"K-KASI po, Mommy. G-gusto ko po makita, Daddy ko. Kahit hindi niya po ako love, basta kita ko lang siya, okay na po sa akin." Natigilan si Catherine nang marinig niya ang sagot ng anak sa tanong niya kung bakit ito umiiyak at kung bakit masakit ang heart nito. Noong una ay grabe ang pag-aalalang nararamdaman niya nang marinig niya ang biglang pag-iyak nito. Inakala niyang may masakit itong nararamdamdaman dahil okay pa naman ito kanina, tahimik lang ito sa pagkukulay nito sa coloring book nito hanggang sa narinig niya nag pagku-kwentuhan ng mag-ama. Hinayaan na lang naman niya ang mga ito na mag-kwentuhan dahil alam naman niyang susundin ni Travis ang sinabi niya dito noon, na wala itong sasabihin kay Calvin. Pero sa kalagitnaan ng pagku-kwentuhan ng mga ito ay bigla niyang narinig an

