Kyzo's P.O.V
"Ano'ng bet?" Tanong ko.
Umayos siya nang upo at binuksan ang chessboard.
"Iyo ang black set, akin ang white set." Pagbabaliwala niya sa tanong ko.
Nagtataka man ay kinuha ko ang black set at sinimulan naming ayusin ang pieces sa ibabaw ng chessboard.
Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan ni Aina. Ang tanging alam ko lang ay wala pa ring humpay sa pagkabog ang puso ko para sa kaniya.
I was weighing if I should pursue her or should I move on but now that I am seeing her again, I know my heart won't listen to my last idea. It keeps on beating and reminding me that I am so in love with her. Masasaktan at madudurog ito kapag pinilit ko na kalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya.
After arranging her pieces, she opened the lid of the ice cream container. She scooped a teaspoon of ice cream at iniumang sa akin. Tinanggap ko ito at tinunaw sa loob ng bibig ko.
"Ano'ng lasa?" Tanong niya.
Hinayaan ko na sakupin ng ice cream ang panlasa ko at ninamnam ang lamig nito bago sagutin ang tanong niya.
"Masarap. Tama lang ang tamis. The texture is softer and I tasted something bitter. What was that?" Komento ko.
"It's a rum."
"Really? An alcohol-infused ice cream, huh?"
"Yeah. Sinubukan ko lang gawin dahil nagustuhan ko ang alcohol-infused ice cream sa party na pinuntahan ko four days ago…" sumubo siya ng ice cream gamit ang kutsara na ginamit ko. "…and it turns out na nagawa ko nang maayos at my first try." She said with a happy tone.
Four days ago… That was the day when I came here to Ahedres Hotel and I saw her with a man. Pakiramdam ko ay kumulo ang dugo ko nang maalala na may kasama siyang lalaki ng gabing iyon ngunit ibang init ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa kutsaritang ginagamit niya na galing sa bibig ko kanina. Napako ang tingin ko sa bawat kilos ng kaniyang natural na mapulang labi.
"Sabi mo hindi ka tumikim ng alak sa party. Alam mo ba na alcohol-infused ice cream ang ipapasok mo d’yan sa bibig mo?" Sabi ko habang nakapako pa rin ang mga mata sa kaniyang labi.
"O-oo. Pero hindi naman ako nalasing. Tinikman ko lang tapos naisipan ko na gawin nalang na kasama ka kaya lang..."
I lifted my gaze to her eyes when she closed her lips.
Ilang segundo na tila hinihipnotismo namin nang tingin ang bawat isa.
Why do I feel this? Like it's starting to cloud my mind and all I wanted to do was to feel and touch her lips, face, and every corner of her body. Am I drunk just by a teaspoon of ice cream?
Binaba ko ang tingin sa mesa nang mapagtantong hindi maganda ang tumatakbo sa isip ko.
"Is this yours?" Tukoy ko sa chessboard.
"Yes."
Ang dala niyang chessboard ay gawa sa kahoy, just like what I use whenever I play with Lolo. Mukhang bago pa ang board o sadyang naalagaan lang ni Aina.
"How do we play your game? May pustahan ba?" I asked.
"Sort of."
"What?" Naguguluhan kong tanong.
"Maglalaro tayo ng normal na chess game but every time we lose a piece, we will do a truth or dare."
"That's it?"
Kung iyon lang pala ang gagawin namin ay walang kaso sa akin. Madali lang ang pinapagawa niya.
"No." Humugot siya ng papel at ballpen sa kaniyang bulsa. Iniabot niya ito sa akin. "Isulat mo sa papel ang gusto mong mapanalunan sa laro natin. Kahit anong gusto mo."
"Really?"
"Yeah. Write down something you want from me and I'll do the same. Siguraduhin mo lang na gagawin mo ang isusulat ko rito sa papel kapag natalo ka. Dahil sisiguraduhin ko rin sa iyo na gagawin ko ang mababasa ko sa papel na iyan kapag natalo ako."
"Okay!" Bahagyang na-excite ako sa game na ito.
Sandaling nag-isip ako.
Every time Aina and I think of a bet, it's all about travel, food, and slave for a day. But this time, I want to make it special.
I wrote down the bet that I want. Tinupi ko ang papel at bumalik ang tingin ko sa kaniya. Tapos na rin siyang magsulat.
"Ano'ng nilagay mo?" I asked.
"Sinulat ko na ilipat mo sa bank account ko ang lahat ng pera mo para ma-experience ko na maging mayaman kahit isang araw lang." Nakangiti niyang sabi.
"Seryoso?"
"Of course not! As if naman na sasabihin ko sa'yo ang bet ko. Talunin mo muna ako para malaman mo."
"Sure! Walang iyakan kapag natalo."
"Huwag ka rin maasar kapag natalo kita."
"I won't let that happen," I smirked.
Since Aina has the white set, she will be the first player to move her piece.
Aina brought her king's white pawn forward two spaces and I brought my bishop's black pawn forward two spaces too. Seems like we have the same idea, to control the center square of the board.
Tahimik lang kaming naglalaro, we take turns in moving our pieces.
While thinking about my next move para malagasan siya ng chess piece, nag-isip ako kung anong dare ang ipapagawa ko sa kaniya kung sakaling dare ang pipiliin niya.
Mag-drawing kaya ako sa mukha niya tapos picture-an ko siya? O kaya utusan ko siya na bumili ng tubig sa convenience store sa baba?
Napangisi ako nang makapili ako sa dalawa ngunit agad din na nawala ang ngisi ko when her white knight ate my black pawn. Shoot! I lost a piece!
"Truth or dare?" She asked, grinning.
Napabuga ako nang hininga.
"Dare," I answered.
"Agad-agad? Ayaw mo ng truth?"
"Gusto ko ng truth pero hindi sa ngayon."
Kung sa labas ng hotel kami maglalaro, pipiliin ko ang truth, pero sa ngayon, hindi ako handa kung ano mang gusto niyang malaman kapag pinili ko ang truth. Mas mainam nang mapagod ako sa dare niya kaysa sa pagpawisan ako na magsabi ng totoo sa maisipan niyang tanong. Lalo na kung tungkol sa pag-stay ko rito sa hotel.
Nagkibit balikat siya. "If that's what you want, then, bilhan mo ako ng mineral water sa convenience store sa baba. Maliit lang." Malapad na ngumiti siya. She even gestured how small the bottle she wants.
Napanganga ako sa sinabi niya.
That was my idea! How did she know that?! Naririnig niya ba ang laman ng utak ko?
"You, what?"
"Ibili mo ako ng maliit na mineral water sa convenience store sa baba." Ulit niya at hindi pa rin inaalis ang malapad na ngiti.
"May tubig sa ref. Iyon na lang." Angal ko.
"Ayoko. Gusto ko iyong mineral water sa baba. Saka huwag ka nga magreklamo, ginusto mo na mag-dare. Dali na! Uhaw na ako." Pagpapaalis niya.
"Pareho lang naman ng lasa ang tubig sa baba at dito sa kwarto ko. I will also give you ten million kapag ang tubig ko rito sa kwarto ang iinumin mo."
Geez! Ngayon na ako ang gagawa ng naisip ko, parang gusto kong batukan ang sarili ko.
My room is located at the 31st floor and it takes a while before I reach the convenience store downstairs. Nakakaasar!
"Ten million, really?!" Gulat niyang sabi.
Tumango-tango ako at malapad na ngumiti. Umaasa na ang tubig nalang dito sa kwarto ko ang iinumin niya.
Ngunit nagbago ang facial expression niya at umiling. "Masama mang tumanggi sa grasya pero kailangan natin sundin ang napagkasunduan. Dare is a dare."
Sinimangutan ko siya at walang nagawa at lumabas ng kwarto.
"Humanda ka talaga sa akin mamaya kapag nalagasan ka ng piece." Salubong ang kilay na sabi ko habang hinihintay ang elevator na dumating sa floor ko.
Nang dumating ito sa floor ko, nagulat ako nang makita itong puno. So I decided to take the freaking stairs!
Mabilis akong nakabili ng mineral water pero halos matuyo na ang pawis ko dahil sa punuan at mga nakapila na sasakay sa elevator. I could take the stairs again pero hindi ko kakayanin hanggang sa floor ko dahil sa sobrang taas.
Bakit ba punuan ngayon ang elevator? Hindi naman ito ganito eh.
I patiently wait for the elevator to come. Hanggang sa makasakay at marating ko ang floor ko. Binuksan ko ang pinto at narinig ko ang boses ni Aina.
"I'll try to ask him. Thank you so much, Shift."
Sinara ko ang pinto at napatingin sa direksyon ko si Aina saka niya tinapos ang tawag.
"Who was that?" Tanong ko habang lumalapit sa kaniya.
"Wala." Napatingin siya sa hawak kong mineral water. "Akin na 'yan." Kinuha niya sa kamay ko ang tubig at agad na ininom.
Bumalik ako sa upuan at kumain ng ice cream.
Nasundan ko nang tingin si Aina nang tumayo at pumasok sa kwarto ko. Paglabas niya, may dala na siyang t-shirt.
"Magpalit ka ng damit. Baka magkasakit ka na naman kapag natuyuan ka ng pawis."
Tinanggap ko ang t-shirt at akmang huhubarin ang t-shirt na suot ko nang magsalita si Aina.
"K-Kyzo, stop flashing your body in front of me." Sabi niya habang nakapaling sa kaliwa ang kaniyang mukha.
"Oh! Sorry. I'll change in my room."
Dali-daling pumasok ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Nang bumalik ako sa upuan ay ang pag-resume ng game namin.
We take turns in moving our chess pieces and I kinda say that Aina is good at playing chess. She has style in playing the game.
I moved my black bishop and ate her white pawn.
Nakangiti na tinitigan ko siya. "Truth or dare?"
Sinimangutan niya ako. "Truth."
I rested my elbows over the table. "Noong kasama mo si Kyla sa office ko, ano'ng reason kung bakit sinabunutan niyo ang college friend ko sa office?"
Until now, hindi ko pa rin alam ang reason and I tried to reach my college friend but seems like she blocked my number.
Nakita ko na halos hindi mapakali ang mga mata ni Aina. "H-hindi ba sinabi ni Kyla sa'yo ang reason?"
"No. Ayaw niyang sabihin sa akin."
Sandaling napakurap-kurap si Aina bago huminga nang malalim.
"Okay. S-she was on a call when we heard that..."
"What?" Tanong ko dahil parang nag-aalangan pa siya sa kaniyang sasabihin.
"That... s-she was just using the promotion to h-have s*x with you inside your office." Sabi niya at tinikom ang mga labi.
My jaw dropped at what she just said.
Really? She wants to have what? Pero wala akong matandaan na gesture ng college friend ko na magbibigay ng hint na iyon ang sadya niya sa akin. Because I know her as a conservative type of woman and a nerd.
"Are you kidding me?" Sabi ko nang makabawi sa pagkabila.
"Sa tingin mo joke time 'to? Kaya nga ako nag-truth, 'di ba?"
"But why would she plan that?"
"Because she's a p*rn star! Gagamitin niya ang makukuha niyang video to upload it on the p*rn site."
I made another jaw dropped.
"I know you're surprised but it's true! Looks can be deceiving, Kyzo. Hindi mo makikita ang tunay na ugali ng tao kung likod niya ang pinapakita niya sa'yo." Seryoso niyang sabi.
As far as I remember, my college friend was bullied because of her nerd look when we were in college. I didn't know the reason she was bullied but I protected her and that's how we became friends. Simula noon ay hindi na siya ginugulo sa university.
I took a deep sigh and smiled at Aina.
"Thank you for saving me."
"Wala 'yon. Isa pa, si Kyla ang pasalamatan mo dahil siya ang unang nakaalam ng hidden agenda ng babaeng 'yon at binantaan niya ang babaeng 'yon na huwag nang magpapakita o tatawag sa'yo. Saka ayokong ma-discover ka sa p*rn site. Babalian talaga kita ng buto kapag nangyari 'yon."
Napailing-iling ako sa sinabi niya.
"Kung hindi dahil sa game natin, hindi ko pa malalaman ang totoong nangyari."
"Yeah. Pero paano kung natuloy ang balak ng babaeng 'yon? Anong gagawin mo?" Sabi niya.
I looked straight through her eyes.
"Of course... Tatanggi ako. Because I want to be owned by the woman I love."
After my confession and rejection, this feeling I have for Aina became stronger. Iyong biglang lumakas ang loob ko na subukang ipakita at ipaalam sa kaniya na kahit binasted niya ako, hindi noon mababago ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Umiwas siya nang tingin at ginalaw ang kaniyang white pawn.
"Let's resume our game." She announced.
"Okay."
We resumed our game and I felt like Aina was being bold by moving her chess piece. Until I lose another piece.
"Truth or dare?"
"Dare."
"Mag-truth ka naman!" Reklamo niya.
I just shrugged my shoulder.
"Tumayo ka." Utos niya.
Sinunod ko ang utos niya.
"Push up ten times habang nakaupo ako sa likod mo." Malapad ang ngiti niya nang sinabi niya iyon bago siya tumayo.
"Ang dali naman ng dare mo. Gusto mo matulog ka pa sa likod ko."
"Yabang mo. Dali na! Tumatakbo ang oras." Nagmamadali niyang sabi.
Walang timer ang game namin pero mukhang excited lang siya na sumampa sa likod ko.
I positioned myself and wait for her to sit over my back. Naramdaman ko ang buong bigat niya nang pumosisyon siya nang payakap sa likod ko. Agad na pinatigas ko ang aking magkabilang kamay at paa para suportahan ang bigat namin. Hindi naman ganoon kabigat si Aina kaya wala iyong problema sa akin. I am used to lifting heavy dumbbells and the gym was my playground.
"Siguraduhin mo lang na makakatulog ako rito sa likod mo." She said while locking her arms around my chests.
I started to push down and up. Down, up. Down, up. Until something was disturbing my concentration. I felt something soft pressing against my back. What the?!
Suddenly, I felt my muscles began to lose their strength and I am starting to freaking sweat. My breathing was uneven, my heartbeat increased, even my sweat started to come out on my forehead. This was new to me and I never felt this before whenever I'm with her and something hot was building inside of my system. Another problem was the thing between my thigh was reacting.
Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin? Damn it!
'Please stay calm, Kyzo. Focus your attention on what you're doing, not somewhere else! Just push up and down,' lihim na saway ko sa sarili.
I gave all my strength to my last count. Agad na umalis si Aina sa likod ko.
"Mabigat ba ako?" Tanong niya.
"O-oo. Kaya huwag mo na ulit iyon ipapagawa sa akin." Excuse ko, dahil kapag naisipan niya ulit na ipagawa iyon sa akin ay baka hindi ako matapos mag-push up.
Trying to calm down, I ate half of the ice cream.
"Kyzo, slow down. Tirhan mo naman ako!" Sabi niya at kinuha ang ice cream container sa kamay ko.
Damn it! Bakit mas lalong uminit ang pakiramdam ko just by eating the half container of ice cream?
"Nakakalasing ba ang alcohol-infused ice cream?" I asked out of curiosity.
Lumunok si Aina at umiling. Nakita ko pa ang pagdila niya sa gilid ng labi niya.
Hindi naman pala nakakalasing ang ice cream pero bakit pakiramdam ko nalalasing na ako?
The heat inside of my body was uncontrollable and I've been swallowing hard because of the thought that worsening my condition right now.
Ilang beses na napamura ako sa isip at inagaw ang ice cream container sa kamay niya saka inaya siya na ituloy ang laro. Maybe it will help me to calm down and stop thinking about the weird feeling in my body. I should divert it because I sensed it will bring me to something that I will regret.
I moved my black knight and removed her white pawn on the board.
"Truth or dare?" I asked.
"Hmm... Dare," she answered with her wide smile.
Suddenly, I couldn't hear anything. Hindi ako makarinig nang kahit anong tunog dahil napakalakas ng t***k ng puso ko. Parang nilamon ako sa ibang dimensyon nang makita ko ang ngiti sa labi niya. I want to feel and taste that lips again.
"Ano'ng gusto mong gawin ko?" Untag niya.
I swallowed hard before I said the dare I want her to do.
"Get a teaspoon of ice cream and feed me using your lips." Seryoso kong sabi.
Nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha sa sinabi ko. "A-are you serious?"
"Why? Mukha ba akong nagbibiro? Leave if you don't want to do it."
Damn it. What am I thinking?
She stood up and seriously looked down on me.
"Fine. I will do it."