Kyzo’s P.O.V
Nakapuwesto na sa digital board ang chess pieces namin at ako ang unang maglalaro.
Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang pagpindot ng referee sa aking digital clock hudyat na oras ko na para ikilos ang isa sa chess pieces ko na nakalapag sa digital board.
Ang vacant squares ko ay ang B8, A7 at H7 dahil binigay ko sa referee ang two pawns and one knight bilang penalty sa pagiging late ko.
Inangat ko ang aking kamay para ikilos ang pawn na nasa D7.
Napatingin ako sa kalaban ko at bakas sa kaniyang labi ang saya. Saya na nakikita niyang matatalo ako sa laban namin dahil kulang ako ng chess pieces.
I only have thirteen chess pieces on my board and my opponent have sixteen chess pieces. I played with complete set but now that I lose my three chess pieces, I may lose my chance to win in this game. Pero hindi ako papayag na matalo sa laro. Kailangan ko lang na mag-ingat sa bawat kilos ng chess pieces ko sapagkat sa isang maling move lamang ay sigurado ang pagkatalo ko at madadagdagan ang mawawalang chess pieces ko.
My opponent started to move his piece.
I want to win this game, no matter what. I hope God would make a miracle for my game. Kahit one percent lang ang probability na manalo ako, kakapitan ko iyon.
Napatingin ako sa tatlong chess pieces ko na matagumpay kong napalitan ang kulay sa mga nakaraan kong laro. It is nice to see those piece. Its giving me a courage to win my game but now that I am facing a dilemma, hindi ko mawari ang nararamdam ko.
Kailangan ko lang na maging maingat sa queen piece ng kalaban ko. In a chess game, the Queen piece has the highest chance to manipulate and win the game. It is a combination of a Rook and a Bishop. Puwede itong kumilos ng horizontal, vertical at diagonal at kung anong chess piece ang nakaharang sa square ng chess board ay siguradong kakainin nito. Pero hindi ko rin pwedeng pabayaan ang aking King piece dahil isa lang ang Knight piece ko para protektahan ito mula sa pagka-checkmate at tapos ang laban kapag nangyari iyon.
The game continues and my sweat starts to flow down on my forehead. The timer, my body temperature, the game and my opponent. Nakaka-stress! Ito na ang matinding stress ko ngayon and I can't focus on the game.
Damn it! Why is this happening to me? Pakiramdam ko ay napakamalas ko ngayon.
Napatingin ako sa timer ko. I only have one minute to move any of my pieces on the board. If I do not make any move, I will surely lose another piece.
Binalik ko ang tingin sa digital board at pakiramdam ko ay nawawalan ako ng strategy kung anong move ang dapat kong gawin. Kahit saan ko tignan ang pieces ko ay walang kawala. I feel like I am trapped.
“Tarot wins.” The referee announced.
Tumingala ako at napabuga nang hininga.
Dahil sa kawalan ko nang maisip na move, hindi ko naigalaw ang isa sa pieces ko. Ito ang unang pagkatalo ko.
“Caballero, please make a draw.”
Lumipat ang tingin ko sa referee nang marinig ang pagtawag niya sa code name ko. The way the referee smiles at me, I feel agitated. Parang gusto kong punitin ang labi niya dahil sa mala-inosente niyang ngiti.
Why does he have to smile like that? Do I look happy in losing my game?
Sinimangutan ko siya.
I took the draw and surrender another pawn. Another chess piece lost in my set.
Matapos kong makipagkamay sa mapang-asar na kalaban ko ay tumayo ako at lumabas sa game room. Hindi ko na masyadong pinansin ang ibang player na lumabas galing sa kanilang game room.
I lose my game and four chess pieces were now gone.
Nakayuko na lumabas ako ng game area.
Every step I took was too heavy. My body, my mind and my senses. Parang may pasan ako na daigdig sa bigat nito at ngayon ko lang ulit naramdaman na nilalagnat pa pala ako.
“How was the game, Sir?” Narinig kong tanong ng Auxiliar dahilan para lingunin ko siya na sumasabay pala sa akin sa paglalakad.
“As expected, I lose the game and my four chess pieces.”
“I’m sorry to hear that.”
Nagkibit balikat ako bilang sagot dahil down na down ako sa nangyari.
Sabay kaming pumasok sa elevator and as usual ay kaming dalawa lamang ang lulan nito. Sa tingin ko ay ganito na ang set-up kapag papasok sa elevator ang player dahil ganoon din ang nakikita ko sa kapwa ko manlalaro kapag pumapasok sila sa elevator kasama ang kanilang Auxiliar. Kapag naghihintay kami ng elevator ay tanging salitang Occupied ang naka-register sa taas na bahagi ng elevator. Maybe it is to protect each player to hide their hotel room floors.
Nilingon ko ang Auxiliar.
“Why didn’t you wake me up? Why don't you use the doorbell instead of knocking?” Tanong ko na may bahid ng inis.
For four days of staying and playing in Ahedres Hotel ay walang palya sa paghatid sundo sa akin ang Auxiliar at nakapagtataka lang na hindi siya gumagamit ng doorbell. Ako ang nahihirapan sa ginagawa niyang pagkatok sa hotel room ko.
“I was knocking on your door, Sir…” sabay ipinakita ang kaniyang namumulang kaliwang kamao. “…hundred times,” ibinalik niya ang tingin sa nakasaradong pinto ng elevator. “It is an important rule for us not to use the doorbell. We are only allowed to use it if you are a guest of the hotel, not a player."
Napakurap ako sa narinig.
Now I know. Kaya pala hindi niya ginagamit ang doorbell ng hotel room ko. Mukhang kakailanganin ko nang gumamit ng alarm clock para hindi maulit ang nangyari ngayon.
"You should have said it." May pagtatampo na sabi ko.
"It's on the rule number one, Sir." Nakangiti niyang sabi.
Sa sinabi niya ay nadagdagan ang inis ko.
Bakit ba ang hilig ngumiti ng mga tao ngayon?
Yes, it's on the rule number one, ang bawal ma-late. I overslept dahil ang isip ko ay okupado ng pang-bu-busted ni Aina sa akin, idagdag pa na masama ang pakiramdam ko.
Bumukas ang elevator at nauna ang Auxiliar na lumabas ngunit nang iaapak ko na ang mga paa ko palabas ng elevator ay iniangat ng Auxiliar ang kaniyang kanang kamay na tila pinapatigil ako sa paglabas.
Nagtaka ako sa kaniyang ginawa.
"Are you assisting now a player?" Rinig kong boses mula sa labas ng elevator.
Napakunot-noo ako sa narinig na boses.
"Yes, sir. I'll just take him back to his room now." Sagot ng Auxiliar.
"Okay. Good job."
Matapos ang maiksi nilang pag-uusap ay ibinaba ng Auxiliar ang kaniyang kamay at nagsimulang maglakad. May pagtataka na sinundan ko siya.
"Who is he?" Curious kong tanong.
Hindi ako nagkaroon nang pagkakataon na makita ang kausap ng Auxiliar dahil sinigurado niyang hindi ko makikita ni anino nito bago niya ako pinalabas ng elevator.
Nilingon ako ng Auxiliar at tinitigan na animo'y hindi niya alam ang sinasabi ko.
"The one you are talking to outside the elevator, who is he? Is he your boss?" Ulit kong tanong.
Umiling siya. "He's not my boss. He is a great player and the top one of Dieciseis."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Really?"
Wow! The top one of Dieciseis? That's cool!
"Yes, Sir."
"What's his code name?" May halong excitement na tanong ko.
Kung hindi lang ako pinigilan ng Auxiliar ay makikita ko sana ang pinakamagaling na Dieciseis sa lahat. Ano kaya ang itsura niya? Pero base sa narinig kong boses niya, mukha siyang mabait.
"Eagle King."
Just hearing the code name makes my heart beat fast. I don't know why pero biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Papa. Honestly, I don't know his code name in the Brotherhood. Kahit noong sinusundan ko siya ay hindi ko naririnig na sinasabi niya ang kaniyang code name tuwing papasok sa Ahedres hotel. Pero hindi puwedeng si Papa iyon dahil hindi sila magkaboses. Malalim ang boses ng nakausap ng Auxiliar, malayo sa boses ni Papa.
Pagdating namin sa hotel room ko ay nilingon ko ang Auxiliar.
"Can you give me some advice on how to steal a chess piece?"
"Do not be caught by the person you want to rob."
Hindi makapaniwala na tinitigan ko siya. What a great advice.
Napakunot noo ako nang umangat ang kamay niya at may iniabot na maliit na plastic sa akin. Takang kinuha ko ito.
"What's this?"
"Its a medicine, Sir." Sabi niya at nag-bow bago umalis sa harapan ko.
Napakibit balikat na lamang ako at pumasok sa kwarto.
Kahit na nanghihina pa ako dahil sa lagnat ay pinilit ko na magkaroon ng laman ang tiyan ko para inumin ang gamot na binigay ng Auxiliar bago ako humiga sa kama at natulog ulit.
Nang magising ako ay magaan na ang pakiramdam ko kaya't naisipan kong maligo.
Habang umaagos ang maligamgam na tubig sa aking katawan ay rumaragasa sa isip ko ang mga plano kung paano ako magnanakaw ng chess pieces. Hindi ako sanay sa ganitong gawain pero hinihingi ng pagkakataon. Matapos kong maligo ay itinapis ko ang puting tuwalya sa aking baywang at tinuyo ang basang buhok hanggang sa makarinig ako ng tatlong katok mula sa labas ng aking pinto.
Napakunot noo ako.
Is it Auxiliar? Oh, yeah! I forgot to thank him last night for giving me the medicine.
Agad na tinungo ko ang pinto kahit nakatapis lang ako ng tuwalya. Binuksan ko ang pinto at napataas ng kilay nang mapagsino ang kumatok.
"What are you doing here?"
Nagtagpo ang aming mga mata dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. Mula sa aking mata ay napansin ko ang pagbaba ng kaniyang tingin.
Napangisi ako.
Ang gamit kong tuwalya na pampatuyo ng aking basang buhok ay itinakip ko sa kaniyang mukha at hinila siya papasok sa aking kwarto at isinara ang pinto.
"Kyzo! Alisin mo ang tuwalya! Hindi ako makahinga!" Protesta niya at pilit na tinatanggal ang tuwalya sa kaniyang mukha.
Inalis ko ang takip sa kaniyang mukha at nagtagpong muli ang aming tingin.
She's here. My heart is here, again.
I want to slap my face because I feel weak again just by seeing her. Ka-bu-busted niya lang sa akin at heto't hindi nadadala ang puso ko sa pagtibok para sa kaniya.
Iniangat niya ang kaniyang kamay at idinampi sa aking noo, tila sinasalat ang aking temperatura. I saw concern on her beautiful face.
"Mabuti naman at wala ka ng lagnat," Tila nakahinga siya nang maluwag sa sinabi. "Laro tayo." Sabi niya at nalipat ang tingin ko nang itinaas niya ang isang ordinaryong chess board na hawak niya.
Hindi ko napansin kanina na may dala siyang chess board dahil nakatuon lamang ang pansin ko sa kaniyang mukha.
Ibinalik ko ang tingin ulit sa kaniyang magandang mukha.
"Sure." Sagot ko.
"M-magbihis ka muna. B-baka lamigin ka at magkasakit ulit." Sabi niya at umiwas nang tingin sa akin.
Napatingin ako sa katawan ko. "Yeah. Sorry."
I didn't know she's coming kaya hindi na ako nag-abala pa na magbihis sa pag-aakalang ang Auxiliar ang kumakatok. Kung bakit ba naman kasi hindi nagtetext itong si Aina para ipaalam sa akin na pupunta siya. Mukhang nagulat ko siya sa nakita niya.
Nagmamadaling nagbihis ako at halos hindi ako mapakali. Kinuha ko ang pabango at ini-spray sa aking katawan. Naabutan ko siyang inilalabas ang ice cream container sa loob ng refrigerator at sabay kaming naupo sa sofa.
"Before we start our game. Let's make a bet." Sabi niya.
Napalingon ako sa kaniya.
Seryoso ang kaniyang mukha dahilan para makaramdam ako ng kaba at bumilis ang t***k ng puso ko sa kaniyang suhestyon.