na ang mag-request kay Mama na gawan ako ng ice cream dahil nami-miss ko ang presence ni Tito Onyx. Hanggang sa ako na mismo ang gumagawa at alam ni Aina ang tradition kong ito dahil kilala niya rin si Tito Onyx.
"Kainin mo nalang kapag wala ka ng lagnat."
Tumango ako. "Thank you."
Ikinibit ni Aina ang balikat bilang sagot.
Napatingin kami sa ibabaw ng center table ng tumunog ang cellphone ni Aina. Kinuha niya ito at sandaling tinitigan.
"I'll just answer this call."
"Sure. Go ahead."
"Ituloy mo ang pagkain mo. Kailangan pagbalik ko, ubos na 'yan."
Tumango ako at umalis siya sa tabi ko at lumabas ng kwarto.
Gaya nang bilin ni Aina, ipinagpatuloy ko ang pagkain.
Aina is a great cook. Kapag napapadaan siya sa office ko ay laging nasisira ang diet ko dahil sa dami ng pagkain na dala niya. Kaya ibinibilin ko sa guards na huwag siyang papasukin sa office ko pero nakakalusot pa rin siya.
Matapos kong kumain ay isinandal ko ulit ang likod ko sa back pillow ng sofa.
Maybe, this time, sisimulan ko nang idistansya ang nararamdaman ko para kay Aina. Mahirap gawin pero kailangan para sa pagkakaibigan namin.
Ipinaling ko sa kanan ang aking paningin at natagpuan ang vault kung saan ko inilalagay ang chessboard ko.
Sa naisip, biglang dinagundong ng kaba ang dibdib ko. Parang sinilaban ng apoy ang pwet ko dahil para mapatayo ako ng tuwid. Napaigik pa ako sa sakit ng kasukasuan ko dahil sa biglaan kong pagkilos.
Nagpalinga-linga ako sa paligid sa pagbabakasakali na nasa malapit lang ang hinahanap ko.
"Bakit ba nakalimutan ko na iligpit 'yon kagabi?" Frustrated kong sabi habang binabaliktad ang throw pillows.
Dahil sa nangyari kagabi, nakalimutan ko nang iligpit ang chessboard ko.
Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Aina. Agad na nilapitan ko siya na ikinagulat niya.
"Nakita mo ba ang chessboard ko?" Kinakabahan na tanong ko.
"C-chessboard?" Tila naguguluhan niyang tanong.
Sunod-sunod na tumango ako.
I feel like a child losing his favorite toy. I'll be f*cked up if I won't find my chessboard immediately.
"O-oo. Niligpit ko kagabi. Nilagay ko sa drawer mo sa kwarto." Sagot niya.
Agad na pinuntahan ko ang kwarto ko at tinignan ang drawer. Halos baligtarin ko na ang loob ng cabinet ngunit hindi ko ito matagpuan.
Kailangan na makita ko 'yon!
"Where are you?" Usal ko habang abala sa paghahanap.
Dahil sa kaba, takot at taranta ay hindi ko na naalala na nilalagnat ako. Ngunit nahinto ako sa paghalukay nang maramdaman ko ang paghawak sa balikat ko.
"Not there. Nilagay ko rito."
Napalingon ako kay Aina at sinundan siya papunta sa kama.
Lumuhod siya sa gilid ng kama. Nagulat ako nang mapansin na may drawer pala sa ilalim nito. Kinuha niya ang chessboard at iniabot sa akin. Agad na binuksan ko ito at binilang ang laman. Nakahinga ako nang maluwag nang malamang kumpleto ang chess pieces ko at nandoon ang three chess pieces na matagumpay kong nabago ang kulay.
Mababaliw ako kapag nawala ito.
"Bakit may chessboard ka?" Takang tanong ni Aina.
Napaangat ako nang tingin sa kaniya at agad ding umiwas nang tingin.
"Ha? Ah..."
"Marunong ka ba maglaro niyan?"
Sa hindi malamang kadahilan ay nakaramdaman ako nang panunuyo ng lalamunan at kaba sa tanong ni Aina. Knowing that she saw my chessboard, it feels like my agenda being here in Ahedres hotel will be revealed.
"J-just a past time."
"Really? That's a surprise. Sa tagal natin na magkaibigan, ngayon ko lang nalaman na may alam ka sa larong chess."
Alanganin na ngumiti ako sa kaniya. "Y-yeah."
"Would you like to play with me?" May bahid na excitement sa kaniyang tanong.
Umangat ang tingin ko sa kaniya.
"You know how to play this?"
Tumango-tango siya. "Natuto ako sa pasyente ko sa clinic. Hindi ko hilig ang laro na iyan pero madali kong natutunan dahil sa kaniya. Kaya lang hindi ganiyan ang itsura ng chessboard na gamit namin," turo niya sa chessboard na mahigpit kong hawak. "Ang chessboard na hawak mo, kakaiba. Where did you get that?" Dagdag ni Aina at tumingin sa akin.
Napalunok ako. Pakiramdam ko ay kaharap ko si Mama ngayon dahil sa paraan ng pagtatanong ni Aina.
"I-it was a g-gift from someone I know."
This is a lesson for me. Kailangan na maging masinop ako sa mga bagay na mahalaga sa akin ngayon dahil hindi madali sa akin ang magsinungaling at malaking problema kapag nawala ko ang pinakaiingatan ko sa ngayon.
"Ang astig ng design." Komento niya at tila may kuryosidad na tinitigan ang chessboard.
Napangisi ako. Pansamantalang nawala ang kaba na nararamdaman ko.
Nahalata ko ang interest niya sa chessboard dahil sa itsura nito. Panlalaki kasi ang design at mahilig siya sa mga bagay na panlalaki.
"Tibo ka nga." Komento ko.
Hinampas niya ako sa braso dahilan para mapasigaw ako sa sakit.
"Oh, sorry! Sorry! May sakit ka nga pala." Natataranta niyang sabi.
Nahimas ko ang braso na hinampas niya at sinamaan siya nang tingin. "Nakakarami ka na talaga sa akin, Aina. Hindi mo na talaga magugustuhan ang gagawin ko kapag sinaktan mo ulit ako." Inis na sabi ko.
Ngumuso siya. "Ikaw kasi."
Hinawakan ko siya sa balikat at pinihit ang katawan niya paharap sa nakabukas na pinto.
"Umalis ka na. Hindi ako gagaling kung ang nag-aalaga sa akin ay sinasaktan ako." Malumanay kong sabi.
Nakanguso na nilingon niya ako. "Magpapalayas ka na nga lang, huhugot ka pa. Oo na! Lalayas na."
Nagdadabog na umalis siya sa kwarto ko at natatawang sinundan ko siya nang tingin.
Nang marinig ko na sumara ang pinto ng hotel room ko ay nagpakawala ako nang hininga at napatingin sa chessboard na hawak ko.
May laro ako mamaya kaya kailangan na bumawi ako nang lakas. I must be present in the game. Hindi puwedeng lumiban ako. Dahil isang piraso lang ng chess piece ang mawala sa akin, malaking kawalan at pagkatalo iyon sa paglalaro ko rito bilang isang manlalaro ng Brotherhood.