Kyzo's POV
Inilagay ko sa ibabaw ng kama ang chessboard at tinungo ang drawer para kumuha ng bagong damit dahil pinagpawisan ako kanina sa paghahanap ng Tablero de Ahedres ko. Bumulaga sa akin ang kinalat kong mga damit kanina. Dinampot ko ang nahulog kong t-shirt at iyon ang isinuot. Kumuha rin ako ng shorts.
Bumalik ako sa kama at ibinalik sa drawer na nasa ilalim nito ang chessboard. Humiga ako sa kama para makapagpahinga ngunit naudlot ito nang tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table. Nanghihina na inabot ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Inangat ko ang aking katawan para isandal ang likod ko sa headboard ng kama. I took a deep before I answered the call.
"Hello, Papa." Sinubukan ko na pasiglain ang boses ko para hindi mahalata ni Papa na may sakit ako.
"Hello, son. How's your outing?"
"I-it's great! I'm having fun here. How about you? Sina Mama at Kyla po?"
Nakapikit na tumingala ako.
I miss them. I miss being free. I miss doing the things that I used to. Being alone makes me feel sad and down.
"We're okay here. Well, I called you because your Mama keeps asking me to check on you. You know-"
"Akin na nga 'yan! Hello? Kyzo, anak. Okay ka lang ba d'yan? Nag-e-enjoy ka ba d'yan? Kumakain ka ba sa tamang oras?"
Napangiti ako nang marinig ang nag-aalalang boses ni Mama.
"Opo, Mama. Ayos lang po ako."
Kapag nalaman niyang may sakit ako ngayon ay baka sumugod siya rito sa hotel at malilintikan ako at mabubulyaso ang pagpasok ko sa brotherhood and I don't want that to happen. I hope Aina won’t tell them of where I really am now.
"Napanaginipan kasi kita kagabi kaya nag-aalala ako. Mabuti naman at okay ka at nag-e-enjoy ka d'yan."
"Don't worry about me, Mama. Hindi na po ako bata. Kaya ko na po ang sarili ko. Sige ka. Baka sa sobrang pagka-mama's boy ko, hindi na ako po makapag-asawa. Ma-tu-turn off po ang liligawan ko. Magiging matandang binata ako." Nilangkapan ko ng pagtatampo ang boses sa sinabi.
Everytime na umaalis ako at hindi niya ako makita sa loob ng isang araw ay nag-aalala na siya sa akin. Kaya si Papa ang laging nagpapakalma sa kaniya kapag umaalis ako sa bahay.
"Anak kita kaya normal sa akin na mag-alala sa iyo saka hindi naman ako papayag na hindi ka makapag-asawa, 'no? Gusto ko rin na makapamilya ka at magkaroon ako ng mga apo. Pero sa ngayon na wala ka pang pinapakilalang babae sa amin maliban sa kababata mong si Aina ay baby boy muna pa rin kita."
I felt a spike of pain hearing Aina's name.
Ilang minuto pa lang mula nang umalis si Aina ay nakakaramdam na ako ng pangungulila sa presensya niya. Parang gusto ko siyang habulin ngayon para bumalik sa hotel room ko at alagaan ako.
Bakit ba kasi pinaalis ko siya?
I heaved a deep sigh.
"Magsabi ka nga, anak. May nililigawan ka na ba?" Tanong ni Mama.
Napakurap-kurap ako sa tanong ni Mama. "Po?"
"Binata ka na, Kyzo. Sigurado akong may nagugustuhan ka na. Saka kung may liligawan ka, sabihin mo sa akin at tutulungan ka ni Mama. Wag ka lang humingi ng tulong sa Papa mo dahil hindi ‘yan marunong manligaw. Manghihingi pa 'yan ng tulong sa kaibigan niya."
"You're being mean, honey. Of course, you are my first love kaya nangangapa pa ako noon kung paano kita liligawan. But now, I know how to court you every day. Like I promised." Rinig kong sabi ni Papa.
"Naiintindihan ko naman iyon. Pero ngayon na ang tagal na natin mag-asawa ay bakit kailangan mo pa magpatulong kay Drake kapag nag-aaway tayo? Asawa ba talaga kita?"
Tito Drake is my father's best friend. Sa pagkakaalam ko ay nagkaroon sila ng alitan noon at matagal din bago sila nagkaayos. I don't know how they ended up being best friends again. Basta isang araw, nakita ko na lang si Tito Drake sa bahay na kausap si Papa at kasama ang anak niyang lalaki na si Lackie. Mas bata ng apat na taon si Lackie sa akin.
"Si Drake lang kasi ang mapagkakatiwalaan ko para tulungan ako na paamuhin ka dahil hindi mo ako pinapakinggan kapag gusto ko magpaliwanag. And you’re doubting if I am your husband? Honey, it is visible in your last name, our marriage certificate and our children. I am your husband. O baka naman gusto mong dagdagan mga anak natin? Hmm?"
"T-tikom mo nga iyang bunganga mo. Saka ikaw na nga nagsabi na ayaw mo na akong mabuntis dahil ayaw mong bumalik sa ospital na sinasabunutan kita noong iniluluwal ko si Kyla. Kainis ka! Kung hindi lang ako kinilig sa sinabi mo, baka sa kabilang kwarto ka talaga matutulog mamaya."
I don't know why but hearing them being this sweet makes me smile. Sanay na ako sa kulitan at asaran nilang dalawa dahil nagkakaayos naman sila kaagad lalo na kapag bumabanat si Papa o kaya ay bigla na lang manghahalik kay Mama.
They love each other so much. They always find time to date. Every year ay laging may kasalang nagaganap sa family namin dahil iyon ang promise ni Papa kay Mama na papakasalan niya ito every year. Wala kaming reklamo ni Kyla sa kagustuhan ni Papa. Hundred percent ang support naming magkapatid sa plano ni Papa.
Besides, pabor din iyon sa kapatid ko na si Kyla dahil mahilig siya sa party and events. Kyla is an aspiring fashion designer. Magkasundo kami when it comes to art pero pagdating sa pribado naming mga buhay na magkapatid ay hilig niyang guluhin ang buhay ko.
There was a time na kinuntsaba niya pa si Aina para lang hindi matuloy ang arranged meeting ko sa isang college friend ko na babae. Gusto kasi ng college friend ko na ako mismo ang gagawa ng promotions niya for her new cosmetic brand. Napagkasunduan namin na sa KYS photography mag-meeting. First time ko na gumawa ng promotion dahil halos pagkuha ng litrato at pag-drawing lang ang ina-accomodate ng office ko. Kaya nang makita ko sina Aina at Kyla sa office ko ay nawindang ako sa naabutang scenario. Sinasabunutan nila ang college friend ko at agad na inawat ko sila. Pinalayas ko silang dalawa sa office ko. Nang mapaalis ko sila sa office ay sinubukan ko na humingi ng dispensa sa college friend ko pero hindi niya ako hinayaan na magsalita at agad akong sinampal sa pisngi. Mula noon ay hindi na ako kinakausap ng college friend ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit iyon nagawa nila Kyla at Aina. Ayaw nilang sabihin sa akin ang dahilan.
"Kyzo, nandyan ka pa ba?" Tanong ni Mama.
"Opo."
"Pasensya na kung narinig mo pa sagutan namin ng Papa mo."
"It's okay, Mama. Actually, natutuwa po ako na marinig kayong dalawa. I miss you so much."
"Miss na miss na rin kita, anak."
We might sound over acting but this is normal to us. Madali naming ma-miss ang isa't-isa. Maraming beses na akong nag-a-out of town dahil sa trabaho ko pero lagi kong nami-miss na makasama ang pamilya ko.
"I love you, Mama." I wholeheartedly said.
"I love you, too, anak."
Gusto ko pa sanang makausap si Mama pero may naalala akong sabihin kay Papa.
"Puwede ko po bang kausapin si Papa?"
"Oo naman. Sandali. Kakausapin ka ni Kyzo."
Ilang sandali lamang ay narinig ko ang boses ni Papa. "What is it, son?"
"Nand’yan pa po ba sa tabi niyo si Mama?"
Sandaling katahimikan ang namayani sa kabilang linya bago ko ulit narinig ang boses ni Papa.
"Mama is not around. What do you want to tell me?"
Humugot ako nang hininga bago ibinuka ang bibig para magsalita.
"I confessed to Aina last night."
"Really?" Surprised niyang sabi.
"Opo."
I know I'm being unfair to my mother because she already said that she is willing to guide me on courting but I don't have the guts to say it to her.
"Great! Kailan pa na may nararamdaman ka sa kaniya?"
"Noong mga bata pa po kami, crush ko na po siya hanggang sa lumaki po kami, lumalim na po ang nararamdaman ko para sa kaniya."
Just telling the story on how it started, parang bumabalik sa isip ko ang mga araw na magkasama kami ni Aina. Kung gaano kalakas ang t***k ng puso ko tuwing napapatingin ako sa kaniya, tuwing kinakausap niya ako at tuwing didikit ang aming mga kamay.
"Is she your first love?"
"Opo. And I love her so much."
"Great to hear that. My son is now in love! So, what's her answer?"
Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang kamay ko dahil kinakabahan ako kung sasabihin ko ba talaga kay Papa ang sagot ni Aina. This is the first time that we talk about my love life. Madalas ay si Papa ang nag-o-open ng topic na ito kapag naaalala niya si Mama.
But this is it! I have to say it. Dahil ang hirap sa dibdib na wala akong mapagsabihan ng pagkasawi ko sa pag-ibig. Hindi na nga ako makalabas sa hotel, pati ba naman ang sama ng loob ko ay pipigilan ko rin na hindi ilabas?
"Na-busted po ako. Sabi niya, hindi niya raw po ako mahal at wala siyang nararamdaman para sa akin. Just best friends."
Parang gusto ko ulit maiyak dahil naaalala ko na naman kung gaano kasakit ang sinabi niya kagabi. Those words are like nails na unti-unting binabaon sa puso ko gamit ang kaniyang magandang labi.
I thought breaking up with someone you love was painful but being busted by the woman whom I love and care for so many years was painful too. Iyong naghahangad ako ng label pero para akong trespasser na hindi puwedeng papasukin sa puso niya.
"You know what, son? I envy you for having that courage to confess to the woman you love. You confessed to Aina even though you know that your friendship would be at risk. Matapang ka, unlike me na nagawa ko pang sirain ang kinabukasan ng Mama mo para lang mapasaakin siya. Sana ay nandiyan ako sa tabi mo para i-comfort ka. But don't lose hope, okay? Iparamdam mo sa kaniya kung gaano mo siya kamahal, kung gaano siya kaimportante sa'yo. Pursue her if there's a chance. Hindi bilang kaibigan kundi bilang ang babaeng nagpapatibok ng puso mo."
Sa tagal naming magkaibigan ni Aina marahil ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na lumawig ang relasyon namin. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na iparamdam sa kaniya ang tunay kong nararamdaman dahil sa takot ko na mawala ang pagkakaibigan namin. Kaya siguro ay hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin.
Dahil sa sinabi ni Papa, my hopes lift up. I feel comfortable discussing it with my father because I know how eager he was to persuade my Mama before they got married. Sa tingin ko ay tama ang desisyon ko na siya ang pagsabihan ko ng problema.
"Thank you for the advise, Papa."
"Anything for you, son. Pag-uwi mo, pag-usapan ulit natin 'yan."
Tumango ako kahit hindi ko siya nakikita.
Matapos ang aming usapan ni Papa ay binalik ko sa bedside table ang cellphone ko at natulog.
NAALIMPUNGATAN ako nang makarinig ng katok. Mabigat ang katawan na bumangon ako at tinungo ang pinto na pupungas-pungas. Sinalat ko ang noo ko at naramdaman na hindi na ako ganoon kainit. Sinat na lang.
Binuksan ko ang pinto at nabungaran ang nakangiti na Auxiliar.
"Wait here. I'll just change my clothes." I said.
"Okay, sir. But you have to do it double time." Sabi niya sabay tap ng dalawang beses sa kaniyang wristwatch.
NIlingon ko ang wall clock na nasa sala at nanlaki ang mga mata ko sa nakitang oras.
"What the!"
Agad na tinungo ko ang kwarto ko at nagpalit ng damit. Halos madapa pa ako habang sinusuot ang pantalon ko. Kinuha ko ang chessboard sa ilalim ng kama at lumabas ng kwarto.
"Let's go!" Nagmamadali kong utos at tinakbo ang daan papunta sa elevator.
Habang nasa loob kami ng elevator ay walang humpay sa pagpadyak ang paa ko at pagkagat ko sa aking labi. Nang bumukas ang elevator ay hindi ko na hinintay ang Auxiliar at kumaripas ng takbo sa game area. Agad na tinungo ko ang room kung saan ako maglalaro.
Pagdating ko sa game room ay naroon na ang kalaban ko at ang referee.
"You are late, Caballero." The referee said.
"I'm sorry."
Tumango siya at tinuro ang upuan ko. Nanghihina na tinungo ko ito at naupo.
"Please take a draw."
Because I'm late, I have to submit three chess pieces before we start the game. I took three draws and I will be losing a knight and two pawns.
Napabuntong hininga ako.
Binuksan ko ang chessboard ko at kinuha ang tatlong chess pieces para ibigay sa referee.
Mabigat ang kamay na sinimulan kong ilagay ang natitirang chess pieces ko sa digital board.
Mariin na napapikit na lamang ako dahil sa kapabayaan ko.
"Let us start the game, gentlemen." The referee announced.