KINAGAT ni Catherine ang ibabang labi habang nakatingin siya sa batang nakayakap sa mga binti ni Travis. At kahit na hindi niya tanungin kung sino ang bata ay alam niya kung sino ito. Sa pagtawag na lang nito ng Papa kay Travis ay alam niyang anak nito ang bata kay Lianne. At kahit na pinipigilan ni Catherine na huwag masaktan ay hindi pa din niya napigilan ang sarili habang nakatingin siya sa mga ito. Hindi dahil nasasaktan din siya para sa sarili, kundi dahil nasasaktan siya para sa anak na si Calvin dahil all this years, hindi man lang nito magawang mayakap ang sarili nitong ama gaya na lang nang nakikita niya ng sandaling iyon sa anak nito mula kay Lianne. At alam niyang kitang-kita ni Travis ang sakit na bumalatay sa mga mata niya nang makita niya ang reaksiyon sa mga mata nito

